Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang Balon ng Kahilingan

🇵🇭Chile1204
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.6k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Balon ng Kahilingan

May isang dalaga na nagngangalang Athena na pinagpala na may angking kagandahan. Maagang pumanaw ang kaniyang mga magulang kaya sa murang edad ay namulat na siyang mamuhay ng mag-isa.

Simple lamang ang kahilingan at pangarap niya sa buhay, ang makaramdam ng pagmamahal at maging masaya na kailanman ay pinagkaitan sa kaniya nang maaga matapos pumanaw ang kaniyang magulang.

Ni isang kaibigan na malalapitan at maaasahan ay wala siya dahil simulang namuhay siya ng mag-isa ay matagal na siya dumistansya sa mga tao kahit marami ang nagtangkang magpakita ng interes na makipagkaibigan sa kaniya.

Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng magulang niya ngunit kailangan niyang magpatuloy mamuhay at maging matatag.

Kilala siya sa kanilang bayan dahil sa tinataglay niyang kagandahan. Maraming binata ang mga humanga at nagtangkang magbigay ng interes sa kaniya ngunit lahat na iyon ay hindi niya binigyang pansin. Hindi maiiwasan na may mga mainggit at magselos dahil dito.

Isang araw ay naglibot siya sa bayan nila upang tumingin at bumili ng libro, ang pagbabasa ng mga libro ang isa sa mga kinahihiligan niya. Madalas pumupunta siya sa isang kilalang bilihan ng libro upang maglibang at bumili kaya't kilala siya ng may-ari nito.

Nang araw ding yon ay nagkaroon ng kaguluhan mula sa labas at nakita ang isang karwahe mula sa kaharian ng kanilang bayan. Bumaba dito ang isang prinsipe at isang prinsesa na mapapangasawa niya.

Hindi maiwasan na mapahanga ang lahat ng tao mas lalo na si Athena dahil bihira lamang bumisita sa kanilang bayan ang ilan sa maharlikang pamilya.

Matapos ang pangyayaring iyon ay nagpasyang umuwi si Athena dahil baka abutan na siya ng dilim.

Sa kaniyang paglalakbay, hindi makapaniwala si Athena na makakasalubong niya ang prinsipe na mukhang ibang lugar pa ang pinanggalingan. Bigla siyang yumuko upang bigyan ng respeto ang prinsipe matapos lumapit ito sa kaniya.

Nagpakilala ito bilang Prinsipe Christopher, hindi maalis sa isipan ng prinsipe na siya'y napahanga sa angking ganda ni Athena.

Simula noong pangyayaring iyon ay mas madalas na bumibisita ang prinsipe sa kanilang bayan.

Naging bali-balita sa kanilang bayan ang pagbisita ng madalas ng prinsipe dahil sa isang babae. 

Napagbintangan na si Athena ang babaeng yon, ngunit kailanman ay hindi na siya nilalapitan ng prinsipe matapos ang kanilang huling interaksyon. Minsan na lamang niya ito nakakasalubong sa bayan o sa plaza.

Nakarating ito sa kaharian at nalaman ng prinsesa na mapapangasawa ng prinsipe ang balitang iyon. Hindi mawari ng prinsesa na magtataksil sa kaniya ang prinsipe kaya agad niyang pinadakip sa mga kawal ang pinagbibintangan na babae.

Hindi inaasahan ni Athena na ikakaladkad siya ng mga kawal mula sa kaniyang bahay hanggang sa kaharian. Marami nakasaksi ang pag-aresto sa kaniya, may ilan na pinagbintangan siyang taksil o malandi.

Wala siyang magawa kung hindi ang sumunod hanggang sa makarating siya sa kaharian na may gapos ang mga kamay.

Nang hinarap siya sa may bulwagan ay nakita niya ang galit sa mga mata ng mga maharlika na mapagbintangan na siya ang babae ng prinsipe.

Sinubukan niyang magpaliwanag ngunit walang nakinig at naniwala sa kaniya. Kahit humingi siya ng tulong sa prinsipe na hindi na makatingin sa kaniya at hindi man lang siya pinagtanggol.

Kaya sa huli ay binigyan siya ng parusa kung saan ipinasa sa kaniya mula sa isang babaeng na nagkasala rin.

Ang sumpang wala nang tao ang makakatingin o mahuhumaling sa kaniya. Kung saan ay lahat ng titingin sa kaniya mata ay magiging bato o mas malala ay magiging abo.

Siya ay kinulong sa isang tore sa gitna ng kagubatan na walang makakahanp sa kaniya dahil itinuturing na siyang halimaw dahil sa sumpang mayroon na siya ngayon.

Hindi matanggap ni Athena ang naging mapait na kapalaran niya. Siya'y ang babaeng may sumpa na kinakatakutan na ng lahat.

Taon ang lumipas na mag-isa siyang nakatira sa tore ngunit wala siyang kalayaan katulad ng dati niyang kinasanayan.

Isang kama at salamin lamang mayroon sa tore kaya madalas lamang niya ginagawa ay umiyak hanggang sa makatulog at isipin ang mga bagay kung bakit kailangan niyang pagdusahan ito.

Simple lamang ang kahilingan niya sa buhay, ang mapunan ang mga bagay hindi niya pa nararanasan katulad ng pagmamahal ng kaninuman. Pero bakit kailangan maparusahan siya nang ganito sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.

Hanggang sa isang araw ay may narinig siyang ingay mula sa labas ng kaniyang tore. Nakita niya ang isang katawan ng lalaki na sugatan at wala nang malay.

Nagdalawang-isip pa si Athena kung dadaluhan ba niya ang kaawa-awang lalaki dahil sa kalagayan niya. Kaya kumuha siya ng isang manipis na tela at itinakip sa mata kung sakali mang makita ang mata niya.

Dali-dali niya itong pinuntahan at dinala sa loob ng tore, pinahiga niya ito sa kaniyang kama at ginamot.

Makalipas ng ilang araw ay nagising ang misteryosong lalaki, hindi alam ni Athena ang gagawin dahil taon na ang nakalipas nung huli siya nakakita at makakausap ng tao. Agad niyang isinuot ang tabing sa kaniyang mata bago siya makita ng lalaki.

Nang mapagtanto ng lalaki ang sitwasyon ay bigla siyang nanghingi ng tawad at nagpasalamat kay Athena sa pag-abala at paggamot sa kaniya. 

Wala siyang nagawa kundi patuluyin ito ng ilan pang araw hanggang sa umayos ang kalagayan niya. Nagpakilala sila sa isa't isa at nalaman niyang Mateo ang pangalan ito.

Sa nagdaang araw ay mas nakilala nila ang isa't isa, kung saan nagtutulungan sila upang punan ang pangangailangan nila sa araw-araw.

Nagtagal ang ng ilang buwan pagtuloy ni Mateo kay Athena dahil inamin nitong siya ay hinahabol at gustong patayin sa salang hindi niya nagawa.

Naging mabigat ang pakiramdam ni Athena nang malaman ang nangyari kay Mateo, halos walang pinagkaiba ang sitwasyon nilang dalawa. Parehas silang inosente at pinagbintangan kaya siya napadpad ngayon sa toreng tinutuluyan niya at may sumpa na kinakatakutan.

Naikwento din niya ang naging buhay niya kung bakit siya tila nakakulong sa tore at may tabing palagi sa mata. 

Nagulat si Mateo sa kaniyang nalaman, hindi niya inaakala na makilala niya ang babaeng may sumpa na magliligtas at tutulong sa buhay niya. Ngayon nalaman niya kung bakit humantong si Athena nang ganito. Naiintindihan na niya at agad niyang tinaggap si Athena sa buhay niya.

Matapos ang pangyayari yon ay hindi nagbago ang pakikitungo ni Mateo kay Athena, itinuring niya ito bilang isag normal na tao, na walang dinadala na kahit anong sumpa.

Mas nakikilala pa nila ni isa't isa at hindi maiiwasan ang mahulog ang loob nila at magkamabutihan.

Isang araw ay dinala ni Mateo si Athena sa paborito niyang lugar, ang balon na nasa kalagitnaan ng gubat.

Hindi ito isang ordinaryong balon kundi napakalalim nito at may itinatago itong hiwaga.

Ang balon na ito ay dito madalas na nagdadasal at humihiling si Mateo na kung ano ang gusto niya at makamit.

Dito rin nagtapat ng pag-ibig si Mateo kay Athena at kaniyang tinanggap. Hindi mapalagay ang saya ni Athena dahil kailanman ngayon lang siya nakaramdam ng pagmamahal na ipinagdadasal at hinihiling niya. Hindi niya na aakalain na darating si Mateo sa buhay niya upang iparamdam sa kaniya ang matagal na niyang inaasam.

Agad siya nagpasalamat sa balon kahit hindi siya humiling dito ay dahil ito ang nakasaksi ng pagtupad ng hiling niya sa buhay.

Masaya ang magkasintahan nang araw na yon ngunit hindi nila inaakala na mabilis lang ito mapapawi at mawawala.

Nang tinatahak na nila ang daan pabalik sa tore ay hindi nila inaasahan na makakatagpo nila ang mga taong humahabol kay Mateo.

Sinubukan nilang tumakbo at tumakas ngunit pinapalibutan sila ngunit hindi nila inaasahan na makikila nila si Athena, ang babaeng may sumpa.

Hindi sila nag-alinlangan na sumugod at sinubukan kitilin si Athena dahil sa dala nitong sumpa.

Ngunit isang pangyayari ang makakapagpatigil sa mundo ni Athena. May sasaksak sana sa kaniya ng espada ngunit hinarangan ito ni Mateo at kasabay non ang pagbagsak ng tabing sa kaniyang mata.

Dali-dali sinalo ni Athena ang katawan ni Mateo na puno na ng dugo. Hindi mapigilan ni Athena na mapahikbi habang salo ang katawan ng kanyang minamahal.

Nagsisimula na maghingalo si Mateo ngunit bago pa ito malagutan ay mariin itong tumitig sa kaniyang mga mata at sabay sabing, "Matagal ko nang hinihiling na makita ang magaganda mong mata, Athena." at siya'y nawalan na ng buhay at tuluyan naging bato.

Hindi maiwasan na sumigaw sa sakit at sa galit si Athena nang tuluyan ito pumanaw at naging bato. Dahil sa galit na nararamdam ay hinarap niya ang mga taong dahilan ng pagkamatay ng minamahal niya at ginawa itong mga bato at abo.

Pagkatapos ng pangyayari iyon ay tumakbo  siya  papalayo hindi inaalintana ang panganib sa kagubatan hanggang sa marating niya ang balon.

Ang lugar kung saan niya unang natupad ang hiling nya. Ang lugar kung saan siya naging masaya. 

Nilapitan niya ang balon at hinarap ang espada kung saan ang kumitil sa buhay sa mahal niya. Inakyat niya ang balon at kita niya mula sa baba ang lalim ng tubig nito.

Isinumpa niya dito na kung sino man ang humiling mula sa balon ay makakamtam nito ang mga kahilingan niya ngunit mayroon itong kapalit dahil nais niyang ang sinuman ang hihiling ay matutupad ito at ayaw niyang may makaranas ang naging sitwasyon niyang pinagkaitan ng mga bagay na hiniling niya na binawi sa madaling panahon.