NAKAKAGULAT ang anunsiyo ng Accounting Head nina Carrie. May meeting umano with the CEO lahat ng empleyado ng kompanya.
Mahalagang-mahalang anunsiyo.
"Like a diamond", dagdag na biro ng baklang kaibigan niya. Si Zuma, hindi nito totoong pangalan. Ricardo Kachupa Jr. talaga ang name. Kaya Zuma dahil kasing katawan nito si Zuma na ama Galema. Maskuladong-maskulado. Pero napakalambot ng galaw.
"Ano naman kaya iyan? Ngayon lang ulit nagpatawag ng meeting. As in lahat ng employees talaga", komento naman ni Tally. Isa pang kaopisina na malapit kay Carrie.
"That's what we need to find out later", aniya na hinarap na lang ang trabaho.
Carrie is working as accounting staff sa isang food corporation. Office worker. Hindi gaanong maipagmamalaki para sa kanya. Kung hindi lang talaga siya nangangailangan ng pera ay nunca na magtatagal siya roon. To be an office worker is not an ideal job for her.
Mataas ang pangarap niya. Ngunit parang ang hirap talagang abutin. Unti-unti pa yata siyang inilalagapak sa lupa hindi pa man niya naaangat ang paa upang lumipad.
Graduate siya ng Accountancy. At ilang take na siya ng board exam para maging Certified Public Accountant ay talagang hindi siya makapasa-pasa.
Sa ngayon, pahinga muna siya sa pagbabakasali. Kailangan niya munang magtrabaho because she needs money as like she needs to breathe.
"Siguro naman walang problema, ano? Kasi, as what I gathered from Jason? Malaki ang kinahaharap na problema ng kompanya natin".
Nakuha na naman ang atensiyon niya sa sinabi ni Tally. Ang tinutukoy nitong Jason ay ang boyfriend nitong supervisor sa Marketing Department.
"What is that, girl?" Usisa ni Zuma rito.
Pinaikot nito ang swivel chair paharap sa kanila. "Narinig daw niya na patungo na sa pagdi-declare ng bankruptcy itong kompanya natin".
"No way", saad ni Carrie. "Bankrupt? Maayos naman ang takbo ng kompanya natin, ah? Malakas ang products natin. Lalo na ngayon na palapit na ang "ber" months?" Nababahala niya ng saad.
She can't lose her job. No way. Hirap na nga siya kahit halos patayin na niya ang sarili sa pagu-overtime, paano na lang kung wala na talaga? Maghahanap na naman siya ng bagong malilipatan? Mas mahirap ngayon ang paga-apply ng bagong trabaho. Lalo na libo-libo na naman ang mga fresh graduates. Mas mahigpit na ang kompetensiya.
"Oo nga", sang-ayon ni Zuma. "Saan naman tayo pupulutin nito kung magkakatotoo iyan? Kahit pa may seperation pay? Sasapat ba?"
"Magdasal na lang tayo, friends".
Natigil sila sa pag-uusap nang pumasok sa opisina ang head nila. Hinarap na nila ulit ang trabaho.
Napabuntong hininga si Carrie. Nababahala siya sa nabalitaan mula kay Tally. Siguro naman reliable si Jason bilang source ni Tally sa balitang iyon.
Kung mangyayari man iyon, dapat ihanda na niya ang posibilidad. Kailangan na niyang gumawa ng updated resumé.
Kung mawawalan siya ng trabaho? Paano ang mommy niya? Hindi pwede na maubusan ito ng gamot na iniinom. Paano na sila mabubuhay?
Napatingin siya sa litratong nasa mesa niya. Katabi ng pen handler.
Daddy, wished you were here.
Kung buhay lang sana ang daddy niya hanggang ngayon. Hinding-hindi sila maghihirap ng ganun ng mommy niya. Masagana pa rin sana ang pamumuhay nila.
Her father died three years ago. Atake sa puso. Dead on the spot. Bigla na lang daw itong natumba habang nasa constraction site ng gusaling kasalukuyan nitong tinatrabaho.
Her father, Calixto Llason was an architect. Senior architect sa isang sikat na architectural firm ng bansa. Marami ng napatunayan. Halos parte ang kaalaman at husay nito sa mga gusaling nagtataasan sa Metro Manila.
At nag-iisang anak si Carrie. Her mother was a loving and sastified housewife. Larawan sila ng masaya at kontentong pamilya. Hindi na nasundan si Carrie after mabuntis ng mommy niya sa kanya. Maraming beses nakunan ang mommy niya dahil maselan itong magbuntis. Pangatlong beses pa muna bago nagtagumpay sa kanya. Kaya mahal na mahal siya ng mga ito. Mahal din niya sobra ang mga magulang. Sobra.
Kaya nang mamatay ang daddy niya sobrang nawala sa sarili ang mommy niya. Nagkaroon ng nervous breakdown. Ilang buwan hindi nakausap. Ang sabi ay nasa in-denial stage lang daw. Kapapasok lang niya noon sa in-apply-an niyang bangko. Kaya para maalagaan ang ina ay nag hire siya ng private nurse para mag-alaga rito.
Lumipas ang mga buwan. Walang pinagbago ang mommy niya. Paubos nang paubos na rin ang pera na naiwan ng daddy niya sa kanila. Kahit ang mga assets nito ay halos naibenta na niya. Malaki ang nalalabas niyang pera kahit may trabaho naman siya. Kailangan niyang magbayad sa nurse, mag bayad sa psychiatrist na tumitingin sa ina. Kailangan din niyang bilhin ang mga gamot na nireresita nito.
Nagsuggest na rin ang doktor na ilagak na sa mental heath center ang mommy niya. Malinaw na raw na nabaliw na ito. Kahit halos mga kamag-anak nila iyon din ang sinabi.
Subalit hindi ginawa ni Carrie. She can take care of her mother. Naniniwala siya na isang araw ay babalik ito sa sariling huwesyo. Na pareho silang lalaban dalawa kahit wala na ang daddy niya.
Hanggang ang buwan ay naging taon. Ganun pa rin ang mommy niya. Mas lumala pa yata. Hindi naman maligalig. Pero isa lang ang malinaw. Baliw na nga ito.
At wala ng pera si Carrie. Ang tanging naiwan na lang sa kanila ay ang bahay. Lahat ng ari-arian na napundar ng daddy niya ay naibinta na niya.
At ang tanging nagpapakalma na lang sa sakit ng mommy niya ay ang gamot na iniinom nito. Wala na ring private nurse na mag-aalaga rito. At kapag nasa trabaho siya ay kinukulong na lang niya ito sa bahay nila upang hindi makalabas dahil sa takot niyang mawala ito. Binilinan na rin niya ang guard ng subdivision na baka makita kung saka-sakali ang mommy niya ay huwag palabasin sa lugar nila.
Awang-awa siya sa mommy niya. Awang-awa siya sa kalagayan nila. Awang-awa siya sa sarili.
Bakit nangyayari ang ganoon sa kanya? Ang lupit ng sinapit ng buhay nila. Maka Diyos naman siya, hindi nga siya nagmumura. Naging mabuti siyang tao at anak.
Kung parusa iyon ay hindi niya maiitindihan ang Diyos kung bakit binigay ang ganoong parusa sa kanya.
DAHIL MEDYO MALAYO ANG pinagtatrabahuan ni Carrie na nasa Makati mula sa bahay nila sa Pasay ay kailangan niyang sumakay ng tren araw-araw. Parati na lang siyang nagmamadaling umuwi pagkagaling sa opisina. Kahit kung anu-ano pang pang-iimbita ang gawin sa kanya nina Zuma at Tally na mga lakad pagkatapos ng trabaho ay hindi niya pinauundayanan.
Kailangan niyang umuwi ng maaga araw-araw mula sa trabaho dahil ang mommy lang niya ang nasa bahay. Mag-isa ito doon. Nakakulong. Hindi naman ito magugutom. Nag-iiwan siya ng pagkain sa mesa.
Lahat ng pwede niyang patayin sa bahay ay pinapatay niya. Tulad ng lutuan lalo na. Kahit ang plangka ng kuryente. Ang puspuro ay itinatago niya. Kung may maisipan man ang mommy niya na gawin sa loob ay wala na itong magagamit na delikado.
Nang makababa ay agad siyang tumungo sa sakayan ng tricycle patungo sa subdivision nila. Ang subdivision kung saan ang bahay nila ay isa sa napakalaking proyekto ng daddy niya. Doon na rin siya lumaki. Kaya kilala siya roon.
Hindi pwedeng pumasok ang sinasakyang tricycle sa loob kaya hanggang gate lang siya. Bumaba na siya at nagbayad. Lalakarin lang niya ang bahay nila. Hindi naman ganoon kalayo. Sa Saturn Street ang sa kanila.
"Carrie!" Tawag sa kanya ng guwardiya sa guard house.
Kumaway lang siya nang makapasok. "Manong Jim!" Bati lang din niya rito.
"Hatid na kita?" Offer ng may katandaang lalaki.
"H'wag na ho. Maglalakad na lang ako". Tanggi niya. May scooter ito roon. Gamit ng mga guwardiya kung kailangang maglibot sa buong lugar.
Nagmadali na siyang maglakad. Natutuwa siya sa mga guards doon. Mabait lahat ang mga ito sa kanya. At dahil sa pakikitungo ng mga ito ay mas kinakaawan niya ang sarili. Halos lahat ng mga tao roon sa kanila ay naaawa sa kanila ng mommy niya.
May kapitbahay sila na halos inaabutan na sila ng pinansiyal at makakain. Nahihiya si Carrie. Subalit nilulunok niya lahat ng pride na natitira. Alam niya sa sarili na kailangan niya ang awa ng mga tao sa paligid. Hindi niya kakayanin mag-isa ang lahat. At laking pasalamat niya pa rin sa Diyos na may mga taong nagbibigay importansiya sa kanila ng mommy niya.
Nakarating na siya sa bahay nila. Sa street na iyon, bahay nila ang pinakamaliit. Dalawang palapag. At kahit kanila ang pinakamaliit ay sila naman ang may pinaka classic ang design. Siniguro ng daddy niya iyon.
Malaki ang garahe nila at wala na ring silbi. Naibinta na rin niya ang tatlong kotse nila. Matagal na.
Binuksan niya ang gate na bakal. Ano na kaya ang ginagawa ng mommy niya?
Isinara na niya ulit ang gate. Nilagay sa ilalim ng paso'ng wala namang bulaklak, lupa na lang sa gilid, ang susi. Tumungo na rin agad sa pinto at binuksan ang mga lock.
Nang mabuksan niya iyon ay agad na sumalubong sa kanya ang nakasulasok na amoy mula sa loob ng bahay. Muntikan pa siyang napaduwal dahil sa napakabahong amoy na iyon.
"Mommy", tawag niya sa ina. Nakangungo dahil pindot-pindot niya ang ilong. "Mommy!" Pasigaw na niyang tawag.
Nasaan ba ang ina? Baka nasa itaas? At alam na niya kung ano ang amoy na nasa paligid.
"Baby Carmela!"
Narinig na niya ang tugon nito. Muffled. Nasa banyo malamang. Agad siyang napasugod sa doon na katabi ng kusina. Naroon ang mommy niya. Nakatalikod mula sa pinto na hindi nakasara. Walang pang-ibabang saplot. Nilapitan niya.
"Hey, Mom. What's up?" Tanong niya. Nakaharap ito sa sink. Parang naglalaba.
"Baby. I'm shy. Go away".
"What's that?"
"I'm washing my panty".
"What happened?"
Humarap ito. "Baby, nag popo ako. Akala ko utot lang. Tae lumabas, eh". Parang batang paslit na amin nito.
"It's okay, Mommy. Let me finish that. You need to clean yourself and go upstairs, okay?"
"Okay".
Pumasok na rin siya sa banyo at binuhos ng todo ang gripo. Itinapat doon ang mga damit nitong nasa sink na may dumi. Naghubad ang mommy niya ng damit. Tumapat sa shower at naligo na tumalon-talon na parang bata. Sinama na rin niya ang damit na kahuhubad lang nito. May bakas din ng dumi nito roon. Inapak-apakan niya ang mga iyon habang buhos na buhos ang tubig upang matanggal doon ang soiled waste ng mommy niya.
Nang wala nang makitang dumi ay nilapitan ang ina at siya na rin ang nagpaligo rito ng maayos. Pagkatapos ay binalot ito ng robang nakasabit doon saka dinala sa itaas ng bahay. Binihisan ito ng pantulog.
Sinusuklay na niya ang buhok nito sa harapan ng tokador. "Mom, I need to go downstairs. To prepare our dinner, huh?" Hinalikan siya nito sa sentido.
"You'll leave me?"
"No. Of course not".
"Balik ka rito, ha?" Anito na umuungot na lang na parang batang naglalambing.
"Oo naman. Wait me here". Binigay niya ang suklay rito. "Suklayan mo muna ang buhok mo".
Tumalima naman ito. Nagmamadali na siyang bumaba. Mabahong-mabaho pa rin ang buong bahay sa ibaba. Hinanap niya ang pinanggalingan niyon. Nasa tabi pala ng sofa. Naroon ang bangungot niya. Nag-isip muna siya kung paano niya maaalis iyon doon.
Nang may ideya na ay tumungo siya sa banyo at kinuha ang damit ng mommy niya na hinubad nito. Iyon ang ginamit upang madampot ang bangungot na nasa tiled floor. Pindot-pindot ang ilong niya na dinala iyon sa banyo at binuhos na naman ang gripo saka doon tinapat ang hawak. Bumalik sa sala na dala ang spray na may fabcon. Inisprayhan ang pinanggalingan ng bangungot. Buong bahay na rin. Hindi siya tumigil hangga't hindi nag-aamoy fabcon ang buong paligid.
Pagkatapos ng ginawa ay tumungo na naman siya sa kusina upang makapagluto na ng hapunan. Tiningnan sa ref ang mga stocks niya kung ano ang pwedeng lutuin. Nang marealize na wala na pala siyang mahihita roon. Lipat siya sa cupboard. Naroon ang mga de lata niya. Galing pa iyon sa brand ng pinagtatrabahuan niya.
Nagsaing na lang muna siya ng kanin. At habang hinintay maluto, naglista siya ng supply para sa isang buong kinsena nila sa bahay. Buong talino na ang inalay niya sa pagbudget niya sa padating na sweldo. Mga dapat bayaran, tulad ng kuryente at tubig. Ang gamot ng ina ay sa pension na natatanggap nila buwan-buwan kinukuha.
Nailapag niya ang ballpen. Dinikit sa ref ang isinulat. Napabuntong-hininga. Gano'n na parati ang lifestyle niya. At hindi niya alam kung hangga'ng kailan siya magiging ganoon. Nahihirapan na siya. Buong pagtitiis at pikit mata lang niyang ipinagpatuloy ang buhay.
Para sa mommy niya.
Mayamaya pa ay tapos na siya sa pagluluto ng hapunan nila. Binalikan niya sa taas ang mommy niya. Naroon pa rin ito sa harapan ng tokador. Doing the exact picture that she instructed to her a while ago. Nagsusuklay pa rin.
"Mommy", tawag niya rito.
"Baby Carmela", tugon nito. Nakatitig sa repleksiyon nito sa salamin. "Baby, am I pretty?"
Bahagya siyang natawa. "Of course, Mom. Super".
Bigla itong pumalakpak. "Sabi ko na, eh. Kaya love na love ako ni Cal". Hinaplos nito ang mukha niya. "They said, you look like me".
"Syempre. I'm your daughter".
"You're the most beautiful girl for me, baby Carmela".
Niyakap niya ito mula sa likod. "I love you, Mommy. Come back to me, please", nanginig ang boses niya dahil pasimula na siyang umiyak.
Hinaplos nito ang ulo niya. "Baby, did I go anywhere? I will not going anywhere. Your dad is coming soon".
Napaiyak na siya nang tuluyan. Mas hinigpitan ang pagyakap dito. "Dad's not coming home. Anymore. I'm sorry".
"That's not true. He'll coming soon. Baby Carmela?"
"Yeah?" Tiningnan na niya ito mula sa repleksiyon sa salamin.
"Did he hurt you?" Malambing na tanong nito. Masuyong-masuyo ang haplos.
"Who?"
"Sian? You love him. You really, really love him. Your dad did not know about it. But I knew your little secret. That guy made you so much happy. Kaya hindi kita sinumbong sa daddy mo kapag nakikita kitang lumalabas ng bahay tuwing gabi kahit late na, eh". Tinudyo siya nito. Aktong kinikilig.
Natawa na lang din siya. "Sian? Do you like him for me?" Mas napaiyak siya.
"Yeah! He is so pretty boy. But you're still young. He's too old for you".
Napalunok siya. "But he love me, Mom. There's no old and young for love".
"Ahwww". Piningot nito ang pisngi niya. "Dalaga ka na, my baby Carmela".
Bumitaw siya rito. "Halika na. Let's eat". Hinila na niya ang kamay nito upang mapatayo.
"We need to wait your Dad", ungot na naman nito.
"No. Dad's not coming home".
Nagpahila na ito. Binalewala ni Carrie ang napakabigat na tila nakadagan sa dibdib niya.
IPINATAWAG NA ang lahat ng empleyado ng SanDiego Corp. Tumungo na raw silang lahat sa conference room. Nagsusuklay na si Carrie ng buhok niya.
Lumapit si Zuma. "Halika na. Huwag masyadong magpa-pretty. Masyado ka nang maganda, bakla".
"Para nagsuklay lang, eh". Tumayo na siya. Pinagpag muna ang palda niya upang mawala ang kusot. "Where's Tally?"
"Eh, nasaan pa? Nakabuntot doon sa jowa niya".
Lumabas na sila ng opisina. Sila na lang ang naroon. Nauna na sa conference room ang mga kasamahan.
Nang makapasok sa ay puno na halos ang buong kwarto. Sa pinakahuling upuan na lang ang bakante. Kompleto sa harapan ang mga board members.
"Napaka importanteng meeting nga siguro ito. Kompleto ang squad", saad ni Zuma sa kanya. Nilapit ang bibig sa tapat ng tenga niya.
May dumating, ang CEO at ang executive assistant nito. Natahimik ang lahat nang mga nag-uusap.
"Good morning sa inyung lahat. Alam namin na nagtataka kayo kung bakit pinatawag namin kayo bigla. But this is so important". Pasimula ni CEO Dondon Esnira. "I would say na fair lang kung malaman ng lahat ng empleyado ng SanDiego Corp. na Sandiego clan is no longer the owner of this company".
Napuno ng bulungan. Nagkatinginan sila ni Zuma. Pareho'ng namilog ang mga bibig sa pagkagulat.
Si Raul Sandiego? Hindi na ang founder?!
"How come?" Wika ni Zuma.
All ears na naman ang lahat nang magpatuloy si Dondon Esnira.
"The SanDiego Corp is now under the power of Guererro Enterprises. Kaya may bago na tayong pinagsisilbihan. Huwag kayong mag-alala. There's some changes pero hindi maaapektuhan lahat. Kaya patuloy lang tayo sa pagta-trabaho ng maayos".
Tila nabunutan ng tinik si Carrie sa dibdib. "Salamat naman".
"Oo nga", saad din ni Zuma. "Paano na lang ako kung waley na akong pera?"
"So, today, we're going to meet the founder of Guererro Enterprises personally. Ang bago narin nating founder". Tumingin si Mr. Dondon sa relo. "Any moment nandito na siya".
Napuno na naman ng usapan sa paligid. Puro nagtatanong kung sino nga ba ang taong magiging big, big boss na nila.
"I think I heard that billionaire", ani na naman ni Zuma.
"Really? Saan?"
"Sa business magazine. Marami na raw iyang naka date na mga artista. Kaso walang artista na magpapatunay na naka date nga nila ang lalaking iyan. Kung may nakakuha man ng mga litrato ay iyong hindi naman maaninag".
"Pa mysterious? Bakit naman? Kung pinili niyang maging bilyonaryo dapat alam na niyang dudumugin siya ng mga tao sa bansang ito".
"Hindi siya si Mysterio, shunga. May mga litrato naman siya na kasama ang mga very important person dito sa bansa natin. Kaya lang marami kasing nagki-claim na mga babaeng echosera sa balat ng showbiz na nai-date raw nila ang taong iyon. Kaya medyo strict siya sa katauhan niya".
"Whatever", nagkibit siya ng mga balikat. Poproblemahin pa ba niya ang existence ng ibang tao sa dami ng pasanin niya sa buhay?
Hindi na siya nagsalita. Kaya ang bakla nakipag-usap sa katabi nito sa kabila.
Nag scroll siya ng cellphone. Nagti-text kay Maring. The maid from their neighborhood. Ang katapat ng bahay nila. Ibinibilin niya sa katulong na iyon na kung pwede na matingnan-tingnan naman ang bahay nila. At kung may mapapansin na kakaiba ay agad na magtext sa kanya.
Baka kasi kung ano ang maisipan ng mommy niya sa loob. Makahanap lang talaga siya ng perang malaki-laki ay dadalhin na niya ang ina sa mental health facility.
Tanggap na niya ang katotohanan na mas malinaw pa sa sikat ng araw na baliw na ang pinakamamahal niyang ina.
May komusiyon na naman ang paligid. Kaya napatingin si Carrie sa pinto. Bumukas ang iyon at niluwa doon ang dalawang lalaking naka amerikana. Malalaking tao. Hindi agad pumasok, nasa bukana ng pinto tumayo. Parang mga security men.
Napatayo ang mga board members na nasa harapan nang may isa pang taong pumasok sa loob.
Deri-deritso ang mga hakbang. Malaking tao rin. Itim lahat ang amerikana at kahit ang pang-ilalim. Natuod halos lahat ng tingin ng mga tao roon sa conference room sa bagong dating.
Sinalubong ito ni Mr. Dondon, kinamayan. Pati na lahat ng mga board members na nakatayo roon.
The man who entered the room was so sure of himself. Intimidating and so balanced. Bawat galaw ay mabibigat at sigurado. Nagmumura ang personality.
Humarap ang lalaking bagong dating sa kanilang lahat.
And its time for Carrie to gasped.
SIAN...
"Ladies and gentlemen. I would like to introduce you the new owner and founder of SanDiego Corp. Mr. Dexter Guererro".
Namanhid yata ang utak ni Carrie habang nakatingin sa lalaking nasa unahan at ipinakilalang bagong may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya.
The man was...
Oh, my God. Sian...
It feel so paralyzing. Paano nangyari ang lahat? Bakit nasa harapan niya ngayon... si Sian?
Nagpalakpakan ang mga tao. At hindi magawang sumabay ni Carrie. Hindi pa nababalik ang utak niya sa katinuan. Hindi mapantayan ang gulat niya dahil sa taong nasa harapan ngayon.
Mr. Dondon give the floor to the man. Tumikhim ito bago nagsalita. Stand tall, chin-up. Confident and calculable. Tila ba sinasabi sa nagmumurang personalidad na bawat lalabas sa bibig nito roon ay napaka-importante sa kahit ano pa man.
"Again, I am so glad to meet all of you", pasiuna nito. Nakakapanginig ang tibre ng boses. Malamig, sobrang baba pero siguradong-sigurado ang taong nagsasalita. "I know you are shocked about it. But the Sandiego's were no longer part of this institution. It is really hard to accept it, especially some of you served them for how many years. Unfortunately there is some circumstances that we did not expect. And I am a businessman. I negotiated terms most especially for the good of my company and for my people. At mahirap tanggihan ang korporasyon na ito".
He paused for a while. Nilibot ang tingin sa lahat ng mga nakikinig dito.
Napayuko agad-agad si Carrie. Pakiramdam niya nakatingin sa kanya ang lalaki. Kahit malabo naman na makita siya nito. Nasa panghuling hanay na sila ng upuan. Natatabunan na sila ng lahat ng nasa unahan.
"And as the new owner, umaasa ako na ganoon pa rin kayo. Kung paano niyo pinagsilbihan ng maayos ang dating may-ari, I expect you to do the same for me. At kung hindi kayo sang-ayon sa mga magiging patakaran ko at sa akin? The door is open, your are free to leave in my company".
Napalunok si Carrie. Ang taong nagsasalita sa harapan ay hindi ang taong kilala niya. Malayong-malayo.
Hindi ito si Sian.
Pumalakpak na naman ang lahat. Tapos na sa pagsasalita ang bagong may-ari ng SanDiego Corp.
"Huy".
Napaigtad siya nang may tumulak sa kanya sa tabi. Si Zuma.
Nangunot ang noo ng bakla habang nakatingin sa mukha niya. "Okay ka lang? Ba't naiiyak ka, girl?"
Nahugot niya ang hininga. Naiiyak siya?
"Huy", sabi na naman nito. May pagyugyog na sa kanya.
Napatingin siya sa unahan. Wala na roon ang taong dahilan ng panginginig niya.
"Carrie, okay ka pa ba? What's wrong with you, girl? Halika na. Babalik na tayo sa trabaho. Tapos na ang meeting".
She composed herself. Nagtataka na ang kaibigan sa inaakto niya. Pinahid niya ang mga mata. Kahit na nanginginig ang mga tuhod niya ay tumayo siya.
"Let's go", tinalikuran niya bigla ang kaibigan.
"May pagka-aning talaga ang babaeng 'to", nasabi na lang ni Zuma. Nakasunod naman sa kanya.
Dexter Guererro? Paanong naging Guererro ang apelyido nito? Ito si Dexter Sian Subespo!
Bago bumalik sa opisina ay dumaan muna siya sa restroom. Para mas hamigin ang sarili. Nakakagulat ang mga rebelasyon. Hindi lang dahil bago na ang may-ari ng kompanyang pinagsisilbihan niya.
She knew the guy! She new Dexter, but not the guy which the new big boss.
Ibang Dexter. Ibang Dexter ang kilala niya. Ang kilala niyang Dexter ay tinatawag niyang Sian. That's his second name.
The Sian she knew was cool, funny and smart in a comic way. Magaan lang lahat para sa lalaking iyon. May nakahandang ngiti para lahat. Lalo na kung kaharap si Carrie. Walang pera dahil hindi naman ganun kalaki ang kita ng isang bokalista ng banda. Sian could sing like heaven. He could play his guitar like a teardrop.
Kanina, sigurado siya na iyon si Dexter Sian. Wala namang pinagbago sa kabuuan nito. Mas lalo lang naging malakas ang dating. He still had that good look that so much to endure. Mas naging malakas at powerful pa nga ang sex appeal. Mas napangalandakan pa iyon dahil sa personality nito.
Kaya alam niya, sigurado siya. Ito si Sian. Subalit paano nga naging Guererro ito? At bakit sa kabila ng kakaibang personalidad ng lalaki ay napakadilim ng pagkatao nito? Kakaiba ang mga mata. Mukhang... nakakatakot.
Nakatayo ang lalaki sa harapan kanina. Malayo sa kanya. Subalit ramdam niya ang kakaibang bigat ng katauhan nito. Ang mga mata. Kakaiba ang kislap. Iyon ang malaking kaibahan. Tila ibang tao na ito mula sa pagkakakilala niya rito noon.
And he is back. He is supposed to be in jail. Paano ito naging businessman? Hindi lang simpleng businessman.
A billionaire! A billionaire indeed. He can afford a company, a corporation which is cost of how many million folds.
What is really happening? Tiningnan niya ang repleksiyon niya sa salamin.
May mga pumasok roon. Dalawang babae. Napatingin sa kanya. Bahagyang ngumiti.
"Ang gwapo ni Mr. Guererro", anang isa. "Shit, sino kaya girlfriend niya?"
"Nakakaloka, day. Napaka lakas ng dating. Para akong nagtatrabaho kay Christian Grey", komento naman ng isa. Pumasok sa isang cubicle roon.
"Oo nga, eh! Pero walang totoong Christian Grey, day. Ilusiyon lang iyon. Ito, ang bagong big boss natin totoong tao. Ang lakas ng datingan. At ang seryuso. Katakot, pero nakakapangilabot ang mga tingin".
"Agree. Kung naging girlfriend ako nun? Hindi ko titigilan iyon gabi-gabi".
Nagtawanan ang mga ito dahil sa pilyong biro. Lumabas na si Carrie doon. Bumalik na siya sa sariling opisina niya nang mahimasmasan.
Agad siyang sinita ni Zuma. "Saan ka galing, hija?"
"CR lang". Hinarap na niya ang computer desk.
"Ano bang nangyari sa'yo? Sabi ni bakla ay para kang nanginginig kanina. At naiiyak ka pa?" Tanong sa kanya ni Tally.
"Ah, wala. Baka gutom lang siguro ako".
"Talaga? May suman na baon ako rito? Gusto mo?"
"No, no. I'm fine. Malapit na din naman ang lunch".
"Ikaw ang bahala".
Biglang bumalandra ang pinto ng opisina nila. Niluwa ang tarantang head. "Mr. Guererro is coming!"
Bigla silang napatayo lahat mula sa kanya-kanyang cubicle nang patungo na nga roon ang bagong boss nilang lahat. Kaagapay si Mr. Dondon at ang assistant nito. Nakasunod din ang dalawang tila security ni Mr. Guererro.
Bumalik ang panginginig ni Carrie na kanina ay nawala. Napayuko siya. Yukong-yuko.
"This is the Accounting Department, Mr. Guererro. Mrs. Chavit is the head", sabi ng CEO nila.
Hindi magawang i-angat ni Carrie ang tingin. Takot siyang makita roon ni Sian. Takot. Iyon ang totoong nararamdaman niya.
Paano niya sasalubungin ang tingin ng lalaki matapos ang nangyari mga sampung taon na ang nakararaan?
"Welcome Mr. Guererro". Halos sabay-sabay na bati ng mga kasamahan ni Carrie sa lalaki.
"Thank you. Well, I know that you're doing your job so fine. But if you can still improve it more? Just do it. I need you to exceed my expectation from you. I don't want a better team. I am looking for the best team. Got it?"
Kahit nakayuko si Carrie ay sinikap niyang tingnan ang lalaki. Nakatayo ito sa gitna. Nakapamulsa. Matayog. Sinuyod ang tingin isa-isa sa mga taong naroon.
Nag landing sa kanya ang tingin.
Nahugot niya ang hininga. Ang dapat niyang gawin ay magbaba ng tingin. But she did not. She can't look away. Kahit ang totoo ay ang bigat sa pakiramdam ng epekto ng mga mata nito.
But he's the one who just look away. He did that for just a glance. Like she just a nobody. Na tila hindi siya nito kilala. Na walang bakas na kilala siya nito. Tumango lang ang lalaki para sa lahat at tumalikod na rin kaagapay si Mr. Dondon.
Nanghihina na napasalampak lang siya sa upuan niya habang ang iba ay kanya-kanya ng reaksiyon patungkol sa lalaki.
"Grabe! Makalaglag panty ang tingin ni Mr. Guererro".
"He had all the personality in the world. An epitome of an alpha male!"
"Nagmumura ang masculinity!" Tili rin ni Zuma.
"Hindi ko ipapalit ang lalaking iyon kahit pa si Piolo o Dingdong ang manligaw sa akin". Si Tally naman.
"Huy, may Jason ka na, bruha".
"Bahala siya sa buhay niya".
Nagtawanan ang mga ito. Mayamaya ay pinuna si Carrie.
"Carrie? Okay ka lang ba talaga?" Tiningnan lang niya si Zuma na nagtanong sa kanya.
Bahagya lang siyang tumango. "Yah. Of course. I'm fine". Baling siya ulit sa computer screen. Ginawa ang lahat ng makakaya upang matuon sa trabaho ang buong atensiyon.
Dumating ang uwian nila ay hindi pa rin magawang bumalik sa normal ang lahat kay Carrie.
Parating tumatakbo sa utak niya ang mga katanungan kung paano naging isang bilyonaryo si Dexter Sian. And it seemed like he is a different from a person she knew.
How come he is a Guererro now? He is Subespo. Apo ni Lolo Tebor na kilalang tubero sa buong bayan ng San Agustin, Tarlac.
A revelation, nakakapanghina ng utak . At loob na rin. Lalo pa at nakikita niya sa buong pagkatao ngayon ni Dexter Sian ang galit.
Alam niya. Galit ang nakikita niyang kislap ng mga mata nito. Masyado iyong magnified.
"Uuwi ka na talaga, Carrie?" Tanong sa kanya ni Zuma.
"You knew I need to", sagot niya habang hinahanap ang coin purse sa bag. Kailangan niyang ihanda iyon.
"Grabe naman. Hindi ko na talaga maalala ang huling beses na sumama ka sa aming gumimik".
"Actually wala pala". Ningisihan niya ang kaibigan.
Nagkayayaan na naman ang mga itong lumabas. Celebration daw dahil ang akala ng mga ito ay mawawalan na sila ng mga trabaho dahil nga sa malaking problemang kinahaharap ng kompanya nila.
"Tinatanong ka sa amin ni Ben, Rj at Rocky, eh", sabi naman ni Tally.
"Me? Why?"
Naglalakad na sila palabas ng gusali.
Nagtinginan ang mga ito. May kasama pa silang ibang officemate. Kasabay ng dalawang lalabas. Ang tinutukoy ni Tally ay mga taga Marketing Department na kasamahan ni Jason.
"Interesado sa'yo, gaga!" Singhal sa kanya ni Zuma.
"Bakit? I don't see any reason why they got to be interested about me?"
"Hay naku talaga itong si Carrie, oo", anang isang kasamahan nilang naroon. "Every guy would get interested about you when they laid eyes on you".
Napakunot noo siya sa mga ito. Lumapit si Zuma sa kanya. Hinaplos ang buhok niya. "Carmela dear. Ewan kung nagmamaganda ka lang o hindi mo talaga alam?"
"Alam na?"
"You are really beautiful, Carmela. Nang magbuhos siguro ng kagandahan ang langit, isang drum ang pinansahod mo at nasalok mo lahat".
Mas nangunot ang buong mukha niya sa mga pinagsasabi ng mga ito. "Oh my gosh! That's too much metaphor. I need to go, guys. Enjoy your night". Isa-isa niyang pinagyayakap ang mga ito bago talikuran.
Naglakad na siya dereksiyon kung saan papuntang station ng tren. May biglang huminto na magarang sasakyan sa harapan niya.
Naramdaman na lang niyang may taong dumaan sa tabi. Nalaman na lang din niya na ang bagong boss pala.
Si Dexter Guererro. Nakasunod sa mabilis na paglalakad nito ang dalawang naka amerikanang body guards. Ang mga ito ang sasakay sa kotseng nakahinto. Pinagbuksan si Dexter ng isang lalaki.
Nahugot na lang niya ang hininga. Para siyang alikabok sa hangin. Sa sobrang tayog na nang kinalalagyan nito ay hindi na nito magawang yumuko upang pagtuunan ng pansin ang katulad niya.
Hindi niya maituloy ang pag-alis. Nakahinto siya roon habang nakatingin sa itim na sasakyan na nasa tapat niya. Na para bang nasisilip niya ang nasa loob. Samantalang repleksiyon naman niya ang nakikita dahil sobrang tinted ng mga salamin.
Nasundan na lang niya ng tingin ang sasakyan hanggang umandar na iyon paalis.
COME UP TO MEET YOU, tell you I'm sorry.
You don't know how lovely you are.
I had to find you, tell you I need you.
Tell you I set you apart...
Nanatiling nakatayo ang babae sa tapat ng kotse. Dexter seeing her from the outside through the dark tinted glass of his car.
The loveliness and the ravishedof her face were always there. Never fades. Kumukulikot sa utak niya kahit noong baha siya ng kadiliman sa loob ng bartulina. Ang mukha ng babaeng iyon ang tanging tanglaw na nakikita niya sa utak.
But everything is different now. Ang mukhang iyon na ang dahilan kung bakit bumabaha ng pagkamuhi at balot na ng rumaragasang galit ang bawat himaymay ng pagkatao niya. Dahil sa mukhang iyon, sa taong iyon, humihinga siya at sumusumpang dapat pagbabayarin lahat-lahat ng dapat pagbayarin. Lalo na ito.
He put his dark sun glasses. His driver is waiting for his cue.
"Donald, can you turn off your music?" Mando niya sa driver slash body guard niya. May katabi rin itong comrade, si Mac. Mac and Donald.
Pagkapasok na pagkapasok niya ng kotse ang musikang iyon na agad ang sumalubong sa kanya. Kakasura.
Tinapunan pa muna siya nito ng tingin mula sa salamin. "Yes, Sir".
Natahimik ang buong loob ng kotse. "Better", saad niya. Inalis na ang tingin mula sa babaeng nakatayo sa labas ng kotse. "Let's go".
KINAGABIHAN ay nahirapan si Andrea na patulugin ang mommy niya. Nagdidiluryo na naman ito. Umiiyak at hinahanap ang daddy niya.
And times like this, wala ibang magawa si Carrie kundi ang iiyak ang pait na dinadanas niya dahil sa napakahirap na sinapit ng buhay nilang mag-ina.
She's stay in her mother's room. Hindi siya umalis roon hanggang sa makatulog ito. Nang masiguro na payapa na ito ay nagdesisyon na siyang tumungo sa sariling kwarto.
Hapong-hapo ang pakiramdam niya. Hindi lang ang katawan niya dahil sa pagod. Pagod ang nararamdaman niya araw-araw. Galing trabaho ay susulong pa siya sa siksikan sa istasyon ng tren upang siguraduhing agad na makakasakay. Pagkauwi ay ang mommy naman niya ang aatupagin niyang ikinulong niya sa loob ng bahay nila.
At sa araw na iyon ay mas doble. Hindi lang katawan niya ang pagod. Pati pakiramdam. Sobrang hapong-hapo siya sa nangyari at rebelasyon sa opisina.
The revelation of all time. Nakikinikinita na niya ang mga susunod pang mga araw. Mas mahirap pa kompara sa mga naiisip niya.
Paano naman siya magiging panatag sa trabaho kung alam niyang ang may-ari na ng kompanyang pinagsisilbihan niya ay si Dexter Sian?
Ang lalaking akala niya ay hindi na niya masisilayan ulit. Kung makikita man niya, naisip niyang himala na lang siguro.
But there he is. The guy she fear the most is her big boss. A billionaire.
Sian... tumulo ang mga luha niya. Miserable ang pakiramdam. Sobra. Nakakatakot na ang lahat kay Sian. Wala na ang bakas ng pagkatao nito na minahal niya noon.
Yes, the guy made her young heart sing. Her first love and it ends with so much tragedy.
And now the guy is back. With a different name. Buong pagkatao nito ibang-iba sa totoong Dexter Sian na nakilala niya.
At sa kabuuan ay talagang takot ang nararamdaman niya. Takot dahil alam niya mismo sa sarili na malaking-malaki ang kasalanan niya sa lalaki.
Nasapo niya ang bibig dahil sa kumawalang hikbi. For all those years ay dala-dala niya ang bigat sa dibdib dahil sa alam niyang napakabigat ng kasalanan niya kay Dexter Sian.
Ten long years. Sobrang hirap dalhin nun sa dibdib. Iinisip nga niya na baka kaya nagkanda letse-letse ang buhay niya ay dahil sa atraso niya kay Dexter Sian.
Matagal siyang nakatulog. Hanggang sa panaginip ay nasundan siya ng lalaki.
Kinabukasan, pumasok sa office si Carrie na medyo maga ang mga mata. Naglagay na lang siya ng simpleng eye shadow upang hindi mahalata ang magdamagan niyang pag-iyak.
Seryuso na silang lahat sa ginagawa sa opisinang iyon nang biglang pumasok ang secretary ng office of the CEO.
"Miss Carmela? Carmela Llason?"
Tumayo siya sa at itinaas ang kamay. "Yes, that's me. Why?"
"Pinatawag ka sa itaas. Deritso ka na lang sa office ni Sir Dondon".
Napamaang siya. Napatingin sa mga kasama na puno rin ng pagtataka ang mga mukha.
"Anong atraso mo?" Si Tally.
She also wondering what she did para ipatawag? Bakit sa president's office?
"It's for you to find out. Go", ani Zuma sa kanya.
Walang nagawa na umalis siya roon at tumungo sa elevator upang makaakyat sa itaas kung nasaan ang opisina ng CEO nila. Nakakabigla naman nga talaga ang tawag na iyon. Pati ang head nila ay nagtaka kung bakit siya pinatawag.
Bumukas ang elevator. Nasa sariling mesa na ang sekretarya ni Mr. Dondon na pumunta sa kanya. Tinanguan siya nito na tila sinasabi na she need to go ahead.
Kumatok siya bago binuksan nang tuluyan ang pinto.
Nakangiti sana siya na babati sa CEO nila kung nag-iisa lang ito roon.
But the guy is not alone. He's with their new boss.
Si Dexter Sian.
Binalot na naman ng kakaibang takot ang buong pagkatao ni Carrie. Gusto na lang niyang tumakbo paalis. Subalit hindi niya pwedeng gawin iyon.
"So, she is here", sabi ni Mr. Dondon. "Maiwan ko muna kayo". Tumayo na ito sa sofa at tinapik muna sa balikat ang new founder. Tumungo sa pintong pinasukan niya. "Ms. Llason", anang CEO nang dumaan sa tabi niya.
"A-ah, Sir Dondon----"
Bigla siyang napaigtad at hindi naituloy ang akmang pagtatanong sa boss niya dahil sa malagong pagtikhim mula sa taong naiwan doon sa loob kasama siya.
Napatingin siya sa lalaki. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa itim na slacks. Pabalik-balik na naglakad sa gitna.
So dignified, successful and solemnly handsome. The man who has all the power to made her chill. Now and then.
Umupo ito sa pasimano sa harap ng mesa. Nakatingin sa kanya.
At dahil doon ay nangangatal siya. Naubusan siya ng laway sa kanina pa niyang panay na paglunok. Halos dinig din niya ang sobrang pagkabog ng dibdb.
Anong ginagawa nito? Bakit siya nito pinatawag?
"Finally, my dear Carmela. We meet again", the guy said. His eyes were dark... glommy and its drowing her.
Tumayo ito sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya. Nasa harapan na niya ang lalaki.
Gusto umatras ni Carmela. Ngunit paralisa ang buong katawan niya na ayaw matinag. Gusto niyang iiwas ang tingin dito pero naninigas ang batok niya.
"It's pay back time", he added. The guy said that with the wicked smirk. Ang mga mata, sobrang dilim. At wala siyang naaaninag.
Nanginig ang buong kalamnan niya nang maintindihan ang sinabi nito.