Chereads / the day he will hate rain / Chapter 20 - Chapter 16: She's Drunk

Chapter 20 - Chapter 16: She's Drunk

Andrew's POV

Matapos ang paguusap namin ni blaise sa bar, inalalayan ko na siya kasi mukhang hilo na to. Malakas ng alcohol tolerance nito, bago mo siya mapahilo ng ganito kailangan mo munang painumin to ng 6 na bote ng wine. Hindi ko alam na matataas pala ang alcohol tolerance ng mga dela sierra.

Inakbayan ko naman siya habang ang isa ko naming kamay eh nakahawak sa bewang niya. at Oo pinagtitinginan kami ng mga tao kanina pero wala naman akong pake. Hindi naman malayo ang room namin ni ethan. Doon ko muna to pagpapahingahin dahil sa pagkakaalam ko malayo yung room nila dito.

" Hayss ang bigat mo naman blaise" natatawang sabi ko sa kanya nang bubuksan ko na ang pinto ngunit kusa itong bumukas at bumungad sa akinsi ethanna naka kunot ang noo.

" Anyare dyan?" tanong niya sa akin habang inilalagay ko naman sa kama si blaise. She's drunk, pero maganda pa rin siya HAHAHA

" Nalasing, ewan ko ba pero napakalakas nitong uminom"

" Talaga ba? Baka nga isang shot palang ng gin yan tulog na yan eh HAHAHA"

" Boi, aakalain mo ba na diyan sa maliit at payat na katawan na yan, nakaubos ng 6 na bote ng wine?" tanong ko sa kanya sabay naman sa paglaki ng mata niya.

" Oh galling ah hindi lang pala sa pakikipag flirting magaling pati rin pala sa pag inom. HAHAHAHA" malakas na tawa niya kaya naman natignan ko siya ng masama. First of all ewan ko kung bakit galit na galit si ethan kay blaise at kung bakit ang akala niya eh nakikipag flirt siya sa amin.

" Wag mo sasabihan si blaise ng ganyan ethan" mahina pero may inis sa tono ng boses ko.

" Ok. Siya sige aalis na ako baka maka istorbo pa ako sa inyong dalawa ng tanginang yan" umalis naman siya at iniwan kami ni blaise. Nakatingin lang ako sa pinto habang iniisip na. si ethan tinanong kung ano nangyari kay blaise? Well that's new kasi sa pagkakaalam ko wala siyang pake kay blaise.

" What's wrong with me?" agad naman ako napatingin kay blaise na kasalukuyang naka upo habnag naka yuko. Hinawakan ko naman angkamay niya sabay naman sa pag iwas niya nito.

Aaminin ko may isang tanginang lungkot ang naramdaman ko mataos niya iiwas iyon.  Sa gwapo ko na to may tatanggi pa palang magpahawak ng kamay HAHAHA, oo nga pala si blaise nga pala to. Isang babaeng kakaiba.

" There's nothing wrong with you blaise"

" Tangina Andrew wag mo nga akong lokohin, alam naman nating may mali sa akin Andrew"

" Pero para sa akin wala blaise"

" sayo wala pero sa iba meron"

" Well it's not a case blaise, wag mo nalang silang pansinin"

" Can I ask you how? Kasi hindi ko na alam gagawin ko eh, hindi ko manlang nga alam kung ano ba ginawa ko para gawin nila sa akin ito. Una rumors for something that I didn't do, second simple physical attacks, which leads kung saan ako nilaglag sa hagdan ng auditorium. Pangatlo, yung pagkakahulog ko sa swimming pool kanina. Yung totoo papatayin ba nila ako hahahaha"

Isang pekeng tawa ang inilabas niya. alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya kasi makikita mo sa mukha niya iyon...

"Pero blaise….. oh she's asleep already? , well good night my princess" sabay halik sa kamay niya.

Tumayo naman na ako para lumabas nang bumungad sa akin si ethan na naninigarilyo.

" Tapos na kayo?"

" Saan?" kumuha din naman ako ng sigarilyo at sinindihan iyon.

" Sa lambingan niyo hahaha" mahinang tawa naman niya. something's off about him. Hindi ko lang malaman kung ano yun HAHAHA

" Tangina mo dre"

" Tangina mo din nag pa flirt ka pa talaga sa babae na yan"

" Ilang beses ko ba sasabihin na hindi flirt si blaise ha?"

"Hanggang sa mapaniwala mo ako"

"At kelan naman kita mapapaniwala fucker?"

" Kapag nakatulog na ako ng maayos" sabay tayo naman niya papunta sa kwarto namin.

" Boi andyan pa si blaise"

" Ano ako pa mag-aadjust?" makikita mo sa kanya ang pagkainis.

" Ano magagawa ko dre ayoko naman siyang gisingin dahil lang dito."

" Corny amp." Napakamot naman siya sa ulo tsaka tumingin sa akin.

" Ako na bahala sa kanya, matulog ka na"

O___o

"What!?"

" Bakit sa tingin mo ba may gagawin ako sa kanya?" nakakalokong ngisi ang lumabas sa kanyang tanginang labi

" No I just didn't expect na sasabihin mo yan HAHAHAH tangina tinamaan ka na din ba kay blaise?"

"shut the fuck up drew, why would I fall for a stupid-flirt women huh?"

"sige sabi mo eh...… sige una na ako! Wag mong tatabihan si blaise ethan, dun ka sa kama ko"

" yeah yeah"

Ethan's POV

Tangina ano ba akala niya sa akin, gagalawin ang babaitang to. ASA. Sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit akong pumayag na manatili dito yang babae na yan. Sinulyapan ko naman si gayle nan aka higa sa kama ko, ganda niya sa suot niya..... FUCK what the fuck did I just said!? Shit mababaliw na ata ako, dahil sayo tong babae ka eh.

Pumunta naman ako sa banyo para magpalit ng damit. Hindi naman ako maarte kaya mabilis lang ako nagpalit ng damit.

Dumiretso naman ako sa kama ni Andrew dahil dito ako matutulog imbes na sa kama ko tangina. Kinuha ko naman ang cellphone ko para lang mawala sa isip ko yung kanina.

Habang nag-iiscroll naman ako sa messenger ko kung saan napaka daming nagchachat. Tangin hindi ba nila nakukuha na ayaw ko silang kausapin?!

*Hufff*

What the fuck is that? Pakiramdaman ko mababaliw na ako. Pero shit nabobored na ako kaka scroll dito. Kukunin ko na dapat yung earphone ko nang may marinig nanaman ako

*Huff*ackkk *Huff*ackkk *Huff*

Napatingin naman ako sa gilid ko para lang makita si gayle na namumutla at namimilipit sa sakit. Tumayo naman ako para tignan siya,istorbo naman tong babaeng to, minsan talaga may mga tao talagang tangina noh.

"Oi anyare sayo?" tinignan ko naman ang kabuuan niya kasi baka mamaya pinagtritripan lang ako neto.Shit ganda mo sa kama gayle...….FUCK again! What were you thinking ethan!

"Aghhhh!"namimilipit na sigaw niya, napansin ko naming nakahawak sa chest niya. tangina puso lang naman pala akala ko mamatay ka na........PUSO?

"Oi four eyes! Gumising ka nga" niyuvyog ko naman siya pero mukhang hindi niya na ata madilat yung mata niya.

Agad ko naman siya binuhat papunta sa kotse ko. Pinaandar ko naman na ang kotse at umalis na.

What the fuck is going on with you gayle?

Lucas medical hospital

Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan ang mga ungas na yun. Masyadong simp. Kasi mga tanginang yun!

*ringgg*

" What...…."

" Aiden pumunta ka nga dito"

"Sige punta na ako dyan sa kwarto niyo"

" Boi hindi sa kwarto namin, dito sa Lucas Medical Hospital"

" What why? Ba't andyan ka?"

"Basta pumunta ka nalang dito, kasama ko si four eyes"

" Bakit kasama mo yan?"

"Pumunta ka nalang dito, puro ka tanong"

"geh"

Binababa ko naman na ang cellphone nang lumapit sa akin yung doctor.

"Family?" tanong sa akin ni doc. Tangina hindi ko kamag-anak yan, at lalong di ko girlfriend yan!

"Friend" nasabi ko nalang sa kanya.

" It's just a heartburn there's nothing to worry about,binigyan ko na siya ng reseta ng kung ano ang iinumin niya kapag naulit eto. Just make sure na iinumin niya ito."

"I will thanks" For fuck sake she's not my responsibility. Kasalanan ko bang nagkaganyan yan!??  Nasaan na ba yung mag hinayupak na yun.

"What happened ethan? Asan si calli?" agad na tanong naman sa akin ng ungas na to. Mukhang wala dito si drew ha! Kasalanan niya to eh kung hindi niya pinatulog si four eyes sa room namin, edi sana siya ang nagdala dito kay four eyes...….

"Dre anyare?" nevermind nandito na yung punyetang tanga

" Nasa emergency room si four eyes mer--------"

"What!? Ano ginawa mo sa kanya!" tangina sabi na eh, ako sisishin neto.

"Calm the fuck down aiden!"

O___O

Tangina :)

" kayo na bahala dyan matutulog na ko" sabi ko sabay talikod sa kanila, shit why do I always see your weakneses gayle?

Pumunta naman ako sa kotse ko tsaka ito pinaharurot papunta sa hotel nila jaze. Dun muna ako matutulog, walang istorbo kasi alam kong pag uwi ni andrew o aiden mamaya panigurado tatanungin ako ng tatanungin nun..........

Shit….

"Boi laro muna tayo!"

"Kuya ethan nasaan si kuya? Ba't di mo kasama"

"Kuya ethan sino yung kasama mong babae kanina

"Hey pumunta ako dito para matulog hindi para iinterogate niyo ako"

Inis na sabi ko sa kanila, tangina pumunta ako dito para matulog ng mahimbing kaso mukhang matatagalan pa bago ako makatulog dahil sa mga bubwit na to.

" Pero boi ba't andito ka?" tanong sa akin ni jaze na nakaupo sa gilid ko.

" Ba't sa inyo ba to?"

"Nagtatanong lang badtrip ka na agad" nangiinis na sabi sa akin ni jaze.

" Pero kuya ethan sino yung kasama mong babae kanina? Yung buhat-buhat mo?"

Shit.