I am ready to accept the white coat as my second skin and hospital as my second home and I'm ready to take hippocratic oath that will change my priorities for the rest of my life- Miss_matured
Aubrey POV
Pagkatapos ng sayaw ay niyaya na ako umupo ni Phoenix Kaya naman tumigil na kami at pumunta sa table namin.
Uyyyy friend na kami.....
Phoenix tara kumain, nagutom ako dun" yaya ko ng biglang maalala na kakain ko lang pala kanina.
Ay wag na pala busog pa pala ako, kukuha na lang ako ng tubig" Sabi ko at tumayo na para kumuha ng tubig pero tumayo din sya at hinubad ang coat nya at inabot sa akin.
Salamat" Sabi ko dito at kinuha ang coat dahil nilalamig narin ako.
Tara, nagugutom kaba" tanong ko. Pero di naman sya sumagot at nakatingin lang sa pagkain kaya ako na mismo ang kumuha ng plato at kutsara nya.
Oh ako na po kumuha ng plato nyo mahal na prinsipe, ituro nyo na lang po sa akin kung ano ang gusto nyo kainin" Sabi ko at nagboses lalaki. Napatingin naman sya at umiling iling.
Hindi ka kakain" tanong ko sa kanya pero di naman sya nagsalita at nakatingin parin sa pagkain kaya ako na ang kumuha ng pagkain nya.
Kumuha ako ng pagkain na gawa sa gulay.
Bahala ka, kainin mo toh ngayon....
Aubrey" tawag sa akin ni Liam na kukuha din ng pagkain.
Liam, oh nasaan si Kaila" tanong ko.
Iyon nakaupo, lamon ng lamon tingnan mo* sabay pakita ng plato* nagpapakuha pa sya sa akin. " Reklamo nito.
Oh, eh bakit kinukuha mo" pangaasar ko.
Inutos eh, atsaka masama ba maging mabuting tao" depends nito kaya naman nginisian ko ito.
Talaga" pangaasar ko at inaasar syang tiningnan.
Bahala ka" Sabi nito at kumuha ng pagkain.
Sige, ikuha mo na si Kaila ng pagkain, kawawa naman sya baka nagutom" tinig na nangaasar pa din atsaka lumingon kay Phoenix.
Teka nasaan na yun" Sabi ko dahil kanina nasa likod ko lang ito kanina.
Wag mo sabihin na iniwan nya ko.....paano tong pagkain.....
Yan kase, butinga sayo" Sabi ni Liam na nalaman na yata na iniwan ako. Kaya sinuntok ko naman toh sa balikat at binigyan sya ng....
Look-sisipain-kita-isa pang-asar-mo
Kaya naman tumawa ito at patuloy na kumuha ng pagkain.
Oh, sayo na" Sabi ko kay Liam at iniwan sa lamesa ang plato na may lamang gulay atsaka umalis.
Hoyyyyy" tawag nito sa akin pero mabilis akong naglakad papalayo.
Nasaan na yun" hanap ko Kay Phoenix na nawala na lang bigla.
Saan naman yun pupunta" tanong ko sa sarili ko dahil hindi ko ito mahanap.
Walang maghahatid sa akin pauwi.....Wala pa akong dalang pera.....
Diko naman namalayan na dinala na pala ako ng paa ko sa entrance.
Anu ba iyan, sasabay na nga lang ako kina Liam. Bwiset iniwan na yata ako nun." Bulong ko at tumalikod na para bumalik sa loob ng mabangga naman ako sa pader.
Kaya naman sapo sapo ko ang noo ko na napuruhan.
Aray naman" reklamo ko at hinilot-hilot ang noo ko.
Sa tingin mo Rookie saan ka pupunta" boses ng kung sino man kaya naman napa-angat ako ng ulo dahil hindi pala pader yung natamaan ko dahil dibdib ito.
Ang tigas naman ng dibdib nito....
Cole" sambit ko habang nakatingala samantalang sya ay nakayuko na nakatingin sa akin.
Saan ka pupunta" seryosong tanong nito.
Sa....pu-puntahan" utal na may pag kabobong sabi ko.
Dahil kinakabahan ako.....talaga...
Sumabay kana sa akin" Supladong yaya nito sa akin at lumakad na papalabas ng venue.
Huy,teka" habol ko at lumakad ng mabilis dahil ang bilis nitong maglakad.
Sandali lang,woyyy" Sabi ko ng maabutan ko sya sa paglalakad at hinihingal pa ako.
Sumabay kana sa akin, iniwan kana ni Phoenix" sagot nito at naglalakad na ulit ng diinan ko ang hawak ko.
Lukong Phoenix yun iniwan nga ako.....
Teka, Alam mo ba bahay ko" tanong ko pero sinamaan lang ako ng tingin at supladong tumalikod sa akin.
Tint.tint..." patunog ng sasakyan nya ng pidutin nito ang susi nito. Agad naman itong umilaw at nilapitan namin ito.
Ang ganda ng sasakyan mo" puri ko sa sasakyan nito.
Sigurado ka, pwede ko sakyan toh" pagkausap ko dito pero ito'y sumakay na sa sasakyan. Kaya agad ko naman hinawakan ang bukasan nitong kotse.
At naamaze ng makita ang loob nito.
Grabe pati loob maganda din. Daig pa kotse ni Phoenix....pero parehas kong gusto...


Kulay black ito at sports car.
Grabe ang ganda..
Kailan kaya ako magkakaganito...
Pasakay ha" paalam ko at saka pumasok sa sasakyan.
Grabe kakatakot naman toh sakyan...parang pwede ko na ito ipangbili ng bahay.
Pagkaupo ko ay maingat kong sinarado ang pinto ng sasakyan at lumingon kay Cole na nag seseatbelt. Kaya naman agad kong hinanap ang seat belt ng akin at kabadong hinawakan ito.
Nakakaba naman toh....feeling ko pagnagkamali ako masisira tong kotse.
Wala akong pangpagawa...
Kaya naman ay kinulbit ko si Cole na napatingin sa akin. Agad ko naman tinuro ang seatbelt at binigyan sya ng look-ikaw-magkabit-sa-akin-look.
Nang magets nito ang sinasabi ko ay kinuha nito ang seatbelt at kinabit sa akin.
Kaya naman agad akong napasandal sa upuan habang kinakabit nya ang seatbelt ko.
Nang maikabit ay hinawakan ko ang seatbelt na ito at nagpapadyak sa sasakyan. Kaya naman napatingin ito.
Buti di nasira....
Tara na" yaya ko dito.
Excited na ako....mabilis Kaya toh umandar...
Binuksan nito ang ang makina ng sasakyan at pinainit ang makina ng saglit.
Ahh, Cole yung mabilis ha. Yung parang sumasakay sa rides " excited na sabi ko dito ng magsimula ng umandar ang sasakyan.
Dahan dahan nitong inalis ang sasakyan papalabas sa parking nito at maingay na nagmaneho. Nang makalabas ay biglang bumibilis na ang takbo ng sasakyan kaya naman napahawam ako sa seatbelt ng mahigpit.
Grabe ang bilis....parang space shuttle.....
Wait lang Cole " sambit ko nang makaramdam ng kaba. Parang naiwan kaluluwa ko sa highway.
Bigla naman itong napatingin sa akin at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo.
Brooommmmmmm" malakas na tunog ng sasakyan nito sa
Bwiset Cole, dahan dahan lang" sigaw ko na dahil parang naiwan talaga kaluluwa ko sa highway.
Hahahahaha, look at you. You're so ugly" tuwang tuwa na asar nito at binagalan na ang takbo ng sasakyan.
Grabe ka, naiwan yata kaluluwa ko doon sa highway" reklamo ko at sinuntok suntok ang braso nya.
Tama na" salita nito at tumingin sa akin.
Saan kaba" tanong nito at tumigil na sa pagtawa.
Sasagot na sana ako ng may tumawag.....
Ringgggggggggggg....." Tunog ng cellphone nito kaya naman napatahimik ako at handa nang umalis para bigyan ng privacy sya at ang kausap nya.
Stay" salita nito pero mahina lang. Pero rinig na rinig ko.
Sinagot naman nito ang tawag habang nasa loob ako ng sasakyan.
Hello" Sabi ni Cole sa tumawag.
Hello doctor, kailangan po kayo ngayon dito sa ospital. May nangyari pong aksidente at marami pong nasaktan. Kulang po ang doctor sir." Bigay alam kay Cole ng kausap nya.
Rinig ko pinaguusapan nila dahil nakaloud speaker ang cellphone nito.
Kaya naman agad akong nabahala. Anong aksidente naman ang nangyari.
Okay, papunta na ako" simpleng sagot nito. Kaya naman napalingon ako dito.
Sama ako" Sabi ko sa kanya. Dahil gusto ko tulungan ang mga tao na naapektuhan.
Iyon lang ang magagawa ko...
Hindi pwede, look at yourself tingin mo makakagalaw ka ng ayos nyan" sagot nito.
Pero dahil nga walang makakapigil sa akin ay sinagot ko ito.
Bakit ikaw pwede eh naka tuxedo ka" Sabi ko kaya naman napabuga ito ng hangin.
Wag makulit" Sabi nito kaya naman agad kong hinawakan ang balikat nito.
Peram damit, kahit ano Basta damit para makapagpalit ako" Sabi ko dito kaya wala na itong magawa kundi lumabas at may kinuha sa likod ng kotse.
Oh" bigay damit nito sa akin at sinaraduhan ang pinto. Habang nasalabas sya ay kinuha ko na ang pagkakataon kaya naman agad agad ko ng hinubad ang dress na suot ko at nagpalit ng damit na binigay nya.
Isa itong long sleeve at black jogger pants.


Buti na lang may adjustsan toh.
Pagkasuot ko sa damit nito na maluag sa akin ay tinawag ko na ito na nasa labas.
Woy! Cole tara na" tawag ko dito. Napatingin naman ito sa akin at lumakad na para pumasok sa kotse.
Tahimik itong pumasok sa kotse.
Na naka t-shirt at slacks na lang. Tanggal na ang tuxedo nito. Pagkaupo nito ay agad nitong inayos ang seat belt nya atsaka pinaandar ang kotse.
Dr. Cole" hingal na tawag ng isang nurse pagkapasok namin sa ospital.
This is the chart for the patient in the room 304 he needs you now Doc. The patient feel palpitations " Sabi ng nurse kaya naman madaling lumakad na ito papunta sa elevator.
Pero lumingon pa sa akin bago sumakay. Agad naman akong tumango dito at lumakad na sa kabilang way papuntang emergency room.
Pagdating ko sa E. R ay nakasalubong ko naman si Doc. Ines na may binabasang chart having nakasandal sa pader. Napatingin naman ito sa akin NG dumaan ako.
Doc. Gabriel" tawag nito kaya naman napatingin ako dito.
Bakit po Doc" tanong ko kung bakit nya ako tinawag.
Pwede ba, tingnan mo muna yung pasyente ko sa room 217. Kailangan ko Lang malaman kung ano ang nangyayari sa pasyenteng toh" pakisuyo nito Kaya naman agad akong tumango.
Okay " sagot ko dito at lumakad ng mabilis papuntang elevator.
Pag dating ko sa second floor ay agad kong hinanap ang room na 217 at kumatok bago pumasok.
Tok, Tok, Tok" katok ko sa pinto at pumasok.
Buntis yung pasyente ko...
Pero tulog ito ng pumasok ako. Wala man Lang nagbabantay dito. Bakas sa mukha nito ang konting gasgas at sugat. Sa mukha nito ay masasabing mag kasing tanda lang kami.
Baka kabilang toh sa naaksidente....
Problema ang gasgas nito at sugat na makikita sa katawan. Pero kailangan na itest parin sya para mapalagay na safe din yung baby.
Kaya naman maingat kong binuksan ang pintuan ng kwarto nito para makalabas at saka pumunta sa nurse station.
Para magtanong kung ano ang nangyaring aksidente at tinanong narin ang mga nurse na naka encounter sa buntis na pasyente para may background in formation ako at malaman na din ang mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa pasyente.
Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto nito.
Kumatok muna ulit ako bago pumasok at nakita ko naman itong gising na.
Kaya tuluyan na akong pumasok.
Doc" tawag nito sa akin at umayos ng upo.
Hello kamusta na ang pakiramdam mo" tanong ko dito. Ngumiti naman ito sa akin at sasagot na sana ng may pumasok.
Anong kalagayan nya" tanong sa akin ni.....
Dr. Cole" banggit ko sa pangalan nito.
Ramsey" masayang tawag ng pasyente dito.
Seryoso naman itong naglakad pero ngumiti ng makalapit sya sa pasyente.
Wow...mala Aurora lang..
Ramsey natatakot ako baka hindi pa safe ang bata" Sabi nito at kita na ngayon ang pag aalala nito sa anak.
Paiyak na ang itsura nito ng yakapin ito ni Cole.
Ano bang nangyari, kasama ka ba sa aksidente Lourdes" Tanong ni Cole at kakakitaan sya ngayon sa mukha ng pag alala.
Nagtratrabaho lang ako sa Office ng tumunog yung fire alarm. Kaya naman nagsilabasan ang mga kasamahan ko. Lalabas na ako ng maalala kong naiwan ko sa drawer ko yung frog na stuff toy eh binili ko pa naman yon para kay baby." Kwento nito sa amin.
.....Kaya bumalik ako. Pagkabalik ko makikita ko na Yung apoy, Hindi narin ako makahinga. Kaya naman kahit buntis ay nagmadali na akong maglakad pagkakuha ko sa frog stuff toy. Hindi ko na kaya yung usok at malapit ng himatayin ng may lalaki na pumasok. Para syang si Superman ng makita nya ako ay pumunta ito sa pwesto ko kahit mausok na at binuhat na lang ako papalabas ng office. Pagkatapos non nawalan na ako ng malay" mahabang kwento nito at yumakap ulit kay Cole.
Tapos pagkagising ko dito. Hindi ko naman makita yung stuff toy na kinuha ko. Baka nalaglag o naiwan sa labas. Para kay baby pa naman yon" malungkot na Sabi nito at paiyak na ng aluin ito ni Cole.
Tatawagan ko ang kapatid mo sa Batangas mamayang umaga. I'm so glad your safe" sabi nito at niyakap si Lourdes
Sana oil nayayakap....ahahhahaaha
I don't like to interrupt but I'd like to listen to Lourdes chest" pag singit ko sa pagyayakapan nila at pumunta na sa bed side ni Lourdes at pinakinggan ang tibok ng puso nito.
Dr. Gabriel this is Lourdes. Lourdes this is Dr. Gabriel. Lourdes is my very first patient when I was an intern." Pag sasalita ni Cole.
Ahhhh first patient pala....
Hingang malalim ma'am " Sabi ko at pinakinggan ang heart beat nito.
Medyo mabagal ang paghinga nya normal na yon dahil sa aksidente kanina. Kaya kailangan nga na maicheck sya ulit.
Pagkatapos kong pakinggan ang heart beat ay lumayo na ako.
Wow Lourdes tell me was he always so HANDSOME" biro ko at natawa naman si Lourdes.
Excuse me!" Gulat naman na sabi ni Cole sa sinabi ko.....
Biro lang yon wag seryosohin.....
He was cute but to be honest. I think he's aged is like a fine wine." Sagot nito.
Oh.....oo nga naman sa itsura nito hindi ito mapapagkamalan na mid 40's....
Doc. Gabriel the examination if you don't mind" may halong inis na sabi nito Kaya naman tinaasan ko ito ng kilay.
So tell me Lourdes what brought you in back then" tanong ko dito.
Burst Appendix. I was totally freaked out, but Cole calmed me down. Even kept in touch a bit over the years" pagkwekwento nito.
Sana oil nakakamusta.....
Dr. Cole have friends" nakangisi na sabi ko at tumingin dito at mas lalong napangiwi ng mas lalong kumunot naman ang noo nito.
Buti nga sayoooo.....
Oo naman, kahit hindi na kami nag kikita nag memesage naman kami sa isat isa sa email" sagot nito at ngiting lumingon naman ako kay Lourdes.
Well I'm surprised. Wala kasi sa itsura nya ang ganoong pag aalaga sa isang pasyente." Deretsong sagot ko dito.
Talaga naman.... Sa sungit nyang yan.....nakooo lang....
Hindi, maybe masungit sya pero mabait yan maalaga pa" proud na proud na sabi nito tungkol kay Cole. Kaya napalingon naman ako kay Cole na kanina ay kunot noo pero nakangiti na ngayon.....
Kinuha ko naman ang chart nito at binigay Kay Cole na agad naman nyang binasa.
Dr. Cole her breathing is short as you'd expect, we should get her a chest X-ray" bulong ko dito habang binabasa nya ang chart nito. Ang ngiti nito ay nawala ng mabasa ang nasa chart ni Lourdes at sa narinig.
Cole frowns when he read it...and I think there's something bad that is going on in Lourdes body....
What it is" tanong ko dito dahil di ko parin naman nababasa ang chart nito.
Her elevated Blood pressure. Should be low after smoke inhalation. Let's take a urine sample" Sabi nito sa mahinang boses.
Cole pwede pakitanong doon sa lalaki kung nakita nila Yung daladala kong stuff toy." Pakikisuyo nito kaya naman agad na akong nag salita.
Ang sabi sa akin ng mga nurse kanina na ay ang gamit na purse mo lang daw ang nakita nila at daladala mo" Sabi ko.
Pero yung stuffed toy" Sabi nito at umiyak ng magsalita na ulit ako.
Hayaan mo, hahanapin namin yung frog na stuff toy. " Sabi ko sa pasyente at napatingin naman ito sa akin.
Talaga" biglang tumigil na ito sa pag iyak at masayang tumingin sa akin.
Opo, diba Dr. Cole HAHANAPIN natin yung stuff toy." Sabi ko sabay tingin sa kanya at binigyan Ng tingin na look-makisama-ka-look.
Kaya tumahan ka na. Baka makasama pa yan kay baby" sabi ko dito at lalo naman itong ngumiti sa akin kaya napangiti din ako na tumingin dito.
Salamat" Sabi nito at makikita ngayon na galak na galak syang sinabi ko iyon.
But first Dr. Gabriel gonna take a urine example of you and bring it to the lab. I'll give you ten minutes and meet you in the lot" utos nito sa akin kaya naman tumango ako.
I'm twenty-six weeks pregnant. Not gonna take ten minutes to make me pee" masayang sabat naman ni Lourdes kaya naman napangiti ako.
Napasubo yata ako...paano ko HAHANAPIN yung stuff toy.....
.....
Ngayon ay nakasakay na ulit ako sa sasakyan nito at tumingin sa daan papunta doon sa office ni Lourdes...
Alam ni Cole kung saan ito nag tratrabaho...
Saan kaya tayo maghahanap. Tingin mo naiwan kaya yun sa loob" tanong ko sa kanya na tahimik lang pinapaandar ang kotse.
Bahala na nga, hanapin na lang"sagot ko sa sarili ko.
Self support.....
Pagkarating namin sa office ni Lourdes na sunog na ngayon ay agad na akong bumaba at pinabayaan si Cole na ayusin muna ang sasakyan sa tamang parking.
Pagkababa ko ay agad kong tiningnan ang paligid at naglakad sa may gutter na nasa kabilang side ng office nila at doon tiningnan kung may stuff toy na frog.
Saan na ba yon" tanong ko habang naghahanap.
Tumingin tingin pa ako na maaring pagbagsakan ng stuff toy ni Lourdes.
Saan ka na" paghahanap ko.
At labis ang tuwa ng makita ang stuff toy na malapit lang din sa may gutter na pinag hanapan ko kanina.
Ang bulag kanina pa pala dapat ko yun nakita....
Kaya naman nagmamadali akong pumunta sa pwesto at agad kinuha ito. Pinagpagan ko muna ito dahil magabok na ang stuff toy...
Yan nakita na kita"pagkausap ko sa stuff toy at tinawag si Cole na naghahanap din.

Dahil maliit lamang ito ay nahawakan ko ito gamit ang isang palad at saka pinakita sa kanya.
Nahanap ko na " Sabi ko dito Kaya naman pumunta ito sa pwesto ko.
Ang cute ng stuff toy...
Tara na bumalik para maibigay na sa kanya ang stuff toy" Sabi nito hindi naman ako sumagot at busy na pinagpagan ang stuff toy. Pero sumunod ako dito para makasakay na ng sasakyan.
Tahimik lang kami na sumakay ng sasakyan nito at tahimik lang syang nag drive. Ako naman ay tahimik din. Dahil nakuha talaga ng stuff toy na toh ang atensyon ko
Ang cuteeeee...
Sa tahimik ay binuksan ni Cole ang radyo ng sasakyan at sakto na may tumutugtog na kanta.

You got a bad reputation in my neighborhood
You drive me mad with temptation 'cause it tastes so good
You know I wouldn't walk away, even if I could
It took one night, one try, ayy
Damn, I'm hooked~~~~~
Sa kanta na maganda naman na pakinggan ay hindi mapigilan ni Cole na gawing drums ang steering wheel.
You were there when I was low, you held me high
And baby when you take control, we can go all night
Every single place we go, you start a fight
But then you kiss my neck, and take a bite~~~~
At ako naman ay napapadyak.
Grabe download ko nga toh mamaya.....
Everybody says I'm sleeping with the enemy
I don't even care if you're gonna be the death of me, me, me
You got a bad reputation in my neighborhood
You drive me mad with temptation 'cause it tastes so good
You know I wouldn't walk away, even if I could
It took one night, one try, ayy
Damn, I'm hooked
Ooh, I'm hooked
Ooh, I'm hooked~~~~
Nakarating kami sa ospital ng masayang nakikinig ng kanta.
Ohhhh, I'm hooked" pag ulit ko sa kanta habang naglalakad na pabalik sa kwarto ni Lourdes para ibigay sa kanya ang stuffed toy.....
Grabe na adik na ako sa kanta....
Akin na yung stuffed toy ako na ang magbibigay" biglang sabi ni Cole at sabay kuha ng laruan kaya wala na akong nagawa at pinabayaan na lang ito at hindi na sumunod. Pupunta muna ako sa E. R baka may mga pasyente pa na kailangan ng tulong...
Lumipas ang oras at madaling araw na...
Siguro natutulog na yung ibang interns...
Sa pagiisip ay may lumapit sa akin na nurse.
Dr. Gabriel. Miss Hurts urinalysis result" salita nito at binigay sa akin ang envelope. Pagkabigay nito ay nagpasalamat ako at saka binasa ang papel na nasa loob pa ng envelope.
Pagkabasa ko dito ay parang until unting nadudurog ang puso ko. Kaya bago pa ako umiyak dito ay pumunta na ako sa kwarto ni Lourdes na kasama ngayon si Cole.
Sumilip muna ako at kitang kita ko sila na nagtatawanan habang nanonood ng T. V. Habang ang stuffed toy na palaka ay naka upo sa tyan ni Lourdes at masayang yakap nito.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba..... Pero dapat sabihin ko iyon ang trabaho ko.....
Kaya kahit nahihirapan ay marahang akong kumatok sa pintuan. Nakita naman ako ni Cole sa pintuan at ito na ang lumabas para kausapin ako.
Parang hindi ko kaya.....
Pero imbes na magsalita ng nasa harapan ko na ito ay binigay ko na lamang ang result ng test. Agad naman nya itong binasa at unti unting nawala sa mata nito ang kasiyahan kanina.
She has serious....pre..eclampsia. her baby's in trouble isn't it" Kanda utal na sabi ko.
Dahil naawa ako sa kanya at sa baby na nasa sinapupunan nito.....
Yes, let's go tell her" sagot nito at seryoso na naglakad papasok sa kwarto.
Napakagat labi naman ako at nag aalinlangan na sumunod pero lumingon si Cole sa akin.
It's our job Rookie come on" malungkot na anyaya nito na halatang pinipigilan din ang sarili na huwag bumigay.
Pagkakita sa amin ni Lourdes ay nawala naman ang ngiti nito. Napansin yata na may nalaman kaming hindi maganda. Ang masaya na pangyayari kanina ay biglang naglaho dahil sa isang problema.
Anong meron?" Pagtatanong nito na wala narin ang ngiti.
Tumingin naman sa akin si Cole at tumango para sabihin na kailangan ko ng sabihin ang kalagayan ni Lourdes.
Lourdes, I don't want you to worry---" napigilan naman ang pagsasalita ko ng magsalita si Lourdes.
Doc ganan ang sinasabi ng mga doktor sa panahon na dapat na mag alala ako" Sabi nito kaya naman napalunok ako.
I have to say it...it's my job...
Have you ever heard of preeclampsia? It's a serious condition that affects up to one in ten pregnant women" pagsisimula ko. Kita ko naman ang takot na bumalatay sa mukha nito.
In many cases it's manageable if monitored, but I'm afraid yours is quite serious." Seryosong sabi ko.
How serious" tanong nito. Lumapit naman si Cole at hinawakan ito sa balikat.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot....
The bloodflow to the placenta is slowing. It could soon deprive your baby of vital nutrients and oxygen" tuloy ko sa sasabihin ko.
Your baby is at risk" seryosong sabi ni Cole habang nakatingin dito.
But.....everything's seems fine! I can still feel the baby's kicking!" Malakas na sabi nito.
Minsan akala natin okay lang ang lahat.... Dahil nakikita at nararamdaman pa natin sila.
Don't forget to vote this Chapter kung nagandahan ka sa Chapter na ito❤️ Thank you