Chereads / TASTE OF MEDICINE / Chapter 22 - Room

Chapter 22 - Room

They call me doctor and I feel blessed- Miss_matured

Aubrey POV

Wala na ba talaga...." Tanong ko ulit at tumango ulit si kuya....

Kanina pa kasi ako nagtatanong kung meron pa pero paulit ulit rin nito sinasagot na wala na. Kaya na pasimangot naman ako.

I'm sorry po ma'am" sagot nito at nakasimangot naman akong tumango dito.

Saan ako matutulog....

Nakasimangot lang akong nakatayo dito sa tapat ng reception desk ng makita ako ni Phoenix.

Aubrey" bati nito sa akin kaya naman tumango ako dito at nag isip kung ano ang pwedeng gawin dahil wala akong matutulugan....

Are you okay" nang mapansin ang sagot ko ay lumapit ito sa akin at tinanong ako kaya tinanguan ko lang ulit ito. Hahawakan na sana ako nito sa balikat.

EHEM!!!" malakas na pag ubo ang nakapagpatigil sa paglapat ng kamay nito sa balikat ko. Kaya agad naman akong napalingon kay Cole na masama na ngayon ang tingin sa aming dalawa ni Cole kaya agad akong napaayos ng tayo.

Don't you dare" matigas na sabi ni Cole ng makita na hahawakan ako ni Phoenix sa balikat kaya agad naman akong napalayo dito. Kaya ang kamay dapat nito na hahawak sa balikat ko ay naiwan sa ere sabay palo ni Cole sa kamay nito para bumaba.

Hindi mo ba alam kung gaanong kadami na germs or viruses ang maihahawa mo sa iba sa paghawak hawak mo sa kanila" matigas na dagdag na sabi pa ni Cole kaya naman nanlaki ang mata ko.

Ohmygod...mag alcohol ka muna" nag aalalang tanong ko sa seryoso na mukha ni Phoenix kanina ay nakangisi na ngayon.

Wala akong dalang alcohol" Sabi sa akin ni Phoenix kaya naman lalapit na sana ako para bigyan ito ng biglang humarang si Cole sa pagitan namin.

Diba may kompanya ka....mag gawa narin kayo ng product na alcohol para ipaligo mo muna sa katawan mo bago mo sya hawakan....ewwwww disgusting" galit na sabi ni Cole atsaka ako hinila papaalis...

Kaya naman todo pigil ako sa paghila nito sa akin.

Dr. Ramsey....Dr. Ramsey..." Tawag ko dito at pilit hindi nagpapadala sa paghigit nito sa akin.

Teka nga lang.." Sabi ko pa at pilit tinatanggal ang hawak nito sa akin.

Nasasaktan ako" seryoso na sabi ko na parang naging magic word dahil bigla itong tumigil at mahinahon na ngayon na nakatingin sa akin.

Tsk..." Mataray na daing ko at tinanggal ang pag kakahawak nito nang makita ang reaksyon ko ay parang napapahiya na tumingin ito sa akin.

Alam mo...kanina ka pa ha" inis na sabi ko dahil sobrang attitude nito ngayon.

Bahala ka nga" Sabi ko at bumalik sa reception desk para kuhanin ang susi ng isang kwarto.

Pagkakuha ay padabog ko naman itong nilampasan at dumeretso sa kwarto para makapagpalit dahil mamayang gabi pa ang simula ng program.

Pagkapasok ay kita ko naman ang gamit namin na nandoon sa isang tabihan marahil ay kanina pa ito na dala ng staff sa kwarto.

Kaya derederetso ako na humiga sa kama para mawala ang inis.

Nang makahiga ay pinag susuntok ko ang kama dahil sa inis ko dito.

Nakakainis.....nakakainis....." Sabi ko at tuloy pa din sa pagsuntok.

Pagkatapos ay lumingon sa may veranda nitong kwarto na kitang kita ngayon ang magandang tanawin. Sa nakita ay parang natunaw ang inis ko at gusto na lamang lumangoy sa kulay asul na dagat.

Kaya bago pa tamarin ay agad na akong nag halungkat ng pwedeng isuot para makapag swimming.

Busy ako sa paghalungkat ng gamit ko ng marinig ko na may nag bubukas ng pinto.

Si Cole na yata yun....

Pagkabukas nito ay nag panggap lang ako na may kinukuha sa bag ko at pinapakiramdaman ko ito.

Kita ko naman ito sa peripheral vision ko na nag lalakad ng tahimik papunta sa pwesto ko nang tumapat ito sa pwesto ko ay pasimple akong napairap dito.

Nakakainis.....

Naghahanap parin ako sa bag at hindi nagsasalita...ramdam ko lang ito na umupo ng tahimik sa sofa nitong kwarto.

Actually kasya kami dito sa kwarto pero yung pagkailang at inis ko sa kanya parang hindi sasapat ang space na toh para pigilan ang sarili ko na hindi sya gerahin....

Sa katahimikan ay halos ang maririnig lang ngayon ay ang tunog ng aircon.

Bahala sya sa buhay nya.....

Katahimikan.....

Katahimikan...

Katahimikan...

Katahimikan....

Nang matapos sa pag hahanap ay hindi man ako padabog na naglakad papuntang cr ay masama naman ang tingin ko.

Pagkapasok ay agad kong nilock ang pintuan at nag punas bago ipalit ang swimsuit na gagamitin ko sa pag swiswimming.....

Pagkatapos isuot ang swimsuit ay nag suot ako ng short at malaking t-shirt at sa pang paa ay nag tsinelas lang ako.

Pagkatapos ay agad akong nag lotion ng sunblock atsaka kinuha ang isang tuwalya at lumabas ng cr.

Pagkalabas ay kita ko naman itong nakatingin sa akin pero hindi ko ito tiningnan at derederetsong lumabas ng kwarto.

Try nya lang talagang sumunod....Tsk....

Sumakay ako ng elevator at doon ako sa rooftop mag swiswimming....

Pagkadating ay kita ko naman o ramdam ko ang maraming tingin sa akin pero wapakels badtrip ako ngayon...

Pagdating ay naghanap ako ng bakanteng upuan kung saan pwede kong ilagay ang tuwalya at damit ko. Nang mahanap ay maghuhubad na sana ako ng t-shirt na suot at short ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Tsk.....di mo ba alam na bawal yan...Doon ka maghubad sa cr" pautos na sabi sa akin ni Phoenix kaya naman sinamaan ko ito mg tingin pero tinawanan lang ako nito atsaka lumapit sa akin.

Sige na doon kana sa cr magpalit...malapit lang naman" pangungumbinsi nito kaya naman napairap ako pero sumunod din.

Sabagay....pero ganon din naman yun....sa labas o sa loob naka swimsuit parin naman ako....

Nang makapaghubad ay agad na akong lumabas bitbit ang damit at tanging swimsuit ang suot ay mas lalo yatang dumami ang nakatingin.....

Wapakels pa din...

Nang makarating sa upuan ay kita ko naman si Phoenix na hindi makatingin sa akin kaya naman napatawa ako....

Pffttt....reallyyy Phoenix....." Sabi ko at ipinatong ang damit at saka tumuloy para makapag swimming....

Natatawa man ay dumeretso ako sa tabihan ng swimming pool kung saan may hagdan pababa at dito ako dumaan.

Mabilis akong naglakad pababa at unti unti ko nang nararamdaman ang malamig na tubig na talagang masarap sa pakiramdam.

Nang nasa pinakamababa na ako ay agad akong lumangoy sa kabilang side...

Iniisip na ako lang ang tao rito....

Ang sarap ng tubig....malamig ang sarap sa katawan....

Langoy lang ako ng langoy ng makita ko si Phoenix na shirtless ngayon at mag swiswimming narin yata....

Kaya agad ko itong tinawag....

Di nako badtrip....

Phoenix" tawag ko dito na agad naman akong nilingunan....

Sa pagtawag ko ay lumangoy naman ito papunta sa pwesto ko...

Pagkalapit ay agad ko itong tinalsikan ng maraming tubig kaya napa pikit ito pagkaahon...

Ahahahahahaha" tawa ko pagkakita sa mukha nito ngayon.

Ang panget mo....hmmppp" Sabi ko pero di na matapos dahil tinalsikan ako nito ng tubig....

It's a WAR" sigaw nito kaya naman mas lalo kong nilakasan ang pagtalsik ng tubig dito.

Ahahahahahaha....wait tympers" Sabi ko ng mapagod....

Walang tympers" Sabi nito at tatalsikan na sana ako ng lumangoy ako papalayo dito...

Habulin mo ko" Sabi ko ng makalayo dito pero nagtaka dahil hindi ko na ito makita ngayon....

Phoenix" tawag ko dito pero walang sumasagot at kita ko naman ang mga tao na natatawa na sa akin.

Phoenix" tawag ko ulit ng may maramdaman na humawak sa bewang ko.

Huli ka" bulong nito na nakapagpataas sa balahibo ko.

Nakahawak ito ngayon sa bewang ko na parang makayakap na ngayon sa akin..

Sana all" sigaw ng isang binata na nakatingin sa amin.

Ate bagay kayo" sigaw naman ng isang dalaga.

Ang gwapo nyo po" Sabi ng mga dalaga na kinikilig na nakatingin ngayon kay Phoenix.

Kaya naman natawa ako....

Ahahahahahaha....gwapo naman" biro ko at ginaya ang sinabi ng mga dalaga.

Ang gwapo nyo po" panggagaya ko na tinawanan nito.

Parang nakuha namin lahat ng atensyon ng mga tao dito sa rooftop..

Nang mapagod ay inaya ko nang umahon kaming dalawa....

Pagkaahon ay kita ko naman ang isang lalaki na kinuha ang tuwalya ko...sasawayin ko na Sana ng magsalita si Phoenix..

Pinakuha ko" Sabi ni Phoenix kaya naman napatahimik ako.

Pagkaahon ay agad kong kinuha ang tuwalya at itinapis sa katawan ko na ginawa din ni Phoenix...

Magbihis ka muna....kakain tayo ng tanghalian" Sabi nito na tinanguan ko din.

Pagkasabi ay agad kong kinuha ang damit at sinuot ito sa cr....

Pagkasuot ay tinutuyo ko naman ang sariling buhok habang naglalakad...

Kita ko naman si Phoenix na nakaupo sa isang table na nasa dulo.

Ang itsura ng rooftop ay may isang swimming pool at may resto sa gilid samantalang ang mga upuan ay nakapaligid sa swimming pool...

Pagkakita dito ay lumapit ako sa kinauupuan nito ngayon.

Phoenix" banggit ko sa pangalan nito pagkalapit ko na agad naman akong inalok na umupo na talagang tumayo pa at pinag hila ako ng upuan.

Nang makaupo ay agad akong nag pasalamat dito at tiningnan ang mga pagkain na nakahanda sa lamesa.

Ang dami naman...para naman tayong bibitayin" biro ko dito dahil ang dami nitong inorder na pagkain....

Hahahahahaha hindi naman" sagot nito.

Kruuuuuu" tunog ng tyan ko kaya naman napa peace sign ako dito dahil alam Kong narinig nito.

Eheheheheh...gutom nako" Sabi ko pero nakita ko lang itong ngumiti.

A genuine smile.....

Pray muna tayo" Sabi ko bago kami kumain kahit gutom na gutom na.

Pagkatapos mag dasal ay nagpaalam muna ako kay Phoenix na naghuhugas ng kamay dahil gusto ko magkamay...pero sinamahan din ako nito.

Sama nako, gusto ko din magkamay" Sabi nito at mabilis na tumayo kaya sabay kaming pumunta sa hugasan ng kamay....

Pagkadating ay agad na akong kumuha ng sabon para makapag hugas na ginawa din nito.

Phoenix friends na tayo" masayang sabi ko habang naghuhugas ng kamay...

Ramdam ko naman ang pagtigil nito sa pagkuskos at matamang tumingin sa akin kaya naman nginitian ko ito.

Friends na tayo ram-ram" Sabi ko at inilahad ang kamay na may sabon.

Kita ko naman itong matamang nakatingin sa akin pababa sa kamay ko ngayon at dahan dahang inabot.

Friends" masayang sabi nito at nag handshake kami nito.

Ahahahhaha....may germs na ulit kamay natin" Sabi ko at sinabon ulit na tinawanan nito.

Pagkatapos maghugas ng kamay ay halos lipadin ko na ang daanan para mabilis na makarating sa pwesto namin.

Gutom nako.....

Pagkarating ay agad na akong umupo at inintay ito.

Nang parehas na kaming ay para akong sundalo na dadaan sa isang malaking sabakan...ahahahahah

Kainan na" masayang sabi ko at mabilis na kumuha ng ulam gamit ang serving spoon pero nakakamay ako pag nasa pinggan ko na.

Nang makakuha ay agad kong tinikman ang pansit na paboritong paborito ko.....

Hmmmmmm....sarap" Sabi ko kahit puno ang bibig....

Walang manners kapag nasa harap ng kaibigan" paliwanag ko. Tiningnan ko naman ito na nakatitig lang sa pagkain ko kaya napatigil ako sa PAGLAMON...

Phoenix Kain na" alok ko dahil nakatitig lang ito ngayon sa akin kaya ako na mismo ang naglagay ng pagkain nito....

Kain na masarap yan" alok ko ulit at kumain,kita ko naman itong ngumiti at nagsimulang kumain....

BURPPPP...." Pag dighay ko ng patago pagkatapos naming kumain.....

Nasa elevator na kami ngayon at papunta na sa kanya kanyang kwarto....

Katabi pala namin ang ang kwarto nito habang nakain ay nagkwentuhan kami...nabanggit nito na katabi namin ang kwarto nya kaya nabanggit ko din na nasa iisang kwarto kami ni Cole..

Flashback....

Kami nga ni Cole magkasama sa iisang kwarto...di pungal kasi iisa lang yung nireserve eh nung sinabi ko naman na kukuha ng bagong kwarto..... Sorry daw fully booked na daw ang di pungal na hotel" pagkwekwento ko habang kumakain...

Kita ko naman itong napatigil...

Okay ka lang ba na kasama sya" nag aalalang tanong nito..

You know....lalaki sya at babae ka" dagdag nito kaya napatigil din ako sa pagkain...

Naisip ko rin yan....pero di bale na kahit naman magkaiba kami ng gender nun iisa lang naman iniisip namin...ang makaattend ng program dito" Sabi ko.

At Isa pa....like duh.....parang mas pipiliin panon mag pakamatay kesa gahasain ako noh" biro ko dahil sa arte nunnn...

Kuuuuuu....impossible

Atsaka kung nag aalala ka sa kakambal mo wag kang mag alala hindi naman ako nangangain" dagdag na biro ko.

Ahahahahahahah" tawa nya kaya tumawa din ako...

End of flashback....

Babye" paalam ko kay Phoenix ng nasa harap na ako ng kwarto...

Pagkapasok ay nag babye pako dito ng Isa....

Pagkapasok ay tahimik ang buong kwarto at kita ko ngayon si Cole na natutulog sa mini sofa...

Nakakaawa ito tingnan sa itsura nito este nakakaawa pala yung mini sofa....

Sa laki nyang yan.....Ewan ko lang, kung nakakpag salita Lang yung sofa namura na sya...

Ahahahhahahahaha.....

Tutal tulog pa naman ito ay agad kong kinuha ang bag ko at kumuha ng damit pamalit para makaligo ulit at malinis ang katawan.

Pagkatapos maligo at magpatuyo ng buhok ay lumabas na din ako ng cr at kita ko naman ito na bagong gising na nag kukusot ng mata....

Gulo ang buhok nito at gusot ang damit kaya diko mapigilan na mapangiti....

Tsk....parang bata...

Nang makita ako nito ay napaayos naman ito at seryoso ang mukha na tumingin sa akin.

Kumain ka na"Sabi ko at kinuha ang tinake out kong pagkain para dito..

Alam kong di kapa kumakain...wag maarte" Sabi ko pa pagkatapos ihanda ang pagkain sa maliit na lamesa....

Kita ko naman itong nakatitig parin sa akin na tipong di makapaniwala...

Kumuha lang ako ng kutsara at plato na kakainan nito.

Wag mo kong titigan" saway ko dito habang kumukuha ng plato...

Nang maibigay ang kakainan nito ay pinabayaan ko na ito pero nakatitig parin sa akin...kung hindi sa akin nakatingin ay sa pagkain na nakahanda sa kanya ito nakatingin kaya dumeretso na ako sa kama at nagkumot dahil ang lamig na dito sa kwarto...

Pagkahiga ay rinig ko naman itong nag salita....

Salamat" nahihiyang sabi nito pero di ko na ito inimikan at nagtalukbong ng kumot para makatulog...

Grabe napagod ako sa pag swiswimming...

Nang maramdaman ang antok ay nagpadala nako dito...

ZzzzzzzZzzzzzzZzzzzzzZzzzzzz

Cole POV

Salamat" nahihiyang sabi ko dito pero hindi na ako sinagot at nag talukbong na ito ng kumot...

Agad naman akong napatingin sa mga pagkain na binili nito para sa akin....

Paborito ko itong lahat...

Nakatitig lang ako pero nang maramdaman ang gutom ay agad ko ding kinain ang binili nito...

Habang kumakain ay nakatingin ako dito na nakatalukbong parin ng kumot pero Maya Maya pa ay gumalaw ito pero hindi pala gising dahil parang humanap lang ito ng magandang pwesto habang natutulog.....

Tulog na agad.....

Mayamaya pa ay kita ko naman itong gumalaw ulit pero this time sa paggalaw nito ay nagagalaw din ang pagkakakumot dito na halos kalahati na lang ng katawan nito ang nakukumutan...

Ang likot nya matulog...

Nang matapos sa pagkain ay halos sakop na nito ang buong kama...at rinig ko narin ang mahina nitong pagharok...

Kaya naman napangiti ako sa itsura nito.....

Agad ko namang nilinis ang pinagkainan ko...nang matapos ay kita ko naman na ang kumot nito ay nasa baba na ng kama dahil sa kalikutan nito habang natutulog.....

Kaya diko naman mapigilan na hindi matawa ng mahina at napailing na lang sa nakikita ko...

Kinuha ko ang kumot at ikinumot dito dahil kita kong nanlalamig na ito....

Tsk...Tsk...

Pagkakumot ay diko naman mapigilan na makita ang mala anghel nitong mukha...

Ang taray mo kanina....." Pagkausap ko dito habang tulog....nakaupo ako sa tagiliran ng kama nito para makita ko ang mukha nito at dahan dahan na hinaplos ang maganda nitong mukha....mula sa mata....ilong at labi....

Akala ko ay tuluyan ka ng nagalit sa akin" pagkausap ko lang dito at kita ko ngayon na nakangiti ito sa akin habang tulog...

Sino kaya ang iniisip mo at ganoon ka na lang makangiti" biro ko na may kasamang lungkot...

Sana.....Sana hindi naman ako diba....." Sabi ko na parang kutsilyo na tumarak sa puso ko...

Masasaktan ka lang kasi...." Naiiyak na sabi ko kaya naman napalayo ako dito at umayos ng tayo...

LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB

LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB

LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB

LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB

LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB

LUB DUB LUB DUB

Hindi pwede ang nararamdaman mo Cole Ramsey....pull yourself together....

You're a doctor right...you want her to be the best.....

Saway ko sa sarili ng mapagtanto kung ano na ang nararamdaman ko ngayon....

Baby, you're all that I want

When you're lyin' here in my arms

I'm findin' it hard to believe

We're in heaven

And love is all that I need

And I found it there in your heart

It isn't too hard to see

We're in heaven🎶🎶🎶🎶

Ladiefox13 eto na ahahhahaha

Don't forget to vote this Chapter kung nagandahan ka sa Chapter na ito❤️ Thank you