Chereads / TASTE OF MEDICINE / Chapter 4 - Code Blue

Chapter 4 - Code Blue

Aubrey POV

Pag katapos kong magsabi sa radyo ay napatingin ako sa monitor ni Annie at ang heart rate monitor nito ay unti unting bumaba at maging flat na linya ang nasa screen.

Agad naman akong kinabahan ng makita ko eto.

Oh my god Annie wag kang sumuko!!! Ikaw ang unang pasyente ko....please lumaban ka.

Come on Annie,stay with me" Sabi ko habang sinicpr ko sya.

Annie, Annie pls...stay with me...

Aubrey" tawag sa akin ni Kaila.

Nakita ko sya na nasa harapan ng pinto at bagong pasok.

Kaila, where's the code team" nag-alalang tanong ko at tuloy parin ang C.P.R Kay Annie.

Room 502 called a code blue before you. Just keep the C.P.R., they will get to you when they can" gulat din na sabi nito at kinakabahan din.

That could be too late. Common Kaila help me. I can't lose her. I don't know what's wrong" seryoso na sagot ko na sa kanya.

Kaya agad naman itong nag gloves at lumapit sa akin.

What were her symptoms" tanong ni Kaila sa akin.

She was admitted for headaches and nausea. She said it's started during her vacation in Indonesia." Sagot ko sa kanya.

And Aurora and I did a blood workup and gave her cefpodoxime" dagdag ko pa.

Kaya agad naman ni Kaila na hinubad ang hospital gown ni Annie.

Look! She's breaking out in hives" Sabi nito ng makita namin ang katawan nya.

She's in anaphylactic shock" gulat na sabi ko habang nag sicpr pa din.

Must be allergic to the antibiotics you gave her" Sabi ni Kaila.

Oh my god....ako may kasalanan kung bakit sya nag kaganon....

She's allergic. It's all my fault" pag amin ko sa kasalanang ginawa ko.

It doesn't matter whose it is. This girl needs you now" galit na sabi sa akin Kaila.

Well have to get her heart started ourselves. Get the defibrillator..... We'll start her at 300 volts." Sabi nito sa akin at kumilos na ako para masimulan na ang tanging paraan para mailigtas sya. At si Kaila ang pumalit sa pwesto ko.

I'm sorry Annie.

Agad Kong kinuha ang defibrillator cart at tinabi sa hospital bed nito.

At binasa ang papel na nandito sa cart.

Bare the patients chest....apply the paddles to the right side, beneath the collarbone and the left side beneath the armpit.

Okay I've got this" Sabi ko at kinuha ang paddles at naglagay ng gel sa ilalim ng gilid nito. Tinigil na ni Kaila ang pag CCPR dito. Atsaka nilagay ang paddles sa right side beneath the collarbone at ang Isa naman ay sa left side malapit sa armpit.

That's it now set the charge" Sabi ni Kaila at agad ko naman ito chinarge sa 300 volts.

Charging!!!" Sabi ko

Ok it's charge, on it" Sabi naman ni Kaila.

Clear" Sabi ko at dinikit sa katawan ni Annie.

Ng tinanggal ko ito Annie's body spams as the paddles discharge.

Annie pls....comeback...stayyyy....

Agad ko na naman tinanggal ang paddles at tinabi at kinompress ang dibdib nya..

Common.....Annie....

You can do this Annie I know you can " Sabi ko at patuloy parin sa compression ng dibdib nya.

Come on, come back to us " Sabi naman ni Kaila.

And the monitor beeps once....twice...

Oh my god..... She have a heartbeat...

Annie's heartbeat returns, accelerated but constant...

Yesssss!!!!

You're so lucky" Sabi ni Kaila sa akin.

Seriously you give her an epinephrine injection and intubate. I'll maintain compressions." Sabi ko sa kanya habang nag cocompression parin ng dibdib ni Annie.

At napatigil ng may malakas na nagbukas ng pinto.

Just what the hell is going on in here Rookie" Sabi ni Dr.Cole at galit na tumingin sa akin.

Yeah....Alam ko ako may kasalanan.....

Lumingon naman ako sa kanya dahil nakatayo sya sa doorway.

Dr. Cole she was allergic to the antibiotics I prescribed" natatakot na sabi ko dito.

Dahil mukhang kakainin nya ako ng buhay.

Alam ko namn na Mali.....

Well....at least youre taking responsibility" mahinahon na sabi nito at nakita na nandito si Kaila.

Sometimes patients don't know about their own allergies. That's why you need to be cautious. " Dugtong pa nito at bumuntong hiniga..

Buti na Lang nandito si Kaila....kundi letchong baboy na naman ako neto..

Agad naman nagkameron si Annie ng malay ng turukan sya ni Kaila ng Epinephrine pero di parin nabukas ang mga mata nito.

And now we intubate" Sabi ni Kaila at ginawa ang susunod na gagawin.

Excellent work. Doctor....??" Tanong ni Cole dahil di nya Alam kung ano pangalan ni Kaila.

Garcia" sagot ni Kaila kay Dr.Cole.

You were assigned to this case" tanong naman ni Cole kay Kaila.

No I was passing and heard Dr.Gabriel calling a code blue " pagpapaliwanag ni Kaila kung bakit sya nandito atsaka tumingin sa akin.

The patient's very lucky you were here. I'm not confident Dr. Gabriel could have handled this alone" pagkausap ni Dr.Cole kay Kaila at ngumiti.

Okay lang alam ko naman na kasalanan ko...

Tumingin naman sa akin si Kaila tila nag iisip kung ano sasabihin nya kay Cole.

Kaya agad akong tumango sa kanya.

Thank you. Just doing my job Dr. Ramsey" sagot nito.

Dr. Garcia you should return to your own patients " pagsasalita ni Cole at nakangiti na hinatid si Kaila papalabas ng kwarto.

My god...hukom na....

Pagkalabas ni Kaila sa kwarto ay sinaraduhan nito ang pintuan at saka naging galit na naman ang tingin nito sa akin.

And you....you need to have a long, hard think about wether or not you're ready to be here" galit na sabi nito sa akin.

It doesn't matter that it's your first day, or that your still learning. Wether this girl lives or dies is on you" dagdag pa nito at masama na naman na tumingin sa akin.

Yung galit nya alam ko kung saan nya kinukuha dahil muntik na ako makapatay ng pasyente kanina.

I know Dr. Cole" Sabi ko at yumuko sabay kagat labi.

You still have no idea what's wrong with her, and your first effort nearly killed her" Sabi pa nito at bumuntong hininga.

Galit galit talaga sya sa akin....

This is the real world. No room for mista-" may sasabihin pa sana toh ng may kumatok sa pintuan.

Hi! Dr. Ramsey sorry to interrupt. " Sabi nitong babae na kumatok at ngumiti sa kanya.

For love of god. What now" Sabi nito at hinilot-hilot ang bridge ng ilong nito.

Stressed na stress talaga sya pag dating sa akin.

Dr. Gonzales is need you now asap" Sabi ng babaeng intern na pumasok.

Patuloy parin sa paghilot ng ilong nito si Dr. Cole at saka nagsalita ulit.

Remember what I said Rookie , the next time I see you, you'd better have solved this case" Seryosong sabi nito at umalis na ng kwarto.

Thank God for Dr. Gonzales " Sabi ko habang nag papaypay ng sarili gamit ang sariling palad. Muntik na ako dun ah.

Shems! Malapit na ako matusta kanina...

Yeah, too bad he doesn't actually needs to see Dr. Ramsey" sagot naman ng babae kaya agad ko syang tinanong.

Akala ko ba kailangan.

Huh? Sabi na nagtatanong..

I made it up, I could hear Dr. Ramsey chewing you out halfway down the hall. I figured you might need to save" Sabi nito at parang wala lang ang sinabi nyang yun.

So ibig sabihin, nag sinungaling ka" tanong ko at tumango naman sya.

Salamat"sinserong sabi ko sa kanya. Kasi malapit na ako maiyak kanina. Kasi talagang pinamukha sa akin ni Dr. Cole yung pagkakamali ko kanina.

yung guilt para kay Annie tapos yung galit sa akin ni Dr. Ramsey parang naghalo.

Masyadong syang masakit mag salita.

Pero ano magagawa ko. Siguro iyun yung paraan nya para maturuan ang mga intern na katulad ko.

Nakita ko naman syang ngumisi

at ang kyut nya dun...

Walang anuman. I just doing what is right" Sabi nito at nakipagkamay.

I'm Fiona Avery it's nice to meet you" Sabi nito sa akin.

I'm Aubrey Gabriel and it's NICE to meet you too" diniinan ko talaga yung pagkakasabi ko ng nice kasi sobrang thankful ako na dumating sya.

We interns gonna stick together right" Sabi nya sa akin.

This whole program is designed to push us to our limits. We don't get through this unless we have each other's back" dagdag pa nito kaya agad naman akong tumango.

You have no idea how nice it is to hear something like that" sabi ko at niyakap sya. Nagulat sya pero niyakap nya din ako.

I've already met a couple of sharks today" tukoy ko sa mga Attending. Attending na katulad ni Dr. Cole. Pero mas mabait na pating yung mga yun kumpara dito sa Cole na toh.

Ughhh...sharks are the worst" Sabi nito at halatang ayaw nya talaga maka meet and greet ng sharks ng ospital.

Ay oo nga pala sasama ka ba sa party mamaya pagkatapos ng long shift natin. Welcoming Party daw para sa mga interns" Sabi nito.

Party....luh may ganoon pala di ako inform.

Wanna come with? Tanong nito at agad akong tumango. I want to make new friends. That's is going to have my back.

Oh sure now I have a reason to survive this long shift" pabirong sabi ko at tumawa naman sya. Nang biglang tumunog yung pager nya kaya agad na itong nag paalam sa akin.

I gotta go. " Sabi nito

Sure go to your patients, they'll need you. Sabi ko sa kanya at agad naman syang tumalikod pero lumingon ulit sa akin para mag babye.

Pag ka alis nya ay pumasok ulit ako sa kwarto ni Annie wala parin syang malay and my smile fades a way. When I see her body that's still unconscious.

Kasalanan ko Annie kung bakit Wala kang malay ngayon...

I'm sorry..

Aalamin ko kung ano ang problema ng katawan mo Annie. I promise." Sabi ko at lumisan sa kwarto nya para puntahan pa ang ibang pasyente ko.

Habang naglalakad nag babalik na naman sa isipan ko ang mukha ni Annie at ang mga salita na sinabi ni Cole sa akin kanina.

And you....you need to have a long, hard think about wether or not you're ready to be here"

It doesn't matter that it's your first day, or that your still learning. Wether this girl lives or dies is on you"

You still have no idea what's wrong with her, and your first effort nearly killed her"

I nearly killed her earlier. And it kills my heart. Because I just want to save people.

Hindi kasi ako nag-iingat.

Nang malapit na ako umiyak ay agad akong nagtago sa supply closet at doon unti-unting kinukuha ang sarili para hindi mabaon sa matinding kalungkutan.

Ng biglang may pumasok.

I feel like I'm interrupting something" Sabi ni Liam ng makita na naiiyak na ako habang nakaupo sa sahig nitong supply closet.

Get in or get out Liam just don't keep the door open" Sabi ko sa kanya dahil bukas parin ang pinto.

Agad naman syang pumasok at tumabi sa inuupuan ko.

Hey, what's wrong" tanong nito sa akin. Kaya napaiyak na ako ng tuluyan.

Kasi naman tatanong pa....napaiyak na tuloy ako.

My first patient almost died.(singhot) It's was my fault. Maybe...maybe I'm not cut for this. I've dreamed of doing it my entire life...to study medicine....but it's like I'm not ready" sabi ko at umiyak ulit.

Wow. You managed four years of med school, but four hours here you're surrending" Sabi nito na nakapag tahimik sa akin.

That's right!!!! I managed to survive med school so I can survive here...

Didn't take you for a quitter" dagdag pa nya.

You just met me" Sabi ko sa kanya at tumahan.

Totoo yan pero kung ang lahat ng katulad mo ay nagkamali at dito iiyak sa supply closet wala nang doctor pa dito sa ospital tanging mga pasyente na lang" Sabi nito.

Kaya tumahan na talaga ako....

Oo nga noh siguro kung nagkamali man ako.....may oras pa naman para itama ito.

So how do I handle it" tanong ko sa kanya.

There's two options first let go or you go" Sabi nito kaya agad naman akong natawa at hinampas sya sa balikat.

Syempre let go na lang kesa naman umalis ako dito sa ospital, siraulong toh" Sabi ko pa at hinampas sya ulit. Pero mukhang walang talab.

Seryoso ako Kasi Isa kang doctor. At Hindi madali maging doctor. Ito ay isang pinakamahirap na trabaho. Atsaka first day mo palang Kaya wag kang sumuko agad"Sabi nito at nag fighting fist pa at ngiting ngiti na tumingin sa akin.

Smile kana " Sabi nito at pinilit pa akong pangitiin.

Oo ngingiti na" sabi ko at ngiting ngiti din na tumingin sa kanya.

If you don't give yourself a chance to make mistakes...to get better nobody else will" Sabi nito at tumayo.

Tara na" anyaya nito at nilahad ang kamay para tulingan akong tumayo.

Okay" Sabi ko kinuha ang kamay nya.

Saka kami sabay lumabas ng supply closet.

I won't this job beat me just yet" Sabi ko habang papunta na sa patient ko.

Habang nag lalakad sa hallway ay iniisip ko parin ang maaring possibilities na pwedeng maging sakit ni Annie.

Maybe Wolff-Parkindon-White Syndrome?

No she would've know about it before now.

Could be aortic stenosis...

But she doesn't have risk factors.

Naglakad lang ako naglakad habang iniisip parin ang pwedeng maging sakit ni Annie ng mapagtanto ko na nawawala na naman ako.

Na naman(*_*)

Agad ko namang inikot ang paningin ko at nakita na may intern din napaparating sa way ko Kaya agad ko syang nilapitan.

Hi, pwedeng magtanong" Sabi ko pero nagpakilala sya.

Hi I'm Dr. Nash Carter. It's nice to finally meet you" Sabi nito.

Siguro nakita ako nito kanina sa orientation.

I'm Aubrey, Dr. Aubrey Gabriel nice to meet you too" Sabi ko at nginiitian sya.

Ummmm...Nash Alam mo ba kung saan papunta sa lab" tanong ko pero agad din nawalan ng pag asa sa sinagot nya.

Actually, naliligaw din ako" sagot nya.

Bakit ba Kasi ang laki nito sa loob pero ang liit naman sa labas" reklamo ko kasi ilang beses na akong naligaw.

Tama ka " sagot nya at napakamot na lang ng ulo. Dahil di nya rin alam kung paano kami makakaalis dito.

Kung alam ko lang na ganito kahirap dito" Sabi ko

Edi sana nag lawyer na lang ako" dagdag na sabi nito at tumawa.

Nang may pasyente na naglalakad papunta sa pwesto namin. May hawakan ito yung wheeled I.V stand. Siguro naglalakad lakad.

Say, are you to lost! I can show you the main hall" pag approach nito sa amin. Kaya agad naman kaming napakamot sa batok namin.

Dahil mismong patient pa ang maghahatid sa amin...

Thanks! As long as it's not too much trouble for you ma'am " pasasalamat ni Nash doon sa matandang pasyente.

No trouble Dr. Carter makes me take twelve laps of the floor everyday so I don't go stir crazy" sagot naman ng matanda. Siguro pasyente toh ni Nash kaya kilala sya.

Agad naman kami sumunod sa kanya ng magsimula na syang maglakad ulit. Nasa likod nya kami at sa mga Doctor at nurse na nakakasalubong sya ay binabati sya ng mga ito.

Siguro napaka friendly nya....

Evening,Mrs. Martinez how was tonight's KNJS" tanong ng isang nurse.

Maganda lalo na napanood ko si Ed Kaluag" sagot nito.

How do you know po ang mga daanan dito sa ospital" tanong ko dito kasi mukhang alam na alam nya ang daanan dito.

Ang ospital na ito ay parang maze diba. Pero sa tagal na panahon na nandito ako parang mas alam ko pa toh kesa sa Alpabeto" sagot nito at tiningnan ako kaya agad naman ako ngumiti sa kanya.

Here you go! This is the elevator" Sabi nito at ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng elevator.

Wow diko man lang namalayan.....

Thank you so much Mrs. Martinez you're a lifesaver" Sabi ni Nash at ngumiti sa matanda.

Now you have to pay it forwards, young doctors" sagot nito.

And wag kayong mag alala. May mga bagay na dapat di minamadali" dagdag pa nito.

Nang makapasok sa elevator ay tumalikod na sya sa amin at kita ko ngayon ang puwit nya dahil hindi natatabingan ng hospital gown ito.

Luhhhh...nakalabas...

Mrs. Martinez your butt is showing" gulat na sabi ko sa kanya.

My word, bakit mo tiningnan" gulat din na sabi nito.

Luh bakit ko pa kasi sinabi.....nakakailang....baka napagkamalan pa ulit ako na manyak.....

I'm sorry I'm ju---"diko na naituloy ang sasabihin ko ng malakas syang tumawa at tumawa din si Nash na nasa tabi ko.

Walangya!!!!pinagkakaisihan nila ako.....

I'm teasing you dear. I like your reaction" Sabi nito at nagsara ang elevator. Sa tabi ko tawang tawa parin si Nash.

Kakatawa po ...

You should see your reaction Aubrey" Kanda hirap pa na sabi nito sa akin at tumawa ulit.

Oh shut up" Sabi ko at nadala nadin sa tawa nya.

Nang tumigil sa pagtawa si Nash ay pindot na nito ang 3rd floor. Kaya habang naghihintay ay nag play na naman sa utak ko ang sinabi ni Mrs. Martinez.

Ang ospital na ito ay parang maze diba. Pero sa tagal na panahon na nandito ako parang mas alam ko pa toh kesa sa Alpabeto"

And wag kayong mag alala. May mga bagay na dapat di minamadali"

Oh my gosh Alam ko na!!!!

I know what's wrong with Annie" gulat na sabi ko.

Who's ann--" Dina natapos ni Nash ang sasabihin ng pinindot ko ang open botton dahil saktong fifth floor na kami.

Pagkabukas ay agad na akong lumabas at iniwan sya.

Next time ko na ipapaliwanag Nash.....

Agad akong tumakbo at pumunta sa kwarto ni Annie at naabutan na nandun din si Dr. Ramsey at matamaan akong tinitingnan.

Gising nadin si Annie....

I'm told you wanted to see me" salubong sa akin Cole ng makapasok ako napatingin din naman si Annie sa akin at ngumiti.

Annie's gonna be okay" Sabi ko sa kanya at sinagot naman nya ako ng isang napakaraming sarkasmo na salita...

Chill ka lang Gabriel...

That's good news. I imagine it wasn't a random miracle" seryoso na sabi nya. Diko ba alam kung nagbibiro ba sya o ano.. pagkatapos he folds his arms and leans on the wall.

Luh bahala sya basta alam ko na kung bakit....

So iniintay ko ngayon ang matalinong mong ideya bakit sya nag kakaganyan" sabi nito sa akin at boring na tumingin sa akin.

Pasalamat ka talaga....naku....patay ka talaga sa akin kapag...kapag .....Wala...

I wanna know too" Sabat ni Annie.

It was never the bacteria. It was something that happened on her trip to Indonesia" Seryosong saad ko at lumingon kay Annie...

Doctor mode...on

Annie you told me you went for your scuba license. You didn't say you got it." Sabi ko pa.

Because I didn't got it" malungkot na sabi nito.

You also told me that you're prone to panic attacks when you get stressed out" Saad ko ulit.

At nirerecall ang mga sinabi nya.

Annie did you have panic attack while diving" tanong ko.

I always wanted to go scuba diving....but once I got down there I totally freaked out" malungkot na saad nito.

And you resurfaced too quickly" teyorya nasabi ko.

Konti na lang....

Binigay ko kay Cole ang chart ni Annie.

The result ? Decompressions sickness.....and labyrinthitis" Sabi ko kay Cole habang nakatingin sa kanya.

Pero busy sya sa pagbabasa ng chart nito.

Annie that's an inflammation of your inner ear, which caused your vertigo and nausea." Pagbibigay alam ko sa kanya.

And what treatment did you recommend. Dr. Gabriel" tanong sa akin ni Cole.

The symptom's can be eased with antihistamines.....but the condition itself can only be treated with time" paliwanag ko at tumingin kay Annie.

How much time" tanong nya.

You can't rush it, but within a few weeks, you'll feel like yourself again" sagot ko sa tanong nya.

Thank you so much Dr. Gabriel" pasasalamat nito agad ko naman sya niyakap.

You can do it Annie, I know you can" bulong ko at humiwalay sa yakap nya.

Doctor mode...off

At sinundan si Cole na nakalabas na pala ng kwarto.

Nuhh kangayon.... I feel so confident.....

So I'll fill out a prescription for some extra-strenght antihistamines---" diko na naituloy ang sasabihin ko ng nagsalita sya.

Don't bother I already have" sabi nito.

Teka alam nya na...

Atsaka nya binigay sa akin ang prescription na naka printed na dapat ay gagawin ko pa lang.

Anak Ng!!!!!!!

Alam mo pala pero di mo sinabi" Seryosong sabi ko.

Pero ang luko inisnab lang ako at tiningnan ang relo nya.

Plinano ko na bigyan kita ng oras para magsalita. Para naman di sayang effort mo. Nang pumunta ka, nabasa ko na chart nya bago kapa dumating." Sabi nito at halatang boring na boring na kausapin ako.

Okayyyy...

Thanks for giving me the chance Dr. Ramsey" seryoso na sabi ko.

Teka bakit hindi na Dr. Cole. Atsaka expected ko na magagalit ka." Sabi nito.

Bakit ako magagalit eh para naman yon sa pasyente.

I know na para sa akin din ang ginawa mo kaya maraming salamat" Sabi ko at tinalikuran na sya at mabilis na umalis.

Natatae na ako shems!!!!!!

Cole POV

Pagkaalis ni Aubrey sa harapan ko ay doon lang nag process sa akin ang ginawa nya. Iniwan ba naman ako.

Bakit naman ako nun basta basta iiwan atsaka bakit parang ang seryoso naman nun at himala di na nagalit sa akin.

Wag mo sabihin na nagalit yon...

Eh gusto ko lang naman na malaman nya ang pagkakamali nya.

Sobra kasi!!!

Bulong ng siraulo kong utak.

Anong sobra!! Pagkausap ko sa sarili ko. Pinipigilan ko pa nga galit ko nun. Paano kung makapatay sya edi hindi na sya makakapag doctor, masisira pangarap nya. I just think of some possibilities na pwedeng ikapahamak nya.

Dr. Ramsey" tawag sa akin ni Dr. Harper.

May welcome party para sa mga intern at kailangan nandoon ka dahil ikaw gustong maging guest ng mga intern" pagkasabi nya ay agad ko naman syang pinagkunutan ng noo.

Bakit ako pupunta don. Pagod ako at maraming gagawin.

Kailangan ka don. Dahil ikaw ang gusto nila." Sabi pa nya at saka ako iniwan.

Ano pa ba magagawa ko. Sabagay kailangan ko rin yon.

Sa mahabang oras na lumipas ay naging busy ako at dina malayan na isang oras na lang pala bago ang opening party ng mga bagong studyante.

Aubrey POV

Pagkaalis ko sa harap ni Cole ay agad akong pumunta ng restroom para tumae pero utot lang pala.

Walangya kala ko tae yun pala utot lang....

Naiwan ko pa agad don si Cole at di pa ako nakapag paalam.

Nang makalabas sa restroom ay agad naman tumunog ang pager ko at pinapapunta daw kami doon sa Main hall. May sasabihin daw si Chief Emery Harper.

Good evening, Alam ko na pagod kayo maghapon kaya bilang first day pa lang naman. May welcome party kayo na galing sa ospital na ito. Ngayon tapos na ang shift nyo at ang pasok nyo bukas ay 8:30 ulit." Sabi nya at umalis na.

P.A speaker: ang mga iba pang impormasyon na gusto nyong malaman ay naka dikit sa board. Yun lang at maraming salamat. Enjoy the party.

Nakita ko naman si Kaila na kasama si Liam kaya agad akong pumunta sa pwesto nila.

Kaila..Liam" tawag ko at nilingunan naman ako ng dalawa.

Aubrey, Sino ka date mo sa party " pagsalubong nila sa akin.

Teka, bakit kailangan may date ano toh prom....

Ha? Bakit kailangan may date diba welcome party lang naman" gulat na tanong ko.

Ewan ko nga rin buti na lang si Liam ang naka partner ko" Sabi ni Kaila.

Luh sino magiging kapartner ko...

Tara pumunta tayo sa board para tingnan kung sino ka date mo dahil sila ang namimili." Sabi ni Liam at nauna ng maglakad nag katinginan naman kami ni Kaila at saka sumunod.

Let's see" Sabi ko at saka hinanap ang magiging kapartner ko.

Aubrey Gabriel- Phoenix Ramsey

Guys sino tong Ramsey na toh" tanong ko sa kanila.

Baka typo na naman. Shet ang dami naman ka ipiliyido ng mga attending ngayon.

Huh?" Reaksyon ni Kaila ng mabasa din ang nakasulat.

Sya si Phoenix Ramsey ang kakambal ni Dr. Ramsey. Di tulad ni Dr. Ramsey na tahimik ang kapatid nyang ito ay parang dinoble ang kasungitan nya. Kilala ko sya dahil isa din syang surgical student na katulad ko. " Seryosong turan ni Liam sa amin.

Pero bakit ngayon lang sya? Tumigil ba sya sa pag aaral" tanong ko.

Hindi, mas inuna nya maging Businessman. At alam mo naman siguro ang tatak na Dulce and Gabhanna sya ang may ari noon at ngayon nag aaral sya kasi gusto naman nya tuparin ang pangarap nya na maging surgeon." Mahabang paliwanag nito.

Oh my god...may kapatid sya.....

Who's Aubrey Gabriel" rinig na salita namin ng isang lalaki.

Me" Sabi ko dito. Tiningnan naman ako nito na parang kinikilatis ang itsura.

Agad naman ako nailang dahil ang pagtingin nito sa akin ay parang hinuhusgahan na ako. Kaya kumunot naman noo ko na nahalata nya at saka nya ako binigyan ng nakakairita na ngisi.

Bwiset magsama sila ng kapatid nyang abno...

Ayoko na sumama bahala na kung mapagalitan ako.

I don't want to come" Sabi ko kina Kaila ng lumingon ako sa kanila atsaka nag walk out.

Nak ng tokwa!!!!! Bakit ba naglalabasan ang mga kalahi ng unggoy na yun.

Paglabas ko sa ospital sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Grabe namiss ko toh....

Paglabas ko agad akong dumeretso sa sasakyan ko ng may biglang humawak ng balikat ko.

Sa pagka praning.....napasigaw ako ng malakas na halos ikasira ng lalamunan ko.

AHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Sigaw ko mas lalo pa akong nataranta ng may tumakip sa bibig ko.

Ano ba bakit ba ang ingay mo" galit na sigaw ng isang lalaki.

Parang kilala ko toh...nang kumalma ako ay inalis nito ang kamay sa bibig ko at nadidiri na nakatingin sa kamay nya.

Ang arte.....bagong toothbrush ako oyyyyyy.....

Nang matapos ang kaartehan nya ay agad itong nagsalita at tiningnan ako ng masama na parang ako pa may kasalanan.

Kaya sinamaan ko din sya ng tingin.

Mas masama yung akin...bwiset ka...

Look, i am not going to harm you. I heard na ayaw mo ummatend ng party pero wala kang mamagagawa dahil kailangan mo ummatend." Sabi nya at mas lalong sumama ang tingin ko.

Kailangan mong ummatend dahil hindi lang ikaw ang maapektuhan pati ako. Dahil kailangan partner partner ang pupunta sa party" dagdag pa nya.

I'm gonna come to you're house see you at 8" Sabi nito at umalis na.

Hindi naman agad ako nakapagsalita.

Bahala sya di naman nya alam ang bahay ko. Hindi ako pupunta sa party noh" Sabi ko at saka sumakay ng sasakyan.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong hinubad ang dress ko at humilata sa kama at di namalayan na nakatulog na ako.

ZzzzzzzzzzzzzzzzZzz....

Aubrey....AUBREY...Tok,Tok tok" malakas na lagabog ang nakapagpagising sa mahimbing kong pagkatulog.

Nak ng!!! Sinong hangal ang gumising sa akin...siguraduhin lang talaga nitong tao nato na may maganda syang dahilan kundi nako masaksakan ko sya ng injection.

Wala sa sarili kong binuksan ang pintuan habang nagkukusot ng mata dahil antok pa talaga ako at ginulo gulo ang buhok dahil sa pag kairita.

Ano b- " Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko sa gulat ko.

Para akong nawalan ng kaluluwa....

Aubrey Look(imagine wala nung wings)

Phoenix" sambit ko sa pangalan nya. Hingal syang nakatingin sa akin at pinagpapawisan halatang napapagod na pero masamang nakatingin sa akin pero nagulat sa nakita dahil naka lingerie lang ako ngayon at ngayon ko lang nalaman na nakalingerie lang pala ako ngayon.

At dahil sa pangyayari na iyon ay agad kong sinaraduhan ang pintuan at hinagilap ang roba ko.

My god...ang Bobo mo Aubrey....

Hoy, Aubrey papasukin mo ko" sigaw nito at kinalampag ulit ang pintuan.

Buksan ko naba.....bakit kasi ang bobo ko......

Erase the memory....parang wala lang nangyari...

Pagkabukas ko. Nabigla ako ng bigla nya akong hilahin papalabas habang nakaroba at naka tsinelas na panloob lamang ako.

Ano ba Phoenix, saan mo ako dadalhin" pag tatanong ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nya sa braso ko.

Pwede ba tumahimik ka muna" inis na sabi nito at binuksan ang kotse atsaka ako pinapasok.

Ano ba ginagawa mo" inis din na tanong ko sa kanya.

Tiningnan naman nya ako ng masama atsaka nagsalita.

Diba sabi ko susunduin kita ng 8 " pigil inis na sabi nya.

Oo nga noh pero paano nya nalaman ang bahay ko.

Speaking of bahay....Yung bahay ko dipa nakasarado...

Hoy,yung bahay ko dipa nakasarado" sigaw na sabi ko sakanya.

Hayaan mo may mga tao ako napapapuntahin sa bahay mo" Sabi nito kaya napatahimik ako.

Binuksan nya ang makina ng sasakyan at ngayon ko lang napansin, ang maganda nyang sasakyan. Napatahimik naman ako at napaisip kailan kaya ako mag kakaganito. Kulay black ito at ang disenyo nito ay pumapalahaw na mayaman ang may ari nito. Hindi na kataka taka. Para sa isang businessman na katulad nya.

Saan mo ako dadalhin" mahinahon na tanong ko.

Pero wala akong sagot na nakuha . Dahil busy din sya sa pagmamaneho.

Naiintindihan ko naman yon.

Baka mamaya mabangga pa kami dahil sa kadaldalan ko.

Di nagtagal ay tumigil na ang sasakyan. Dinala nya ako sa isang sikat na salon at pinababa.

Walangya di man lang ako pinagbuksan ng pintuan.

At nauna na syang pumasok sa Salon kaya agad akong bumaba at sumunod sa kanya.

Make her beautiful" rinig ko na Sabi nito at naupo sa upuan don sa waiting area. Kaya agad ko naman syang nilapitan.

Hoy! ano ginagawa mo" pabulong na inis na sabi ko sa kanya at nahihiya dahil naka roba lang ako ngayon at naka tsinelas na pambahay.

Pero wala na naman akong sagot na nakuha.

Nakakainis!!!!!!!

Ma'am kailangan nyo na po ayusan " Sabi ng isang staff dito sa Salon at hindi alintana ang itsura ko ngayon.

Kaya wala na akong magawa kundi sumama.

Letse!!!!!!

Agad muna nila akong inayusan ng buhok atsaka minake apan.

Ma'am ang swerte nyo po" Sabi ng isang staff sa akin. Kaya naman diko napigilan ang mapakunot ang noo.

Swerte daw baka kamo malas!!!

Hindi yata nakita ng staff na ito na tumaas ang kilay ko at patuloy parin mag salita at animoy nakakita ng prince charming.

Ang gwapo talaga ma'am ni sir. Alam nyo po ba kayo ang kauna unahang babae na dinala ni Sir dito. Palagi po kasing sya lang." Mahabang daldal nito.

Tinatanong!!!

Sorry ate ikaw tuloy napagbuntonan.

Natapos ang pag mamakeup nila sa akin ay nakasimangot parin ako.

Inis na inis talaga ako sa kanya.

Grrrrrr!!!!!

Alam mo yung iyamot na hindi mailabas. Tapos naalala ko pa si Cole parehas na parehas sila ng kapatid nya.

Parehas masungit.....

Mulat na po kayo ma'am" Sabi ng isang staff agad ko naman tiningnan ang itsura ko.

Di naman masama wala parin nagbago!!!!

Maganda parin!!!! Ahahahhaha joke lang baka mabusong ako....

Pagkatapos kong make apan ay agad akong pumunta sa kanya at nakasimangot na tumingin dito.

Bwisit ka!!!!" Nakasimangot na Sabi ko dito.

Pero ang kupal tinawanan ako....

Kaya naman napatitig ako sa kanya.....

Ang gwapo mo pala" bulong ko.

Na nakapag seryoso ulit sa kanya.

Anong sabi mo" seryosong tanong nito.

Sabi ko ang gwapo mo tumawa" Sabi ko at lalong kumunot ang noo nya.

Totoo naman sinasabi ko ah....

Wala naman siguro masama kung magsabi ako ng totoo.

Pero wala na syang sinabi at tinalikuran ako at lumabas ng salon. Kaya agad akong sumunod. Iba pa naman ugali nito. Kasingsungit ni Cole.

Huyyy, wait lang" pag habol ko dito at mabilis na pumunta sa kotse.

Joke lang di ka naman mabiro. Mali pala sabi ko kanina. Ang sasabihin ko pala ang gwapo nung nasa likod mo" pag sisinungaling ko dahil baka nabadtrip sya sa sinabi ko kanina at nakita ko naman ang reaksyon nya mas lalong sumama Kaya di na ako nag salita.

Tahimik lang ako na sumusunod sa kanya dahil tumigil naman kami sa isang branch ng Dulce and Gabhanna siguro may kukuhanin sya. Agad syang bumaba ng kotse pagkatapos nyang itigil ang sasakyan at dina pinatay ang makina.

Baka nga may kukuhanin sya...iintayin ko na lang...

Hindi na ako bumaba at umubob na lang para ituloy ang naudlot na tulog ko kanina. Pero nasira din ng napalingon ako sa taong malakas na nagbukas ng pintuan ko.

Ano ba problema mo" tanong ko sa kanya dahil kanina pa sya galit.

Mas nakakabadtrip toh kesa kay Dr. Cole amp....

Pero imbes na magsalita ay binigay nito sa akin ang isang paper bag na may tatak ng damit na mamahalin. Tiningnan ko naman ang laman nito. Isa itong black na dress. Simple lang pero alam mong mahal.

Salamat pero para saan toh" tanong ko.

Kainin mo sa party para busog kana " pilosopong sagot nya. Kaya di na ako sumagot.

Dahil napaka walang kwenta nya kausap.

Agad naman ako lumabas ng kotse at pumunta sa store para doon magpalit. Pipigilan pa sana ako ng isang staff ng makita ang paper bag na dala ko.

Dahil ang paper bag na binigay sa akin ay hindi lang basta paper bag dahil parang may maliit na pirma ito sa ilalim.

Siguro may ibig sabihin toh...

Agad kong hinanap ang changing room at madali ko naman itong nakita. Kaya agad akong nagpalit na at saka mabilis na lumabas ng store. Dala dala ang paper bag parin pero ang laman na ay ang roba ko.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa sasakyan para hindi maiwanan.

Tahimik lang ako na pumasok at agad nyang pinatakbo ang sasakyan. Nang makita ang stoplight ay tumigil muna kami ng nabigla ng may binibigay na kahon ng sapatos sa akin si Phoenix at walang ingay ko naman itong kinuha sa kamay nya. Habang nagsusuot ako hindi ko mapigilan na magsalita.

Phoenix salamat nga pala sa pahiram na damit at sapatos, hayaan mo ibabalik ko na lang bukas. Ipapaabot ko kay Liam pero yung sapatos muna ha tsaka na yung damit. Kasi di basta natutuyo." Mahaba na sabi ko at nanahimik ulit.

Shoes and Dress Pic

Wala pa rin syang imik. Pag dating namin sa venue.

Jollibee kami dahil late na kami dumating.....

Pagkapasok namin agad akong namangha sa ganda ng ayos ng lugar. Parang napunta ako sa ibang world. Ang ganda pero sa pagkamangha ko diko parin hindi maiwasan na mailang dahil pag pasok namin ay sa amin nakatingin ang lahat ng tao.

Habang nakahawak ako sa braso ni Phoenix at habang nag lalakad kami sa red carpet nitong venue.

Kinapalan ko na mukha ko...bago kami makapasok talagang kinawit ko na kamay ko sa braso.....pilit na pilit pa eh....ang arte....

Ummmm....Hi" naiilang na sabi ko at kumuway kuway sa kanila na parang beauty queen at ngumiti ng plastik.

Grabe naman tumingin ang mga toh kala mo naman may dumaan na engkanto.....