Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

MURIETIANS The School for Mages

🇵🇭Lady_Malinche
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4k
Views
Synopsis
Murietians ang lugar kung saan hinuhubog at pinag-aaralan ang kakayahan ng isang Murietian, tawag sa taong nakatira Emerald Empire. Na may angking kakayahan sa hindi pangkaraniwang mga nilalang sila ay may tinataglay Magic, isang bagay na hindi sa lahat biniyayaan. Ang iba ay tinuturing Sumpa ito at ang iba naman ay biyaya para sa kanila. Sa dakong banda noong araw ng takipsilim pagkatapos lumubog ang araw ay sumapit ang kadiliman na bumalot sa buong kalupaan, sa pagsilang ng isang sanggol na magdadala sa buong Empire ng Erietians ng kasiraan at katapusan ito ay nakasulat na sa mga palad ng hinirang. Kaya nang nalaman ng Folklord ang magaganap ay agad niyang pinagutos na lusubin ang Emerald Empire at patayin ang lahat ng sanggol na isisilang. Kaya sa gabing nakatakda ay nagkaroon ng masalimuot na pangyayari at hindi napaghandaan ng Emerald Empire ang paglusob ng mga Erietians kaya marami ang nasawing mga mamamayan.
VIEW MORE

Chapter 1 - KABANATA 1: PAGLALAKBAY PARA SA PUTING POINSETTIA.

...(LAVIEN P.O.V)...

Kailangan naming magmadali bagamat tatlong araw lamang ang ibinigay sa amin ni Monsenyor Gani para hanapin ang bulaklak ng puting Poinsettia, ito ay isang uri ng bulaklak na bihira lamang makikila sa kalupaan. Dahil sa kakaibang uri nito ay ganoon lamang kung bakit pinapahanap ito sa amin may hatid itong lunas sa karamdaman ng reyna na ngayon ay lubhang malala na.

"Malayo pa ba tayo sa Orcland??..Tanong ni Chenny sa amin, alam kung pagod na ito sa paglalakbay namin pero kailangan naming makarating sa Orcland para mahanap na ang Puting Poinsettia, ayon daw sa mapa sa Orcland lang daw nabubuhay ang mga puting poinsettia kaya hanggat kaya ko hindi ako titigil. Nakakabighani ang paligid ng narating na namin ang Pwerta ng Orcland.

Napapalibutan ang buong lugar ng luntiang mga halaman at kakaibang mga nilalang ma hindi ko pa nakikita kaya bago palamang sila sa Mata ko.

"Hindi ba tayo naliligaw?...Tanong naman Aziel, tiningnan ko rin siya ng may katanungan sa mukha ko at tiningnan din niya ako ng ganoong expression. Hindi kami dapat mabigo sa mission namin dahil rito nakasalalay ang buhay ng reyna. Tumigil kami sa lugar kung saan hollow ground hugis bilog ito at pinalilibutan ng mga puno kaya hindi namin alam kung saan direksyon dapat naming tahakin.

"Naliligaw na ba tayo??...Tanong ni Chenny, at tumingin muli ako sa mapang hawak ko, pati sina Aziel, Zer at Vienna ay nalilito narin at agad lumapit sa akin upang tumingin din sa Mapang hawak ko.

"Nasisiguro ako na tama ang daan natin!..Pero ang hindi ko lang alam kung saang parte ng Orcland naroroon ang Bulaklak!..Ani mo sa kanila.

"Pero!!....

"HINDI B NINYO ALAM NA BAWAL ANG MGA DAYO SA LUPAING ITO!..Rinig naming sigaw ng Bosses sa likuran amin, madali kaming lumingon lahat ng tingnan kung kanino galing iyon. Bosses lalaki ito ngunit maliit na bosses na parang babae pero masisiguro ako lalaki ito. Nakasuot nga lang ng itim na balabal.

"Kaya ako sa inyo umalis na kayo habang may oras pa!!..Banta nito sa amin. "Abah sino ka naman para utusan kami, hindi mo na kilala kung sino ang kaharap mo!..Sagot naman ni Chenny.

"Hindi Bakit!!..Mabilis na sagot ng estranghero kaya agad nagalit si Chenny.

"ABAH!!..Biglang umabante si Chenny at agad niyang pinalabas ang kanyang Mage Ability. Si Chenny ay may Special Mage Ability na ma control ang elementong hangin kaya nagpalabas siya ng isang dambuhalang ipo-ipo upang hagipin ang estranghero, pero biglang naiwasan ng estranghero ito ng lumutang ito sa ere..

"Kaya niyang Mag Levitate!..Sambit naman ni Vienna, tumango naman ako dahil ako rin ay nagulat sa kanyang nagawa, only sa mga katulad ni Cherry Na Air Mage lang ang makakagawa nito pero..Sa nakikita ko mukhang may kakaibang kapangyarihan ang estranghero na kalaban namin.

"Baka isa Itong Erietians at Nasundan tayo!!...Sambit naman ni Zer at doon na ako nakaramdam ng galit at inis dahil sa Erietians.

"Siguro nga, pero bakit kaya niyang mag Levitate!..Tugon naman ni Aziel napaisip naman kami bigla sa tinuran ni Aziel, walang Erietians ang may taglay na kapangyarihan pwera lamang sa kanilang Folklord na may angking mahika.

"Oo nga!!..Sang-ayon ni Vienna..

"Yan lang ba ang kaya mo??..Nabaling ang atensyon namin ng magsalita muli ang estranghero nakita naming nanghihina na si Chenny kaya agad akong pumunta sa kanyang kinatatayuan upang alalayan siya ay protektahan sa maaring gawin ng Estranghero sa kanya.

Puma-itaas pa sa ere ang estranghero at ibinuka nito ang kanyang mga kamay at tumingala sa itaas ng langit, biglang nagbago ang panahon na kanina ay maaliwalas at ngayon ay dumidilim na parang uulan.

"HAAAAAAAA!!!..Napasigaw si Chenny ng nagsilabasan bigla ang mga malalakas na kulog at matatalim na kidlat, pero ang mas ikinagulat ko ng biglang tinamaan ng malakas na kidlat ang estranghero pero hinigop ito ng kanyang katawan kaya binabalutan na siya ngayon ng mga hibla ng mga Kidlat.

"Ako naman!!..Bigla niyang tinutok sa gawi namin ang kamay niya at nagsilabasan ang mga lalakas na kidlat mula rito, kaya agad akong umabante kay Chenny at sanggain ang paparating na kidlat kaya nakagawa ako ng matibay na panagang, ngunit masyadong malakas ang kapangyarihan na nagmumula sa Estranghero.

Nakakasilaw ang paligid dahil sa bumabangga sa mga kidlat sa shield na ginawa ko..Nakaramdam ako panginginig at panghihina dahil sa sobrang gamit ko ng aking lakas..

"NANDITO NA KAMI!!!...Ani nina Zek, Aziel at Vienna para tulongan ako upang hindi mabuwag ang shield, nagpalabas narin sila kanilang mga mage ability para magkaroon mg matibay na shield.

AHHHH!!!..ANG LAKAS NIYA!!..Daing ng mga kasama ko sapagkat pati sila ay kinakaya ang lakas ng pagatake ng kidlat.

"Try...Try ko..Ugh!!..Ugh!..Try kung e wala siya para makatakas kayo!!..Vulentaryo ni Aziel.. Si Aziel ay may kakayahang gumamit ng Earth Sub type element hindi gaano ka angkin sa paggamit ng earth element pero malakas parin ang Mage Spirit nito..

"Sige na!!!!....Ani ko..Akmang lalabas na sana si Aziel ng pinatamaan siya ng malalakas na kidlat upang ito bumalik ulit sa loob..

"SHITTT!!..Curse nito ng natumba siya sa lupa dahil sa gulat.

"AHHHHH!!..Sumigaw nalang kami ng biglang tuluyang nawasak ang shield na binuo namin at tumilapon kaming lahat..

Sobrang nawalan ako ng enerhiya dulot ng pagpalabas ko ng ganoong magic kahit anong utos ko sa katawan na bumangon ay hindi ko ma-igalaw at ang paningin ko ay umiikot.

"Gising...Gising!!..Yug-yug nila sa akin upang ako ay biglang nabuhayan ang katawan ko, masakit ang katawan ko ng na-imulat ko na ang paningin ko at hindi ko alam kung nasaang lugar na ako..

"Aray ko!!!..Daing ng kasama ko at batid ko na kay Chenny galing iyon..Nakatali pala kami lima na nakatalikod sa isa't isa pilit kung inaalis ang tali pero sadyang mahigpit ang pagkatali nito.

"Hindi ko nagagamit ang Magic ko!!..Ani ni Vienna.."Ako din!.Sabat naman ni Zeb.

"Nasaan tayo??..Tanong ko.

"Malamang nasa lungga na tayo ng Erietians!..Sabat naman ni Vienna.

"Ayaw ko pang mamamatay!!Huhuhuhuhi..Hikbi ni Chenny at tungis na ito..

"Hindi pa tayo mamamatay ma misyon pa tayong dapat na gawin!..Sambit ko sa kanya.

"MISYON!!..MISYON na magpapahamak sa atin!..Galit na sabi ni Aziel. Madilim ang kwarto ngunit dahil sa ilaw na nanggagaling sa apoy chimney ay naaninagan ko ang lugar. Tumingin ako sa bintana at kita kung madilim na labas.

"Tapos na ba kayo magusap lahat?..Biglang sambit ng boses ng estranghero kanina. Lumabas siya sa anino ng kadiliman at suot parin ang itim nitong balabal.

"PAKAWALAN MO KAMI! IN THE NAME OF THE KING OF EMERALD EMPIRE!!..Galit nang turan ni Chenny.

"Tsk!!..Tanging sagot ng Estranghero.

"Ano ba ang Kailangan ninyo rito sa Orcland??..Angas nitong tanong sa amin, sinuri ko ang estraghero kung paano siya gumalaw at magsalita pero sa pakiramdam ko hindi ito Erietians.

"Wala kanang paki alam doon!!..Malditang tugon ni Chenny.

"Sige!!..Kung yan ang sabi edi wala!!..Sabat naman niya kay Chenny.

Biglang bumukas ang isang pintuan at iniluwa nito ang isang taong may suot ring balabal at may dalang basket at tungkod.

"ARIHAN!!..Ano ang ibig sabihin nito??...Ani nito sa estranghero. At doon inalis nito ang balabal nito at tumambad ang mukha ng isang matandang babae na may puting buhok, at doon din naman biglang inalis ng estranghero ang balabal niya kaya bumungad ang mukha nito sa amin. Magkasing edad lamang kami ng estranghero pero ang mukha nito ay kabaliktaran kung anong angas ang pinakita niya kanina, mahaba ang mala-abong puti buhok hanggang sa beywang nito. Makinis at maputi ang balat nito at ang mata niya ay kakaiba, Kulay lila ito. Ang masasabi ko, mukha siyang babae.

"Anong nagaganap rito??..Galit nang tanong muli ng matanda.

"Ah..eh!!Lola mga dayo po sila sa Orcland ehh!!..Paliwanag nito pero halata na sa tono nito ang kaba.

"Pakawalan mo siya Arihan!!..Utos niya sa lalaki.. "Eh baka sugurin nila ako!!..Reklamo pa niya..

"SUSUGURIN TALAGA KITA...TAPOS MONG GINAWA SA AMIN ITO!!.Bulyaw ni Chenny.

"Sabi ko sa iyo lola ehh!!.Parang batang nitong kilos.

"Isa...Dalawa!!..Bilang ng matanda..

"Oo na..ito na!!..Sabi nito at sa pagkumpas ang kamay nito ay nawala bigla ang pagkatali at gawa pala ito sa hangin.."INCREDIBLE!..Bulong ko sa isip dahil sa hanga. Biglang sumugod si Chenny sa lalaki at mabilis namang tumakbo ang lalaki papunta sa likuran ng matanda para magtago. Malakas na inistamp ng matanda ang tungkod niya at biglang tumunog nito ng malakas na siyang nagpatigil kay Chenny kaya agad kaming pumunta sa tabi nito.

"Ano ba ang kailangan ninyo sa Orcland, alam kung may sadya kayo rito kung bakit pinasok ninyo ang lupaing ito!..Seryoso nitong tanong sa amin na tinanong narin kanina ang lalaki. Ako na ang sumagot sa tanong niya.

"Kailangan namin mahanap ang puting Poinsettia!..Sagot ko sa kanila ng diretcho. Biglang nagkatinginan ang mag lola at sa tingin nila ay hindi nila inaasahan ang sagot ko.

"Ang puting Poinsettia!!..Ulit ng lalaki na nasa likuran parin ng kayang lola. Tumango naman ako bilang sagot.

"Tama ang lugar na pinuntahan ninyo pero..Pero wala na kayong makikitang poinsettia kahit saang lugar!!..Paliwanag nito, bumagsak ang baga ko sa aking nadinig.

"ANO??..Sabay ng apat na pagkasabi.

"Tama ang narining ninyo, dahil halos lahat ng bulaklak na may kakayahang makalunas ng malubhang karamdaman ay sinira ng mga Erietians!!..Dugtong pa ng lalaki. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanila o hindi.

"Sa ayaw at gusto ninyong maniwala, yun ang katotohanan!..Sabi bigla ng lalaki siguro nababasa niya ang pagiisip.

"Pero!!..Mabuti laman nagkita kayo ng apo ko!!. Kaya pwede kayong magpalipas ng gabi dito kung gusto pa ninyong maghanap ng poinsettia bukas!!..Singit naman ng matanda.

"At maghahanda narin ako ng inyong makakain!..Tapos umalis na ang matanda sa harapan namin at naiwan ang lalaki. Bigla itong napangiti sa amin na parang humihingi ng pasensiya. Biglang susugod muli si Chenny ng pinigilan ko siya.

"BITAWAN NINYO AKO..BITAW!!.Piglas nito sa pagkapigil nina Aziel at Zeb..Aalis na sana ang lalaki pero pinigilan ko ito.

"Arihan!!Tama!!. Pagtawag ko napahinto naman ito at biglang tumingin sa akin. Ngumiti lamang ito sa akin at naghihintay kung may sasabihin ako.

"Oh!!..Sambit nito.

"Paano mo!!..I mean kay taglay kang hindi pangkaraniwang Mage Ability o mahika..

Paano mo nagawang ma kontrol ito!!..Walang saysay kung tanong.

"Ahh..Yun!.Oo may magic talaga ako..Hindi ko nga lang alam kung anong klasipikasyon ang mage ability ko!!..Sagot nito sa akin.

"Yeah!!.. a line ito sa Air Mage katulad sa magic ni Chenny!.At napatingin ako kay Chenny na ngayon ay pinipigilan parin ng dalawa.

"Siguro!!..Sige maiwan ko muna kayo para tulongan si Lola!!.At umalis na siya sa harapan ko..

"Paano ma yan Lavien, wala palang saysay ang pagpunta natin dito kung wala namang bulaklak!..Pag-hihinayang ni Zeb at bumagsak baga narin ang dalawa ko pang kasama pwera lang kay Chenny na naiinis parin. Wala akong maisagot sa kanila dahil wala din akong maipaliwanag, babalik pala kami sa Murietians ng bigo at hindi namin masasagip ang reyna.

"Ah..Eh..Kumain na daw kayo sabi ni Lola!.Alok sa amin ni Ariham at tumalikod na sa amin pumasok muli kung saan siya lumabas kanina.

"Kumain lang kayo, wag kayong mahiya ahh!!..Masayang sambit ni Lola sa amin, nagtinginan lamang kaming lima kung kakain ba sa alok ng mga estranghero o hindi. "Wag kayong mag-alala walang lason o anomang ikapahamak ninyo!..Dugtong pa nito, magsasalita na sana si Chenny ng inunahan ko na siya.

"Mukhang masarap nga po eh!.Puri ko at agad kumuha na ng pagkain at sinimulang kainin, nakatingin lamang ang mga kasama ko siguro dahil nakikita nilang nasarapan ako ay kumuha naman sila, pero si Chenny ay hindi parin gumagalaw at naka cross-arm parin. Ayaw niya talaga kumain kaya hinayaan nalang namin, pero sa kalagitnaan ay hindi na napigilan ni Chenny ang gutom niya at kumuha narin.

Natapos na ang hapunan namin ng walang Arihan akong nakita sa loob, pero paki ko doon hindi ko naman yun kilala eh, lumabas ako sandali upang magpahangin para makapag-isip kung anong ang sasabihin namin kay Monseñyor Gani, sa pagbalik namin ng Murietians.

Pero nagtataka ako ng nakarinig ako ng mga kulog at kidlat hindi kalayuan sa gawi ko, at ang mga flash ilaw, kaya pinuntahan ko ito at sa unti kung paglapit ay nakakarinig ako ng hagigik ng isang boses.

Isang dead end na bangin pala ang nadatnan ko pero ang sumalubong sa akin ay ang lalaking nangangalang Arihan ang nakalutang sa ere habang kinukumpas ang kamay at daliri nito, at sumasabay naman ang mga ulap na dumidilig gamit ang ulan nito sa malawak na lupain sa kaharap ng bangin. Ngayon napagtanto kung kaya nitong makontrol ang panahon, or weather manipulation at tama nga ako na a line ito sa Air Mage pero, hindi ko pa alam kung gaano ito ka rare na magkaroon ng ganitong Magic.

Gustong ko pang lumapit para makita ko ang ibaba ng bangin ng biglang.

"OHH!!..SHIT!AHHHHHH...Natamaan ng malakas na kidlat ang likurang bahagi ko kaya nagkaroon ng bitak at nadurog ang kinatatayuan at mabilis akong nahulog..

Mabilis akong pumapailalim ng napapansin kung pinapaikutan ako ng hangin kaya unti-unting humihina ang pagkahulog ko hanggang huminto na ako mismo sa ere sa kalagitnaan hanggang muli akong hinigop pa itaas. Nakikita kung kinokontrol ito ni Arihan dahil sa mga hanging bumabalok sa palad nito at sa anggulo ng kamay niyang nakataas upang masunurin ang hangin pa itaas.

Bumalik ako sa itaas kung saan akong nanggaling kanina.

"Papatayin mo na ang sarili mo??..Galit nitong tanong sa akin ng unti-uting siyang lumalapag sa lupa. Hindi ako makasagot sa kanyang tinanong malalim siyang bumuntong hininga at biglang magbago ang nood nito.

"Kung nais mong magpakamatay sa susunod wag mo akong idamay ahh!!..Paalala nito sa akin at naglakad na paalis lalagpasan na sana niya ako ng nagsalita ako.

"Kailangan talaga naming makahanap ng Poinsettia, dahil nasa panganib ang buhay ng reyna at ayaw kung maranasan muling mawalan ng mahal sa buhay!..Sambit ko sa kanya hanggang napaupo nalang sa lupa at napatingin sa langit na puno ng mga nagliliwanag na mga bagay, hindi ito mga bituin dahil ito ay mga nilalang nasa tuwing gabi lamang lumalabas kung kaya na hahambing sila bituin, hindi pa ako nakakita ng mga bituin o buwan dahil nababasa ko lang ang mga ito sa libro, hindi rin ako sigurado kung totoo nga ang mga ito.

Naramdaman kung may umupo sa tabi ko at tumingala din sa itaas upang tingnan kung ano ang meroon doon. Walang imikan sa pagitan naming dalawa ng ako ma mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Ako si Lavien Kondrador!..Pakilala ko bigla siyang napalingon sa akin at tinignan ako ng hindi pangkaraniwan na tingin..

"Ikaw...I mean..You are Prince Lavien Kondrador??..Hindi makapaniwalang tanong sa akin, tumango nalamang ako bilang sagot..

"Pasensya na Your high sa nagawa ko kanina, ginagawa ko lamang ang tungkulin ko bilang Guardian ng Orcland!!..Pasensya talaga!..Hingi nito ng tawad sa akin at biglang tumayo ay lumuhod, napangiti naman ako sa kanyang inasta na kanina ay kung sinong matapang pero ngayon, parang tutang pinagalitan ng amo..

"Hahaahahahah!!.Hindi mo na kailangang gawin iyang ang pagyuko. Pigil ko sa kanya.

"Hindi ehh!!..May nagawa akong mali!!..Sincere niyang pagkasabi, napangiti nalang ako sa inaasal niya. "OKAY..OKAY ENOUGH!!..Pagpipigil ko na sa kanyang ginagawang pagbibigay pugay.

"Diba sabi mo kanina Guardian ng Orcland?..Ano ang ibig mong sabihin curious kung tanong sa kanya, tutal na banggit narin niya.

"Lola ko at ko nalang kasi ang nakatira rito, nagsilikas na silang lahat dahil sa takot sa banta ng Erietians!..Paliwanag niya sa akin.

"At mula noon kami na ang nagbabantay sa Orcland, so Guardian na tawag ko heheheheh!!...Ani nito at napatawa bigla.

"So wala talaga kaming mahahanap na Poinsettia!.Lungkot kung pagkasambit sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng pagkadismaya sa kanyang mga mata. Ulit bumuntong hininga si Arihan bago nagsalita muli.

"Ahh..Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako si Arihan ang Guardian ng Orcland!..Pakilala niya ng kanyang pangalan at itinapat ko naman ang kamay ko para makipagkamay at agad niya ring tinanggap ito upang offical nang magkakilala.

"Sandali ma itanong ko lang! bakit mo nagawa iyon kanina?..Tanong ko sa kanya, bigla itong nanlumo dahil sa tanong ko at ngitian nalang ako ni Arihan.

"Ahh.Ehh!..Sinubukan ko lang naman kung ano talaga ka galing yung mga taga Murietians School!..Hindi naman sa nanghihimok ako ah!!..Depensa niya sa kanyang sinabi.

"It's just like yung pakiramdam na honor akong makalaban yung mga taga Murietians Students hehehehe!!..Tugon pa niya, nalaman niya siguro na taga Murietians School kami dahil sa suot ni Chenny, ang uniform namin.

"Bakit naman kapag nakalaban mo ang tulad namin!!..Ani ko sa kanya.

"Wala lang, gusto ko kasing malaman kung ano ang pakiramdam na mag-aral sa prehistiyosong paaralan sa Murietiah!!.Salaysay nito at dama ko sa kanyan bosses ang pagkalungkot..

"Dahil sa laka-s...."

"SHHHH!!!...Bigla akong pinigilan ni Arihan na mag salita ng narinig namin ang isang tunog tililing ng isang bagay, napalitan ng pagtataka ang mukhang inosente ni Arihan at biglang tumayo at lumapit sa isang punong kahoy at sa taas nito nagmula ang huni ng tililing.

"You have company!..Nakakaweirdo nitong ngiti sa akin at doon din ang pagsulpot bigla ni Aziel.

"ERIETIANS!!!..Sambit nito sa akin at tiningnan ko naman si Arihan kung tama ba ang sinabi ni Aziel, pero nagkibit balikat lamang siya.

"Saan ang tatlo?..Seryoso kung sambit.

"Doon sa loob ng cottage masayang nag-uusap kasama ni Elda ang lola niyan turo nito kay Arihan.

"Tatawagin ko lang!..Tatalikod na sana si Aziel ng pinigilan siya ni Arihan.

"Sandali mas mabuti nalang kung naroroon sila sa bahay dahil napapalibutan ng magical circle ang compound, kaya hindi ito mapapasok ng Erietians, i know hindi lamang ang mga Erietians ang nakapasok sa Orcland kundi may isa pang nilalang!.Turan ni Arihan.

Hawak naming dalawang ni Aziel ang lampara at tinahak namin ang madilim na kagubatan kasama si Arihan, siya ang sinusundan namin dahil siya lang naman ang may alam ng daanan.

Sa hindi kalayuan ay naririnig namin ang ingay nang naglalaban, sa bosses palamang ng mga Erietians ay alam na sila ang naglalaban, ngunit hindi namin batid kung sino ang kalaban nila kaya dahan-dahan kaming lumapit.

"What the!!..Si Relm yan diba!. Alam kung si Relm ito pero paano niya kami nasundan sa Orcland.

"Kilala ninyo?..Tanong naman ni Arihan.

"Oo!..The Prince of Peers Land!.Sabat ko.

"Totoo!!..Hindi makapaniwalang sambit ni Arihan.

Pinapanood lang namin makipaglaban si Relm sa mga pangit na mga nilalang ng Erietians. Mga nilalang nito na maiitim at may anim na mga kamay, gamit ang kanilang matutulis na mga kuko kaya, kaya nilang patayin sa isang iglap.

"Hindi ninyo ba iyan tutulongan?..Tanong aa amin ni Arihan, nagtinginan lamang kami ni Aziel dahil alam naming hindi gugustuhin ni Relm ang tulongan siya lalo na sa kanyang away.

"No..Hindi!!..Sabay naming sambit ni Aziel.

"Seriously...Creatures!!..Tanging sani nalang ni Arihan.

"Wait sandali!!...Pigil namin ni Aziel kay Arihan ng biglang lumabas ito sa tinataguan namin at dahandahang lumapit sa nakikipaglaban nasi Relm sa mga Erietians.

Lumaki ang mga mata namin ni Aziel ng napansin ng mga Erietians ang paparating nasi Arihan ay biglang huminto sa pakikipaglaban kay Realm at bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat.

"Si Arihan!!..Retreat...Retreat!!..Takot na saambit ng mga Erietians at agad nagsitakbuhan ang mga ito.

"Ano nang nangyari??...sabay naming takang sambit ni Aziel sa sarili namin.