"Imogen"
"Can you hear us?!"
"I can feel her presence, she can hear us I''m sure of it."
"Tell her son."
Nagising siya sa kaniyang panaginip. Isa nga ba itong panaginip o hindi? Madalas niya itong marining sa tuwing gigising siya sa kaniyang pagkakatulog. Mga boses lamang ito at hindi niya malaman kung saan namumula.
Sa tagal ng nangyayari ito sa kaniya ay iniisip nalang niya na isa itong panaginip. Lumabas siya sa kaniyang silid at tinignan ang oras. Ala-sais na pala ng umaga, agad niyang hinanda ang agahan ng kaniyang ama at sakto naman ang pag labas ng kaiyang ama sa silid nito.
Pinagmasdan niya ang ayos nito. Kapansin-pansin ang tikas ng katawan nito at hindi mo mahahalatang nasa edad kwarenta na ito. Nagtatrabaho ang kaniyang ama sa sakahan na pag mamay ari ng pamilyang Andres. Aabutin ng halos kalahating oras sa paglalakad ang Ama sa tuwing ito'y pupunta ng trabaho.
Sila lang kasi ng ama niya ang naglakas loob na tumira malapit sa gubat dahil sobrang mapanganib daw ito para sa karamihan. Parati raw kasing may naliligaw na mabangis na hayop rito at baka pumasok ito sa loob ng kanilang tahanan. Pero ang kuwento ng aking ama ay madalas sila gambalain ng kaniyang ina ng mababangis na hayop pero simula ng ipinanganak siya ay ni minsan raw ay wala nang naligaw na mabangis na hayop sa tapat ng aming bahay. Nakakapag taka nga iyon pero hindi na niya iyon inintindi dahil pasalamat nga sila dahil hindi sila binubulabog ng mababangis na hayop na iyon.
"Ama, maari ko ho bang puntahan si aling Nena?"
Tumitig ito ng sandali sa kaniya at sumagot rin naman.
"Pwede naman anak, pero siguraduhin mo lang na kay aling Nena ka lamang pupunta." Paninigurado nito
Ngumiti siya ng malaki sa Ama. Pagkatapos nitong kumain ay nag paalam na ito sa kaniya at agad rin niyang nilis ang hapag kainan.
Nang matapos ay agad niyang balabal upang itago ang kaniyang mukha kung sakaling may makakita o masalubong siya sa daan.
Bago siya umalis ay sinigurado muna niyang maayos niyang naisara ang kanilang tirahan bago tuluyang lumisan.
Aabutin siya ng labing limang minutos bago makarating sa bahay ni manang Nena. Nakilala ito ng kaniyang Ama noong pumanaw kasi ang kaniyang ina ay uto ang madalas na pumunta mismo sa amaing bahay para lamang maghatid ng makakain sa amin. Ngunit ngayong siya ay tumatanda na ay hindi na nito magawang dalawin sila sa kanilang tahanan, kaya kung maari sila ng kaniyang ama na lamang ang dumadalaw rito.
Pagkarating niya ay mahina niyang kinatok ang pinto. Nang itoy bumukas agad siyang pinapasok ng matanda.
"Nako, halika ineng pasok. Bakit ngayon ka lamang napadalaw rito, aba araw-araw akong naghihintay sa inyo ni Lucifer. Ang huling punta mo ay nakaraang buwan pa." Nagtatampo nitong saad habang nag hahanda ng prutas para ata sa kaniya. Lucifer ang pangalan ng kaniyang Ama.
"Pasensiya na po manang."
"Nako hindi kapa rin ba pinapayagan ng ama mong lumabas?" Tango lamang ang isinagot ko rito. "Mapagsabihan nga iyang si Lucifer aba, Isa kanang ganap na dalaga pero hanggang ngayon ay hindi mo parin nalilibot ang lugar na ito."
"Ayos lang po manang may dahilan naman po ang aking ama kung bakit hindi niya parin ako pinahihintulutang lumabas." Saad niya.
Nagtagal siya roong nang halos tatlong oras maraming kuwento ang matanda sa kaniya. Natutuwa siya dahil kahit papaano aymay nakakausap siyang iba hindi lamang ang kaniyang Ama.
"Aria iha, ngayon ko lang ba nasabi sa iyo ito?"
"Ang alin ho?" Takang tanong niya.
"Na lumaki kang isang magandang dilag iha, kung may pag kakataon lang na makalibot rito ay hindi na ako magugulat kung maraming kalalakihan ang mahumaling sa iyo." Humahangaang saad sa kaniya nito.
"Nako manang hindi niyo po ako madadala sa mabulaklak niyong salita." Natatawa niyang sagot dito.
"Hindi kita pinapaulanan nang mabulaklak na salita Aria, totoo ang sinasabi ko, sa lahat ng kilala kong dalagita rito sa ating baryo ay walang sino man ang makakahigit sa angking kagandahan mo. Nako kapag nakita ka ni Anita ay baka maglupasay iyon sa inggit"
"Sino ho si Anita?"
"Anak iyon ni Berna, iyong nagtitinda ng alahas sa bayan. Masyadong mahangin ang pamilyang iyon porket malaki ang kinikita nila sa negosyo at yung anak naman nila ay pakiramdam niya siya ang pinaka magandang dalaga sa baryo natin." Nagpupuyos nitong kuwento.
Napangiwi nalamang siya sa pahayag nito.
"Nako manang bakit naman ho ganyan ang lumalabas sa bibig ninyo patungkol sa kanila may galit po ba kayo kay ate Berna?"
"Huwag mo ngang matawag-tawag na ate iyon hindi mo siya kapatid. Noong una ay hindi ko naman sila pinag tutuunan ng pansing ngunit noong napadpad ako sa bayan para bumili ng kung ano ay saktong nahagip ko ang binibenta nilang alahas kaya naisipan kong lumapit at tumingin sa kanilang paninda at baka may gustuhan akong alahas. Pagkadating ko doon ay agad nila akong pinaalis at baka malasin daw sila sa akin dahil wala naman daw akong pambili." Kuwento nito
Base sa itsura ng matanda ay talagang galit na galit siya rito at parang sinasabi na kahit kailan ay hindi niya ito makakalimutan.
"At anong akala niya saakin wala akong pambili?" Pagpapatuloy nito.
"Hala manang may mga ganyan palang ugali rito sa ating baryo?"
"Malamang iha meron, ayan ang napapala mo sa hindi ka nag lalabas hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo." Nalulungkot nitong saad sa kaniya.
Habang naglalakad siya pauwi ay hindi mawala sa kaniyang isipan ang huling salita ni manang. Tama lamang ang matanda kahit gaano karaming aklat ang basahin niya, hindi parin niya alam ang nangyayari sa paligid niya. Kailangan niya pa rin ng karanasan.
Dahil nalulungkot siya sa pag iisip ng kung ano-ano ay napag pasyahan niyang dumiretso sa gubat at doon dumaan upang makapag muni-muni.
Mas gusto niya ritong mag muni-muni dahil tahimik at para siyang hinehele sa huni ng mga ibon at ang paglagaspas ng sangay ng puno dahil sa lakas ng hangin. Nakakaramdam siya kapayapaan sa tuwing na gagawi siya rito.
Inalis niya ang kaniyang balabal at inayos ang kaniyang puting bestida at maingat na umupo sa duyan na gawa ng kaniyang ama. Ginawa ito dati upang may maupuan siya sa tuwing mag papahinga pagkatapos nilang mag ensayo nang ama. Idinuyan niya ito nang dahan dahan at tumingala sa langit. Nakita niya ang sinag ng araw, iniangat niya ang kaniyang braso kapantay ng kaniyang mga mata at kunwaring inaabot ito.
"Sssssss"
Nilingon niya ang papalapit na ahas sa kaniyang harapan. Kulay berde ito pati narin ang kaniyang mata.
"Kamusta munting kaibigan." Wika niya sa ahas
"Ssss, Mag isa kana naman binibini." Matinis na boses nitong isinaad.
Hindi alam ng ama niya na kaya niyang makausap ang mga hayop. Nagsimula ito noong una siyang dinala ng ama sa gubat, noong sinubukan niyang sabihin ito sa ama ay hindi ito naniwala kaya hindi na siya sumubok ulit sabihin ang tungkol dito.
"Sanay na ako kaibigan, kayo nalang parati ang nakakausap ko."
"Mas gusto mo ba kausap ang mga katulad mong tao? Ssss"
"Hindi ko rin alam, siguro?"
"Sssss, Maniwala ka sa akin binibini walang maidudulot sayong maganda ang mga katulad mo, babahiran ka lamang nila namg kasamaan"
"Paano mo nasabi iyan kaibigan nasubukan mo na ba silang kausapin?"
"Ssss, Sa ilang beses ako napadpad sa lugar kung saan namamalagi ang mga katulad mo ay lahat sila ay gustong kitilin ang aking buhay kahit wala naman akong ginagawang masama." Madamdamin nitong saad.
"Sinubukan mo bang magpaliwanag sa kanila?"
"Sssss Ilang beses ko na rin iyang sinubukan ngunit ni isa sa kanila ay walang makaintindi sa akin, tanging ikaw lang binibini." Ako lang? Ang nakakaintindi sa kanila, Imposible.
"Nakakatakot ang katulad mo lahat sila ay gustong itarak sa akin ang matutulis na bagay na kanilang hawak. Ang gusto ko lang naman ay makakain ng karne ngunit hindi pumasok sa isip ko na saktan o kainin ang isa sa kanila." Pagpapatuloy nito.
"Nakaka awa ang iyong sinapit kaibigan. Sana ay naroon ako at nang naipagtanggol kita sa kanila." Malungkot kong saad.
Tahimik lamang itong nakatunghay sa akin. Nang bigla itong naglumikot sa harap niya. Mukha itong hindi mapakali.
"Anong problema kaibigan?" Tanong niya.
"Ssssss, Alis na binibini may paparating." Saad nito.
"Ano? Wala akong maramdaman na prisensya kaibigan, kumalma ka."
"Takbo binibini, bilis. Sssss"
Inilibot niya ang paningin at pilit na pinapakiramdaman kung mayroon bamg prisensiyang papalapit sa kanila. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang maramdaman.
Pero kahit ganoon ay agad niyang binuhat ang kaniyang kaibigan at mabilis na pumunta sa malaking puno at doon pinagapang paakyat ang kaniyang kaibigan.
*swoosh*
Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan ng may dumaan sa gilid nang kaniyang mukha ang maliit na patalim. Hindi siya natamaan ngunit ang puno lamang kung saan niya pinagapang ang kaniyang kaibigan. Hindi siya makapaniwalang hindi niya manlang naramdaman na may patalim na palapit sa kaniya. Konting agawat lamang ang agwat nito sa kaniyang pisnge at kung namali ang nag hagis nito ay malaki ang porsyentong madadaplisan ang makinis niyang mukha.
Walang atubili siyang nilingon ang naglakas loob na hagisan siya ng patalim.
Ngunit sa pag harap niya rito ay mas lalo lamang kumabog ng malakas at mabilis ang kaniyang puso.
"Look what we have here."