Chereads / Not So Ordinary Story / Chapter 1 - Simula

Not So Ordinary Story

M_MAE30
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

Nakatanaw mula sa bintana ang dyesiotso-anyos na batang babae habang hinihintay ang kaniyang ama sa pag uwi nito galing sakahan. Tatlumpung minuto na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang kanyang ama.

Nakaramdam na ito ng kaba dahil mag aalas ocho na nang gabi. Ito ang oras na dapat ay lahat ng mga residente sa kanilang baryo ay nasa loob na nang kanilang tirahan. Mahigpit na ipinagbabawal sa amin ang paglabas ng alas ocho ng gabi hanggang alas sinco ng umaga. Ang patakarang ito ay mula sa nakatataas sa amin mula sa palasyo ng Oryn. Kung sino man ang mapangahas na lumabag sa batas na ito ay hindi na muli masisilayan ng sino man.

Nakatira sa palasyo ng Oryn ang pinaka hinahangaan ng lahat at isa na ako doon. Isa sa pinaka tinitingala ang pamilyang Vanderbilt. Ang pamilyang Vanderbilt ay hinahangaan ng lahat hindi lang dahil sangkatutak na yaman nito, kundi dahil nangunguna sila pagdating sa labanan may armas man o wala.

Bata pa lamang siya ay nahilig na siya sa usapang lakas. Babae man siya ngunit nais niyang matuto kung paano lumaban at gumamit ng mga armas. Sa kasamaang palad ay isa rin sa ipinagbabawal ng nakatataas na hindi dapat matuto ang kababaihan sa pagkatuto ng dapat ay panlalaki lamang.

Nagising ang kaniyang diwa nang makita niya ang kaniyang ama na papalapit sa kanilang maliit na tahanan.

"Ama!!" Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

"Aria, pasensiya na anak at ako'y ginabi ng sobra. Ang kapit bahay kasi nating si Aling Nena ay nag patulong mag buhat ng mga gulay sa kaniyang bahay." Paliwanag nito.

"Ayos lang naman Ama, mabuti at hindi ka naabutan ng naglilibot na mga kawal."

Tanging ngiti lamang ang isinagot nito sa kanya. Inaya niya ito sa hapag kainan upang sabay silang kumain.

Maaga siyang natutong gumawa ng gawaing bahay dahil maaga silang iniwan ng kaniyang Inay. Ang sabi sa kaniya ni Ama ay namatay ito dahil sa sakit. Normal lang naman ito sa baryo dahil kaonti lamang sa kanilang baryo ang may alam sa medisina at ang marunong manggamot dahil lahat ng magagaling sa paggawa ng medisina at magaling manggamot ay nasa loob ng palasyo o di kaya'y nasa nakatataas.

"Anak, alam mo bang si Paleo ay pinadalhan ng gamot ng kaniyang tatay at pinartehan ako nito." Masayang saad ng kaniyang Ama

Madalas sumakit ang mga kamay ng kaniyang ama. Gustuhin man niyang makabili ng gamot para dito ay hindi niya ito mabilhan dahil wala naman siyang salapi ni sentimos ay wala siya. Masyadong mahal ang gamot para sa kanila.

Mabuti at andyan si Paleo. Kababata ko siya madalas kaming maglaro noon dito sa bahay. Nang nasa tamang edad na ito ay sinama na siya ng kaniyang amang nag tatrabaho sa palasiyo bilang kawal.

"Talaga Ama, napakabait talaga ni Paleo sa atin."

"Mabuti nga't hindi niya tayo nakakalimutan" Halata sa boses nang kaniyang Ama ang galak

"Ama, gusto ko rin ho sanang maghanap ng mapagkikitaang salapi nang makatulong man lang ako sa iyo." Mahinang sambit niya

Nagtataka na siya noon pa man sa kaniyang Ama dahil hindi siya nito hinahayaang lumabas ng kanilang tahanan. Naalala niya noong kinse anyos siya ay nakuha niyang makatakas sa kaniyang ama at mag isang naligo sa batis ng kinahapunang umuei siya ay galit na galit ito sa kaniya at bantay sarado na siya nito.

Hanggang ngayong nasa tamang edad na siya ay hindi parin nito pinahihintulutang lumabas ng bahay kung hindi ito kasama. Kapag kasama naman ang kaniyang Ama ay lumabas laging may nakapulupot na tela sa kanyang ulo at mukha. Hanggang sa ngayon ay hindi niya parin alam ang dahilan.

"Anak, Hanggang kailan mo ba iyan ipagpipilitan. Hindi mo kailangan magtrabaho handa akong buhayin ka. Ibibili nalang kita sa bayan nang gusto mong aklat." Mahinahong saad nito

"Ama, nasa tamang edad na ho ako kaya ko na pong magtrabaho para sa inyo."

"Hindi parin ang sagot ko Aria, pakiligpit nalang ito at ako'y mag papahinga na." May awtoridad nitong saad.

Humayo na siya at sinunod ang utos ng kaniyang Ama.

Nang matapos siya ay agad siyang pumunta sa kaniyang silid at kinuha ang Ingles na aklat. Walang sino man ang nakaka alam na marunong siyang magbasa, magsalita at magsulat ng ingles. May kaunting alam rin siya sa salitang espanyol. Ang lahat ng ito ay itinuro sa kanya ng Ama. Lahat ng nasa baryo ay hindi nabigyan ng pagkakataong matutong magsulat at magbasa o matuto ng ibang lengguwahe dahil maaga silang magbanat ng buto para mabuhay. Hindi katulad ng mga nasa bayan at sa mga nakatataas dahil marami silang salapi ay nakayanan nilang magbayad nang tagapag turo.

Nakarinig siya ng mahinang katok mula sa kawayan niyang pinto. Bumukas ito at marahang pumasok ang kaniyang Ama.

"Aria."

"Ama, may problema ho ba?" Takang saad niya at sinarado ang kaniyang binabasang aklat.

"Alam kong masama ang loob mo sa akin dahil hindi kita pinahihintulutang lumabas. Pero Anak hindi mo alam kung gaano ka delikadosa labas."

"Hindi naman ho ako natatakot Ama, kaya ko na ang sarili ko."

"Makinig ka anak, walang sino man ang dapat maka alam sa mga itinuro ko sayo sa pakikipag laban gamit ang armas o katawan." Seryosong saad nito

Tama kayo nang tumungtong siya sa kinse anyos ay tinuruan na siya ng kaniyang ama sa pakikipag laban hindi lang pagbasa at pagsulat ang itinuro nito sa kaniya. Alam niyang sumusuway sila sa bata pero kinakailangan ko daw itong matutunan para protektahan ang sarili ko sa panganib.

"Nangako ako sa iyong Inay na poprotektahan kita hanggang sa dulo ng buhay ko, dahil ikaw lang ang nag iisa naming kayamanan." Pagkasabi nito ay niyakap siya nito ng mahigpit.

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay sinabihan siya nitong mag pahinga na dahil malalim na ang gabi.

Humiga siya sa maliit niyang higaan at nag isip isip. Naaalala niya pa noon na nakuwento ng kaniyang ama na dati siyang naging kawal sa palasyo. Doon natutunan ng kaniyang Ama na magbasa at magsulat ng iba't ibang lengguwahe na itinuro naman nito sa kaniya. Kapag naman ay mag eenseyo sila sa pakikipag laban ay sa gitna ng gubat nila ito ginagawa para sigurado silang walang sino man ang makakakita.

Pumikit na siya at hinayaan na ang dilim ang namayani sa paligid.