Chapter 4 - Kabanata 2

Binuksan ko ang isang chitchirya at agad iyong kinain. "Ang sabi sa akin ni Ate ay huwag kong pilitin ang mga taong ayaw sa akin at hayaang pumasok ang mga gustong maging parte ng buhay ko. After all, nasa atin pa din ang desisyon." Tumango tango pa ako. Lumingon ako sa kaniya, nakatingin lamang siya sa akin. "Sabihin mo sa akin, gusto mo ba akong maging kaibigan dahil sa itsura ko o gusto mo lang maging parte ng buhay ko?" Diretsang tanong ko sa kaniya.

Lumunok siya sandali at napabuntong hininga. Lumingon pa siya sa paligid para tingnan kung may tao bang nakapasok o may nakikinig sa amin. "I'm gay..."

Napatikom ang bibig ko at pinigilan ang paghagikgik. Hinila niya naman ng kaunti ang buhok ko kaya't lalong napalakas ang tawang kanina ko pa pinipigilan.

"Gagi ka, seryoso kasi! Pati ba naman ikaw tatawanan ako?" Umaarteng nasasaktan pa siya. "Hays. Siguro ganiyan din ang mga magulang ko pag nalaman nila pati ang mga taong nakapaligid sa akin…" Malungkot ang boses niya nang sabihin iyon kaya't napatigil ako sa pagtawa. "Hindi ko naman ginustong maging ganito… pinilit ko namang magpakalalaki pero waley!"

Binaba ko ang kinakain ko at tinapik siya sa hita kaya tumingin siya sa akin. "Ano ka ba, nagulat lang ako, 'no. Paano ba naman kasi, ang gwapo mo tapos malalaman ko na girlalu ka din pala. Pero ayos lang iyan, tanggap kita!"

"Sigurado ka? Baka napipilitan ka lang?"

"Lol, seryoso! Tsaka matatanggap ka din nila, basta ipakita mo lang iyong totoong ikaw. Ipakita mo na kahit hindi ka lalaki ay maipagmamalaki ka pa din."

"Sana ay ganoon nga kadali sa pamilya ko." Malungkot na tugon niya. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Alam mo, maswerte ka kasi may magulang ka, hindi kagaya ko. Anak ka nila, alam kong matatanggap ka nila kahit ano ka pa. At kung hindi ka man nila matanggap ay wag mong pigilan ang sarili mo. Palayain mo iyang sarili mo, dahil walang ibang tatanggap sayo ng buong buo kundi ang sarili mo lamang. Kung ano man iyang mga napagdadaanan mo ay magiging best testimony mo someday. Mapapasabi ka nalang soon na 'wow nakaya ko', basta mahalin mo lang ang sarili mo." Lumanghap muna ako ng hangin bago nagpatuloy. "Walang ibang magpapalakas at magpapatatag sa atin kundi ang Diyos lamang at ang sarili natin. Basta tandaan mo, sa oras na iwanan ka na ng lahat, andito lang, 'no!" Pag ch-cheer ko sa kaniya.

"Alam mo ghorl, una palang magaan na loob ko sayo, ayan naamin ko tuloy agad." Natatawang tugon niya.

"Ayos lang iyon, nukaba."

Kumain kami ng kumain at pinanood ang sunset. Medyo napatagal din ang kwentuhan namin at bawat kwento niya ay nakakaramdam ako ng awa. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang gwapong basketball captain ay isa palang girlalu! Pero ayos lang naman sa akin. Magaan ang pakiramdam ko sa kaniya.

"Tapos alam mo ba, sinet-up ni Daddy si Klaire ng blind date sa akin? Piniliit kong magpakalalaki noon kahit nasusuka na ako! Idagdag mo pa iyong padikit dikit ni Klaire sa akin na parang ahas. Jusko dai, sukang suka ako, di ko keribels!" Pumadyak pa siya habang naglalakad.

Kanina pa ako tawa ng tawa dito, hindi ko na mapigilan. Nag ra-rant siya ng mga experience niya habang nagpapanggap siyang lalaki sa harapan ng magulang niya pati ng mga kaibigan niya. Naaawa ako sa mga kwento niya pero sa ginagawa niyang pag arte with matching facial expressions ay tawang tawa ako.

"Akala mo ba doon lang natatapos iyon, ghorl?! Leche, etong si Klaire ay pinagkalat pa sa buong school na kami na! Di ko keribels talaga, sarap hampasin ng pera para tumigil na siya!" Tugon niya at kumembot kembot pa.

"Baka naman kasi nahulog sayo, ikaw talaga. Bakit hindi mo i-try, malay mo ay maging tunay na lalaki ka doon sa babaeng iyon?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Aba malay niya, hindi ba? Wala namang masamang subukin ang mga way, eh. Napansin kong malapit na kami sa bahay namin.

"No thanks, jusko. Sarili ko nalang papakasalan ko, 'no!" Tugon niya.

Napailing nalang ako at bahagyang natawa pa. Nang makarating na kami sa gate ng bahay namin ay nakapamewang siya habang nakatingin sa akin. Naninibago ako sa mga kilos niya, lalo na't napagwapong niyang lalaki.

"Oh ikaw naman! Jusko, wag kang aasa sa mga lalaking iyan, abutin mo muna pangarap mo. Tsaka samahan mo kong maging single for life!"

"Gaga ka talaga. Wala pa iyon sa isip ko. Osya lakad na, baka hinahanap kana sa inyo, medyo ginabi tayo." Usal ko. Tumingin naman siya sa relo niya bago tumingin at bumeso sa akin.

"Goodnight na ghorl! Sweet dreams!"

"Goodnight."

Tuluyan na siyang umalis kaya't pumasok na ako sa bahay. Tahimik ang bahay pero nakaupo si Ate sa sala habang nakatingin lamang sa ibaba. Medyo nanginginig pa siya kaya agad akong lumapit at labis na nag aalala.

"Ate…" hinawakan ko ang kamay niya na sobrang lamig at nanginginig pa din. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"A-andito kana pala. B-bakit ginabi ka?" Tanong niya.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at kinapa ang leeg niya. Wala naman siyang lagnat. "Okay ka lang ba?" Tanong ko habang chini-check siya kung may sugat ba siya o ano.

"O-oo naman."

"Anong nangyari?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Umiwas lamang siya ng tingin sa akin kaya't hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya upang mapirmi lamang sa akin ang tingin niya. "Tell me…"

Natahimik siya sandali. Kinagat niya ang kaniyang labi para siguro pigilan ang pagsasalita. Walang lumabas na salita sa labi niya bagkus ay tumulo ang kaniyang mga luha. Nakaramdam ako ng kirot nang makita ko iyon, hindi ako sanay na ganito. Walang pasabi ko siyang niyakap, sumubsob siya sa aking dibdib at umiyak ng umiyak.

"Shh…" Hindi ko alam ang sasabihin ko para mapakalma siya. Ano bang gagawin ko? Ano bang nangyare? Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko, kung maaga lamang akong nakauwi ay malamang ay naprotektahan ko siya.

"N-nagawa ko na naman…" Humagulgol siya sa akin.

"Ang ano?" Tanong ko. "Ang ano, Ate? Sabihin mo sa akin." Umiling lamang siya.

Hinimas ko lamang ang likod niya. Nang mahimasmasan na siya ng kaunti ay humiwalay na ako sa kaniya. Pumunta muna ako saglit sa kusina upang ikuha siya ng tubig. Kaagad naman niya iyong tinanggap at ininom.

"Magpahinga kana, Ate. Kumain kana ba?"

"Oo, salamat."

Tumango ako at inalalayan siya patayo. Napatawa naman siya na labis kong pinagtaka. Baliw na talaga ito, eh. Kanina halos hindi magkadaugaga sa pag iyak tapos ngayon ay biglang tatawa.

"Hindi pa ako matanda, 'no. Kaya ko pang tumayo mag isa." Humagikgik pa siya.

Napailing nalang ako. "Osya, magpapahinga na ako, ah. Kumain kana diyan at wag kakalimutang isarado ang pinto." Usal niya. Tumango ako.

Nang tumalikod siya ay napansin ko ang bahid ng dugo sa kaniyang likuran.