Chereads / Marry Me, Oppa! / Chapter 1 - Prologue

Marry Me, Oppa!

🇵🇭WitchyWhich
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 19.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Unwanted Invitation

AS soon as they get out of the Justice Hall, the media started swarming like bees at them. Kabi- kabila ang click ng camera. Sunod- sunod ang mga tanong na hindi niya naman sinagot. Amanda always hated this part. It's suffocating. Mas nilakihan niya ang hakbang niya palayo sa lugar na iyon habang nakasunod sa likuran niya ang armada ng mga reporters.

"Ano pong masasabi nyo sa tungkol sa desisyon ng korte? "

"Ms.Benetiz, isa na naman pong kaso ang naipanalo nyo, ano pong pakiramdam na wala pa po record ng natalong kaso? "

"Totoo po bang may relasyon ang biktima at ang suspek katulad ng sinasabi ni Mrs. Lim? "

Wala siya sa mood para sumagot ng mga katanungang ibinabato ng mga ito idagdag pang pagod siya. Mag-iisang buwan ring wala siyang matinong tulog. Sa van lang nakahinga ng maluwag si Amanda. Hinubad niya ang suot na coat at niluwagan ang tie niya.

"How the hell did they know about this?" inis na tanong niya sa assistant slash secretary niyang si Lemery. Agad naman nitong binuhay ang makina ng kotse, hindi na kasi magkanda-ugaga ang mga reporter sa labas. Napahilot siya ng sintido . Animoy nagf-flashmob na kasi ang mga braincells sa loob ng utak niya. Naipon ang lahat ng frustrations at pagod niya nitong mga nakaraang araw. At ngayon imbes na humupa, nadadagdagan pa.

"Well," Lemery started off uneasy. "Someone made a featured story about you and...a-and posted it in a magazine--"

She cut her off.

" Wait .. what ? Hindi ko ba nasabing ayokong kino-cover ng media ang mga kasong nahahawakan ko? They're just there for the sake of publicity!" medyo napataas ang boses niya. Pero kalmado parin siyang sinagot ni Lem.Sanay na kasi ito sa pagsusungit niya.

"The article was beyond ng control,Ma'am," mahinahong sagot nito .

"Beyond your control?It was supposed to be your job... and a what..an article? Anong article ang pinagsasabi mo?"

Imbes na sagutin ang mga tanong niya, initsa ni Lemery sa kanya ang isang magazine. Binuklat niya ito at nahagip ng mata niya ang isa sa mga sections nito.

"Caution:Hot Surface? Ano to?" basa niya sa featured stories pa lang ng magazine.

'The list of the country's woman of power.From various personalities : actresses to beauty, queens, doctors, business women, name it .Here are the most sought after women in the industry. But, they are more than just pretty faces. Career women are never this sizzling hot. Want to know why?Proceed on page 30'

Halos magkasalubong ang niya sa introduction ng section na iyon.

" One the bestselling magazines these past few months. Naging hot pick ang section na ito syempre lalo na sa mga kalalakihan. Featuring the most powerful and hottest women in the country. Nafeature po kayo jan, kaya kilalang kilala na kayo ng buong Pinas."

"A-ako? I can't believe I'm in this fucking list.This ..this is just absurd" she groaned in annoyance. As much as possible, she wanted to maintain a low profile. Fame is something she has been allergic to. Kung meron mang ganun na klase ng allergy.

'EyeCandy Magazine. Candy Beltran. Damn'

Mabilis na ipinoroseso ng utak niya ang mga detalyeng iyon. She made a mental note to skewer that girl -later.

'Amanda Loiuse Benetiz, 30 years old. Owns the Benetiz law firm. A liones. A prominent lawyer. Bar Top Natcher. Graduated with as Cum Laude in College of Law in UP-Diliman'

Yun ang nakasulat sa profile niya. Nasa kabilang side nito ang larawan niya. Nakasuot siya ng pulang formal attire, na paborito niya. Kuha iyon sa isang conference na sinalihan niya nitong nakaraang buwan.

Napailing siya, "Wala naman akong natatandaang pumayag ako na mafeature dito ." Binuklat niya pa ang ilang pahina nito at napaawang ang bibig niya ng makitang andito din sina Reese, Perry, at Natalie. Yung mga kaibigan niyang nasa loob ng inner circle ng sorority nila.

'Candy and her evil schemes!'

"Pumayag kayo, Ma'am. Nung foundation day ng Scintilla Ignis .Lasing kayo kaya di nyo natandaan." She knew it . Kung hindi siya lasing,she will never do anything crazy with her life. Scintilla Ignis is their sisterhood at itinuturing nilang inner circle. Scintilla means a spark in Greek while Ignis means fire in Latin. Spark of fire that will never die out in each and everyone of them. Its like an underground society kung saan nagtipon ang pinaprominenteng babae sa bansa. Looks, glamour, and brains at syempre a tons of pesos in your pocket. It was never really official but everyone in their sorority belongs to that class. Isa pa hindi sila basta basta magpapasok ng mga members. Strictly by invitation lang ang nakakasali. Syempre may initiation stage pa which is actually a near death experience for her. Sinasala ng mabuti ang mga initiates. Being a member of Scintilla Ignis is not just about being a part of it, isa yung respondibiliadad na nangangailangan ng matinding determinasyon. Those girls are way out of their minds. Thats why she became friends with them.

Napailing-iling siya. Candy really knows how to do business. Mukhang ginagamit sila nito para palaguin ang kompanyang hawak nito. Although it doesn't go on against their principles and ideals in Scintilla Ignis hanggat maaari ,mas mabuting magtago sa mapangmatang lipunan and of course they value their private lives.

"At nga pala, Ma'am. Nagpapaligsahan na ang mga kalalakihan para maangkin kayo. Trending nga po ngayon yung hashtag ...ano nga ba yun?ahhhh ...#Bitag. A bunch of men is trying to get link with you."

Ipinakita pa nito sa kanya yung mga screenshots ng mga tweets sa tweeter at posts sa facebook. Everyone has their eyes on them. She doesn't like attention at isa pa those guys are chauvanistic pigs ! Do they look like ego-feeders?

"Humanda talaga sakin si Candy mamaya. I`m gonna make her regret all of it her," nagngitngit na sabi niya.

"And, there is another thing ,Ma'am."

She let out a frustrated sigh. Ang mapasali pa lang sa estupidong listahan na yun at mga makukulit na media ay sapat na para sirain ang buong araw ng buhay niya. Can this day get any worse?!

"O ,ano na naman yan, Lem? Siguraduhin mong maganda yan kundi ..." she snapped at her. Hindi nito sinagot ang tanong niya at sa halip iniaabot nito sa kaniya ang isang pulang sobre. Wala sa sariling binuksan niya ito .

"Someone sent this to the office. Akala ko nga loveletter eh," she gave her a lethal look. Bahagya itong napaubo, as if teasing her. "But anyway, inago ko at baka importante. Heheheheheh."

'You are cordially invited to Kyle and Ira's Wedding'

Nanlamig bigla ang kamay niya habang hawak ang card. Napatingin siya sa labas. Maraming bagay ang gumulo sa utak niya. Pero isang katanungan lang ang klaro .

'Para saan pa?'

Napahigpit ang hawak niya sa card hanggang malukot iyon sa pagitan ng kamay niya.