Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Siga ng Universe (Tagalog)

🇺🇸MrAwesomeOne
--
chs / week
--
NOT RATINGS
24.5k
Views
Synopsis
Kapag narinig mo ang salitang SIGA, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Maangas? Mayabang? Mahilig makipagbarugan ng mukha? Bully? Tampalasan? Lapastangan? Barumbado? Lahat na siguro ng masasamang salita ay maihahambing dito. Pero paano kung magkaroon ng Siga na walang katulad sa mundong ibabaw? Siga na walang kupas, may paninindigan at rinerespeto. Siga na lumalampas ang kaastigan sa milky way. Siga na umaabot ibang dimension ang pwersa. Siga na kasing-COOL ng Rings of Saturn. Siga na kasing-HOT ng Supernova. Siga na kasing-AWESOME ng Blackhole. Siga na marunong magmahal... Subaybayan ang Ultimate Transformation ng isang nobody to being the MOST AWESOME Siga Lord, Ang Siga ng Universe. ANG BUMANGGA, GIBA!
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 0. Intro

LAHAT NA LANG!

Lahat na lang yata ng Origin Storyng mga superhero ay pare-pareho, Sobrang cliche.

Madalas sa kanila ay may namatay na mahal sa buhay, at nagtulak sa kanila ay paghihiganti. Ang ilan ay nanggaling sa ibang planeta o dimension; sa hindi maipaliwanang na dahilan ay naglagi sila sa earth. Yung iba naman ay na aksidente o napagtripan na maging guinea pig, imbes na mamatay ay nagkaron sila ng kapangyarihan.

Ang bida sa istoryang ito, si Mr. A. ay isang ordinaryong tao sa isang ordinaryong lugar. Huwag kayong mag-alala, wala syang mamamatay na kamag-anak o mahal sa buhay. Hindi sya ulila, buo pamilya nila. Hindi rin sya extra terrestrial being o pinanganak na may kung anong magic sa sistema ng katawan nya.

Hindi rin milyonaryo ang pamilya nya, hindi sya haciendero. Hindi rin sya mahirap pa sa daga. Middle class sila, komportable naman ang naging buhay nya.

Hindi rin sya matatamaan ng kung anong meteorite. Hindi sya makakagat o matutuklaw ng kung anong hayop na pinag-experimentuhan.

Hindi sya makakahagilap ng kung anong gamit, anting anting, maskara o kung ano pa man. Hindi sya lulunok ng bato o kakain ng kung ano mang pagkain para mag iba ng anyo.

Basta hindi sya ganun. Kakaiba sya. Siga eh!

Pero bago pa sya maging Siga ng Universe, isang matindi at mahaba-habang origin story ang kailangan para mas maintindihan nyo sya. Para mas makita nyo ang transformation nya from a nobody to a somebody to the Awesome One.

Bago pa man tayo tumuloy sa story proper, babala muna; madami kayong kabalbalan na mababasa sa likhang ito. Hihimatayin kayo sa kilig, kikilabutan kayo sa saya, maninindig ang balahibo nyo sa takot, iikot bituka nyo sa kakaisip kung bakit nyo pa naisip na basahin ito. In short, makakaramdam kayo ng mga bagay na hindi nyo pa nararamdaman. Kaya kung ayaw nyo ng ituloy eh ilang minuto pa lang naman ng buhay nyo ang sinayang ko. Kaya ty, ktnx bye sa inyong mga hindi magtatyagang basahin to. Wag na lang kayo mag send ng hate messages sa comments kasi kayo lang din maiinis.

Madami din kayo mapupulot na aral kahit hindi sinasadya, mas masisigurado ko lang na madami kayong kabalbalan na mapupulot. Kaya kung umabot pa din kayo dito at hindi pa din kayo natinag sa babala ko kanina, magpaalam muna kayo sa mga magulang nyo. Ang legal age para ganap na maintindihan ang likhang ito ay 50+, kung wala kayo sa age group na yun manghingi muna kayo ng parent's consent at binabasa nyo at isinasaulo dapat ang terms and conditions na nakikita nyo sa internet at hindi kayo basta basta nagc click ng "I AGREE"'

**********

Si Mr. Archeebal Genesisay ipinanganak noong unang araw ng ika-siyam na buwan sa kalendaryo. (matuto kayo magbilang, hindi dapat lagi spoon fed ang lahat ng bagay)

Eksakto alas dose ng hapon sya iniluwal ng nanay nya. Alam nyo ba kung ano ibig sabihin kapag ganun?

Hindi ko din alam, kung alam nyo I-message nyo na lang ako sa viber o facebook.

Ipinanganak sya sa isang probinsya sa Calabarzon. Ayaw ko na lang banggitin kung saan eksakto. Pero mayroon silang kakaibang punto o accent dun, yung letter D dun nagiging tunog R; pero hindi naman masyadong o.a. (e.g. daliri ay daliri pa din, pero ang daga nagiging raga)

Kapag 2 syllable din ang words eh hinahati nila, ewan talaga kung sinong nagpauso ng ganun sa lugar na yun. (e.g. pagong ay pag-ong)

May mga sobrang malalim din na tagalog, yung iba naman ata eh inimbento nila para maiba lang. (e.g. agkap ay taong may sayad, sira ulo. Higute ay lugaw)

Kung malapit kayo sa lugar na yun, alam nyo na siguro kung saan yun. Kaya tahimik na la-ang kayo hane?

Ang bayang ito ay may historical significance. Bayan daw ito ng mga bayani. Yung pangalan kasi ng probinsya eh iginawad sa National Hero ng Pilipinas,so automatic yun, may dugong bayani mga taga doon; Filipino Pride eh!

Mayroon ding ipinanganak sa bayan na yun na lumaban daw noong World War 1, kaya bilang isang parangal ay ipinangalan sa taong yun ang pinakamalaking school dun. Pero halos 91.22%ng mga nakatira dun ay hindi sya kilala. Sa ganun pa man, understood na yun. Ang importante may historical significance, Astig diba?

Kung aesthetics lang naman at vibe sa lugar ay masasabing maganda naman sya. Yung simbahang katoliko sa bayan na yun ay isa sa pinakamatanda sa Pilipinas. Ilang dekada pa lang nandon ang mga Kastilang mananakop ay itinayo na nila yun. Napakaganda din ng spot na naisipan nila, isa yun sa pinakamataas na lugar sa buong bayan; nakatayo pa talaga yung simbahan sa taas ng burol. Kaya medyo may penitensya appeal pag mag sisimba ka. Kasi maliban sa elevated na yung paligid nito, tatahakin mo pa yung additional ilang daang steps paakyat sa simbahan mismo.

Yung pangalan nya ay nanggaling sa pangalan ng nanay at tatay nya, si Annaat si Robert.Anlabo no? Pinaglihi talaga sya sa arnibal kaya Archeebal na lang daw.

Bata pa lang mga magulang nya nung isinilang sya sa mundong ito. Ang kanyang ama ay 22 at ang kanyang ina naman ay 18. Hindi pa tapos ng kolehiyo ang mga magulang nya nung isinilang sya. Kaya kinailangan mangibang bansa ng tatay nya para mastustusan ang pamilya nila. Ang nanay nya naman ay tumuloy sa pag-aaral ng kolehiyo.

Lumaki si Archeebal sa bahay ng kanyang mga lolo't lola, sa mga magulang ng kanyang ina; sa Petruz Manor.Ang mga nakakahalubilo nya sa kanyang paglaki ay ilan sa kanyang mga pinsan, lolo't lola, at ilan pang tito at tita. Bahay nila yung "Ancestral Home"ng pamilya ng nanay nya dun sa probinsya nila. (Dapat medyo tunog sosyal para may class naman ng konti ang bida)

Ang lolo't lola nila ay tinatawag nilang "Mama at Papa" sa istilong Pa-kastila, kaya lalong ramdam na ramdam ang kasosyalan.

Si Mama Teresita ay may pagka-maingay. Sya yung nagsisilbing alarm clock ng buong bahay, pero napakalambing at maalaga. Ayaw na ayaw nyang makakanti ang mga apo nya.

Si Papa Nomerianoay may pagkatahimik pero mahilig mag joke. Classic ang mga banatan na mas matanda pa sa panahon ng Kastila ang references. Pero pag nag-advice naman sa mga seryosong usapan ay mapapahanga ka.

Sa bahay na ito sya natutong maglakad, magsalita, magbasa at magsulat. Marami din syang natutunan dito na magagamit nya sa kanyang pagtanda.

Ang nanay nya ay uumuwi tuwing weekends para makasama sya. Ang kanyang tatay naman ay umuuwi isang beses sa isang taon, syempre with typical Filipino fashion.

Namamasasa sa kung ano anong gamit mula abroad. Kahon kahon ng pasalubong, mga laruan, tsokolate at kung ano ano pa. Dapat meron ding konting "Katas ng Ofw appeal"with matching black leather jacket kahit mainit at kilo kilo ng gold chains.

Maliban sa may slightly pagkasosyal na family background, medyo may pagka sosy-ness talagang nananalaytay sa dugo ng bida bago pa sya maging isang ganap na Siga ng Universe.

Kasing puti ng refined sugar ang balat ni Archeebal, tila ba isang dayuhan sa kanyang munting bayan. May katangkaran din, kaya sumasakto sa pustura nyang spokening dollar na isleng. Hindi kasi sya tinuruan mag-tagalog hanggang 3 taong gulang sya.

Allergic din sya kuno sa kung ano anong pagkain. Bawal sya sa kung ano-anong gulay. Ang kinakain nya lang ay kangkong at gabi kapag nasa sinigang na baboy.

Hindi sya kumakain ng kahit anong seafood. Kapag kakain sya ng tilapia o bangus, dapat prinito lang; hindi pwede ibang luto.

Hindi rin sya basta-basta nakakatulog. Dapat isasakay muna sya sa kotse o tricycle at maglilibot libot bago sya dapuan ng antok.

Pero hinding hindi dapat mawawala ang napaka-espesyal na lullaby na ipinamana pa ng mga ninuno ni Mama Teresita; ang New New Song. (bigkas sa pagkakabasa- new new)

Ganito yung lyrics:

"New new new new. new new new new new.

New new new new, new new new new new. new new new new new nene New!"

May kasama pa dapat pagtapik tapik sa hita para mas effective.

Sapat na siguro yung intro na yun diba? At least may idea na kayo kung sino ang Siga ng Universe.

Simulan na natin ang kwento, magsimula tayo nung magsimula pa lang sya mag-aral.