MARIA ECOSTAS' P.O.V.
This is....frightening. I never experienced standing on a stage sa harap ng napakadaming tao. Plus the fact that I don't know all of them.
"Okay Ms. Lazarus. Before I ask you a question. Tell us your name first and your enrolled program as well."
He motioned me to face my co-students and lend me the microphone. He's smiling from ear to ear, he looks like a proud father. Wh-What? LoL. Nevermind. Deym.
"H-Hi. I am Maria Ecostas Lazarus, BS Information Technology."
I bowed and gave back the microphone to Sir Draker.
"So my question Ms. Lazarus is that, what's your expectation to Kale State University?"
"I expect that it will mould me to become prepared sa future? So that, I can be successful as well just like how others succeeded in their life?"
I heard a familiar voice....LAUGHING.
"Oh! Sorry. Natatawa lang ako sir kasi parang di siya sigurado sa sagot niya. You're cute young lady."
He winked at me. He's Rigor. But, he seems different today. Parang di naman siya ganiyan kanina na iniwan ko ah? I bowed in shame. Takot ako sa maraming tao.
He laughed at me.
"Don't laugh students, you may go back to your seat Ms. Lazarus. You all have your own fears, and you iho? What is your name and enrolled program?"
Bakit nga ba andito to? This is a freshmen orientation program. He's third year, right?
"Sorry sir, nadala lang, haha. I am Rivo Carter Binuesa sir, BSIT. Freshman."
Uupo na sana ako pero bakit iba ang name na sinabi niya? O yung binigay niya saking name ang mali? Sa likod ng upuan namin ni Arel siya nakapwesto. Tinignan ko siya with my creased forehead, why does it feel like hindi niya ako marecognize? Di niya ba ako maalala? Hello? The book? The library? Ah, my goodness Ecostas. Ano naman ngayon kung di ka niya makilala?
Umupo na lang ako ng maayos at pinagpatuloy ang pakikinig kay Sir. Serious mode na ako nang magulat ako sa kalbit ng katabi ko. Katabi? Wala akong katabi.
"Hi miss. What's your name? You're cute huh."
It's Rigor or Rivo or whatsoever.
"Why did you lie to them? Or did you lie to me?"
He seems confused.
"What? Anong pinagsasabi mo miss cute?"
"Oh come on mister. You know me, we met sa library."
"I see, ganoon na ba ako kapogi at napagpantasyahan mong nagmeet tayo sa library. Hm, I like it."
I cringed sa naging remarks niya. Bangag ba to? Or revenge? Kasi ako nauna sa book?
"Are you crazy?"
Bubulyawan ko na sana siya nang tawagin ako ni Arel.
"Let's go gurl. Let's go home na. Pack your things and I'll send you off nalang. Mag cocommute ka ba gurl? Or may susundo sayo?"
Tapos na pala ang program. Di ko man lang namalayan. Babalingan ko sana ulit si Rigor nang makita kong naglalakad na siya palabas sa pintuan habang parang may kausap sa phone.
That's it??? Shocks. I can't believe what just happened. Who are you Rigor or Rivo or whatever your name is?
Lumabas na din kami ni Arel sa AV Room. Pinag uusapan namin kung anong kras kami bukas at kung saan kami maghihintayan para sabay kami pumasok pero nararamdaman kong nagvavibrate ang aking phone sa bag. Pansin ko din na parang kanina pa to nagvavibrate, hindi ko lang pinapansin kasi tinatamad ako.
BESTFRIEND UNGGOY...calling...
I immediately answered the call dahil alam ko kung gaano kakulit amg unggoy na ito.
"Wait lang Arel. Kausapin ko lang tong unggoy este kaibigan ko."
She nodded.
"Oh?"
"Deeeeyyyym. Thank God EL sinagot mo din. I've called a hundred times already."
"O.A. ka unggoy. Bakit ka napatawag?"
"Pinapasundo ka ni Tito Harrith, may family dinner daw kina Lola. Asan ka na ba? Andito ako sa labas ng AV Room daw."
"Andito ka na? Bilis mo ah, iba talaga pag unggoy. Sige palabas na din kami."
"Kami? Sino kasama mo? Lalaki?"
"Hindi ah, bagong kaibigan ko. Si Arel Jane. Ge ge, bye na"
Di ko na siya pinasagot sa byebye ko at pinatay ko na ang tawag. Binalikan ko na si Arel sa pinaghintayan niya sakin.
"Arel, let's go, may ipapakilala ako sayo."
"Sino gurl? Guy ba? Handsome ba?"
Akala mo may uod sa puwet tong si Arel kinikilig na eh di ko pa pinapakilala si EJ sakaniya.
I pulled her out of the AV Room and found EJ standing sa main door ng second floor.
"Oyy unggoy."
"There you are gurang."
Binatukan ko siya at hinila ulit si Arel sa harapan. You may find me a bad girl and li'l bit of a tomboy when I'm my boy bestfriend.
"EJ, si Arel nga pala my new friend. Arel, si EJ my childhood bestfriend."
May ibubulong sana sakin si Arel but I think I kniw what is it already kaya inunahan ko na.
"-and yes, single yang unngoy na yan."
Paglingon ko kay EJ ngiting ngiti siyang nakatitig kay Arel, ang unggoy nahulog.
Aalis na sana kami sa building para makauwi na nang may tumawag samin, I mean - sakin.
"Ms. Cute!"
♤♡◇♧♤♡◇♧♤♡◇♧♤♡◇♧♤♡◇♧