"SIGE NA BUDS, PLEASE?" Pamimilit ng kakambal ko na si Kharen na hindi ko naman binibigyang pansin. Busy ako sa kakabasa ng libro. "Khen naman eh, alam mo namang last edition na ngayon, and it took me for a months para makabili ulit ng librong 'yon" pangungumbinsi pa nitong sabi na walang sawang kakaangkas sa braso ko. "Khen Lex Riuz my buds, please? Promise ililibre kita ng lunch sa first day diba iyon naman lagi ang gusto mo?" Maligaya pa nitong sambit habang nagmamakaawa.
Tss. Isip bata!
Inis na isinara ko ang librong binabasa ko saka kunot-noong bumaling sa kambal ko. "Bakit hindi nalang kasi ikaw ang bumili?" Tanong ko rito sa walang emosyong boses.
"May lakad ako mamaya saka busy ako for enrollment, kung hindi nga lang." Pagdadahilan pa nito habang pahina ng pahina ang boses at ngumunguso-nguso pa. "Sige na kasi, alam mo namang matagal ko na iyong hinihintay lumabas tapos nagkataon pa ngayong last edition na naman. Ikaw nalang kasi bumili sabi ni Mommy pupunta ka raw mamaya ng Mall?" Derederetso nitong sabi na wala na akong nagawa kundi ang tumango. "Yes! Thank you buds, sabi ko na eh hindi mo ako matitiis! Haha--
"Shut up!" Putol ko rito saka walang sabi sabing tumayo dahilan para humiyaw siya sa pagkakasubsub sa sofa.
"Pasalamat ka may kailangan ako, kung hindi patay ka sakin! Aray!--
Hindi ko na pinansin ang pagdradrama ng isip bata kong kakambal at deretso nalang akong umalis ng sala.
"Hoy! Khen bumalik ka rito yung libro mo!" rinig ko pang sigaw ni Kharen mula sa baba hanggang rito sa kwarto ko. Tss. At dahil tamad na akong bumaba ulit ay tinext ko nalang ito.
To: Bal' Kharen
I'll buy your book in one condition.
Nangingisi-ngisi kong ikinabit ang headphone ko sa tainga ko habang naghihintay ng reply mula sa baliw kong kapatid. Ilang segundo lang ang binilang ko.
From: Bal' Kharen.
Anything for my book. Spill it.
Gotcha!
To: Bal' Kharen
Don't ask. You already know. Good luck.
Nakangisi kong pinikit ang mga mata ko habang nakikinig sa mga kantang halo-halo lang.
Hindi na nagreply ang baliw at isang minuto lang ang nakalipas ay narito na ito sa kwarto ko.
Padabog niyang binato sakin ang librong naiwan ko sa sala saka walang sabi-sabing lumabas ulit ng kwarto ko. Tatawa-tawa akong bumalik sa pagkakahilig sa headboard ng kama ko saka nagbasa muli ng librong kakaumpisa ko palang kanina habang nakikinig ng kanta.
Ito ang gawain ko sa tuwing ako lang mag-isa.
ISANG ORAS NA ang lumipas ay hindi parin ako lumalabas ng kwarto para kumain ng pananghalian. At agad namang kumunot ang noo ko ng makatanggap na naman ako ng mensahe galing sa isip bata kong kapatid.
From: Bal' Kharen
Too much reading huh? I guess you're learning from it. Haha. Anyways, go downstairs food aren't wait for you.
Inis akong tumayo at nag-ayos ng sarili ko saka bumaba at dumeretso sa dining area na ngayon ay nababalot ng kaingayan. Syempre bida na naman ang baliw kong kakambal at ang ina naming pinagmanahan nito. Tss! "Hi Mom, Dad" bati ko sa mga ito ng makaupo ako. Nasa head seat si Daddy Kharlos at sa kanang upuan naman nito si Mommy Lexin na nasa harapan ko. Katabi ko naman si Kharen.
Tango at ngiti lang ang isinagot ng mga ito, at muling bumalik sa pag-iingay ang dalawang isip bata. Tahimik nalang akong kumuha ng pagkain at nagsimulang kumain ngunit hindi paman ako nakakadalawang subo ay biglang nagsalita ang katabi ko. "Kumusta ang librong niregalo ko sayo last birthday mo? Mukhang ngayon mo lang ginalaw ah?" Tanong nitong nagtataas babang kilay pa. Nanunudyo. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. "So... how's Tyron Zapanta's performance?" Tanong muli nito sakin na ngingisi-ngisi pa dahilan para mapaismid ako at mabitawan ang kutsarang hawak ko. Hindi paman ako nakakabawi ay nagsalita ito muli. "Oh, ba't parang nagulat ka? Isn't he good at se--
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang tinapunan ng masamang tingin. Binigyan ko siya ng MAMAYA-KA-SAKIN-HINDI-KO-BIBILHIN-ANG-LIBRO-MO-LOOK! Dahilan para makalunok siya sa sariling laway at muling bumaling sa kausap nito kanina. Pasimple parin akong napapaismid dahil sa gulat.
That book is really fucking weird but yeah it's really fucking good! Arg!
NATAPOS ANG PANANGHALIAN ng walang ibang bida kundi ang kapatid ko. Muli akong umakyat sa kwarto ko, deretso sa banyo at naligo. Matapos ang ilang minuto ay nag-ayos at bumaba narin ako.
NANG MAKARATING AKO ng mall para bilhin lahat ng gamit na kakailanganin ko next week para sa pasukan ay huli kong tinungo ang boutique ng National Book Store. Dahil nabili ko narin naman ang lahat ng school supplies, ay deretso na ako sa book section.
"Gotcha!" Ani ko nang makita ko narin ang hinahanap kong libro. He's Into Her Season 3. Ang pinabibili sakin ni Kharen. Pero hindi doon natuon ang paningin ko kundi sa kamay na hawak ko na nakahawak rin mismo sa libro. Inis kong binalingan ang may-ari ng kamay at palihim akong napaawang sa gulat sa nakita ko.
Isang babaeng patpatin, hindi naman ganon sobrang payat pero sapat na para matumba sa isang tulak lang. Maliit ito at mga nasa flat 5 lang ang tangkad, hindi pantay ang mga balikat, ang isang likod nito ay medyo malaki at hindi kaparehas ng isa, nakasuot ito ng simpleng V-neck Gray T-shirt, ripped jeans at havanna flip-flops pero hindi doon natuon ang pansin ko kundi sa maamo nitong mukha. Makapal na mga kilay, mahahabang pilik mata, itim na itim na mga mata, matangos na ilong at.. at.. manipis at mapupulang labi.
Lihim akong napalunok. Hindi ko ipinahalata ang gulat ko sa pamamagitan ng kunot-noo ko paring mukha. Nag-iwas ako ng tingin saka marahas kong hinablot sa kanya ang librong naunahan niyang hawakan.
Naramdaman kong nasaktan siya dahil sa mahina nitong pag-aray pero hindi ako nagpahalatang napansin ko yun. Hinarap ko siya sa walang emosyong mukha saka nagsalita.
"Sorry miss, pero ako ang nauna." Sabi ko rito na ngumisi-ngisi pa.
Akala ko ay hindi ito papatol dahil wala siyang lakas para lumaban, dahil maliit siya. Pero nagkamali ako. Ngumiti ito saka nagsalita. "Sorry rin mister pero ako ang pinakanauna" ani nito sa matalim na boses at pinakadiinan pa ang huling salita. Kapagkuwan ay lumapit ito sakin at walang sabi-sabing malakas na sinuntok ang tiyan ko dahilan para mamilipit ako sa sakit at mabitawan ko ang hawak kong libro at kinuha niya iyon saka biglang tumakbo sa counter para magbayad.
Inis na sinundan ko ng tingin ang payat na babae na bigla nalang kumaripas ng takbo palabas ng boutique matapos barayan ang libro.
Fuck! Payatot, sa susunod nating pagkikita sisiguraduhin kong hinding-hindi kana makakawala pa!
"OH AYOS KALANG?" Nagtatakang tanong ng kaibigan kong kararating lang mula sa kung saan man.
Nasa fast-food restaurant kami at nakaupo na ako pero hindi parin tumitila ang humahangos kong hininga.
"Hey, Tin are you okay? Namumutla ka." Muling tanong at puna ni Lexine na ngayon ay nababalot na ng pag-aalala.
Tango lang ang isinagot ko saka umayos na ng upo. Pinilit kong maging maayos ang paghinga ko dahil ayokong makitang nahihirahapan ako lalo na't si Lexine ang kasama ko.
Si Lexine ang nag-iisa kong kaibigan na kailanman ay hindi ako hinusgahan at iniwan. Kaibigan ko siya since elementary. Siya iyong tipong kahit anong ubod ng yaman ay pagdating sakin ay wala siyang pakialam kong husgahan man siya ng ibang tao dahil pinilit niyang maging isang kaibigan ko. Hindi ako mayaman, hindi rin ako mahirap. Sapat lang para mabuhay ang isang ako, na pinipilit na magkaroon ng isang normal na buhay at pagkatao. At si Lexine ang nagiging tagaturo sakin ng mga bagay-bagay na hindi ko nalalaman.
"Oh my God!" Nabalik ang diwa ko sa biglaang paghiyaw ng kasama ko. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Tin your nose is bleeding!" Naghihiristikal na nitong sambit, halatang hindi na mapakali.
Dahil sa sinabi nito ay wala sa sariling hinawakan ko ang ilong ko at doon naramdaman kong may likido nang umaagos mula rito. Agad na kinuha ko ang panyo ko at biglang tumayo.
"I need to go home." Sabi ko rito at inayos narin ang mga pinamili ko habang ang isang kamay ko ay nakahawak parin sa ilong ko na tinatakpan na ngayon ng panyo.
Tumayo narin si Lexine at tunulungan ako. "Okay, I drive you home." Sambit nito saka hinawakan na ang pulsuhan ko at hinila ako palabas ng restaurant.
"P-pero--
"Aish! Wala ng pero pero. Tara na." Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya.
NANG MAKARATING KAMI SA bahay ay agad na sinalubong kami ni Nanny La at inayos ang mga dala ko. "Bakit ang aga niyo naman yata? Akala ko ba ay manonood muna kayo ng sine?" Tanong ni Nanny La na ngayon ay nagtitimpla na ng maiinom namin at meryenda.
Hindi ako umimik dahilan para ang kasama ko ang sumagot. At dahil likas na maarte, maingay at bibida-bida itong kaibigan ko ay 'ni kusing ng balita ay denetalye pa. "Ay naku Nanny La itong si Tin-payat ay nagpipiling malakas na naman, eh halata ngang naghihingalo na tapos okay lang daw siya tapos after a minute ayon dinugo na ang matangos niyang ilong. Ay ewan hindi ko rin siya magets minsan Nanny La, pagsabihan mo nga" derederetso nitong sumbong kay Nanny La na ngayon ay nasa akin na ang tingin. May halong pag-aalala at takot sa mga mata nito.
Si Nanny La, ang nag-iisa kong kasama rito sa bahay. Yaya ko siya simula pa ng bata ako pero nanay na ang turing ko sa kanya. Siya ang nagpalaki sakin simula n'ong inabanduna na ako ng mga magulang ko labing-dalawang taon narin ang nakararaan. Hindi ko namang masasabing walang pakialam ang mga magulang ko sakin dahil buwan-buwan naman itong nagpapadala para sa financial ko. Pero hanggang doon nalang iyon. Ayoko nga sanang tanggapin ang lahat ng ibinibigay nila pero ang sabi ni Nanny La, iyon nalang daw ang tanging paraan para magkaroon ako ng koneksyon sa mga ito. Kaya hinayaan ko nalang dahil ayoko rin namang maging pabigat pa kay Nanny La pagdating sa mga gastusin lalo na't malaki-laki rin ang presyo ng mga maintenance ko at gamot ko, at hindi iyon kayang bilhin lahat ng ina-inahan ko. Nag-iisa lang akong anak at produkto ako ng isang basag na pamilya. Dahil daw sakin kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko. Dahil hindi raw nila kayang alagaan ang isang tulad ko, ang isang tulad ko na ipinanganak na mahina at hindi kailanman mabibigyan ng lunas at pag-asa upang lumakas.
Isa akong PWD o mas kilala sa tawag na Person with Disabilities at ang tawag sa specialize ko ay OI o mas kilala sa sinasabi nilang Orthopedic Impairment at bukod doon ay mayroon pa akong isang sakit na nagbigay dahilan para hindi ko maranasan ang mga bagay bagay na dapat ay nararanasan ng isang normal na tao. Rheumatic Heart Disease. Isa akong RHD Patient na kinakailangan ng isang pinakamaingat na pag-aalaga. Pero pati iyon ay nawala sakin dahil sa mga takot at irisponsable kong mga magulang.
"Anak" napaigtad ako sa malabot na paghawak ni Nanny La sa pisngi ko na hindi ko na namalayang may dumadaloy na palang mga luha mula sa mga mata ko.
Tiningala ko si Nanny La habang pinupunas-punasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko. Nang tuyo na ang mga ito ay ngumiti ako. "Bakit po Nanny La?" Inosente kong tanong rito.
Bumuntong hininga muna ito saka nagsalita. "Ayos kalang ba anak?" Mahinang tanong nito na bakas ang pag-aalala sa boses nito.
Tumango-tango lang ako para hindi ipakita ang tunay kong nararamdaman. Saka nag-iwas nalang ako ng tingin at doon kong napagtantong wala na pala si Lexine.
"Umalis na si Lexine, may emergency daw sa kanila. Hindi kana inabala kasi halatang may iniisip ka." Agad na sabi ni Nanny La. Naroon parin ang pag-aalala sa mukha.
Tumango-tango nalang ulit ako saka nagpaalam na rito para magpahinga muna.
NANG NASA KWARTO na ako ay saka ko lang kinuha ang nebulizer ko na nasa gilid lang naman ng kama ko. Inayos ko iyon saka kinuha ko ang isang katamtamang laking kahon na katabi rin ng nebulizer, saka kumuha ako ng gamot na gagamitin ko.
Ventulin Salbutamol for Inhilation use only.
Wala sa sariling napailing nalang ako ng mabasa ng isip ko ang gamot.
Ikaw nalang lagi ang nagliligtas ng buhay ko.
Natatawa nalang ako sa sinasabi ng isip ko.
Nang mailagay ko na ang likidong gamot sa inhilation hose at ikinabit ko na ito sa ilong ko saka ko binuhay ang nebulizer.
Dahan-dahan akong huminga ng malalim para salubungin ang hanging nanggagaling sa makina na hinaluan ng gamot. Mahina akong napapaigtad dahil sa minsanang pagkirot sa loob ng dibdib ko dahilan para mahigpit ko itong hawakan at pakalmahin.
Matapos ang halos kalahating minuto ng pagpapausok ko ay hinayaan ko nalang muna itong magkalat sa bed side table ko at maingat na tumihaya sa kama ko para tuluyang nang magpahinga.
Ngunit hindi paman nag-iilang segundo ng maalala ko ang dahilan ng pag-atake ng puso ko.
Yung lalaking iyon!
To be continued...
___
Hi, Chapter 18 up in Wattpad.
Check it out with my username
WP: @tikyapot
Thank you.