Chereads / The Story of Us (Anne & Troy) / Chapter 2 - CHAPTER II

Chapter 2 - CHAPTER II

Padabog syang nahiga at tumitig sa kisame,

graduating siya ng high school ng maging txt mate nya si Zet courtesy of Mr. Robles ang Ex suitor nya.

Ex dahil syota na ito ni Danica ang best friend niya. And to make the story short naging sila.

minahal nya ng sobra si Zet dumating sa puntong binigay nya lahat as in lahat kinalimutan nya ang pangako nya sa sarili nyang ibibigay lang niya yon sa lalaking mapapangasawa nya.

Alam nya it was a big mistake kala nya kasi si Zet na, he was his first boyfriend. Akala nya mabait ito pero nahuli nyang nambabae hangang paulit ulit na.siguro masyadong naging panatag ito sa pag mamahal nya. Dahil siguro ilang beses nyang pinatawad.

Not just once na pinilit nyang i save ang relasyon nila siguro dahil sa takot din siya na wala ng mag mamahal sakanya dahil hindi na siya virgin kaya umabot siya sa higit limang taon, Nagpakulong sya sa relasyong hindi siya sigurado kung may pagmamahal pa siya.

Basta sa ngayon ang alam nya pagod na siya hindi na siya masaya. Ngunit kasabay ng pag ayaw nya kaylangan nyang lumayo dahil hindi siya patatahimikin ng parents ni Zet sinimulan na kanina ng mommy nito wala pang 24 hours mula ng makipag break siya.

PRESENT...

Nagulantang si Anne sa lakas ng tunog ng cell phone nya kayat nabalik siya sa kasalukuyan.

Message from Gelay: hoy bhruha may nahanap na kong space pwede na tayo mag start kung magugustuhan mo malapit sa school.

Napailing nalang siya sa nabasang text ng kaibigan. 2 weeks palang ang nakakalipas mula dumating siya galing baguio.

di pa niya makalimutan ang galit ng mama nya nang datnan nya sa apartment nya.

2years siya dun at nag trabaho siya bilang front desk officer at na promote na manager after one year of being a front desk officer, nagustuhan kasi ng mga amo nyang koreano ang sipag niya sa trabaho.

Nagulantang siya ng madatnan nya ang mama nya naka empake na ang mga gamit nya kayat wala na siyang nagawa kundi sumunod,

knowing her mother. Ni hindi nga siya nakapag resign ng maayos. Pati huling sahod nya di nya nakuha.

"Aanhin mo yung sahod? It mas malaki pa ang allowance mo dun" sabi pa nito di nalang siya umimik.

Which is true naman kasi sunod sa luho siya lahat ng hilingin nya nakukuha niya.

Di naman sila mayaman,middle class lang. pero her mom make it sure na lahat meron siya siguro yun ang way nang mama nya to prove na di talaga nila kailangan ang papa nya.

5 years old siya at nasa tyan palang ang bunsong kapatid nyang si Yvon ng mag hiwalay ang parents nila.

Nung nasa baguio siya hindi miminsang sinundan siya ni Zet dun para makipag ayos. Ni di nga nya alam pano nalaman nun ang apartment niya pero wala na talaga siyang nararamdaman para dito.Kayat pinag taguan niya ito. Wala na yung kilig ni hindi nga nya alam anung nagustuhan nya in the first place.

gwapo to pero ang natatandaan niya sinagot niya to nun dahil nabalitaan nyang may gusto si Mhadz dito and she hated Mhadz, ewan nya basta mabigat ang dugo nya dito siguro dahil sa narinig nya nun na sinabi nitong

Who's that Anne ba?Prettier thah me? Voice lang naman niua maganda eh. She can actually sing at the back stage then akonsa front ghost singer ba. Diba much better?

Maarte pang dagdag nito. Hindi nya yun pinatulan dumaan lang siya sa harap ng grupo ni mhadz sakay ng motorsiklo nya.

Yup!! Mahilig siyang mag motor yun ang hiniling nyang gift sa mama nya nung debut nya hindi siya nag pa party na gaya nang gusto nito..

Hininto nya ang motor at sinadyang i park ang motor sa tabi ng mga to.

Sakto namang paparating si Zet, alam niyang sakanya lalapit ito.

kitang kita nya ang kilig sa muka ni Mhadz at nag OMG pa ito.At lalong kitang kita nya din ang pag simangot nito nang pag lapit ni Zet ay umakbay sakanya.

Hindi siya nag papa-akbay dito pero for the sake of her inis to that Mhadz hinayaan nya.

And To add her revenge sinagot pa nya si Zet sa harap ng mga to. Since then my silent war na sa pagitan nila. She knows nanalo siya sa away nila ni Mhadz

pero talong talo siya kay Zet di nya na gwardyahan ang puso niya.

Any way past is past ika nga.. Kasabay nang pag buntong hininga niya ang pag balik ng diwa Niya sa kasalukuyan.

Nag madali nang maligo si Anne dahil kanina pa text nang text si Gelay nasa meeting place nadaw ito.

if i know nasa higaan palang yun knowing that friend of her.

"My God!!!" Inis na turan niya sabi nanga at pinag lololoko nanaman siya ng kaibigan eh mag iisang oras na siya sa space for rent na sinasabi nito na ayon dito kanina padaw nandon pero heto at ni anino nya wala.

paalis na sana sya nang mamataan nya itong patakbo sakanya galing sa jeep.

Malayo palang ito patakip takip na ng mata habang nag sosorry.

"Ewan ko sayo" pairap nalang na sabi nya dito.

"Bilis na buksan mo na ng magka alaman na" sabi pa nya dito ng may inis.

"To naman nasira nga motor ni Ron kaya di nya ko na sundo kaya nag commute ako" sabi nito.

"At bakit lagi ka kasing naka asa sa boyfriend mo? panu pag mamamatay kana hihintayin mo pa yon bago ka pumuntang hospital?" pasinghal pa nyang sabi dito.

"Ayyy peanut BITTER!!! parin ang peg nang lola ko" pang aalaska pa nito.

Inirapan nalang nya ito sabay ng pag pasok sa bakanteng gusali. " In fairness okay naman ito may kusina may pwesto ng videoke para sa mga gusto lang kumanta at may....."

"seperate room natin?" agaw ni Gelay sa atensiyon nya. "Patanung tanung kapa alam ko namang kinuha mo na"

"huh!!!!kinuha?hindi ah...".eksaheradong sabi pa neto.

Pabirong kinutusan nya to sa ulo at sinabing " lokohin mo lelong mo. Bat hawak mo na ang susi? "sabi nya

"Hehehe joke lang. Uo nag advance at deposit na ko para wala kanang ma say. Baka di mo type sayang naman baka may papa dun sa school" pa cute pa neto sabay silip sa labas na animoy makikita nya mula dun ang skwelahan.

mga 30 meters pa ata kung di siya nag kakamali yung school na sinasabi neto. Nadaanan nya kanina dahil sa may likod siya dumaan may LTO kasi kung bat di pa siya nagpa lisensiya nuon.

Para wala nang masayang na oras nag pasya silang medyo mag ayos na duon at mag lista nang mga dapat bilhin.

"Tara na Anne am su tired" pa kengkay pang dag dag neto.

Monday:

Hindi na magkanda ugaga si Anne sa ginagawa nya.

hindi niya akalaing magiging ganito ang first day nila.

Dadalawa pa naman sila dahil napagkasunduan nilang saka na kumuha ng kasama obserbahan muna nila ang market. Di naman kasi kalakihan, 10 tables lang.

siya ang tumoka sa serving at cashier dahil pay as you order sila at sa kusina si Gelay mas magaling itong mag luto kesa siya.

"Ano ba yan wala bang canteen sa skwelahan ng mga to at dito lahat?"

Reklamo nya kay Gelay nang sawakas umalis na ang huling customer nila.

"Hahaha ibang klase ka ma friend imbis na matuwa ka at dinagsa tayo naka busangot ka dyan" sita ni Gelay sakanya."anyway baka pwedeng umexit saglit mamaya?"

wika nito na may pakindat pa sakanya.

Umikot ang mata ni Anne, "and where do you think your going huh? "

"whoah!! relax" awat nito alam nya kasi ang ugali ni Anne.pag sagad na ito lumalabas ang pagka english-sera kahit wala naman lahing amerikano. Para kasi kay Anne mas na eexpress nya ang sarili nya pag nag e english siya lalo na kung inis siya,

panu ba naman eto ang nag isip ng ganun tapos dadalawa sila tapos bigla itong aalis. Panu nalang pag nag dagsaan nanaman ang mga tao mamaya.