Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Her Persistent Love

Ailyn_Tanciongco
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.8k
Views
Synopsis
SYNOPSIS Amiya is an island girl whose just inlove with a guy who makes her the happiest woman in the world. But the world is cruel and so is his prince charming. She discovered that she's just a play toy by her lover. They broke up. She moved on. She thought it's just a season of making-mistakes-and-learn-through-it. Until one day her whole life changed because of the two red lines that indicates that she has a growing child in her womb. Realizing that she's a mother made her do things that would normally shame her. But for the child in her womb. Shame is just a word. Shame is that when you forced a marriage by yourself. Shame is when you become a masochist for your object of passion. Shame is when you give up your life just to embrace his world. Shame is when you love the one who wants to kill you. Shame is when you know your hurt and you love the one who hurts you. Yeah, that is her shame. Starting as a dump she worked her way to be the treasure. His prince charming is cruel? And so is she.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

Date started: sometime in June 1-3, 2020 (hindi ako sure😂)

Date finished: July 09, 2020

Prologue

KINAKABAHAN AKO. HINDI KO alam ang iisipin ko at gagawin ko habang nakatingin sa pregnancy test na hawak ko. Namanhid ang buo kong katawan ko ng makita ko ang dalawang linya na nangangahulugan na ako nga ay buntis.

Anong gagawin ko?

May buhay na namumuo sa tiyan ko, sa edad na labing walong taong gulang buntis na ako. Magiging ina na ako.

Napadausdos ako ng upo sa sahig ng banyo namin. Pilit kong pinipigil ang tunog ng iyak ko. Natatakot ako sa mangyayari. Natatakot ako kung paano ito tatanggapin ng pamilya ko.

"Amiya! Ang tagal mo diyan! Buksan mo na ang pinto at gagamit din ako!" Sigaw ng nanay ko.

"Lalabas na po!" Balik sigaw ko.

Napatayo ako bigla at inayos ang sarili ko. Lumabas ako ng pinto ng nakayuko dahil ayoko makita ng ina ko na umiiyak ako.

Dumiretso ako sa kwarto namin ng kapatid ko at agad kong itanago ang PT ko. Pangatlo na iyon na nag positive kaya sigurado ako na buntis na talaga ako.

Lahat din ng senyales na buntis ako ay nararanasan ko din. Mula sa morning sickness hanggang sa paglilihi.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko.

To: Cyan

MAGKITA TAYO, MAY SASABIHIN AKO.

Nang makita ko ito ay na send ay hinaplos ko ang tiyan ko. Hindi lang ako ang may kasalanan nito. Siya din.

Si Cyan din. Ang tanging lalaking minahal at sinaktan ako.

Ex ko siya. First love ko. Linigawan niya ako ng dalawang buwan at sinagot ko agad siya. Tanga ako eh.

Nasa kanya na kasi ang lahat. Mukha, makisig na katawan, talino at kayamanan. Siya ang pinakasikat sa School na pinapasukan ko through scholarship.

Tinalikuran ko lahat lahat para sa kanya. Pag-aaral ko, kaibigan ko at lahat ng pinaniwalaan ko para lang makasama siya pero niloko niya lang ako.

Lahat binigay ko sa kanya. Lahat ng gusto niya. Maski ang pagkababae ko binigay ko.

Naging bulag ako sa pagmamahal ko sa kanya. Nabuksan ko lang ulit ang mata ko ng makita ko siyang may kasamang iba.

All along pala niloloko niya lang ako, na isa lang pala akong putaheng gusto niyang tikman.

More than sa sakit na naramdaman ko ng niloko niya ako, mas masakit na ginamit niya lang ako at binaboy ako pero heto ako at tanga at mahal pa din siya.

Tumunog ang phone ko.

From: Cyan

FUCK OFF BITCH, IM NOT INTERESTED ON WHAT YOU'RE GOING TO SAY.

Tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, pero hindi ko ito pinansin.

Tinawagan ko siya.

*ringing…

"Sagutin mo naman." Nanginginig na bulong ko.

Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot, nang mga nasa ika 23 na tawag na ako ay bigla na lang naging unattended.

Ini off ko ang phone ko at umalis ako ng bahay. Pupunta ako sa bahay nila. 150 pesos na lang ang pera ko para sa buong linggo bilang allowance pero ginamit ko pa bilang pamasahe papunta sa kanya.

Dumiretso ako sa bahay nila at hindi sa condo niya since alam ko na hindi siya mag st-stay dun dahil tinataguan niya ako. Niya KAMI.

Kinakabahan akong habang pinipindot ang doorbell dahil baka makita ko ang magulang ni Cyan. Hindi kami legal ni Cyan kahit sa magulang ko. At hindi ko alam kung pano pakikiharapan ang parents niya.

"Maam sino po kayo?" Tanong ng maid na nagbukas ng gate para sakin.

"Kakilala ko si Cyan, kaibigan niya ako." Pagsisinungaling ko.

"Ay, pasok po kayo ma'am." Binuksan niya yung gate para sakin dahil mukhang maraming pinapapunta si Cyan sa bahay nila, hindi na ito bago sa kanya.

Pinaupo niya ako sa mga upuan ng garden nila habang tinatawag niya si Cyan. In my head i am calculating, on how this situation can be better or worser. Napahawak ako sa tiyan ko.

"Manang Wendy sino ba yun?! Wala nga akong bisita ngayong araw!" Narinig kong sigaw ni Cyan.

Shit. Andito na siya, bigla tuloy akong napatayo.

"Sana tinanong mo man lang ang pangalan! How stupid can you ge—" napatigil siya nung nakita ako.

Nanlisik ang mata niya ng makita niya ako. Naglakad siya palapit sakin.

"C-Cyan, pumunta ako d-dito kasi---acckhh!" Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla niyang hinablot ang buhok ko.

"Puta ka talagang babae ka! Hindi mo talaga ako titigilan, sinabi ko na nga sayong wala na akong interest sayo at sa sasabihin mo kaya bakit hindi ka pa timitigil!" Bigla niya akong tinulak kaya tumalsik ako sa sahig.

Pinilit ko pa din na tumayo.

"Makinig ka naman sakin, a-alam kong hindi ako pwede pumunta sa condo mo kaya dumiretso ako dito, may k-kailangan ka kasing malaman!" Naluluha na ako sa frustration.

"I don't care you piece of shit! You're just a one time thing, stop this nonsense now!"

Hinila niya ako para umalis ako pero pilit kong pinipiglas ang hawak niya sa kamay ko.

"Umalis ka na dito!"

Sa sobrang hilahan namin ay napabagsak na ako sa sahig, dapat aalis na siya pero kumapit ako sa kamay niya. Wala na akong pakielam kung magmukha akong desperada.

I blurted out the words.

"Buntis ako."

Naramdaman kong nanigas siya dahil sa sinabi ko.

"Ulitin mo." Utos niya sakin sa mahinang boses.

Dahan dahan akong tumayo ako sa harapan niya kahit nahihirapan.

"Buntis ako, at ikaw ang ama."

Nagulat ako ng bigla siyang ngumisi.

"Tingin mo ba ikaw ang pinaka unang babae na hinabol ako at sinabi yan?"

"P-pero?" natahimik ako.

"Lumayas ka na! Lahat kayo gustong gusto ako mapikot! Hindi sakin yang bata na yan! Puta ka talaga! pumunta ka talaga dito para sa pera ko!"

"P-pero totoo ang sinasabi ko! Buntis talaga ako at ikaw ang ama, wala pa akong ibang nakakarelasyon maliban sayo!" Hinawakan ko ang kamay niya pero agad niyang tinanggal.

Tumawa lang siya.

"Wala naman talaga sayong papatol maliban sakin! Mabuti nga pinag tiyagaan kita sa panget ng itsura mo! Wala akong pakielam sayo! Isa ka lang tanga tangang pokpok sa paningin ko! Ipalaglag mo ang batang yan!"

Napantig ang tainga ko sa narinig ko.

"A-anong s-sinabi mo?"

"Bingi ka ba?! Ang sabi ko ipalaglag mo ang batang yan! Hindi mo ba ako naririnig?!" Sigaw niya sa akin.

"Ako narinig kita."

Parehas kaming napatigil ng may marinig kaming boses sa likod ni Cyan.

Paglingon ko sa likod ko may nakita akong medyo may edad na lalaki at nakakatakot ang mukha niya.

"D-dad?" Napatingin ako kay Cyan.

Tatay niya ito? Biglang umurong ang luha ko sa takot.

Naglakad ito palapit samin at tinuro ako bigla.

"Woman, come inside to the library with me."

"P-po?"

Hindi niya inulit ang sinabi niya at humarap siya kay Cyan.

"At ikaw pumasok ka sa kwarto mo at hintayin mo ako dun."

Nakatulala lang si Cyan at hindi makagalaw gaya ko pero hinila ako ng papa niya papasok sa bahay nila. Nalula ako sa ganda ng mansyon nila at pansamantala kong nakalimutan ang problema ko sa ganda ng bahay nila.

Natagpuan ko ang sarili ko na nasa itsurang library na mukha ng bookstore sa sobrang laki.

Pinaupo ako ng papa ni Cyan sa isang silya na may kaharap na mesa at umupo siya sa harapan ko. Nakakatakot ang itsura niya.

"Iha, anong pangalan mo?"

"P-po?" Nagulat ako sa bigla niyang tanong.

"Anong pangalan mo?" Sinabi niya at bigla siyang ngumiti.

"Amiya Art Sandoval po."

Mas lalo siyang ngumiti.

"Ako naman si Eros Regan. Ako ang ama ni Cyan Regan. Tsk. " Napabuntong hininga siya.

"K-kilala ko po kayo."

"Talaga papaano?" Gulat niyang sabi.

Kailangan pa ba niya itanong?

"Kayo po kasi yung nagmamay-ari ng major Regan airline company." Pinaka mayamang airline company dito sa bansa.

Bigla siyang tumawa.

"Bastardo talaga ang anak ko. Nakilala mo ako ng dahil sa mga balita, at hindi man lang ako kinuwento ng anak ko."

Napayuko ako. Hindi lang kayo ang hindi ko kilala pati din ang anak niyo.

"Buntis ka ba talaga?" Diretso niyang tanong.

Nakayuko akong tumango. Hindi ako makapagsalita dahil sa diretsuhan niyang tanong.

"Si Cyan ang ama?"

Tumango ulit ako.

"Anong address ng bahay niyo?"

Nagulat man ako ng ilang segundo ay sinabi ko pa din ang address namin kahit nagaalangan ako.

"Okay, masama sa buntis ang mapagod kaya magpahinga ka muna. Ipapaayos ko ang guestroom namin. Maghintay ka na lang dito muna at ipapasundo kita sa isa mga maids. Ako na ang bahala sa anak ko at sa mga magulang mo." Ngumiti siya sa akin at tumayo para umalis na pero hinabol ko siya at hinarangan.

"A-ano pong sinabi niyo? Hindi niyo po ito pwede sabihin sa magulang ko! Magagalit sila sa akin! H-hindi pwede!" Naiiyak na sambit ko.

Hinawakan niya ang braso ko at nginitian ako.

"Alam kong mahirap ito sayo, at sa sitwasyon mo dahil bata ka pa pero walang mangyayari kung tatakbuhan mo ang problema mo at patatagalin mo pa ito. Kasalanan ito ng anak ko kaya hayaan mo kami ang mag ayos. Ako ang haharap sa galit ng mga magulang mo. Umupo ka na lang dito at magbasa ka na lang ng mga libro habang ginagawan namin ito ng paraan."

Pinisil niya ang braso ko at iniwan niya ako mag isa kasama ang mga daan daang libro sa kwarto na ito.

Napaupo ako sa sahig.

Sa loob ng ilang minuto parang biglang nagbago ang ikot ng mundo ko at hindi ko na alam kung anong mangyayari mamaya, bukas at sa kinabukasan ko.

Buntis ako.

Bastardo ang ama ng dinadala ko.

Mukhang makukulong pa ako sa bahay na ito.

At sa mga isipin na iyon namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang aking mga luha.

ElspethLynx