Chapter 2 - Simula

Everything started because of a single coin. I did not plan to let him know my existence nor plan to let him know that I like him....for years.

Nang dahil sa lintek na piso na yan gumulo ang mahaba kong pananahimik sa loob ng St. Bernard University.

Yes, my friends called me "the coin girl." Ever since I was a child, I was addicted to collect coins. We experienced extreme poverty back in the old days because my father's business had failed. No to mention our debt and I don't know why until now, I was addicted of collecting street coins or missing coins even we can afford everything. It became my habbit I think.

My father is in Davao with his partner. And my siblings are in different places. My mom died because of illness and since we were poor, we can't afford surgery. After the success of my father's business, he had found a woman. I told him to marry tita Camille, pero ang sabi ni papa ay hindi sila magpapakasal dahil iyon ang pinagkasunduan nila.

After high school, I was sent here in Manila to study business management.

Oo, kaya ko nang mag-aral sa prestihiyosong unibersidad. Nakaahon nga kami sa kahirapan pero hindi parin ako makaahon sa pagiging hubby kong mamulot ng street coins. Na naging dahilan para magsimula ang kalbaryo ko, ngayong pang isang taon na lang ang hihintayin ko para makapagtapos.

"Alam mo, Key. Hindi naman masama ang magka crush. Pero abnormal nayang sayo." Pasimpleng sabi ni Riza habang nakatingin sa crush niya sa kabilang table.

Ewan ko sa babaeng ito, multi tasking. Ang tenga nasa amin, pero ang mata nasa ibang tao.

Nagsalita ang hindi abnormal.

Inikot ko ang mga mata ko sa kanya. Kung hindi lang sila nagpumilit na mag meryenda dito sa cafeteria, mas gugustuhin ko pang nasa library.

"You know what, Key, if I were you, I'm going to tell him my feelings. Look, we will gonna graduate soon. Your love will be untold and it will be buried here. You will regret it, I'm sure. Just look at Riza, she confessed her feelings and though that guy from the other table doesn't like her, well, at least she will not regret it." Aniya Ann.

Napanguso ako sa kanya at nagkibit balikat. Hindi ko alam kung kasing tapang ako ni Riza.

"Excuse me, Huh, Ann-ann... " pasupladang nakataas ang kilay ni Riza sa amin. "He likes me, alright. Though he's always seenzoning me, I know he likes me too. And, don't listen to her, I regret my confession." Nakakalokang tumawa si Riza. Ayan tuloy napapatingin na ang ibang estudyante sa amin.

Mabilis na pinaslakan ni Ann ng berry ang bibig ni Riza.

"Ayan, kumain ka. Pag ikaw nagsalita sira lahat ng moment ko." Naiinis na sabi ni Ann at dinagdagan pa ang nasa bibig ni Riza.

"Hengkyu, besh... Isa na namang payo ang namatay." Aniya Riza habang natatawang ngumunguya ng berries.

"Err.... Panira ka talaga!" Aniya Ann saka tinapunan ng berry si Riza. Ayun, nauwi sa tapunan ng berries ang meryenda time namin.

Halos kami na ang pinagtitinginan ng tao, ang lakas kung makatawa itong si Riza. Pero hindi naman ako pahuhuli, ako ang pinaka malakas tumawa eh.

Sa huli, ako ang nagiging wierd kasi kahit tapos na ang tawanan, tawa parin ako ng tawa.

Mabilis na tumayo si Ann at hinila si Riza patayo.

"Nakakahiya na ang babeng iyan, my God. You are horrible when you laugh, Key!" Aniya Ann at hinihila parin si Riza.

"Te.. teka lang.. Hahah.. Wait lang. Bubwelo pa ako." Sabi ko at hindi matigil sa kakatawa. Napahawak ako sa tiyan ko.

"You are not our friend, Key Angela Valdez."

Mas lalo akong natawa. Ilang milyon na nila yang nasabi? That is why I never tried to befriend others as close as they are. We are three years friends and we are like sisters.

Natigil ako nang natigilan ang dalawa. Nakatingin sila sa entrance ng cafetetria.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagkakaganyan lang ang dalawa kapag nandyan na si Eric.

Mabilis pa sa tren ang pagbaling ng ulo ko sa likod. And to my relief, wala siya roon.

Hindi ko na namalayan, tumakbo na pala yong dalawa. Iniwan ako. Rinig ko pa ang huling halakhak na maladimonyong si Riza bago sila lumabas ng caf.

Napa-iling nalang ako at nag ayos ng gamit ko sa table.

Tumaas ang kilay ko nang makita ang caller. It's Ann. Pinalipas ko pa ang limang ring bago sinagot. I smirked.

"Hello! Ang tagal mo namang sumagot. Nandito kami sa labas. Dalian mo diyan." Pasuplada niyang sabi.

Natawa ako. "Ano miss mo na agad ako? Bye... Bye.. Muah." Pinatunog ko pa ang halik ko sa ere.

"Yuck!" At pinatay ang tawag.

Napatawa ako saka nilagay ang cellphone sa bag.

Patayo na sana ako nang may pamilyar na pigura ng lalaki ang dumaan sa aking mga mata.

Ilang sandali akong tumitig sa lalaking nakaupo sa north side ng cafeteria kasama ang mga kaibigan niya bago natantong si Eric nga ang lalaki!

He was sitting with his friend with the long table while he's facing me. Though may glass wall na namamagitan sa amin, at malayo ang table nila, alam kong kapag tumingin siya dito kitang-kita niya ang tawanan namin kanina na halos masuka na ako.

Oh my God, Angela, you are gross!

Mas lalo akong nataranta nang umangat ang tingin niya sa banda ko. Halos mabaliw ako nang magtama ang mga mata namin. Mabilis akong tumayo. Pagtalikod ko, nabangga ang tuhod ko sa katabi kong upuan kaya muntikan na akong madapa kung hindi lang ako napahawak sa back rest ng upuan.

Damn!

Nakarinig ako ng tawanan kaya mas lalo akong nataranta at nahiya.

"Pasensya na." Sabi ko sa mga nakatingin sa akin bago ako mabilis na lumabas ng caf.

Oh my God! We are talking about him, yet he's just near.

"Huh!" Napatalon ako nang may humawak sa braso ko.

Mabilis akong napabaling sa taong humawak ng braso ko. I'm relieved it's just Ann.

"Nong nangyari sayo? May sakit ka? Namumutla ka, ah." Aniya Ann.

"Let's go to clinic." Ani Riza.

"No, I'm fine." Sabi ko at hilaw na ngumiti.

Hindi naman makapaniwala si Ann kaya nanghihinalang tinitigan ako. Don't tell me pati ito mahuhulaan niya?

Umiwas ako ng tingin.

"Oh. M. G. So he's there?! And we didn't notice?! What the fudge!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ann.

"Oh moo... Hindi ka nahimatay, besh? O nasaktan?" Aniya Riza habang iniinspeksyon ang katawan ko. Natawa ako sa over reactions nila.

"Tumigil nga kayo." Sabi ko at tinalikuran ang dalawa.

I wish they don't know me well. Nagkakaganito lang naman ako kapag nandyan siya. O nasa malapit siya.

Napakagat ako ng labi nang maramdaman ang hapdi sa aking tuhod.

Dahil sa kakaiwas ko sa kay Eric kung ano-anong disgrasya ang inabot ko. Muntikan pa akong mahulog sa hagdanan ng library nang mamataan ko silang pababa sa hagdan at ako naman ay papanhik pa lang sa third floor.

"Hey!" Natatawang sigaw ni Riza sa akin.

"Hahaha... He doesn't know your existence my love, why so nervous all the time you see him?" Natatawang tukso na naman ni Riza.

I rolled my eyes. "Whatever! Your fault. Sabi mo malabong nandoon siya!" Sagot ko at hindi na sila nilingon. Binilisan ko ang lakad ko pero sadyang makukulit din itong dalawa.

"Eric gusto ka raw ni Key!" Panunukso ni Ann.

Pinagtitinganan na kami na tao. Ang lakas pa naman ng boses ni Ann.

"May araw din kayo sa akin. I swear!" Sigaw ko at tumakbo na palayo sa dalawa.

Napayuko ako dahil pinag-uusapan na kami ng mga taong nadadaanan namin. Kilala pa naman 'tong dalawa dahil kapwa mga modelo. Ayan tuloy, kalat sa internet kung gaano sila kaingay sa school.

Pagkatapos ng huling klase ko ay agad naman kaming nagkita-kitang tatlo. Kahit sa labas na ay tukso parin sila ng tukso.

Nagpaalam na ang dalawa sa akin dahil may shoot pa sila ngayong gabi. They are not yet so popular, bago palang silang lumabas sa mga magazine kaya papausbong pa ang kanilang career.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ni manong Reni.

"Manong, huwag mo napo akong sunduin, magta-taxi nalang po ako."

Birthday ngayon ng anak ni manong, kaya busy yun.

"Diyan na ako unang pupunta. May gift po ako para kay, Charry."

"Sigurado ka iha? Oh, sige. Mag ingat ka. Hihintayin ka namin dito" Aniya manong Reni at pinatay na ang tawag.

Sa Condo ako umuuwi, si manong ay may sariling apartment malapit sa condo ko. Kasama niya ang pamilya niya. Ayaw ko ng ganong set up dahil parang nakakaabala, kaso mapilit si papa. Hindi naman kasi ako marunong mag drive. Hindi rin ako magaling sa direction kaya nong bago pa ako sa Manila, nalulugi ako ng taxi driver. Last time na practice ko naman ng driving, bumangga ako sa poste. Mula noon, hindi na ako sumubok na matutong mag drive.

Ilang minuto pa akong naghihintay ng taxi pero wala paring matyempuhan. Marami kasing estudyante.

Nang namataan ko ang paparating na taxi, paparahin ko na sana ito kaso bigla kong namataan ang coin na nagro-roll sa harapan ko.

"Oh." Napangiti ako nang sa wakas ay huminto ang piso. Siguro may nakahulog nito.

I was in the action of getting the coin when I saw a manly hand with tick and long fingers the same position as mine.

Parehong nasa sahig ang mga kamay namin at ang piso ay nasa pagitan ng aming mga kamay. Isang pulgada nalang at magtatama na ang aming mga daliri

Sa kanya 'tong coin? Napangiti ako. Sayang.

Mula sa mga daliri ng lalaki ay naglakbay ang paningin ko hanggang sa mukha ng lalaki. Ang ngiti ko sa labi ay unti-unting naglaho habang pinagmamasdan ang blangkong mukhang nakakatitig sa akin.

The smell of his perfume is very intoxicating and the distance between our face is a torture for me.

Napakurap-kurap ako ng mata. Baka sakaling namamalikmata lang ako. Pero kahit anong gawin ko, pagbukas ng mata ko, mukha parin ni Eric ang nakikita ko.

Nang mag sink in sa akin ang lahat, dinig na dinig ko ang kabog ng aking dibdib.

Agad-agad akong napaatras kaya napa-upo ako sa sahig.

"Are you alright?" He asked blankly.

Akmang tutulungan niya akong makatayo pero agad ko siyang pinigilan.

"Don't come near me, please! I beg you!" Gulantang kong sigaw at dali-daling tumayo. Wala sa sariling humakbang ako sa kalsada kaya muntikan na akong masagasaan kung hindi lang ako nahila ni Eric pabalik.

Mas lalo akong nag panic. First interaction. First touch. Oh, God. If I will die, then, it's okay.

"Are you crazy, woman?" He yelled at me.

Napatalon ako, not expecting the sudden anger from him.

Agad kong hinila ang aking braso mula sa kanya.

"Oo." Mahina kong sagot saka tinalikuran siya. Nang ma-realized kong mali pala ang direksyon ko, humarap muli akong nakayuko at mabilis siyang nilagpasan nang hindi tinitingnan.

"Damn this kind of....idea"

Umabot pa sa tenga ko ang mura niya. Pero hindi ko na marinig ang iba pa niyang sinabi. Probably, murmuring how stupid I am.

Ilang metro na ang layo ko mula sa kinaroroonan namin kanina pero ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Nagmamadali kong hinalungkat ang cellphone ko sa shoulder bag ko. When I found my phone I immediately dialed the number of Ann.

I was about to put the phone on my ear when someone grabbed my wrist suddenly. Bigla ay napaharap ako sa taong nakahawak sa akin dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa akin.

Napakurap-kurap ako at nagsimula na namang magrigodon ang puso ko. Naibaba ko ang kanang kamay kong nakahawak sa cellphone.

"A-anong...g-ginagawa mo?" Mahina kong tanong, gulat parin.

Nakakunot ang noo niyang pinagmamasdan ang mukha ko. His cold stares are making me uncomfortable. I felt my knees trembling. Ngayon ay alam ko na kung paano mabilaukan na walang kinakain.

"Hindi ako multo. Kung bakit ganyan ang reaksyon ng mukha mo. I don't know."Aniya at nilagay sa kamay ko na hawak niya ang isang piso. Mabilis pa sa hangin ang pagtalikod niya saka iniwan akong nakatanga.

Nang matauhan ako ay napatingin ako sa piso na nasa palad ko. Natulala ako sa piso at hindi alam ang mararamdaman.