Chereads / Hurt Me Not (Nigel Streus) / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

"Alesa, Alesa," pakantang tawag ko sa pangalan niya na naka-ani ng tawa mula sa mga nakarinig.

Sinabayan ko pa 'yan ng sexy dance dahilan para mas umingay sa loob ng cafeteria. Hindi ko na sila pinansin pa bagkus ay umupo na ako sa tabi ng kaibigang hindi man lang natinag sa pagte-text.

Kupido? Kailangan bang magjowa talaga ang kaibigan ko? Pinapamukha mo ba sa akin na hindi ako kamahal-mahal? Pasensya na pero hindi pa ako sanay ah, dahan-dahan lang.

"Alesa may pera ako. Libre kita, gusto mo?" pang-aalok ko sa kanya ngunit hindi pa rin ako pinapansin. Nakangiti pa rin habang nagta-type ng reply niya kay Seikon.

Hah! Sila na ang maraming load.

"Alesa may pera ako. Pa-loadan kita, gusto mo?" muling pangungulit ko pero gaya kanina ay hindi pa rin ako pinapansin.

Wala naman akong kasalanan sa kanila ah? Bakit ba nila ako kinakawawa ng ganito?

Si Seikon, noong isang araw, pinasalo sa akin isa isa ang mga gamit ko. Nasa ground floor ako at siya naman ay nasa fifth floor. Para daw 'yun sa pagdungis ko sa classroom, eh naglalaro lang naman ako nun. Pero dahil doon may na-realize ako. Mahirap nga talagang sumalo. Kaya pala wala pang sumasalo sa akin. Hahaha. Hah!

Ito namang si Alesa, hindi ko alam kung anong trip.

"Alesa, may pera ako. Pwedeng pa-lap dance?" tanong ko ngunit bago pa man ako makatawa ay may libro nang nanakit sa ulo ko.

Pareho kaming lumingon ni Alesa sa nanakit sa akin. Wala namang ibang gagawa noon bukod sa natatangi, kagalang-galang, huwaran, ngunit bahala siya sa buhay niya, mas guwapo ako pero may syota siya, Seikon.

"Naman Seikon! Noong isang araw ka pa!" reklamo ko na nagkunwaring iiyak.

Inayos niya ang salamin niya saka tumingin lang sa kabuuan ko at inalis na ang paningin. Wala siyang sinabi bagkus ay naupo na sa tabi ng girlfriend niya.

Kala niya ah! Hah! Tatabi ako sa kanila para hindi sila makapagsolo.

"I heard nag-file ka ng one week absence. Uuwi ka?" bungad agad ni Seikon nang maka-upo ako.

Imbes na gumanti sa pagpapahirap niya sa akin, nanatili akong nakatayo saka tumango.

"My mother wants to see me."

"After ilang years, makakabalik ka rin sa inyo," wika ni Alesa na natigil din sa pagte-text.

"Ayoko ngang umuwi eh! Pero wala akong choice."

Takot ko lang na kapatid ko pa ang sumundo sa akin dito. Magwawakas ang buhay ko na hindi man lang nararanasan na mahalin ng babaeng mahal ko rin.

"You should go home," Seikon added.

"Gagawin ko naman eh. Isasakto ko lang na wala si Mommy. Baka kasi kapag nagpakita ako sa kanya ay hindi na ako makabalik dito."

Hindi ko pa nga nahahanap si Mavy eh.

"Kailan ka uuwi?" tanong ni Alesa.

"Mamaya ang flight ko. Kaya dapat ilibre ni'yo ako ngayon! Isang linggo rin akong mawawala. Sigurado akong mami-miss ni'yo 'ko ng todo!"

"Dream on, Nigel," ani Seikon saka ibinaling ang atensyon sa librong hawak.

Joke lang naman iyon.

I smiled as I watch them talk. So this is how it feels to have friends? They may look that they don't care but deep inside they are the most affected. Siguro nga ay tama ang naging desisyon kong paglalayas. Ang mali lang ay ang naging dahilan ko.

∞∞

"So umuwi ka nga, doc?" she asked showing me the eagerness to know what happened next.

I nodded. "Umuwi ako only to give way to another heartbreak," sagot ko.

Napa-iling na lang ako habang inaalala ang mga pangyayari noon. Ang unang pagkikita namin ni Sine (na asawa na ngayon ni Kuya) hanggang sa kung paano ko siya tulungang makipag-hide and seek kay Kuya. Didn't know that I would lie to my brother just for one girl.

Si Kupido kasi. Papana-pana, naipana na pala niya sa iba. Kung hindi ba naman siya isa't kalahating bulag, ulyanin, masokista at paasa.

"What happened?"

"I met my brother's woman. I became her friend and help her all throughout their love story."

Iyon lang ang kaya kong gawin para kay Kuya eh. Alam ni'yo 'yun? 'Yung pipili kayo between kapatid mo o 'yung taong mahal mo? Wala naman kasi talaga sa'yo ang desisyon para doon. Nasa taong pag-aalayan mo ng pagmamahal mo.

Eh ano ngayon kung mahal mo siya? Mahal niya ang kapatid mo, wala kang magagawa kung hindi ang tanggapin. Hindi ka nagparaya sa lagay na iyon. Hindi ka nangialam ang tawag doon.

"Sarili mo ngang lovelife hindi mo maayos, nagawa mo pang mangialam ng sa kuya mo," natatawang pahayag niya.

"Naisip ko nga rin 'yan. Pero siguro mas mahal ko talaga ang kapatid ko."

My brother grew without his mother and father never doted on him. My mom doesn't treat him well. I am well aware of what is going inside our family but that doesn't made him hate me. Whatever happens, he's still the brother I always admire.

"What's the most memorable moment of yours noong mahal mo pa si Sine?" tanong niya na halatang excited talagang malaman.

Sa tuwing naaalala ko 'yun ay napapa-iling na lang ako. Hindi ko akalain na nagpa-uto ako.

"It was..." Hindi ko kayang ituloy. It was so embarrassing.

"What happened?"

"It was when I spent a quarter of my fortune for her."