2006
Jen's POV
"Kasundo mo mga ka peers mo?" Tanong sakin ni Francis
"Oo naman, okay naman sila" sabi ko dito habang nagsusulat ng notes
"Samin wala man lang cute. Sa inyo ba?" Bulong nito sakin
"Hmm... parang meron naman?" Nag aalangan kong sagot dito
"Talaga? Sino?"
"Class, magmemerge muna ang class IV at V para sa 2 subjects please make room for them" utos ng teacher samin
Agad naman akong napatingin sa labas at nakitang nakapila ang kabilang section. Nakita ko naman si Bettina na naka pila din habang kumakaway sa direction ko.
"Basta may cute" sagot ko naman sa tanong ni Francis
"Ito naman napaka suplada" pang aasar sakin nito. Alam na alam kasi niya na ayokong kinukulit ako kapag nagnonotes.
"May naka upo dito?"
Agad naman kaming napatingin ni Francis sa nagtanong samin.
"Hi, Mark" pakilala niya samin "Ka group mo sa peer coaching remember?"
Sa totoo lang... hindi ko siya maalala?
"Ah, hi" bati ko dito at tsaka muling nagsulat ng notes
"Is this seat taken?" Tanong niya kay Francis
"Huy"
Napatingin naman ulit ako nang marinig ko ang boses niya.
"Kamusta?" Tanong nito at tsaka ngumiti
End of Flashback
"Kamusta ka?" Tanong niya ulit sakin
"Hi, Bettina!" Bati naman ni Francis sa kanya at tsaka sila nag akap na dalawa
"Long time no see!" Excited na sabi ni Bettina dito at tsaka muling tumingin sa direksyon ko "Kamusta ka?" Tanong niya sakin ulit
"I'm okay" tipid kong sagot dito at pilit siyang nginitian kahit na pakiramdam ko ay manhid ang mukha ko. Umiwas naman agad ako ng tingin dito at tsaka ibinalin ang atensyon ko sa ibang mga nangangamusta sakin
"Okay ka lang?" Tanong ni Mark at tsaka ako nito binigyan ng maiinom
"Thanks ah" sabi ko dito at tsaka kinuha ang inumin "Ikaw talaga palaging sumasagip sakin e" biro ko dito
"Always ready to help" sabi naman nito at tsaka inangat ang baso niya para makipag cheers
"Hoy Mark ano na yung project na sinasabi mo?" Biglang singit ni Michy at tsaka tumingin sakin at umakap ng mahigpit "BRUHANG TO! KAYO BA ULIT?" tanong nito samin ni Mark
"Hindi" sabay naman naming tanggi ni Mark dahilan para mapatingin kami sa isa't isa
"Anyways, kung papayag si Jen na mag photographer sa project tuloy na tuloy na tayo nila Amed" sabi naman ni Mark
"Project?" Tanong ko naman dito
"Well, may bagong product launch kasi yung US brand na client ko kaya ilang months ko ng kino-contact si Michy at Amed para mag model. Sa wardrobe naman kukunin ko sana si Francis and syempre ikaw sana sa photos. You know what? It will be fun kasi parang makakapag bonding ulit tayo like before" ngumiti naman ito at tsaka tumingin kaila Michy
"Oo nga, nakaka miss din kaya. Never na tayong nakumpleto simula nung..."
"Simula ng grumaduate tayo" sabi naman ni Amed at tsaka lumapit sakin para bumati
"Ako, game ako" sabi ni Francis at tsaka inangat ang baso niya
"Ako din!" Pag sang ayon naman ni Michy
"Game ako diyan basta syempre kasama si Bettina" sabi naman ni Amed at tsaka sumali sa pag angat ng baso
"Mga 1 week tayo sa resthouse. All expenses paid basta sumama lang kayo for this project" sabi naman ni Mark at tsaka inangat ang baso niya
"Ang taray kayong dalawa na lang ni Bettina ang pakipot nanaman" biro naman ni Michy
"Game ako kahit saling ketket lang basta kasama kayong lahat" sabi naman ni Bettina at tsaka tumingin sakin
Nakita ko naman sa mga mata niya ang pagtatanong... paano... paano kung hindi pa ako ready?
"Fine... Game ako" sagot ko sa kanila at tsaka inangat ang baso ko para makipag cheers..
"Yun oh! Buo ulit tayo" excited na sabi ni Michy samin
To be Continued...