WARNING: may mga malalaswang salita at kaganapan sa sulating ito pero kung gusto mo pa rin basahin eh di ikaw na ang alamat.
Nakalaan ang lahat ng mga karapatan. Walang bahagi ng lathalang ito ay maaaring kopyahin, ibinahagi, o maipapadala sa anumang anyo o sa anumang paraan, kasama ang pag-photocopying, pagrekord, o iba pang mga pamamaraan sa elektronik o mekanikal, nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng publisher, maliban sa kaso ng mga maikling sipi na naka-embodied sa mga kritikal na pagsusuri at ilang iba pang mga non-komersyal na paggamit na pinahihintulutan ng batas sa copyright.
-2020
Char lang share mo basta yung credits ha...
Newbie lang kaya pagpasensyahan niyo na po.
Hindi ako masyado magaling gumawa ng stories pero I did my best para mapaganda ito. Leave comment and Vote na rin. Salamat.
------------------------------------------------------
ACT. ONE
"Isang araw nagising na lang akong wala nang naririnig. Tahimik ang paligid. Ganito pala ang pakiramdam ng isang bingi. Nakikita ang paligid pero hindi naririnig ang ganda nito."
EXT.UNIVERSITY-DAY
Nakatingin at patingkayad na nakatitig si Happy sa mga posters ng mga part-time jobs na nakapaskil sa bulletin ng University na kanyang pinapasukan.
HAPPY
Wow! Php.2000 a month,seryoso ba'to?
KIRAY
Natanggal ka na naman ba sa partime job mo? Pang-ilan na yan ngayong buwan ha!Ano naman dahilan at tinanggal ka?
HAPPY
Kasalanan ko bang malakas ang boses ko. Ganoon lang talaga ang boses ko hindi ko naman sinisigawan yung mga customers namin.
KIRAY
Hay naku HAPPY!mag focus ka na lang kasi sa studies mo.
HAPPY
AYOKO NGA! KAILANGAN KO NG PERA!
KIRAY
Haaaaiiissstaaaa!! Aray, huwag mo akong sigawan...ang lakas ng boses mo!
*sa hindi kalayuan makikita ang isang lalaki na tila nagulat.
STRANGER's P.O.V
Hallucinations ko lang ba ito o nakaririnig ako?
*Habang hawak-hawak ang kanyang mga tainga at nakangiti na nagtataka sa nangyari.
HAPPY
Hindi naman ako sumisigaw normal voice ko yun...
KIRAY
Ay ewan ko sayo...Ano ngayon plano mo?
HAPPY
Kailangan makahanap ako ng trabaho sa madaling panahon. Kailangan ko ng pera pangkain...Alas diyes na at hindi pa ako kumakain...
KIRAY
10:00 o'clock na??!! Sige una na ako! Kailangan ko pa palang sunduin pinsan ko... Sige chat chat na lang...
HAPPY (Matamlay)
Sige bye...
*Matamlay nito ikinaway ang kanyang kamay sa kaibigan.
------------------------------------------------------------------------
EXT. PLAZA-DAY
Hindi masyadong mainit dumaan si Happy sa isang part ng University campus na napapaligiran ng naglalakihang mga puno.Pagod at gutom si HAPPY at umupo sa ibabaw ng mga iron bars ng campus. Nakatitig sa langit napabuntong hininga at napanguso ito.
HAPPY
Haist! Naku naman ngayon pa ako nawalan ng part-time job! Hindi pa ako pinakain ng busangot kong ex-boss na yun bago ako tinanggal.Gutom na ako! Super gutom na ako...Saan ako nito makakakuha ng makakain!
*sumingot singot ito na tila may naaamoy at sumingot ito ng malalim at napabuntong hininga... Bababa na sana siya ng ma-out of balance siya at tuluyang napunta sa kabilang side ng iron bars.Nakita niya roon ang isang estranghero na isusubo ang isang kutsarang kanin at adobo na kanina pang nakatingin sa kanya na tila nagulat na makita siya.
HAPPY
ARAY!!!
*inda nito ng mahulog ito sa kinauupuan...
WOW!!Oy! Ano yan?? Adobo ba yan?
*Huminga ito ng malalim at siningot ang masarap na amoy...
Wow! Adobo nga!
STRANGER
oh.
*sabay bigay ng kanyang pagkain kay Happy...
HAPPY
Akin???!!! Talaga ba???!!! Salamat!!!
*Dali-dali niyang kinuha ang baonan, umupo sa damuhan at kumain...Makalipas ang ilang minuto.
BURP!!! BURP!!!
*tanda na nabusog ito sa pagkaing natanggap mula sa estranghero
Hay... Salamat sa Diyos! Salamat din sa...
*hindi niya namalayang iniwan na siya ng estranghero habang siya ay kumakain kanina.
Paano 'tong baonan niya??Woooaaahhhh... Oh my goodness???!!!Anghel ba siya ng pagkain??
----------------------------------------------------------------------
ACT. TWO
EXT.UNIVERSITY-DAY
Kinabukasan,naghahanap pa rin ng Part-time job habang naglalakad sa hallway ng School sina Happy at Kiray...
KIRAY
Nakahanap ka na ba ng bagong work?
HAPPY
Wala nga eh! Alam mo namang hindi ako mabubuhay ng walang perang pangkain.
KIRAY
Ahm...Ito?
*habang turo ang mga paskil sa bulletin ng school. Wanted tubero,assistant librarian,dog breeder.
HAPPY
Ano ba yan! Wala naman akong alam sa pag tutubero,hindi ako mahilig magbasa at saka dog breeder???Hindi ko nga kayang alagaan sarili ko magpalahi pa kaya ng aso.
KIRAY
Note taker!!
HAPPY
Ano yun?
KIRAY
Para sa bingi.Since hindi sila nakakarinig kumukuha sila ng mga students na magte-take ng notes para sa kanila.Kaya allowed sila sa school kahit walang sign language...
*pagpapaliwanag ni Kiray
Oh ayun oh!magtanong ka sa kanila...
*pointing sign language club.
HAPPY
Oh! Yung anghel ng pagkain... Dito pala siya nagaaral?
*masaya nito napansin ang estrangherong nagpakain sa kanya na biglang nawala...
KIRAY
Anghel ng pagkain?? May ganoon ba?
HAPPY
Oo siya...
*hinawi nito ang ulo ni Kiray papunta sa direksyon ng estrangherong nagpakain sa kanya.
Siya yung nagpakain sa akin kahapon.
KIRAY
Si Rain???!!! Bingi pala siya...
HAPPY
Siguro...Rain pala pangalan niya... Teka lang kilala mo siya????!!!!
KIRAY
Happy!!!! Bakla siya!!!! Kilala siya sa buong school noh...Siya ang pinaka gwapong bakla rito.
HAPPY
Ha??!!
KIRAY
Kung ako sayo lalayo ako sa kanya baka mamaya mahawa ka sa kanya. Dali-dali halika na!
HAPPY
Te...te...teka lang...
*papalayong hinigit ni Kiray si Happy ngunit pilit na sinisipat ng tingin ni Happy si Rain...
------------------------------------------------------------------------
AFTER A WHILE
EXT. PLAZA-DAY
Sa ilalim ng puno sa kabilang side ng iron bars nakaupo si RAIN.
HAPPY
Aray!!! 'bat kasi ang taas nito...
*nahulog na naman si Happy.
Sabi ko na dito kita makikita. Isasauli ko lang 'to...
*sabay abot ng tupperware na baonan ni Rain.
Salamat sa pagkain.
*habang nakangiti
Ay oo nga pala hindi siya nakakarinig...
*pagkausap nito sa sarili at maya-maya ay...
SOB--RANG- SA--RAP-- NG-- BA-ON MO.
*malakas at dahan-dahan binanggit ni Happy ang mga huling kataga dahil napansin niyang hindi umiimik si Rain.
Da-hil ni--lig--tas mo a--ko sa gu--tom kaha--pon ...oh.
*sabay pakita ng flyer.
A--ko na-- lang --ang magi--ging Note taker mo! ka--pa--lit ng ba-on mo! Okay??? A-ko si HAP-PY...
*dahil wala pa rin itong imik isinulat ni Happy ang mga sinabi sa isang papel at ipinakita ito kay Rain...
RAIN's P.O.V
Naririnig ko siya,malinaw,malakas,para akong mayroong bagong tenga walang sira nakaririnig ng maayos...
RAIN
Hindi mo kailangan magsalita ng dahan-dahan at magsulat sa papel para maintindihan kita... Ako si Rain...
*sabi nito habang hindi nakatingin sa kausap...
Magsimula ka na bukas...
*sabay alis nito.
HAPPY
Wooaaahhh...Nice to meet you. Kita na lang tayo bukas...
*habang tumatalon sa galak...
---------------------------------------------------
ACT. THREE
INT.RAIN's CLASSROOM-DAY
Sa pagpasok ni Happy sa loob ng classroom ni Rain hinanap mismo nito ang kinauupuan ni Rain at katabi ito ng kaibigan niya na si Kiray.
KIRAY
Oh...bakit ka nandito? Engineering class 'to...
HAPPY
May trabaho na ako.
KIRAY
Trabaho?... Ano?
HAPPY
Note taker.
KIRAY
Ano?Huwag mong sabihin na Note taker ka nung baklang yun?
*sabay turo ng nguso nito kay Rain na nasa kabilang upuan.
HAPPY
Oo. At siguradong pabor sa akin ang comprehensive long term paid arrangement namin.
KIRAY
Hindi ka bang natatakot baka i-fuc* ka niya?
HAPPY
Ha??!!
*sabay hawak nito sa kanyang pwetan...
Ba..ba...baka siya ang i-fuc* ko.
KIRAY
Sabagay bagay naman sayo maging bakla sa haba ng buhok mo,sa kinis ng balat mo at mukha mo bagay sayo...plus yung height mo maliit ang cute mo pag naging bakla ka.
*habang kinikilatis ang buong pisikal na pagkatao ni Happy
HAPPY
Hindi noh!! Hindi ako bakla...Mag fo-focus na nga lang ako sa bago kong trabaho...
-----------------------------------------------------------------------
AFTER A WHILE
EXT. ALONG THE CAMPUS-DAY
Nakaupo sila Happy at Rain sa ilalim ng puno habang kinakain ni Happy ang baon na bayad ni Rain sa pagiging note taker nito...ni-rereview naman ni RAIN ang notes na kinopya ni HAPPY mula sa dictation kanina sa klase.
RAIN
Happy, mukhang kulang yata yung kinopya mo kanina.
HAPPY(Habang kumakain)
Ah... Sorry nakatulog ako eh.
*niyakap ng mabuti ang tupperware na may pagkain at baka bawiin sa kanya.
Pero promise hindi na ako matutulog sa susunod...
RAIN
Okay ganito na lang sa first half ng lecture ako ang kokopya at yung last part ikaw?okay ba yun? Tutal kaya ko namang i-lip read ng kaunti ang mga lectures.
HAPPY
Yehey...sobrang sarap talaga nitong baon mo...
*masayang kumakain ito at maya-maya ay napansin nito
HAPPY
Oy... diba sila yung naghahabol sayo galing sign language club. Hindi pa ako nakakakita ng mga taong nag-sasign language ngayon pa lang...Marunong ka ba niyan?
RAIN
Para lang yan sa mga 100% na bingi.Hindi ko yan kailangan mamaliitin lang ako ng mga tao kapag nakita nila akong nagsasign language
HAPPY
Wala namang problema dun ah para sakin ang cool non...
RAIN
Ayaw ko sa kanila...
HAPPY
Bakit naman?...pinipilit ka ba nila?
RAIN
Oo...Tatanggapin ko na sana offer nila pero nakilala kita kaya hindi na lang.
HAPPY
Ako?? Bakit??
RAIN
Ikaw ang unang kumausap sakin...At...at...at yung boses mo naririnig ko ng malakas at malinaw.
HAPPY
Weh??Paano??
*ngumiti lang si RAIN.
RAIN
Hindi ko alam.
-----------------------------------------------------------------------
NEXT DAY...
INT. RAIN's CLASSROOM-DAY
Unting oras na lang magbe-break na puspusan ang pakikinig at pag kopya ni Happy upang makapagbigay ito ng kompletong notes.
TEACHER
As what I said earlier na may ibat-ibang paraan para malaman natin ang nararamdaman o iniisip ng isang tao base sa kanilang facial expressions or gestures and isa na rito ang hiccup o pagsinok
*Nagtawanan ang klase at inobserbahan ang bawat isa.
Ang pagsinok o hiccup ay maaring cause ng pagkahiya,pagkagulat o di kaya kaba marahil dahil sa affection,admiration,infatuation and love. Kaya pag yung crush niyo sininok alam niyo na...
CLASS
Woooooooohhhhhhhh....
*hiyawan ng buong klase...
TEACHER
Okay class I will send you out for your last break and dahil may meeting kami you can do whatever you want.
*Kakatapos pa lang ng class ni Rain,lumapit kaagad si Happy kay Rain upang iabot ang notes na nakopya mula sa dictation kanina...
HAPPY
Tapos na ako...
*para itong bata na nakangiti habang inaabot ang notebook kay Rain at sisipat-sipat sa loob ng bag ni Rain.
Anong baon mo ngayon?
RAIN
Nandito lang yun alam ko eh...
HAPPY
Adobo ba ulit sa sobrang sarap ng adobo mo parang gusto na kita pakasalan eh...
RAIN
Ahm...Happy...
*tila kabado ito at sinimulang halungkatin ang laman ng kanyang bag.
Mukhang nakalimutan ko dalhin yung baon ko...
*nalungkot ito ng makita ang pagkalungkot din ni Happy.
HAPPY
Alam ko na...!!!
*dali-dali nitong hinitgit si Rain...
---------------------------------------------------------------------
ACT FOUR
EXT. CANTEEN-DAY
Maulan ngayon...nakalimutan nga ni RAIN ang kanyang baon na pambayad sana kay HAPPY kaya dinala niya si Rain sa School canteen.
HAPPY
Tada... Dito na lang tayo kumain hindi kasing sarap ng baon mo yung pagkain dito pero okay na panglaman tiyan...
*habang ngmaguusap silang dalawa may lumapit sa kanila na grupo ng mga babae...
SIGN LANGUAGE CLUB
*talking while doing sign language.
Hi Rain,ikaw lang ba mag-isa rito.Sabay ka na sa amin kumain.
*Tumakbo si RAIN papalayo sa mga ito...ilang mga grupo ng mga lalaki ang nakakita sa pangyayari at pinagtawanan ito...
HAPPY
Rain!!! Rain!!! Saan ka pupunta??!!!
BOYS
Hahahaha...Bakit ba kasi patay na patay kayo sa bingi na yun girls.Sa amin na lang kayo sumabay.
SIGN LANGUAGE CLUB
Siya kasi ang hottest deaf dito sa school.
BOY
Yung baklang bingi na yun? Bingi na nga bakla pa.Walang kwenta!
*dahil sa galit ni HAPPY sa mga narinig tinalon niya ang lalaking nagsalita ng hindi maganda kay Rain kahit alam niyang dehado siya dahil sa liit niya.
HAPPY
Gusto mo bang mamaga yang mukha mo sa suntok ko??!! Ha!!!???
* nagkagulo na sa loob ng canteen.
WALA KAYONG KARAPATAN PARA HUSGAHAN SIYA. Sana kayo na lang naging bingi dahil sa mga pag-uugali niyo...
*tumakbo ito at hinanap si Rain sa buong campus sa ilalim ng ulan...
EXT. WAITINGSHED-DAY
Sa isang waiting shed nakita ni Happy si Rain.Nilapitan niya ito at tinapik ng marahan sa balikat...
HAPPY
Pssstt...
*sabay lingon ni Rain sa kanya.
RAIN
Nagkapasa ka pa tuloy,dapat di mo na sila pinansin.Yan ang problema kapag nakakarinig ka.Masasaktan ka sa mga sinasabi ng iba at panlalait ng iba.
HAPPY
Sayang hindi mo ko nakita. Sobrang lakas ko kanina...Ito yata epekto ng Adobo mo sa akin....
Aaaaaaccchhhhhhoooooo....!!!
*natawa si RAIN.
RAIN
Hahahaha...Sinipon ka tuloy...
*sabay higit nito sa katawan niya at yakap nito kay Happy...ramdam na ramdam ni Happy ang higpit ng yakap ni Rain at ang init ng katawan nito.Ang braso nito na tila kasing tigas ng semento ay nakapalibot sa kanyang maliit na katawan.
HAPPY
*hiccup *hiccup *hiccup
RAIN
Sinisinok ka ba?
HAPPY
Ha? Hindi no?mali lang yung pandinig mo.
RAIN
Ah...okay...Bakit mo ako pinagtanggol...at saka hindi ko naman naririnig panlalait nila.
HAPPY
Narinig ko yun at hindi ko dapat ipawalang- bahala yun kaya sinuntok ko yung kupal na yun. Walang pwedemg manakit sa mga taong mahal ko. Mula ngayon mag boyfriend na tayo.
*nanlaki ang mata ni RAIN sa narinig.Malinaw ito at malakas Mahal siya ni Happy.
------------------------------------------------------------------------
INT.RAIN's HOUSE-DAY
Mag-isa ito sa kanyang kwarto hindi niya maalis ang sa isip ang mga narinig at sinabi sa kanya ni Happy. Dali-dali itong bumaba sa kusina at tila may hinahanap.
RAIN's MOTHER
Oh...anak 'bat ka nandito? Anong hinahanap mo?
*sa pamamagitan ng lip reading naiintindihan ni Rain ang mga sinasabi ng Ina...
RAIN
Papaturo po akong lutuin 'to.
*sabay abot ng isang printed na recipe sa kanyang Mama.
RAIN's MOTHER
Mukhang masaya ka ngayon...
RAIN
Opo...
RAIN's MOTHER
Masaya ako na masaya ka.
------------------------------------------------------
NEXT DAY...
Masayang gumising si RAIN at niluto katulong ang kanyang Mama ang secret recipe.
ACT. FIVE
INT.HALLWAY-DAY
Suspended ang classes. Walang masyadong estudyante sa School.
RAIN's P.O.V
Walang klase baka pwede kaming...
*makikita niya si HAPPY na naglalakad na susundan ng ibang mga estudyante.
RAIN
Ha.. Hindi noh...
KIRAY
Happy! Happy! Gala tayo sakto walang pasok...
RAIN's P.O.V
Ngayon ko naalala na hindi lang ako ang mundo ni HAPPY. May parte sa mundo niya na hindi ako nag-eexist.Mali ang magselos ako.Wala akong karapatan magselos.
*nakita siya ni HAPPY
HAPPY
Rain!!! Hi Rain!!! Yohooooo!!!
*tumakbo papalayo si RAIN,hinabol niya ito at naabutan .
HAPPY
Lagi ka na lang tumatakbo! Balak mo ba akong saktan? Masakit kaya yung tinatakbuhan ka lagi ng taong mahalaga sayo.
RAIN
Kasama mo kasi...
HAPPY
Kailangan mo na ng psychiatrist... Di ba sabi ko mag boyfriend na tayo. Bakit mo kinalimutan yun. Ang magboyfriend hindi nagiiwanan...
RAIN
Sorry nagselos ako.
HAPPY
Haisssssshhhhhhhhttttttaaaaa!!! Hindi ako mamomroblema sa pagiging bingi mo kundi sa pagiging seloso mo.
RAIN
Ahm sorry.Kasalanan ko,kain na lang tayo.
HAPPY
Shiiiyyyyaaaaa!!!Wala akong pera.
RAIN
Baon ko. Nagbaon ako.Nakalimutan mo na?
HAPPY
Ha?? Mahal mo talaga ako.
*sabay talon nito kay Rain at niyakap ito.
Ngayon ko lang talaga napansin sobrang tangkad mo pala talaga.
RAIN
Tigil mo nga yan. Nahihiya ako...
HAPPY
Kyyyyuuuuuutttttt...
---------------------------------------------------------------------
AFTER A WHILE
INT.CLASSROOM-DAY
Pumasok ito sa isang bakanteng classroom at ibinigay kaagad ni Rain kay Happy ang kanyang baon.Agad-agad binuksan ni Happy ang baon na dala ni Rain.
HAPPY
Woooooaaaaaahhhhhhh!!! Adobo!!
RAIN(Nahihiya)
Sabi mo kasi pakakasalan mo ako dahil sa adobo na baon ko kaya...
*sabay yakap sa kanya ni Happy at subo nito sa adobo.
HAPPY
Aaaaaaaahhhhh!!! Sobrang sarap talaga nito mas masarap pa ito kaysa sa mga nauna mong baon.
RAIN
Talaga?? Seryoso??
HAPPY
Promise magutom man ako...
*Kumain ang dalawa ng baon ni RAIN nang pumasok ang kaibigan ni HAPPY na si KIRAY.
KIRAY
Happy! Sa wakas nakita rin kita.
HAPPY
Kiray! Bakit?
*nakatingin lamang si Rain sa dalawa dahil hindi niya marinig kahit si Happy ng mga oras na yun. Hindi niya naririnig kahit si Happy na dati ay naririnig niya. Naghahalo ang kaba at pagtataka ng mga oras na iyon.
KIRAY
Yung pinsan kong si MINA dito na rin daw mag-aaral.Gusto niya sanang makuha ang cellphone number mo.Magkita daw kayo mamaya...
Sige sige may raket pa ako.Mag-ayos ka para sa date mo.
*sabay takbo papalabas ng classroom kung saan kumakain sila Happy at Rain.
HAPPY
Rain, Rain, naririnig mo ba ako?
Tooooooooottttttttt.... Tooooooooootttttt.... yan lamang ang naririnig ni Rain.
RAIN
Ah...oo..
HAPPY
Akala ko kung anong nangyayari sayo ang putla mo kasi kanina.
-----------------------------------------------------------------------
INT.CAFE-NIGHT
Nakipagkita si HAPPY kay MINA sa isang cafe.Nakasuot niya ng long sleeves naka ipit ang kanyang mahabang buhok,naka black shoes din siya, at sobrang bango.
HAPPY
Ha..Happy nga pala...
*pakilala nito sa babaeng nasa harapan niya.
MINA
Mina.. Nice to meet you.
*maputi ito para itong koreana,mapupula ang labi,matangos ang ilong,mahahaba amg pilikmata nito at makinis ang balat para siyang artista.
MINA
Ahm..Kaibigan mo ba si RAIN? Nakita ko kayo sa canteen ng nag-enroll ako. Cute siya.Sabi ni Kuya Kiray close daw kayo...
HAPPY
Oo close nga kami.
*Malungkot niyang sagot.
MINA
Ano bang mga hilig niya?Paboritong pagkain? Music? Color?
HAPPY
Okay,gusto ko lang klaro ang lahat gusto lang ipaalam sayo. Sinuntok ko yung lalaki sa canteen dahil ayaw niya sa bakla tapos ininsulto niya si RAIN.Tatanggapin mo ba siya?
MINA
Bakla si RAIN!!!
HAPPY
At saka may unti rin siyang problema sa pandinig.
MINA
Ayos lang... Pag nagkataon mapapastraight ko siya...at yung pagkabingi niya...hmmm..
Booooooggggggssshhhhh!!!
*naputol ang pagsasalita ni Mina dahil sa malakas na tunog nang hinampas ni HAPPY ang mesa.
HAPPY
Kung mahal siya tatanggapin mo siya kung ano siya.Tanggap mo kung ano ang mali sa kanya,mahal mo siya dahil mahal mo siya.
*nagwalk out at umuwi sa bahay...
INT. HAPPY's HOUSE-NIGHT
Mag-isa lang siya sa kanyang bahay.Maliit lang ito katabi ng hapagkainan ang kanyang kama at sa bandang ulunan niya makikita ang kusina.Naghilamos ito upang mawala ang init ng ulo at nagbihis pangtulog.Naalala nito si Rain.
HAPPY's P.O.V
Gusto lagi ko siyang nakikitang nakangiti at kapag nakikita ko siyang nakangiti mas nagugustan kong pangitiin siya lalo...
Aaaaaaaaassssshhhhhhttttttaaaaaaa!!!
Ano bang pinagiisip mo Happy lalaki ka at saka kung maging bakla man ako ang pangit tignan na ako ang top dahil sa tangkad ni Rain siya ang bagay maging top at saka hindi ako papayag maging bottom hinding-hindi.
*Bago matulog nagdasal ito at humingi ng sign sa mga kamag-anak niya na namatay bilang gabay.
------------------------------------------------------------------------
Isang katok ang narinig ni Happy at dali-dali itong binuksan. Nakita niya si Rain na basang-basa at pinatuloy niya ito.
HAPPY
Oh bakit ka nandito? Tuloy pasok ka...
RAIN
Salamat.
*inabot ni Happy ang twalya kay Rain. Naghubad ito sa harapan ni Happy,isa,dalawa,tatlo,apat ang abs nito,ang mga braso nito ay malaki,ang pagpunas niya sa basa niyang katawan ang tila naghy-hypnotize kay Happy.Rinig na rinig ni Happy ang kabog ng kanyang puso at lalo pa itong bumilis ng hinubad ni Rain ang suot na pantalon. Umalis si Happy at tumakbo papuntang kusina at bumalik ito na may dalang kape...
HAPPY
Kape ka muna para mainitan ka.
*binaba ni Rain ang kapeng hawak ni Happy at unti-unti itong lumalapit kay Happy,bigla nitong itinulak si Happy sa kama at binulungan.
RAIN
Sabihin mo kung anong gusto mo...
*Unting-unting tinanggal ni Rain ang butones ng pangtulog ni Happy.Nakahubad na ito.Pinasubo ni Rain ang kanyang daliri sa bibig ni Happy pababa sa kanyang dibdib,hindi makakilos si Happy at nag-iinit siya.Sinunod na tinanggal ni Rain ang pagkakabuhol ng tali ng pajama ni Happy at hinawakan ang harapan nito.
Anong gusto mo?
HAPPY
Aaaaahhhh...Rain...
RAIN
Paano kung gawin ko 'to.
*dinilaan nito ang harapan ni Happy patungo sa pusod nito at nagpatuloy sa dibdib ni Happy at sinimulang halikan nito ang leeg ni Happy.
Sabihin mo anong gusto mo?
HAPPY
Fuc* me.
KRRRRRIIIIIIIINNNNNGGGGGG!!! KRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG!!!
*Nagising ito at naghahabol ng hininga kinapa ang kanyang damit at tinignan ang paligid.
HAPPY
Diyos ko po grabe yung panaginip na yun...
*Dali-dali na itong nag-ayos.Maglalakad-lakad siya tutal Sabado ngayon at walang pasok.
-----------------------------------------------------------------------
ACT. SIX
EXT.STREET-DAY
Maulan ang umaga pero piniling maglakad-lakad mag-isa si RAIN nang makasalubong niya si KIRAY.
KIRAY
Naiintindihan daw ni MINA at sorry daw?
*pasigaw na sabi ni Kiray kay Rain upang marinig siya nito.
RAIN
Mina?Sinong Mina?
KIRAY
Ha?Hindi mo kilala yung pinsan ko na si MINA...yung gusto ka maging boyfriend. Hindi pumayag si HAPPY kaya pinagsabihan niya si MINA.
*with loud voice and slower pacing.
RAIN's P.O.V
Ano ba talaga ang nararamdaman ni HAPPY sa akin.May gusto ba siya kay MINA?Nagseselos ba siya?Baka gusto niya yung Mina na yon...
*Tinawagan ni RAIN si HAPPY at dumating naman ito sa kalsada kung saan naroroon si RAIN...
HAPPY
May payong ka pero di mo ginagamit. Halika dito pupunasan kita.
*Tumingkayad si Happy at pilit inaabot ang buhok ni Rain para mapunusan.
RAIN
Tumingin ka sakin at pumikit ka.
*ginawa naman ito ni Happy,isang malambot na bagay ang dumampi sa kanyang bibig...iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang labi ni Rain na nakadikit sa kanyang mga labi...isa,dalawa,tatlong segundo ito tumagal.
HAPPY
*hiccup *hiccup *hiccup
RAIN
Happy,matagal ko na gustong sabihin ito,Mahal kita.Hindi bilang kaibigan o note taker mahal kita dahil mahal kita.Pero kung mahal mo si MINA? Sige...
*tumalon si Happy at kumapit ito sa balikat ni Rain.
HAPPY
Hindi. At first I needed food and you need notes. Pag ang tao kinailangan ang isa't-isa ibig sabihin hindi na nilang kayang mabuhay mag-isa.
Mahal kita!! Ako ang magiging tenga mo.
RAIN
And my music and sound in my silent world.
-----------------------------------------------------------------------
ACT. SEVEN
INT.SCHOOL-DAY
Lunes na naman. Nasa classroom sila. Magkatabi sina Happy at Rain at nasa kabilang side ni Happy si Kiray.
RAIN
Happy susunduin kita sa class mo after ng sign language class ko.
HAPPY
Walang problema...
KIRAY
Natanong mo na ba siya?
RAIN
Hindi pa. Kinakabahan ako.
KIRAY
Importante sa isang relasyon niyo ang sagot sa itatanong mo...
HAPPY
Si...sige...
RAIN
Nakalimutan mo na ba na naririnig kita...Ano ba kasi yung tanong mo?
HAPPY
Bottom ka ba o Top?
RAIN
I'm a...
HAPPY
Ayaw kong marinig...Ewan ko kinabahan kasi ako...
*habang takip-takip nito ang tenga
RAIN
Hahaha...it's fine.
*maya-maya binaling ni Happy ang ulo sa katabing kaibigan na si Kiray...
HAPPY
Kinakabahan ako hindi ko na tinuloy pakinggan yung sagot niya. Hindi nasusukat ang love sa role mo sa kama...
*sabi nito...
KIRAY
Teka lang ha...may kailangan lang akong kopyahin para sa note taking job ko.
HAPPY
Ha?? Note taker ka na rin??
*gulat na reaksyon nito sa narinig mula sa kaibigan.
spread your colos baby rainbows and lav yeah