Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 10 - Chapter 10: Pinky Swear

Chapter 10 - Chapter 10: Pinky Swear

"BASTA huh, ipangako mo sa'kin na ako lang ang best friend mo-" Sabi sa'kin ni Yany na transferre sa school namin

"Oo naman! Promise" Pangangako ko

"Mabuti ng malinaw-" At hinawakan ang aking kamay sabay hila sa'kin papuntang canteen

Yany Scott-Wyss is half German and half American. Ewan ko kung bakit siya napunta dito at dito din nagpaenroll. Puno ng mga katanungan ang aking isip-bakit siya napadpad dito ni wala naman siyang kamag-anak sa Pilipinas. According to her, she and her family migrated in Germany pero pinaalis daw sila doon na hindi ko alam kung anong rason

"Anong gusto mo, pumili ka na-libre ko." Pagmamagandang loob ni Yany na tinanggihan ko

"Oy h'wag na! Nakakahiya naman sa'yo" Bulalas ko at napakamot sa ulo

"Sige na BEST FRIEND kaya kita kaya pumili ka na kung anong gusto mo," Pamimilit ni Yany sa'kin

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya sa halip ay kumuha na lang ako ng gusto ko

"Damihan mo pa-" Bulong nito sa tenga ko na ikinapitlag ko sa gulat

"Okay na'to tsaka hindi ko kayang ubusin pag dinamihan ko-"

"Asus! Pa humble talaga itong si BEST FRIEND ko..." Siko sa akin ni Yany

Napakunot ang aking noo

The moment na magsasalita siya ng salitang 'best friend' ay iniemphasize niya. Bakit kaya?

"Ahm, Yany pwede magtanong?" Tila nahihiya ko pang usal

"Ano 'yun?" Sagot nito na nginunguya ang kinakaing sandwich

"Ano pala ang trabaho ng parents mo? Ang dami mo kasing pera..." Naaamazed kong tanong sa kanya. Eh, kasi naman ang laki ng baon niya five thousand sa isang araw ako nga twenty pesos lang

Umayos ito ng upo

"My dad is a businessman. May tatlong kompanya siya sa U.S at Russia at isa dito sa Pilipinas, and my mom? She's a secret agent..." Simple nitong sagot na ikinanganga ko

"Ang yaman niyo pala 'no? Grabe! Kung anong luho mo siguro ay ibibigay nila" Palatak ko na tila nangangarap din na maabot ang ganyang estado sa buhay

"Not really-" Sagot ni Yany at nagkibit balikat, pinagmasdan ko siya ng palihim sa kanyang ginagawa. Inalisan niya ng wrapper ang chocolate cupcake at nilagyan ng-wait? Catsup?

Kaya pala some students calls her weird... Kung kumilos kasi siya ay iba, sa pagsasalita ay iba, at gayon din sa pagkain

"Ahm, if you don't mind me asking. Ahm, a-anong lasa?" Nakangiwi kong tanong na ikinatigil niya sa pagkain

"Masarap! Ito kainin mo." Abot nito sa'kin na tinanggihan ko na naman

"Hindi sayo na lang 'yan. Nandito pa ang akin oh?" Sabay pakita sa kanya ng mga pinili kong pagkain

And then another days, weeks, months had been passed kasa kasama ko pa din si Yany. Everytime na may nakakasalubong kami sa hallway at tinitingnan siya ng mga estudyante at iniiwasan

"Girl, did you know na may pagkabaliw iyang transferee na 'yan? Grabe! Nakakatakot daw 'yan kapag nagalit..." Rinig kong bulong ng isang estudyante

"Ows... Talaga? Kaya pala walang lumalapit para kaibiganin siya-" Sagot naman ng isa pa

Tiningnan ko ng pasimple si Yany nakayuko lang siyang naglalakad ng diretso. Somehow, I felt pity at her kasi jinujudge talaga siya

"Psst! Anna Marie, new friend mo?" Tawag sa'kin ni Aaliyah

"Ah, oo-si Yany" Pasimple kong sagot

Nagbulong-bulongan naman sila na ikinataas ng isa kong kilay

"Anong pinag-uusapan niyo?" Singit ko sa gitna ng kanilang pag-uusap

"Ay wala! Sa project lang namin" Obvious naman sa mga mukha nila na si Yany ang kanilang pinag-uusapan

"Okay! Sabi niyo eh" Kibit balikat kong sagot at naglakad na papunta sa room namin

Nang marating ko ang room namin ay nakita kong nakaupo si Yany sa seat niya, which is sa tabi ng bintana sa pinakadulo at masama ang tingin sa'kin

Kinunotan ko siya ng noo

But still, masama pa din ang tingin niya sa'kin

Lalapitan ko na sana siya ng bigla namang pumasok ang teacher namin. Naghintay ako hanggang sa matapos ang session, sa loob ng isang oras na pakikinig sa guro namin ay ni isang topic ay wala akong naintindihan dahil nangingibabaw sa isip ko si Yany-may nagawa ba akong mali? May kasalanan ba ako sa kanya?

"Yany, pwede ba tayong mag-usap?" Pamamansin ko sa kanya

Hindi siya sumagot

"Oy, Yany-may nagawa ba akong kasalanan? Sagutin mo naman ako oh-" Pangungulit ko sa kanya pero nagulat na lang ako sa response niya.

Bigla na lang siyang umiyak sa harap ko

"Sabi m-mo ako lang ang b-best friend mo. Ba't gano'n? M-may iba ka n-ng best f-friend." Humihikbing sabi nito na tinabunan ang mukha ng dalawang kamay

"Ha? Hindi kaya! Ganito kasi 'yun, nagpatulong lang 'yung isang student kanina" Natatawang usal ko

"T-talaga? Nagsasabi ka ng totoo?" Sagot naman nito at dahan-dahang tumingin sa'kin

"Oo naman! Promise!" Sabi ko sa kanya at itinaas ang kanang kamay

Napatingin naman si Yany sa kamay kong nakataas

"Ang ganda ng pinky finger mo 'no?" Usal nito na titig na titig sa maliit kong daliri

"Hindi kaya!" Nahihiya kong usal at itinago ito sa likuran

"Nagagandahan talaga ako sa pinky finger mo, pwede patingin?" Nakangiti nitong sabi sa'kin

"O-kay" Kahit naweweirdohan na ako sa kanya ay pinakita ko ang kamay ko

"Ang ganda talaga...." Parang namamanghang bulalas ni Yany at pinadaanan ng haplos ang aking hinliliit

Naweweirdohan na talaga ako sa kanya. Para siyang may fetish, pwede namang sa buhok, balat o kahit ano pero bakit sa kamay pa....

"Basta huh, promise mo sa'kin na ako lang ang BEST FRIEND mo..."

"PROMISE!" Sagot ko naman

"Kung tunay ka talagang kaibigan, let's do the pinky swear" Ani Yany at inilabas ang pinky finger niya

Napalunok ako

Hindi ako magaling sa mga pangako. Natatakot ako na baka magalit siya sa'kin kapag nasira ko ang pangakong hinihiling niya

"P-pinky S-swear..." Nauutal kong sabi at inilabas din ang akin

Napangiti siya ng inilingkis niya 'yung sa kanya sa akin

"You should never broke your promise to me Anna Marie" Parang natutuwang bata na sabi ni Yany

"O-oo naman!" Sagot ko na namamawis ang noo at kamay

"May ibibigay pala ako sa'yo" Magiliw nitong sabi at kinuha ang plain white card

"Letter ko iyan para sa'yo. Can you read it for me" Parang batang gusto magpabasa ng kuwento na usal ni Yany

"Sure..." At kinuha ang letter

Nang mabuksan ko iyon ay nakumpirma kung siya talaga ang nagsulat

"Dear Best Friend Anna,

Thanks for accepting me as your new friend,

Even if others find me creepy-still you're here always by my side,

Always remember that you are important to me.

You were, are, and will always be-irreplaceable.

You have a special place in my heart forever.

Sincerely,

Your Best Friend For Life" Basa ko sa letter na ginawa niya para sa'kin

Kinakabahan ako. Kahit sa sulat lang ay mahihimigan mong seryosong seryoso siya, my God Yany! Natatakot na ako sa'yo-

"Aww, ang sweet mo naman Yany. Nakakataba ng puso" Palatak ko at tiningnan siya

"Talaga? Nagustuhan mo ang sulat ko?" Tuwang tuwa na sabi nito

I just nod

Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako pero ang lakas ng tibok ng puso ko at rinig na rinig ang pintig niyon

"Okay ka lang ba Anna? Ba't nanginginig iyang mga kamay mo?" Tila nag-aalala nitong tanong sa'kin

Tiningnan ko naman ng pasimple ang aking mga kamay at tama nga siya. Nanginginig nga ang mga kamay ko na hindi ko namamalayan

"Ah eh wala! Pasmado lang-" Pagdadahilan ko ulit

"Sigurado ka?" Paninigurado nito

"Oo, oo-" Mabilis kong sagot

Lumipas pa ang ilang buwan, ay unti-unti ko ng nakilala ang side ni Yany hindi naman pala siya nakakatakot although mas bibo siya kasama until one day aksidenteng nakita niya ako kasama si Joanne ang childhood friend ko

"Anna, sino siya?" Salubong ang dalawang kilay na tinanong ako ni Yany

"Ah, si Joanne childhood friend ko-" Sagot ko naman na ikinaiba ng itsura niya

Bigla na lang itong umalis at naglakad ng hindi man lang ako nilingon

"Yany, sandali!" Sigaw ko at hinabol siya

"Hoy Yany, sandali lang. I-I can explain" Habol ang hiningang napahinto ko siya

"Pumunta ka sa bahay, dalhin mo ang letter na binigay ko sa'yo. Eight o'clock in the evening-sharp." Malamig na tugon niti na naglakad ng muli

• • •

"Yany, nandito na ako" Silip ko sa loob ng kanilang bahay dahil hindi naman nakalock ang pintuan

Walang sumagot kaya pumasok na lang ako

"Alam mo bang kanina pa kita hinihintay? Natagalan ka yata-" Sagot ni Yany ng mapadaan ako sa kanilang sala

"Wala kasing sakayan papasok dito sa subdivision niyo kaya nilakad ko na lang" Mahinahon kong sabi

Hindi sumagot si Yany sa rason ko. Tumayo lang siya at pinatay ang T.V

"Sumunod ka sa'kin-" Imik nito at nauna sa'kin maglakad

Sinundan ko naman siya-heto na naman ang kabang nararamdaman ko at alam kong parang may mali na pumunta pa ako dito

Nang makarating sa kusina ay pinaupo niya ako. Kumuha siya ng plato, baso, at kutsilyo

"Nasaan ang letter na binigay ko sa'yo?" Tanong nito

Inilabas ko naman ang plain white card at ibinigay sa kanya

"Ilagay mo sa mesa at buksan mo" Utos nito sa'kin na ikinataas ng dalawang kilay ko

"Bilis, buksan mo!" Naiinis nitong sabi

Sinunod ko naman ang gusto niya at binuksan ang sulat

"Akin na ang kamay mo" Pangalawang utos niya

"Ha?" Parang nabibingi kong bulalas

"Akin na ang kamay mo-" Ulit nito

Dahan-dahan ko namang iniangat ang aking kanang kamay at ng mahawakan na ito ni Yany ay bigla na lang nito pinutol ang aking hinliliit

"A-aray! Anong ginagawa mo!" Daing ko sa sobrang sakit

Hindi siya sumagot

Sa halip ay pinatakan niya ng dugo ko ang sulat na binigay niya sa'kin

"Yany! Tama na, m-masakit!" Hiyaw ko ulit sa sobrang sakit

"Diba sabi ko ako lang ang BEST FRIEND mo! Sino si Joanne ha!!" Parang bulkang sumabog sa galit si Yany

"Kaibigan k-ko siya dati!" Sagot ko at hinila ang aking kamay na hawak hawak niya

"Ang tigas kasi ng ulo mo Anna, pag sinabi kong ako lang. Ako lang pero di ka nakinig!" Sigaw nito sa'kin

Nagkamali ako ng pagkilala sa kanya, iyong nakita kong Yany ay hindi pala siya-she's wicked.

"Ang ganda kasi ng hinliliit mo, kaya pinutol ko na. Sinira mo kasi ang pangako mo" Pagpapa-alala nito sa'kin

"I didn't broke my promise Yany! Best friend kita!" Nanlalabo ang paningin na sinigawan ko siya

"Fuck that BEST FRIEND word?! Akala ko ba ako lang Anna pero bakit biglang dumating si Joanne? Sabi mo sa'kin ako ang unang friend mo you're such a bitch!!" Sumbat nito sa'kin

Nagsisi akong kinaibigan ko siya, sana pala hindi ko siya nilapitan ng dumating siya sa school namin. Ang sama niya nakakatakot siya pag nagalit-

Napahiga na lang ako sa sahig dahil nanlalabo na talaga ako ng paningin nakita ko pang isinilid ni Yany ang hinliliit kong daliri sa baso na may dugo ko at ipinasok iyon sa refrigerator. Pagkatapos ay hinila ang aking buhok papuntang bodega

Tunay nga ang sabi sabi na narinig ko tungkol sa kanya, she's a psychopath. Gumawa siya ng kwento para mapaniwala ako- wala na pala ang parents niya kasi pinatay niya

"Maghintay ka hanggang sa mamatay ka" At isinara ang pinto, iniwan niya ako dito sa loob na puno ng mga patay na katawan

Ito na siguro ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang mundo. Sana ay hindi na siya makabibiktima ng iba-