After the ceremony, the Elites headed back to the Elite building. As soon as they entered their headquarter, Stell quickly clung onto Paulo.
"Waaah! Did you eat something special, Paulo? I'm so thrilled! You even mentioned me earlier!" Stell immediately said, making Paulo shook his head a little and smiled.
But this smile immediately faded as he saw Justin's expression.
He knows that the cost of his victory is Justin's failure. For sure, his father will be disappointed again.
"Jah," Paulo thought in his mind. Jah is the Elite Five's endearment to Justin, being the youngest in them.
As Paulo and Justin's gazes met, Justin merely exchanged a little smile at Paulo. Meanwhile, Paulo can't go to him as Stell is currently clinging at his arm.
"Hoy Ken! Loko ka ah! Ang lakas ng loob mong mag-earphones habang nasa ceremony," singhal ni Stell at bumitaw kay Paulo.
"Isa ka pa Josh Cullen! Eksena ka rin ah? May nalalaman ka pang I want that spot to come to me voluntarily. Hah! Napakahambog mo talaga!" dagdag pa nya.
"Ang ingay mo," sagot ni Ken.
"Bakit ba? Astig nga ng ginawa ko eh!" tatawa-tawang sabi ni Josh.
Ito ang tunay na samahan ng Elite Five. Sa mata ng karamihan, nagpapasiklaban sila pero ang totoo, magkakapatid na ang turingan nila sa isa't-isa. Sa apat na taon, halos silang lima ang magkatuwang sa buhay dahil nahihiwalay sila sa ibang classes sa ALAB University.
"Justin, tahimik ka. Awww, bunso namin. What's bothering you?" paglalambing ni Stell at agad na umakbay kay Justin.
"Ano pa nga ba? Syempre namomroblema na naman yan sa Tatay nyang perpekto!" iritableng sabi ni Ken.
Napailing lang si Justin sa sinabi ni Ken habang nakangiti nang pilit.
"Wala talagang preno ang bibig mo, Felip Jhon," sabi ni Justin sa isip.
"Okay lang ako. I'm glad that we managed to maintain our spot," Justin said with a wide grin.
"At isa pa, hindi ba kayo bilib sa acting ko kanina with Josh? Hahaha!" natatawang sabi ni Justin at umakbay kay Josh.
Agad na napabitaw si Stell kay Justin dahil sa sinabi niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya.
"Ano?! Acting lang yun? Alam nyo bang grabe yung kaba ko kanina kasi akala ko magsasapakan kayo dun?" sabi ni Stell.
Tawa lang ang naging sagot ng lahat. Pare-parehas sila ng naiisip dahil kahit na si Justin ang pinakabata sa kanila sa edad eh si Stell ang tila ba pinakabata sa kanila dahil sa kakulitan nito.
Naputol ang kulitan nila nang magbeep nang malakas ang TV screen sa harapan nila. Senyales na may ipapagawa sa kanila. Bilang Elite Five, bukod sa mas advanced na lessons at training ay may mga tasks din silang ginagawa na tiyak na mas mahirap kaysa sa regular classes.
"Yare," yun lang ang nasabi ni Ken bago buksan ni Paulo ang TV.
"Elite Five, congratulations for maintaining your spot again. Since you are the second batch that managed to reign ALAB University for four consecutive years, we will give you a reward," sabi ng president ng ALAB University na si President Robin Hood.
Si President Hood ang tanging nakakaalam sa tunay na samahan ng lima. Malapit siya sa lima kaya Tatang Robin ang tawag ng lima sa kanya kapag sila-sila lang ang nag-uusap.
Nagkatinginan silang lima at alam nilang pareho silang lito. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita at patuloy lang na nakinig kay President Hood.
"Nagtataka siguro kayo kung sino ang first batch 'no? Itanong nyo kay Mr. Nase, paniguradong kilala niya sila," nakangiting sabi ni President Hood at tumingin kay Paulo.
Sabay-sabay na napalingon ang apat kay Paulo kaya napabuntung-hininga nalang siya.
"First batch ang Kuya ko at boyfriend nya, top 2 and top 1 sila for four years din," walang ganang sabi ni Paulo.
"What?!" sabay-sabay na sabi ng apat.
"Teka, may Kuya ka?" tanong ni Sejun.
"Bakit di namin alam?" sabi naman ni Stell.
"Top 1 ba sya o top 2?" tanong ni Justin.
Mas lalong nanakit ang ulo ni Paulo sa sunud-sunod na tanong ng tatlo. Pero mas lalo pa siyang nagulantang sa reaksyon ni Ken.
"May boyfriend Kuya mo? Wow, ang lupet. Sana ol!" tanong ni Ken.
"Makinig na muna tayo kay Tatang Robin," tanging sagot lang ni Paulo at agad naman silang sumunod.
"'Di ko na papahabain 'to at mukhang magkukwentuhan pa kayo. Basta pumunta kayo mamayang 3pm sa Science Laboratory. 'Wag kayong malelate. Okay?" sabi ni President Hood.
"Yes, Tatang Robin," sagot nila.
Nang namatay na ang screen ng TV ay agad na dinumog ng apat ang pinuno nila. Pinuno ang kadalasang tawag ng apat kay Paulo dahil itinuring na rin siyang lider ng apat.
"Speak, or forever you'll be in silence!" pabirong sabi ni Stell habang nakaturo ang daliri kay Paulo.
"Tss, mas gusto ko nga ng katahimikan eh," iritableng sagot ni Paulo sa kanila. Ginantihan lang siya ni Stell ng masamang tingin kaya walang nagawa si Paulo kundi ang magbuntung-hininga. Alam niyang 'di siya titigilan ng apat hangga't 'di siya nagkukwento.
"Fine, as I was saying, yung Kuya ko at yung boyfriend nya ay kasama sa sinasabi ni Tatang. Yung Kuya ko ang top 1 for four years, like me, while his boyfriend is the top 2. At oo Ken, may boyfriend ang Kuya ko. Salamat at 'di mo sila hinusgahan." sagot ni Paulo.
"Dude, 2018 na. It's normal. Inggit nga ako eh," singit ni Ken at napanguso. Napailing lang si Paulo sa sinabi ni Ken.
"Same Ken. Pero anong nangyari sa kanila? Grabe ka Paulo. Sa apat na taong pinagsamahan natin, ni isang beses, wala kang sinabing may kapatid ka na kasama sa Elite Five. Tsk!" sabi ni Josh.
"Hindi kayo nagtanong. Besides, matagal na kaming naghiwalay ng landas ng Kuya ko. He's always busy sa shows nya. Halos di ko na sya nakita ulit simula nung grumaduate sya ng ALAB University four years ago. Video call lang kami lagi," sabi ni Paulo.
"Tama na nga muna yan. May inutos sa inyo si Prof. Hong, Paulo at Justin. I think it was about sa medical reports nating lima," singit ni Josh habang nakaturo sa bulletin board ng schedule nila.
Pasahan na ng medical reports nilang lima. Isa sa mga prebilihiyo ng Elite Five ay ang weekly medical reports, kung saan monthly naman ang sa regular classes. This is to ensure that their well-being is always good.
"Right, alis muna kami," sabi ni Justin habang bitbit ang mga papeles.
Pagkalabas nila sa headquarters ay nagsalita agad si Paulo.
"Teka lang Jah," sabi ni Paulo.
Agad namang tumigil sa paglalakad si Justin at nilingon si Paulo. Kumunot ang noo niya ng kinuha ni Paulo ang kalahati ng papeles na dala niya.
"Tara na," sabi ni Paulo habang bitbit ang sandamakmak na papeles.
"Sejun, mabigat yan," marahang sabi ni Justin.
"Bilisan mo. Gusto ko na matulog," sagot ni Paulo at 'di pinansin ang sinabi ni Justin.
Agad na humabol si Justin hanggang sa makasabay na sya kay Paulo.
"Ngayon nalang ulit may tumawag sakin ng Sejun. Kuya ko lang ang tumatawag sakin nyan," sabi ni Paulo.
"I didn't know about that, Sej-- Paulo," Justin said shyly. Hindi niya alam na may sentimental value pala ang pangalang iyon kay Paulo.
Nakita nya lang naman kasi noon ang kwintas ni Paulo na may nakalagay na Sejun. Hanggang sa nakasanayan na nyang tawagin si Paulo ng Sejun bukod pa sa Pinuno.
"Baliw, okay lang. I'm glad you're calling me like that. It reminds me of the old times with my brother. Simula nung grumaduate siya ng ALAB University, hindi ko na narinig sa kanya yan eh," kwento ni Paulo. Bakas sa mukha nya ang pagkalungkot.
"Sige. Lagi na kitang tatawaging Sejun instead na Pinuno," magiliw na sabi ni Justin.
Di nila namalayan na nasa pintuan na pala sila ng office ni Prof. Adelaide Hong, adviser ng Elite Five.
"Good day, Prof. Hong!" sabay na bati nila pagpasok ng office ni Prof. Hong.
"Oh, you're here? Late na naman kayong nagpasa," naiiling na sabi ni Prof. Hong habang nakatingin sa dalawa.
"We're sorry for the delay, Prof. Hong. We just had a hectic week because of the reevaluation," sabi ni Paulo.
Ngunit parehas nilang alam na isa lang naman ang dahilan ng pagka-late ng mga reports, at yun ay dahil kay Ken.
"Alright, sabihin nalang natin na hindi ko alam yung real reason ba't late yung reports nyo ha? I'll pretend that I believe you John Paulo," pasiring ni Prof. Hong.
Pilit na ngiti lang ang ginanti ni Paulo at palihim na kinalabit si Justin.
"Ah, Prof. Hong. The real thing is, my father and I had a personal appointment last week, so I took the medical checkup quite later than the others," sabi ni Justin to save John Paulo's rigged alibi.
"It doesn't matter, Justin. The important thing is you've passed it now. But I'm sorry to inform you that starting this week, your medical reports really must be passed on time. Not even a minute late," seryosong sabi ni Prof. Hong.
Napakunot ng noo ang dalawa dahil sa sinabi ni Prof. Hong.
"Right, mamayang 3pm pa sasabihin sa inyo yung reward niyo so wala pa kayong ideya. To spoil you, your reward has something to do with your innate skills. Thus, I wish you good luck. You can now leave," sabi ni Prof. Hong.
Habang naglalakad pabalik sa headquarters ang dalawa ay walang umimik sa kanila. Tila nagkakaisa ang kutob nila. Iba ang kutob nila.
And it's not something good.