Chereads / Accidentally Love You / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Nag-umpisa na ang trabaho ko as trainee sa pinapasukan kong gasolinahan. Ang sabi ni Sir Jake kapag nakuha ko in three days ang training puwede na akong ma-regular sa trabaho. Seven days dapat daw talaga ang training period.

Mag observe raw muna ako bago sumalang sa pagkakaha. Halos kalahating araw rin ang pag-o-observe ko at ang kalahating araw nag-umpisa na akong turuan. Madami ring paalala ang cashier na tumuturo sa akin na si Jessa Espargosa. Ang mga dapat at hindi dapat gawin, lalo na kung paano pakikitunguhan nang maayos ang mga customer. At hindi lang din saklaw ng cashier ang pagkakaha, kung kinakailangan na tumulong dapat tumulong din sa pagkakarga.

Natapos ang isang araw ng training ko nang walang aberya. Natutuwa naman ang nagtuturo sa akin dahil madali raw ako turuan. Feeling ko in three days makukuha ko na lahat ng mga itinuro nito sa akin. Mabilis lang naman intindihin basta't lahat ng mga itinuro ay sa utak ang pasok nito. 

Pagkatapos nga ng tatlong araw ay agad akong na regular sa trabaho. Nakakatuwa ang mga kasama ko hindi sila boring kasama at ang babait pa. Kapag may nakakaligtaan ako tinutulungan din nila ako. Hanggang sa nasanay na rin ako. Nakaka-enjoy pala ang ganitong trabaho dahil araw-araw iba't ibang klase ng tao ang makakasalamuha mo. May iilang mga customer na masungit pero keribels lang, nginingitian ko na lang din sila. Mayroon din namang mababait at nakikipag-usap pa sa amin. 

Simula ng makapagtrabaho ako rito kahit papaano ay nakatipid-tipid din ako. Wala akong inaalalang pamasahe. Minsan nakakatipid din ako sa pagkain dahil nililibre ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Kaya medyo nadadagdagan ang ipinapadala ko sa mga magulang ko sa probinsiya. 

Hindi ko namalayan mag-aanim na buwan na ako sa aking trabaho. Napakabilis ng araw, masiyado ko kasing ini-enjoy ang trabaho ko kaya hindi ko gaanong ramdam na malapit na rin madagdagan ang edad ko.

Dahil masiyado akong naka-focus sa aking trabaho madalang ko na lang din nakakausap ang kaibigan kong si Mira. Kung nasa tabi ko lang ito malamang kanina pa ako tinalakan nito.

"Hoy babae ka, simula no'ng nakapagtrabaho ka lang diyan kinalimutan mo na ako. Feeling ko hindi ako nag e-exist sa mundo mo." Dagli kong inilayo sa tainga ko ang cellphone dahil sa sobrang lakas ng pagkasigaw nito sa kabilang linya.

"Sorry naman Kambs, busy lang at isa pa wala akong load kaya 'wag ka nang magtampo. At isa pa ulit bawal cp sa trabaho," paliwanag ko rito.

"Ah, basta nagtatampo pa rin ako. Siguro nakakita ka na ng bagong bestfriend diyan kaya hindi mo na ako kinakausap, no?" Kung nasa tabi ko lang ito puwede ko nang sabitan ng kaldero ang nguso nito sa pagkahaba.

"Ayaw mo no'n walang mang-i-istorbo sa inyo ng boyfriend mo. As if naman hindi ko alam, 'di ba?" natatawa kong wika.

"Walang ganiyanan Kambs, siyempre iba rin 'yong time ko sa kan'ya at iba rin 'yong sa'yo," saka ito tumawa. "Kambs!" tawag nito sa akin.

"Yes, Kambs?" 

"I miss you! Pautang naman!" sabi nito at tumawa ng malakas.

Natawa rin ako sa kaibigan ko, kahit kailan talaga napaka nito. Sanay na rin ako sa banat niyang ganiyan.

"Magkano ba?" 

Pumalatak ito. "As if naman mayroon akong mauutang, eh kahit load nga wala, kung hindi ka pa talaga sasadyaing tawagan hindi mo ako tatawagan." Pagmamaktol nito.

Hindi pa rin talaga siya tapos mag drama.

"Kambs naman, walang ganiyanan. You know naman me madaming umaasa." 

"Ay 'day, alam ko na ang kadugtong niyan," tumikhim muna ito saka nagsalita ulit. "Kasi Kambs, kailangan kong magpadala alam mo naman ako lang ang inaasahan ng pamilya ko," panggagaya niya sa salita ko.

Kahit madalang lang kami magkita at mag-usap nito pero kilalang kilala niya talaga ako. Feeling ko naka-record na ang mga sinasabi ko sa kan'ya. Nagkakilala kami sa unang trabahong pinasukan ko noon. Sabay kaming nag-apply at sabay rin natanggap at sabay rin kaming dalawa na endo. Sa pangalawang trabaho na in-apply-an naman namin sabay rin kaming natanggap pero sa kasamaang palad na lay off ako samantalang siya ay nanatili roon at hanggang ngayon doon pa rin siya nagta-trabaho. 

"Kambs, are you still there? Yuhooo!" untag nito sa akin sa kabilang linya. "Ikaw naman, biro lang hindi ako mangungutang ah."

"Hay salamat naman, akala ko talaga mangungutang ka eh," kunwaring nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. "Hayaan mo Kambs, kapag naka luwag-luwag ako, promise ililibre kita."

"Siguraduhin mo lang dahil sisingilin talaga kita. At hindi ka makapag deny sa akin dahil recorded itong pag-uusap natin," biro nito.

"Kahit gumawa ka pa ng madaming kopya niyan tutupad ako sa ipinangako ko sa'yo. Kahit ilang bowl pa ng pares ubusin mo, sagot ko!" hagalpak ang tawa ko.

"Tang orange juice naman akala ko kung ililibre mo na ako sa mamahaling restaurant, sa paresan lang pala." Kung magkatabi lang kami nitong dalawa malamang binatukan na ako nito. Lambing kaibigan lang.

"Seryoso Kambs, ililibre kita kapag may ipon na ako. Sa ngayon kasi alanganin pa eh," sabi ko rito.

"It's okay Kambs, kinakamusta lang naman kita dahil sobrang na miss kita. At may ibabalita ako sa'yo," excited na wika nito.

Excited rin ako sa ibabalita nito. "Ano 'yon, Kambs?"

"I'm pregnant, Kambs!!" anunsiyo nito.

"Congratulations Kambs, ninang ako ha!" nakangiting wika ko.

Dalawang taon na rin silang nagsasama ng nobyo niyang si Noel. Nagkakilala lang din sila sa trabaho. 

"Oo naman, nangunguna ka nga sa listahan eh," humagikhik pa ito.

"Pero teka lang Kambs, nasabi mo na ba ito kay Noel?" 

"Hindi pa Kambs, balak ko surpresahin ko siya mamaya. Ngayon ko lang din kasi nalaman," masaya niyang sambit.

"I'm so happy for you Kambs, sa wakas mommy ka na." 

"Eh ikaw Kambs, kailan mo balak magkaroon ng boyfriend?" 

"Bakit sa akin napunta ang usapan?"

"Kambs naman, malapit ka nang pag-iwanan ng biyahe. Huwag mong sabihin na hindi ka pa rin ready?"

"Kambs, dadating din ako riyan at isa pa twenty four lang ako, hindi pa ako nagmamadali, hindi pa siguro ito ang tamang panahon."

"Kailan 'yong tamang panahon, Kambs? Kapag ugod-ugod ka na? Ganoon?" tumawa ito.

"Sobra ka naman Kambs, may pangarap pa ako sa buhay na gusto kung marating. Nagbabalak nga akong bumalik sa pag-aaral eh," wika ko rito. 

"Gusto ko 'yan Kambs, basta balitaan mo ako kapag may manliligaw ka na ha?"

Mukhang excited pa itong kaibigan ko sa akin na magkaroon ako ng boyfriend. Eh, sa wala pa nga sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon hangga't hindi ko pa natutupad ang pangarap ko sa buhay na makapagtapos ng pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. 

Natapos din ang pag-uusap namin ng kaibigan kong si Mira. Alas siete pa lang ng umaga, papasok na rin ito sa trabaho dahil walking distance lang naman ang tirahan nito sa trabaho niya.

Grave yard shift ngayon ang pasok ko. Nasanay na rin ang katawan ko sa oras ng duty ko. Madalas pag-uwi ko nang boarding house hindi agad ako natutulog kaya nakaugalian kong maglinis sa bahay ni Nanay Cita, ang aking landlady. 

"Matulog ka na at ako na riyan may pasok ka pa mamaya," saway ni Nanay Cita sa akin.

"Mamayang gabi pa po ang pasok ko, hindi pa po kasi ako inaantok eh." 

"Ikaw talaga, o siya kung ayaw mo pang matulog sabayan mo na lang akong mag-almusal pagkatapos mo riyan." 

"Hindi ko po tatanggihan ang grasya dahil masama po ang tumanggi sa grasya," natatawa kong wika.

"Ganoon na nga, bilisan mo na!" saka ito tumalikod at dumiretso sa kusina.

Binilisan ko ang aking ginagawa para masabayan ko ito sa pagkain, medyo kumakalam na rin kasi ang aking sikmura. Madalas akong isinasabay nito sa pagkain kapag wala akong pasok. Hindi lang sa trabaho nakakalibre ako ng pagkain, pati rito sa boarding house dahil kay Nanay Cita.

Patapos na ako sa aking ginagawa nang may mag doorbell. Nakita kong lumabas ng kusina si Nanay Cita at dumiretso ito sa labas upang tingnan kung sino ang nag doorbell.

Ilang saglit lang pumasok ulit ito.

"Ann, may naghahanap sa'yo sa labas. Jake raw," wika ni Nanay Cita. "Kasamahan mo ba 'yon sa trabaho?" 

"Manager ko po 'yon 'nay."

"O siya, baka importante labasin mo na!" Bumalik ulit ito sa kusina.

Ano kaya kailangan ni sir Jake? May mali kaya sa reports ko? Kung may mali dapat itinawag niya na lang. Talagang sinadya pa akong puntahan dito sa boarding house ko, nakakahiya naman.