Chereads / Along With The Campus' Jerks / Chapter 1 - Prologue

Along With The Campus' Jerks

monster_jean
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Alas-dyes pa lamang ng umaga ay naisipan ko ng pumunta sa mall. Ayoko ng maraming tao sa paligid. Hindi ako kumportable.

Gusto ko lang namang maglibot pero 'yung libot na bilang mo lang ang mga taong kasama mo sa paligid. Malungkot pakinggan pero ganon talaga. Doon ako nasanay e.

Biglang tumunog ang cellphone kong nakabulsa sa pantalon ko. Kinuha ko iyon dahil paniguradong mahalaga. Wala pang tumawag sa akin na nambwisit lang.

"Hello po, tito?" Sagot ko sa tawag. Tinawagan ako ni tito. Family members or their slaves lang naman ang tumatawag sa akin e.

"Adella, uuwi ngayong gabi ang lolo mo. Umuwi ka ng maaga." Sagot nito. Malumanay si tito ngunit kabaligtaran ang makikita mo sa mukha nito. Strikto siya kung titignan ngunit mabait naman siya.

"Salamat po, uuwi po ako ng maaga."

"Sige. Mag-ingat ka."

Likas na mabait ang pamilyang kinabibilangan ko. Isang mayor ang tito ko na nakapagtapos ng law at isa namang gobernador ang lolo ko na hindi nakapagtapos ng pag-aaral ngunit may sapat na kaalaman 'pagdating sa pulitika.

Isang abogado rin ang ama ko ngunit 'di tulad ni Tito Anthony, hindi siya pumasok sa pulitika. Mas ninais niyang mabuhay ng simple. Isa namang doktora ang ina ko. Ngunit sa kasamaang palad, nawala silang pareho sa buhay ko.

Ay, mali. Si mommy ay tuluyan na talaga akong iniwanan ngunit si daddy---hindi pa sigurado. Hindi pa nahahanap ang katawan niya mula sa aksidente, 3 months ago. Namatay si mommy sa sakit na cancer na kung saan namana niya naman kay lola na namatay na rin, limang taon na ang nakalilipas.

Mayroon din akong kapatid ngunit namatay na siya, mas matanda siya sa akin ng isang taon noon. Pitong gulang siya noong malamang namana niya ang sakit sa pamilya namin. Tatlong taon siyang lumaban ngunit namatay rin sa mismong kaarawan niya. Sampo lang siya noon at siyam na taong gulang lang ako noon.

Nawala sa akin si mama noong mag-second year high school ako sa sakit din na cancer.

Naging mahirap ang buhay para sa amin ni daddy, hindi dahil sa wala kaming pera o ano, ito ay kung hindi dahil sa pagkawala ng mga taong minamahal namin sa buhay. Masakit ngunit kinaya namin pero sa hindi malamang dahilan, talagang malupit ang tadhana sa akin, naaksidente si daddy noong pauwi na siya. Nakita roon sa sasakyan ang isang gitara---ang dapat na regalo niya sa akin bilang isa sa mga estudyanteng pinarangalan para sa taunang pagtatapos na 'yon.

Sobrang sakit sa parte ko ngunit kailangan kong tanggapin iyon.

"Fvck the both of you!" Dinig kong sigaw ng isang babae mula sa gilid ko. Masyado na 'atang lumipad ang utak ko.

"A jerk and a bitch! Oh fvck! You deserve each other!" Sigaw nung babae. Sinilip ko kung sino iyong sinisigawan niya at nakita ko roon ang isang babae na nakayakap sa lalaki na parang takot na takot.

Kasalukuyan akong palabas ng rest room kaya naman medyo nakatago pa ako dito sa maliit na hallway. Wala pang masyadong tao sa paligid ngunit may iilang napapatigil sa nakikita. Wala bang gwardiya dito?

Iyong babaeng nagsusumigaw ay may kasama pang isang babae na sa tingin ko'y kaibigan nito. Hapit na hapit ang suot niya at sobrang ikli.

"Kaibigan ka namin, Reese! Pero ahas ka din pala..." Masama ang tingin ng kasama nung babae sa babaeng nakayakap sa lalaki. Napansin kong parang walang pakialam iyong lalaki na nagpagalit lang lalo sa magkaibigan.

Napa-iling na lamang ako at umalis doon. Hindi ko ugaling makinig sa mga personal na bagay na pinag-uusapan ng mga tao. Wala naman kasi akong pakialam sa kanila.

Naglakad ako papunta sa department store. Gusto ko lang tumingin ng mga damit.

Nagpunta ako sa women's casual wear at nagtingin-tingin ng mga damit. May mga bagong labas na parang ewan lang ang designs. Napa-buntong hininga ako. Dapat na ba akong bumili?

Kinuha ko ang isang itim na palazzo pants at aalis na sana ngunit may isang lalaking humarang sa akin. Dadaan na sana ako sa gilid ngunit nagsalita siya.

"This looks more good on you." Sabi niya at binigay ang isang bootcut pants. Napataas ang kilay ko. Ano namang pakialam ng isang 'to sa mga damit na isusuot ko?

"Huh?"

"You're a petite woman and a pair of bootcut pants would be... more bagay to you." Tiningala ko siya at nakita ang malalamig nitong mga mata ngunit nakangiting labi. Ang creepy ng itsura niya.

"Pasensya na, pero mas kumportable ako rito."

"I never said that you'll be comfortable with this and I don't want no as an answer." He smiled. Maputi siya at nakasalamin. Matangos ang ilong at medyo singkit ang mga mata. Medyo pinkish rin ang labi. May nunal sa gilid ng mata at--- at bakit ko kailangang eksamin ang kaniyang itsura?

Kinuha ko na lamang ang bootcut pants sa kaniyang mga kamay at nagpunta na sa dressing room ngunit hindi igong ibinigay niya ang sinukat ko. Hindi naman ako umaasang makikita ko muli siya sa labas---

"Are you going to be matagal dyan?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Napakurap-kurap pa ako bago ko tanggalin ang suot kong palazzo pants at sinuot ang ibinigay niyang bootcut pants. Lumabas ako sa cubicle na pinasukan ko. Only to find out na nandito pala siya sa labas.

"Bagay nga. Ang galing kong pumili." Nakangiting saad niya. Ngayon ko lang natignang mabuti ang mukha niya at ang gwapo pala nitong lakaking ito.

"You know miss, you should also take your glasses off."

Napakunot ang noo ko. Bakit ko naman tatanggalin ang mga salamin ko?

"Huwag mo akong utusan." Malamig kong sambit na ikinatawa niya.

"You look so grumpy." Nakangiting sabi siya. Napa-iwas ako ng tingin. Ano bang pakialam niya?

"Let's go and I'll pay for that." 'Yun na lang ang narinig ko mula sa kaniya bago niya ako hilahin papuntang cashier. Para lang akong tangang nagpapatianod sa kaniya.

Nasa tapat na kami nang cashier at mukhang nagulat ang babae dahil sa nilalang na katabi ko. Napatingin siya sa akin at mas nagulat pa. Dali-dali niyang iniayos ang mga ibinigay nitong kasama ko na damit---sandali, bakit ang dami?

Ibibigay na sana nitong kasama ko ang card niya ngunit nagpauna na ako na hindi rin tinaggap ng cashier. Napangisi ako ng palihim.

"Wait, why?" Tanong nitong kasama ko.

Parang naguluhan naman si ateng cashier at napasulyap sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang malamig na ngiti bago siya magmadaling ayusin lahat ng binili nitong kasama ko.

"Kareem!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa likod namin. Hindi ko iyon pinansin dahil hindi naman ako si Kareem.

"Duke!" Sigaw nitong kasama ko. Kareem pala ang pangalan niya.

Biglang pumunta sa gilid namin iyong Duke at hindi ako nagpahalatang nagulat. Siya iyong lalaking pinag-aawayan noong mga babae kanina.

"Kareem! Ilibre mo din kami!" Biglang may limang lalaki na nagpunta sa gilid namin na siyang ikinabigla ko.

"Mukha ka talagang libre, Alonzo!"

"'Wag ka ngang pakielamero, Marquise!"

"Manahimik nga kayo."

"Luh. Si Adalius Brayden galit na naman."

"Did you know that there's a high posibility that you can have chronic pain, especially that you two often shout?"

"Narinig niyo sinabi ni Ellie?"

"Sipsip ka talaga, Barron."

Dahan-dahan akong umalis ng hindi nila napapansin. Kilala ko sila. Kilala sila ng lahat. Siguro'y sadyang hindi ko lang namukhaan ang dalawa.

Sila. Ang pitong iyon ay ang tinaguriang mga royal jerks. Ang pitong himala. Ang pitong gago ng Mandeville High.