Chereads / NAUGHTY MATE: PRESIDENT AND HER / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

"Ava, please hurry up" inis ng sabi ni kuya.

"Kuya, napaka-aga pa kasi eh" reklamo ko habang isinusuot ang medyas ko.

"Maaga? Seriously? Its already 7:00 at 7:30 ang klase mo, you call that, maaga? huh?"

"Hindi naman ikaw ang malelate" nakanguso kong sabi ko at nag-angat ng tingin, at ayun napakasama ng tingin.

"Fine, heto na oh" sabi ko at iniwan siya sa kwarto ko, nagtuloy tuloy pababa at pumasok sa kotse niya.

Agad akong bumaba nang makarating kami sa school, agad akong dumeretso sa classroom, pagbukas ko ay nakatingin silang lahat sa 'kin.

"What?" inis kong tanong.

"May sakit ka ba?" tanong nila.

"Huh? Wala naman-----"

"Naks ang aga mo insan ah, anong nakain mo? I-celebrate na ba natin yan?" tanong ni Jonah na kararating lang.

"Ah mali ba yun? O' sige, uwi muna ako, balik ako mamaya" sabi ko at akmang tatalikod pero humarang si Jonah at tinulak ako papasok.

"Arte! Minsan lang sa asul na buwan ka kung hindi malate hahaha, sulitin mo na" natatawang aniya at nasundan naman ng tawa pa ng iba.

"Its because kuya Harry drive me home" sabi ko."

"Oh nakauwi na pala" sabi nito. Maya maya lang ay nagsidatingan na lahat, gulat naman sla dahil bakit daw ang aga ko, dahil dati rati ay nagsisimula na ang klase 'saka lang pumapasok.

Maya maya pa'y pumasok si Kuya---sandale! Si kuya? What the hell he's doing here.

Meet my brother Gheoharry Avis Medina, college graduate, an Engineer and ngayon ay muling nag-aaral for Medicine.

But what is he doing here?

"Good morning class" aniya, tumugon naman sila, maliban sa 'kin na nanatiling gulat.

"I'm Gheoharry Avis Medina, your subject teacher for today, Miss Akaide is on leave due to her health condition, so I volunteer to teach for a while" sabi.

"Okay, so bring out your General Mathematics notebook and book ang open page 105" sabi nito, nagsikilusan ang lahat, maliban sa 'kin at nanatiling nakatingin sa kanya, at ni hindi man lang ako dinapuan ng tingin.

Naramdaman ko nalang na inilapag ni Jonah ang libro sa harap ko, napatingin naman ako dun. of course Mathematics 'to, tch!

"May I now start the discussion?" He asked, tumugon naman sila ng oo.

"Okay so listen carefully" sabi nito at nagsimula na ngang magdiscuss, ang mga paninging ko ay nanatili sa libro, binabasa ko lang yun, pero hindi nakatuon ang pandinig ko kay Kuya.

"You must be attentive dahil may quiz tayo after" sabi nito, doon lang ako ag-angat ng tingin at nagsalubong ang mata namin, seryoso siya at parang sinasabi nito na makinig ako.

"Before that, recitation saglit, Medina, stand up" sabi nito, napaawang ang labi ko, at kinunutan siya ng noo.

"Don't look at me like that, Guro mo ako sa ngayon kaya sumunod ka" sabi nito, tumayo naman ako at nagtanong siya, pero hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam, hindi naman kasi ako nakikinig eh.

"Sit down!" inis niyang sabi at halos pasigaw yun. .

"Sa susunod, makinig ka ng mabuti para alam mo ang sinasagot mo" striktong aniya.

"You're embarassing me" naibulong ko na lamang iyon at naupo habang nakayuko, napasulyap ako at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang disappointment na nakikita ko sa mga mata niya.

Nagtawag naman ito ng nagtawag sa mga nagtataas ng kamay, at siempre, nangunguna doon sina Leighton, Kian at Jonah, sila sila lang naman ang halos na magkakatunggali eh.

Hindi ako nakinig pero binasa ko ang libro at piliy na iniintindi, naiinis ako at nahihiya dahil sa trato niya, lumipas ang ilang minuto at, gaya ng sinabi niyamagku-quiz nga kami, napabuntong hininga na lamang ako at nilabas ang one half cross wise at doon sumagot sa dalwang problem na isinulat niya sa pisara, dalawa lamang ngunit napakahaba ng method, itinuon ko nalang doon ang sarili ko at iniapply ang natutunan ko sa aking binasa, at tumayo na lamang para ibigay ang papel at ganun nalang ang gulat nila.

"Cher" sabi ko at nilahad ang crosswise ko, kaswal naman akong tinignan ni kuya at kinuha ang papel ko 'tsaka kinuha ang pulang ballpen sa bulsa ng polo at sinimulang icheck, agad naman akong nagtungo sa upuan ko, ang mga kaklase ko ay hindi parin makapaniwalang natapos ko na iyon, makalipas lang ang ilang sandali ay:

"Medina" tawag ni kuya, I know its wrong, wala akong tama.

"Got a perfect score" patuoy niya kaya napa-angat ako ng tingin, ganun din ang iba, mababakas ang iba't ibang reaksyon sa kanilang muksa dahil score na inanunsyo ni kuya, inilapag pa iyon ni kuya para sigurado talagang hindi niya ako pinapaboran, pero ganun parin ang pagtataka sa iba.

"What's wrong?" he asked.

"Kasi Cher---" pinandilatan ko naman si Liam kaya hindi niya itinuloy.

"What?" tanong pa niya.

"In every quiz, Harra only got the lowest score and sometimes zero, kaya ganun po ang pagtataka ng karamihan dahil sa nakuha niya" napayuko ako nang magsalita si Leighton at narinig ko ang yabag nito papunta sa harap, batid kong magpapasa ng gawa.

"Medina, when will you take your studies seriously?" malumanay man iyon ay nababakas ang pangangaral. "Kuya" naibulong ko.

"Medina--"

"Can't you wait at home!? Cher Medina? " hindi ko na napigilan pa, natigilan din siya pero ganun nalang ang mabilis na pagbawi nito sa gulat.

"See you tommorrow" aniya at 'tsaka lumabas. Napakatahimik ng room ng lisanin 'yon ni kuya, ganun nalang ang ramdam ko na nakatingin ang lahat sa 'kin.

"Sorry Harra" paghingi ng paumanhin ni Liam, sinulyapan ko lang ito at tipid na nginitian at tuluyan ng naupo. Hindi ko lubos akalain na ipapahiya ako ni kuya ng ganito sa klase, sanay naman akong napapagalitan pero iba ang dating sa 'kin nung pagkapahiya ko.

Sa mga sumunod na subject ay hindi na ako nakinig pa, natulog nalang hanggang sa maghapon, wala na akong ginawa pa, gustuhin ko mang sumama sa alok nina Gelina ay tumanggi ako sa sama ng loob at umuwi na lamang pagkatapos kong bumisita sa opisina ni Cher Gabby.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si kuya sa sala at nakaharap sa laptop niya, lumingon ito pero pinasadahan ko lang ng tingin at naglakad papunta sa hagdan.

"Hey are you mad at me?" he asked, hindi ako lumingon dito at nagtuloy tuloy sa pag-akyat papunta sa kwarto at nagshower, at lumabas at naupo sa couch nang makita kong wala si kuya doon.

Nagbusy-busyhan naman ako sa cellphone ko at naramdaman ko ang pagtabi ni kuya.

"Baby you hungry?" he ask, hindi ko pinansin.

"Hey, what's the matter baby?" tanong niya.

"Leave me alone" ani ko habang patuloy parin ako sa paglalaro ng flappy bird sa cellphone ko.

"Do your lesson plans instead of disturbing me" malamig kong tugon.

"Hey baby, I'm a disturbance now, eh?" malungkot pang tanong niya kunwari, pero hindi parin ako natinag.

"Baby, please talk to me" nakikiusap na aniya.

"Talk to your hand" masungit na sabi ko at ipinatong ang dalawang siko sa hita at nagfocus sa paglalaro ng flappy bird.

"Ava baby" nakikiusap na talagang sabi nito, pero hindi parin ito pinansin.

"What's the matter with you? What's your problem?" problemadong aniya.

"You" yun lang ang naisagot ko.

"Come on"

"Shut up, I'm playing" sabi ko, pero naout din ako.

"Now I'm out!" inis pa kunwaring sabi ko, marahan niyang kinuha ang cellphone ko at inilagay sa center table.

"Can we talk now?" he ask.

"About what?" asik ko.

"Look, I'm sorry, I didn't mean to so that" aniya.

"Really?" nakangisi kong sabi.

"I'm sorry"

"I hate you"

"No you won't, take it back" nahihisteryong sabi niya.

"I hate you" pag-uulit ko.

"No! Please take it back" halos yakapin niya ako para lang bawiin ko ang sinabi ko.

"I'm sorry please, gusto ko lang namang ayusin mo ang pag-aaral mo eh"

"Kuya magka-iba tayo, heto ako" sabi ko at ipinakita ang hinliliit ko.

"At heto ka" sabi ko at itinabi ang palasingsingang daliri ko.

"No that's not true" sabi niya.

"It is, nakita ko nga kung paano ka nadisappoint sa 'kin kaninang hindi ako nakasagot eh" sabi ko.

"Baby, no, I am proud, so much proud, hindi ka nakinig sa 'kin pero naperfect mo yung activity kanina, I'm observing at nakita ko naman na sa pamamagitan ng pagbabasa mo ay naintindihan mo yun, ang galing galing mo nga eh" sabi niya.

"Shut up" asik ko.

"Stop saying that" sabi ko.

"I'm telling the truth" sabi, pero umiling nalang ako.

"Kailan ka aalis sa school?" iniba ko ang topic.

"Next, next month" sabi niya, napabunton hininga ako.

"Lumipat ka sa junior" sabi ko.

"Hey what?"

"Nandoon si Ate Ephraim, ayaw mo ba no'n?" tanong ko, girlfriend niya.

"Gusto, pero gusto kitang tutukan"

"I don't, I am not comfortable" sabi ko, napabuntong hininga siya.

"Fine" sabi nito.

"Pero may pakiusap ako, make your studies seriously please" sabi niya.

"Can't promise" sabi ko.

"Ava!" sabi nito

"Please grow up!" sabi.

"Growing up is a choice and I'm choosing the opposite of it" sabi ko at tumayo na papunta sa kusina kung nasaan si mom nagluluto.

"Gheoharra Ava Medina!" sigaw ni kuya.

"Whatever Gheoharry Avis Medina" ani ko at sumunod naman ito, at inaambaan niya ako ng batok pero hinahamon ko siya ng tingin kaya sa huli ay, sasamaan lang niya ako ng tingin.

Panay ang asaran namin sa hapagkainan at siya naman ang napipikon, ganun din sina mom and dad, mang-aasar si dad, siya din ang napipikon.

Hanggang sa mapagdesisyonan naming magsi-akyat na ng kwarto, nagtooth brush na ako at nagtungo pa muna sa 3rd floor kung saan naroon ang Practice room at library ko, nag-ensayo lang ako hanggang sa pagpawisan ako at 'tsaka na bumalik sa kwarto upang magshower ulit at matulog.

[Someone's POV]

Mapait akong napangiti sa tuwing naaalala ko kung paano ako ipagtabuyan ng aking ama at ina.

Hindi ko lubos maisip na kung bakit ako? Bakit saakin? Bakit saakin nangyayari ang mga bagay na ito?

I don't deserve this kind of pain.

Hindi ko kasalanang isinilang ako sa mundong ito, ngunit nakakasisi na ipinanganak pa ako.

Napakahirap tanawin ang mga taong bumuo sayo mula sa malayo, kailan naman kaya ang "Ako" ?

Hindi ko mapigilan ang mga luha kong umaagos dahil sa sakit na idinudulot sa akin. Hindi ko alam kung paano o ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko kasalanan na anak ako sa pagkakamali, ngunit bakit parang ako ang sinisisi.

Yung kagustuhan man lang sana na makasama, makausap o makita sila ay ipangkakait pa.

Sa tuwing magpapakita ka, tanging pagtataboy lang naman ang naabot ko.

Kaya ko namang higitan ang ekspektasyon nila sa 'kin bilang anak, ngunit balewala yun kung sa pagkatao mo sila bumabase.

Walang saysay ang talino, medalya, sertipiko, tropeyo at rango, maging matiyaga at pagpupursige, kung wala namang makikitang paghanga sa mata ng gusto mong pagmalakihan.

Marami ngang humahanga sa 'yo pero balewala yun kung mga taong mahahalaga sa 'yo ay hindi kontento.

Kung maaari ko lang sanang baguhin ang nakaraan o nararamdaman ng mga magulang ko, kung magulang nga ba silang matatawag, ngunit wala ako sa Pantasyang Mundo para magkaroon ng kakayahang baguhin ang mga ito.

Ito ang reyalidad, oo patas ang mundo pero Hindi ang tao.

Baliktarin man ang mundo, ganun parin ang takbo.

Kung may isa man akong kahilingan? Wala ng iba kundi ang makasama sila kahit kunwari lang sana, gusto ko lang silang maramdaman.

Ngunit napakaimpossible atang mangyari ang kahilingan ko sapagkat lumalapit ka pa lang itinutulak ka na papalayo.

Napabuntong hininga ako ng malalim habang isa isa kong inaalala ang mga panahong hindi ako nagsawang ipilit g sarili ko sa kanila.

Hanggang ngayon ay heto parin, nagpapatuloy na ipilit ang sarili sa pamilyang ikinabibilangan nila kahit ganoon katindi kung  ipatabuyan at ipagtulakan ako palayo ay heto parin nagpapakatanga maging isa lang sa kanila.

Masakit sa loob na ganito ang buhay na ipinagkaloob sa 'kin, sana ay kung pwede lang na sa isang hiling ay agad ng nandyan ang kasagutan.

~to be continued ~

[A/N: So chapter 2 is up, don't forget to vote and comment inlines KadiCates, yehey ..enjoy reading mga Caeties, thanks for reading ]

Watty: @Andy_Cate03

IG: andy_cate03

Twitter: @andycatezero3

Fb: Andy Cate WP