Chereads / Trouvaille / Chapter 6 - 4th

Chapter 6 - 4th

"How 'bout we check the CCTV cameras?"

"Naka-off ang kuryente doon, dad."

"How can we know kung sino naglagay ng code na 'yan?" Daddy na halatang naiinis na.

My dad is a business tycoon and a mafia boss, of course maraming kalaban 'yan.

"How 'bout by fingerprints?"

"Dad, naka-gloves."

"Punyemas," sabay hampas niya sa upuan.

"Calm down, I know this is not the end yet. Lalaban parin sila," I said then my dad phone rang.

"I have to take this call. I still have a meeting, umuwi ka na." Sabi niya at umalis na.

Umalis na ako sa building and at sumakay ng jeep para makauwi. Two rides pa naman ako. Di kasi ako makasabay kay Lucas kasi may date daw siya. Babaero ang hayop.

I was browsing through my phone ng napansin kong parang may tumititig saakin, at nung tiningnan ko kung sino, nakita ko si Isaac.

Ang pogi, ang fresh.

"Huy! Saan ka galing?" Tanong ko kaagad.

"Abreeza, ikaw? Saan ka galing?" sagot niya.

"Uhm, sa office ni Dad sa may Bajada." He nodded after I answered.

Alangan namang sasabihin kong may misyon akong pinuntahan, ano? 'Di pwede. Lalo na't nakasakay ako sa public vehicle.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko ulit.

"Obvious ba?"

Aba anak ng po---

"Nagtatanong lang, kung ayaw mo sagutin ng maayos, edi wow. Hayop to." Sabi ko, tumawa lang siya.

Kumuha na ko ng pera pang bayad pero agad naman akong pinatigil ni Isaac. "Ako na,"

"May pera ako pang bayad," sabi ko.

"Ako na," sabi niya at inabot ang bayad. "Manong, dalawa, ponciano,"

"Salamat," sabi ko, he just nodded. I resumed on browsing on my phone.

Nakarating na kami ng Ponciano. Bumaba na ako ng jeep at sumakay na ulit ng jeep papuntang Catalunan Grande ng napansin kong sumakay din si Isaac.

"Are you following me? Stalker ka, 'no?" Sabi ko.

"Who's following who?"

"Ikaw," agad na sagot ko. "Crush mo 'ko, 'no?"

"Feeling," sabay tawa niya. "Madadaanan nito ang MAPUA diba? 'Wag kang feeling. Papunta ulit ako ng school,"

Agad ako nakaramdam ng hiya! Naramdaman kong uminit ang mukha ko.

"Ah, okay," sabi ko at agad na kinuha ang cellphone ko para doon na ang attention ko. Punyemas naman, Yvanna. Pabida ka, ha?

Agad akong humiga sa kama noong nakauwi na ako. At oo, bumaba pa nga si Isaac sa school niya.

In-on ko muna yung laptop ko at pumunta agad ng CR for a quick bath. Ang init kasi. Free trial yata to sa impyerno eh.

After kong maligo, sinuot ko na agad pajamas ko. And then, I immediately went to my study table.

Tinitingnan at binabasa ko palang mga tasks na gagawin ko, napapagod na ko.

I have to study sa mga major subjects ko since may tests kami this week. Tas may gagawin pa akong graphic designs and bibili pa ako ng materials kasi papagawan kami ng costumes.

Kung papapiliin talaga ako kung matutulog o gumawa ng mga ito, syempre matutulog ako eh.

Nilista ko 'yung mga dapat na bibilhin kong materials. Dadaan nalang akong SM Ecoland bukas. Sasamahan naman ako ni Criz. Hindi pa rin ata 'yun nakakabili eh.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na in-open ang messenger para i-chat si Criz.

Yvanna Stella Gaumond: Pssst. Nakabili ka na ba ng materials para 'don sa costume making?

Cristopher Villanueva: Huh? Meron pala? Luh, giatay. 'Di ko alam.

Itong baklang 'to, laging lutang talaga kapag may klase.

Yvanna Stella Gaumond: Natulog ka ba? Lutang ah. Sabay tayo bukas sa SME.

Di ko na hinintay na sumagot si Criz at inexit ko na ang messenger sa phone. Mags-study na ko para sa mga tests bukas.

While looking at my notes, bigla akong napa-isip. Ba't napunta si Isaac sa Abreeza? Eh, pwede namang sa Gmall o 'di kaya sa SM Ecoland lang siya, since malapit sa MAPUA?

Teka, ba't ko ba siya iniisip? Mas importante tong mga notes ko ah.

Mags-Seven o'clock na nung kumatok ang katulong namin para sabihan ako na kakain na.

"Nagluto ba si mommy?" tanong ko kay manang Esther.

"Nako, langga, hindi. Nag-order lang ng pagkain kasi busy yata mommy mo kaya hindi nakapagluto," sagot niya.

Tumango nalang ako.

Pagkababa ko, wala ibang tao bukod saamin ni manang. Umalis pala sila mommy.

I sighed. Nakakalungkot din minsan, lalo na't only child ako. Wala akong makasama dito sa bahay pag wala sila mommy. Nakakasama ko naman minsan si Lucas pero minsan lang siya nandito kapag trip niya lang.

Pagkatapos kong kumain, dumeretso na ako sa kwarto para ipagpatuloy yung pinagaaralan ko.

To freshen up my mind, nagtwitter na muna ako saglit. Pero parang mas mas-stress ako dahil dito.

Halu-halong mga rants. Mostly, about the government. Then ang iba naman ay may pinapa-trend, atsaka yung iba ay tungkol sa isang sikat na boygroup na nasali sa billboard hot 100.

Binasa ko ang mga tweets ng iba't ibang mga tao at niretweet ang iba na tama naman. Pagkatapos non, binalik ko na ang tingin ko sa mga notes.

Bukas nalang kaya ako magstudy? Para fresh pa sa utak ko yung mga binasa ko.

I was fixing my things nung biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko, galing messenger.

Inopen ko ito, galing kay Lucas.

Lucas Cohen: Hey baby girl

I rolled my eyes as I read his message.

Yvanna Stella Gaumond: Kadiri. Incest?

Lucas Cohen: hahaha yuck. anyways i have news for u

Yvanna Stella Gaumond: What?

Lucas Cohen: tv patrol

Yvanna Stella Gaumond: wag mokong kausapin bwisit ka

Hindi ko na siya nireplyan pagkatapos non. Napaka-epal talaga kahit kelan.

Pumunta ako sa isang cabinet ko at hinila ang isang drawer ko dun na puno ng mga baril.

Kinuha ko ang Knight MK-85. Ito yung gustong gusto kong gamitin sa oras ng bakbakan talaga eh. Kaso hindi pa ako payagang makipaglaban. I sighed. Nilagay ko na ulit ang ang baril sa loob at tinago.

Binuksan ko ulit ang messenger at binasa ang message ni Lucas. Sineen ko nalang siya.

Nilagay ko phone ko sa bedside table at natulog na.

"Hello, dad?" tanong ko kaagad nang nakalabas ako ng classroom. Tumawag si daddy kalagitnaan ng discussion eh.

"Nasa school kana ba?"

"Opo, kanina pa. Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka ba pwedeng ma-excuse ngayon?"

Paniguradong misyon nanaman to. Hays.

"I have tests daddy. Bakit?"

"Ah sige, mamayang dinner nalang. May dinner tayo kasama mga Cardinal,"

"Ah. Okay, see you," sabi ko at binaba kaagad ang tawag. Pumasok ulit ako sa classroom.

Lutang ata ako habang nagd-discuss si ma'am sa harap. Walang pumapasok sa utak ko eh.

4PM nang natapos ang klase namin. Natapos naman ang mga tests at buti naman wala akong nabagsak.

Pumunta kami ni Criz sa SM Ecoland para bumili ng materials para sa costume na gagawin namin.

Lumilibot kami sa National Book Store ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nung tiningnan ko, si daddy ang nagtext.

7PM. Buffet Palace.

Buti naman malapit lang. Tinago ko kaagad ang phone ko at nagpatuloy sa paghahanap ng mga materials na bibilhin.

"Hahabol ba dito si Shanley at Haniezyn?" tanong ko kay Criz habang nagbabayad kami.

"Si Haniezyn, oo, lapit lang ng school niya dito eh. Si Shanley, hindi ko alam. Sabi niya tatapusin niya daw activity nila sa Educ 101." Tumango ako sa sagot niya.

I looked at the time and it's almost 5:30 PM. 7PM pa naman ang dinner. I still have time para makapagpalit.

"Bili muna ako damit, samahan mo ako," sa department store kami agad pumunta.

Dinner lang naman 'yon, 'di kailangan ng bongga na damit. Naka-highwaisted ripped-jeans naman na ako, kaya bumili nalang ako ng fitted black long-sleeved off-shoulder.

"Ganda, bagay sayo," puri ni Criz. Minsan lang pumuri 'tong bakla kaya lubusin na.

"Thanks," sabi ko at tiningnan ang oras. It's almost 6PM.

"Punta na ako, hintayin mo nalang si Haniezyn. Chat nalang," I said as I bid my goodbye to Criz.

Papunta na akong buffet palace. Labas palang, alam kong nandoon na sila daddy. Kotse palang eh.

I looked at the time and it's 6:27PM. Maaga pa ah? Medyo traffic nga lang siguro kaya inagahan.

Pumasok na ako sa loob at nakita kong nandoon na si mommy at daddy sa loob.

"Mom, dad," tawag ko. Ngumiti naman agad si mommy nung nakita ako, hinalikan ko sila sa pisnge.

"We'll just wait for the Cardinal to arrive. Traffic ata," sabi ni daddy.

"Okay," sabi ko.

Nilabas ko muna phone ko and I browse through the internet.

I was busy watching some videos from facebook nung biglang nagsalita si mommy.

"Uy, they're here!" sabi ni mommy.

Agad naman akong napalingon. Paglingon ko ay nakita ko si Isaac, nanlaki mga mata ko.

Napatingin din siya saakin, nanlaki ang mata, shocked by my presence, pero napangiti din naman.

What the hell is he doing here?

And the realization hits me there.

Shit, ba't nakalimutan kong Cardinal nga pala siya?

-----

Thanks for patiently waiting!