"Isa pa Andrea. Hindi nga ako sasama."
Naasar na ako sa mga kaibigan kong ito. Ang kukulit! Masyadong persistent.
"Ngayon lang please. Promise di ka na namin guguluhin after tonight." singit pa ni Rainne with matching puppy eyes pa.
"Kahit na. A-YO-KO. Plus, hindi naman talaga ako pupunta sa mga ganyan. Kaya kayo nalang."
Paulit ulit kasi nila akong inaaya na sumama sa kanila para mag bar para daw i-celebrate ang pagbabalik ko dito sa Pilipinas.
"Sama ka na girl. Ilang years ka kayang nawala, kaya pagbigyan mo na kami please." Inirapan ko si Andy na syang ikinalungkot ng mga mata nya.
"Fine. Fine. Sasama na." Nakita ko paano nag liwanag ang mga mukha ng dalawang to na animong nakuha nila ang gustong gusto nila.
Tama ba ang pinili ko?
Mukhang mapapahamak ako sa binabalak ng mga to ah.
"Ang galing talaga ng acting skills ko. Tara na!" Hinila agad ako ni Andy papunta sa aking vanity para daw ayusan.
"Do I need to put those on? Kumakati ang mukha ko sa mga yan eh." pagrereklamo ko ng ilabas niya ang make-up kit niya na halos pumutok na ang zipper dahil punong puno na.
"Ay wow. Teh, model ka na't lahat lahat pero ayaw mo parin sa make-up. Parang hindi mo naman to ginagamit kapag may photo shoots ka." Sagot niya habang isa-isang nilalabas ang mga gamit sa kit niya.
"Eh kasi naman, my team only put powder and lip tint on me. Tapos look at your stuff." turo ko sa mga laman ng kit niya. "Well, not today baby girl. Tonight daring ang dating mo. Hindi muna yung plain na Zein." sagot niya.
Nagsimula na siyang magpahid ng kung ano ano sa mukha ko. Habang si Rain naman kinakalkal ang closet ko para sa isusuot ko.
"Ayan. Bongga!" Saad niya after 15 minutes. Inikot niya ang upuan ko at nasinagan ko na ang mukha ko mula sa salamin.
Hmmm.. maganda naman, pero I still feel uncomfortable.
"Ang kapal naman nung lipstick. Red na red. Pwede bang bawasan ng konti?" pagrereklamo ko.
"Wag na. Okay na yan. Para nga fierce ang dating mo mamsh." Napasimangot ako at nanahimik nalang.
"Gusto mo ba naka lugay or bun?" tanong niya ulit. "I'd like it tied in bun please." pang-gagaya ko kung paano ko ito sabihin kay Nadine, ang makeup artist ko sa London. Bigla naman lumabas si Rain na may dala dalang damit na never ko pang nakita sa closet ko.
"Girl, hindi mo naman sinasabi na may ganito ka palang damit. Eto nalang kaya gamitin mo for tonight?" ani niya habang pinapakita ang damit na naka hanger.
Isa itong black sheer top na sa sobrang nipis ng tela ay konti nalang para na siyang transparent na top. May kasama pa itong black short short short skirt. "No. I won't wear that."
Nakita ko ang pagtutol sa mga mukha nila pero no. I don't like wearing those kinds in public places. So sorry. "Anything but that please." I requested.
"Eh wala ka naman iba pang angkop na damit except this one eh." sagot sa akin ni Rain. Oo nga pala. Most of my clothes are there in London where I stay. Ang mga iniwan ko dito are formal dresses, long gowns, things like that.
"Eto nalang Zein." Nagpakita si Andy ng isang black playsuit bodycon dress na nagmula sa bucket bag na dala niya and I like it!
Pumayag agad ako at isinuot iyon at pinarisan ko pa ng black choker and black heel sandals bago lumabas mula sa banyo. "I'm good."
Napalingon sila sa akin at sabay na nag sitayuan at pumalakpak. "Oh my god! Pa autograph naman Ms. Beautiful." naka-ngangang asar ni Andy. "Ganda naman ni bebe girl. Pustahan tayo maraming lalapit sayo." saad ni Rain kaya pabirong pinalo ko.
Lumabas kami ng apartment ko bago sumakay sa sasakyan na dala ni Rain at pumunta sa kung saan nila ako dadalhin.
"Wag niyo ko iiwaan ah. I don't know kung saan ako mapupulot pag humiwalay kayo sakin." kabadong sambit ko na ikinatawa nilang dalawa.
"Ano ba yan. Parang bata lang ang peg? Hindi ka namin iiwan syempre." Sagot ni Andy sabay tawa.
Mga 30 minutes lang ang biyahe bago kami nakarating sa Exklusiv in Manila. Napakaraming tao na nakapila sa labas na hinarang ng mga bouncers. Pero sila Andy dumeretso lang sa entrance.
"Huy, h-hindi ba pipila pa tayo?" Natawa naman si Rain bago sumagot. "VIP ata itong mga kasama mo girl." proud na sambit niya habang nakaturo sa mga sarili nila. Napa-oh nalang ako bago sumunod sa kanila. Eh hindi naman na surprising yun kasi malamang sa malamang ay ilang beses na sila nagpunta dito.
Nagpakita sila ng isang black card which I think is a membership card kaya pinapasok na agad kami. Pagpasok ko ay parang nasa ibang mundo ako. Grabe! After six long years, ngayon lang ulit ako nakapunta sa mga ganitong lugar.
Mausok, madilim, maingay, madaming tao, at kung ano ano pa. Madaming babae at lalaking nagsasayawan. Madaming naghihiyawan. Lahat ay nasa mga sari-sariling mundo. Yung iba naghahalikan, yung iba nga nag-hahawakan pa ng ano-ugh!
"Shot! Shot! Shot!" sigawan ng mga tao. "Hindi umiinom si Louisse." singit ng isang lalaki tapos ay kinuha ang baso na hawak ko.
"Pre naman. Minsan na nga lang payagan yang si Zein sumama lilimitahin mo pa mga kilos nya. Hay nako." may patampal noo pang sambit ng isa nya pang kaklase.
"Ano Zein? Magpapadala ka ba dito sa kill joy mong boyfriend?"
Sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa isang lamesa. Lagi nalang nangyayari ito. Pero ngayon mas malinaw na at may mga nagsasalita pa. Dati puro blurred at wala akong halos marinig.
"Miss, okay ka lang?" May narinig akong boses pero malabo. Parang nag e-echo yung boses nya.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ulit ng lalaki pero ngayon, medyo mas malinaw na.
Nang mainagan ko ang mukha ng lalaki, kumunot ang noo ko. Pamilyar siya. Parang nakita ko na siya noon.
"Louisse? Ikaw ba yan?" Kilala niya ako. And he called me Louisse. Ibig sabihin close ko siya dati. "Sorry, but may I know your name?" I shyly asked.
"Ay. How rude of me. Lance Ian de Vera nga pala. Pero you can call me pogi." pagpapakilala niya na ikinatawa naming dalawa. "Joke lang. Ian nalang." Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko kay Ian. "Have we met before?" I asked.
"Hmm.. should I answer it through a drink?" tanong niya habang nakaturo sa bar counter.
Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya papunta ng counter.
"What drink do you want to order Loui?" nahihiya akong napatingin sa kanya kasi wala talaga akong alam sa mga ganito! Though it's not my first time to drink pero, I'm like a newbie sa field na to.
Kaya agad na hinanap ng mga mata ko ang dalawang demonyitang nagdala sakin dito pero wala sila. Those bitches! Sabi nila hindi nila ako iiwan.
"W-wala kasi akong drink in mind. What do you recommend ba na pwede sa akin?"
"Sa pagkaka-alam ko sayo, you despise too bitter drinks that much. So maybe a manhattan would work for you." sagot niya habang nakangiti na animong proud na proud sa pagkakakilanlan sa akin. Sumangayon nalang ako at hinayaan siyang mag-order para sa amin.
"One manhattan and one boilermaker please." tumango ang bartender at umalis sandali.
"So how's life? I heard successful na ang modeling career mo sa London." pangchichika nya.
"Ayos lang naman dun. Though it took me a while to adapt but months after staying there, nakaya ko nang makipagsapalaran sa kanila." sagot ko bago sumimsim sa drink na nilapag sa harap namin kani-kanina lang.
It was bitter but later on my tongue was coated with a sweet after-taste. "Is the drink okay with you?" tanong ni Ian and I simply nod my head.
He also sipped on his glass before facing me again. "Now ask me your question again."
"What?" kunot-noo kong tanong. "Yung tanong mo kanina bago kita inaya dito, sasagutin ko na pero itanong mo muna ulit."
"Ah. So from the past minutes, feeling ko close naman tayo pero I don't know when. So mind telling me?"
"Hmm.. We all met in college. Kayong tatlo ni Andrea at Rain pati kaming magkakaibigan. And we six, became good friends though we are in different classes." pinahinto ko siya kasi may itatanong muna ako. "Hep! Stop ka muna. You said six. Sino pa yung dalawa?"
"Si Cedrick tsaka si Jerome." May follow up question pa sana ako kaso may biglang lumitaw na lalaki sa tabi nya at umakbay pa sa kanya.
"Hoy! Kanina pa kita hinahanap tapos nandito ka lang pala at may chicks ka pang kasama. Baka namang gusto mo akong ipakilala kay miss beauti-Louisse?"
Why does everyone call me Louisse today? Anong meron ha?
Nanlalaki ang mga mata ng bagong dating habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"H-hoy gago. Lagot ka, gusto mo atang isumbong kita kay baby Rain mo." Pananakot niya kay Ian pero binalewala niya lang iyon. Bumaling ulit yung bagong dating sa akin.
"A-alam niya na ba to?" utal utal na sabi ng kaibigan niya habang hindi parin inaalis ang tingin sa akin which I'm starting to find creepy.
"Hindi niya pa alam. Hindi ko rin naman alam na nakabalik na si Zein eh." pag-tatanggol ni Ian sa sarili.
"Pero puta wait. Lasing na ba ko? Naka dalawang baso pa lang naman ako ah. Ikaw ba talaga yan Louisse Zein Bautista?" tanong ng lalaki.
"Yes and who are you?" I tried not to sound that rude but yeah couldn't help it!
"Jerome Christian Antonio at your service maam." may pa bow effect pa siya.
Pag angat ng ulo niya ay tinitigan nya pa ako na para bang hindi talaga siya makapaniwalang ako to.
"Grabe. Nice to meet you after all these years Ms. Louisse." pormal na bati niya sakin.
"Gago tinatakot mo na yung tao. Umayos ka nga." bulong ni Ian sa kaibigan na may kasama pang batok. "So siya yung Jerome na sinasabi mo kanina?" tanong ko nang makaupo si Jerome sa kabilang side ko.
"Ay pre, hindi mo naman sinabi na kinukwento mo pala ako sa kanya ah. Type mo ba 'ko ha? Magsabi ka lang, iiwan ko mga girls ko para sayo." malanding ani ni Jerome habang nakasabit kay Ian kaya binatukan siya nito.
"Kadiri ka! Umayos ka nga. Ewan ko ba diyan sa mga babae mo kung bakit pumatol sa isang unggoy na katulad mo." nandidiring angal ni Ian bago bumaling sa akin.
"Oo. Siya nga." sagot ni Ian at muling sumimsim sa inumin nya. "Asan naman yung Cedrick kung ganun?" napalingon naman ako kay Jerome nang bigla itong nasamid sa iniinom na alak.
"N-nandito na yun mamaya. May dinaanan pa eh kaya baka malate." sagot ni Jerome na may kasama pang awkward chuckle.
Nagkwentuhan pa kaming tatlo habang umiinom hanggang sa nakita ko na ang dalawang lecheng kaibigan ko na nang-iwan sa akin dito.
"Excuse lang ha. Puntahan ko lang sila Andrea." paalam ko. Hindi ko na hinintay ang reaksyon ng dalawa at tinungo ang dalawang nagsasasayaw sa dance floor.
"Uy Ced nandito ka na pala." rinig kong pagbati ni Jerome sa kaibigan. "Sorry late. Painom nga. Nakaka-stress yung traffic kanina."
Babalewalain ko na sana kaso may isang parte sa utak ko na nagsasabing silipin sila kaya napalingon nalang din ako.
Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang puso ko ng magsalubong ang mata namin nung lalaking bagong dating.
"L-louisse." mahinang sambit nya na ikinasakit nanaman ng ulo ko haggang sa unti unti akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahawak ako sa ulo ko at ang huling naaalala ko nalang ay ang pagtakbo niya palapit sa akin.
- ligayaganduh -