BIYERNES nang hapon nang palabasin siya ni Glenda sa dinning dahil sa dami ng kumakain. Ilang sandali narin siyang abala sa ginagawa nang mamataang pumasok sa loob ng kainan si Janna kasama ang dalawa pang kaibigan nito.
Napuna niya ang matalim nitong titig sa kanya, pero minabuti niyang huwag nalang itong pansinin at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawang paglilinis ng mesa. Mula naman kasi nang mangyari ang insidente sa pagitan nila ay ngayon lang niya ito muling nakita gawa ng bihira siyang lumabas ng dinning.
Natigilan siya nang makarinig nang boses ng isang babaeng tumatawag sa kanya. Mabilis siyang kinabahan, minsan palang niya nakaharap ang dalaga pero kabisado niya ang tinig nito. Nang makalapit sa mesang okupado ng mga ito ay lalong bumilis ang tahip ng dibdib niya.
"Ano po iyon, ma'am?" magalang niyang tanong.
Nakita niyang nagpalitan ng tingin ang tatlo saka siya sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. "Bigyan mo kami ng tatlong sizzling sisig" si Janna sa kanya.
"A-Ah, pasensya na pero self-service po ang SOP natin" sagot niya sa tinig na nagpapaliwanag kahit sigurado siyang sinasadyang gawin ni Janna ang bagay na iyon dahil galit ito sa kanya.
Nagtawanan ng mahina ang dalawa nitong kasama. "Baka hindi ka kilala? Magpakilala ka nga nang malaman niya kung sinong binabangga niya" anang isa nitong kasama.
Noon nagmamaldita ang ngiting tumayo si Janna.
"Kaya kitang ipatanggal sa trabaho mo, sinong bang pinagmamalaki mo, si Dave? Hindi mo ba alam na ninang ko ang boss mo? Si Ninang Glenda?"
Napapikit siya nang mapunang nakatawag sa pansin ng ibang naroon ang pagtataas ng tinig ni Janna.
"O-Okay" naisip niyang sundin nalang ang gusto nito para hindi na humaba ang usapan.
"Good, nagmamatigas ka pa eh wala karin namang magagawa kasi utusan kalang dito, kusinera, patay-gutom na hampas-lupa" halos pasigaw ng sabi ni Janna na ginatungan naman ng tawa ng dalawa pa nitong kasama.
Mabilis na nag-init ang mukha niya sa narinig. Pero dahil alam niyang wala siya sa posisyon para ipagtanggol ang sarili ay minabuti niyang tumalikod nalang. Ilang sandali pagkatapos ay nagbalik siyang dala ang pagkain ng tatlo.
"Hot plate po" aniyang ang tinutukoy ay ang sizzling plate na inilapag niya sa harapan ni Janna.
"Ouch!" gulat niyang nilingon ang dalagang mabalasik ang titig sa kanya habang hawak ang kamay nitong namumula dahil sa pagkakapaso sa kalalapag lang na sizzling plate. "bakit hindi mo sinabing mainit ang plato?!" galit na galit nitong sabi.
"S-Sinabi ko po" katwiran niya habang ang dibdib ay unti-unti nang sinasalakay ng matinding takot.
"Wala kang sinabi! Kung meron bakit ko naman hahawakan ang pesteng platong iyan? Bakit ko gugustuhing mapaso?!" anitong nagsimula na ngang mag-eskandalo.
"Ma'am sinabi ko po sa inyo, narinig din ng mga kasama ninyo" giit niya sa isang mababang tinig sa kabila ng kagustuhan niyang patulan na ang kaharap.
Lalong nanlisik ang mga mata ni Janna sa pangangatwiran niya. "At gagawin mo pa akong sinungaling ah!" anitong galit na dinampot ang saucer na may lamang toyo. "heto ang dapat sayo bwisit ka!" hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Janna nang inubos nitong isinaboy sa mukha niya ang laman ng tatlong saucer.
Hindi pa ito nakuntento, galit na galit nitong hinila ang buhok niya saka siya sinabutan.
"Tama na po" umiiyak niyang pakiusap.
Hindi iyon dahil nasasaktan siya kundi sa matinding kahihiyan at awa sa sarili niyang nararamdaman. Gusto niyang lumaban pero kapag ginawa niya iyon mawawalan siya ng trabaho at hindi niya iyon gustong mangyari.
"Akala mo ba gusto ka talaga ni Dave? Tanga ka! Hindi ka ba nakakahalata? Kaya ka niya tinubos sa booth kasi gumaganti siya kay Randy! Kaya huwag kang mag-ilusyon kasi ako ang mahal ni Dave at hindi ikaw" anitong patuloy parin sa ginagawang pagsabunot sa kanya.
"Janna! Stop! Bakit mo sinasaktan si Audace?!" nang marinig niya ang galit na tinig ni Dave ay lalo siyang napaluha. Hindi na niya namalayan ang bilis ng mga pangyayari dahil natagpuan nalang niya ang sariling yakap ng mahigpit ng binata.
"Anong nangyari dito?" ang humahangos na tanong ni Glenda nang mapuna nito marahil ang komusyon sa dinning na nagsimula at natapos ng iglap lang.
Hindi siya nagsalita at sa halip ay yumakap ng mas mahigpit pa kay Dave habang patuloy sa tahimik na pag-iyak. Alam niyang matapang siya pero hindi siya palaaway at ito ang unang pagkakataong may nanakit sa kanya physically.
"Ninang tanggalin ninyo ang babaeng iyan! Masyadong bastos at hindi marunong makitungo sa mga customer!" hindi parin nagbabago ang galit sa tinig ni Janna.
Naalarma siya sa narinig. "Ma'am huwag po, kailangan ko po ang trabahong ito" umiiyak niyang pakiusap. "kah---"
"Stop it Audace, hindi mo kailangang magmakaawa sa kanila!" awat ni Dave sa kanya.
"Ano ba kasi ang nangya---"
"Hindi pa ba obvious sa ayos niya na siya ang na-agrabyado at kailangan pa ninyong itanong kung anong nangyari?" si Dave kay Glenda. Hindi naman nagtaas ng tinig ang binata ngunit naroon parin ang tigas nito."mas maganda siguro Audace mag-resign kana" pagkuwan ay baling nito sa kanya.
Umiling siya ng magkakasunod. "Kailangan ko ang trabahong ito" giit niya sa pagitan ng pagluha.
Noon siya nahahabag na tinitigan ng binata. "I know, pero maraming paraan. Ako ang bahala, just trust me okay?" paliwanag nito habang pinupunasan ang mukha niyang noon ay basa ng pinaghalong toyo at luha. Tumango siya saka pilit na nginitian ang binata."Miss Glenda, pwede ko ho ba kayong makausap sandali?" mas mahinahon na ang tono ni Dave noon.
Tumango lang si Glenda at saka na nagpatiuna papasok sa opisina ng canteen.
"Dave!" ang boses ni Janna kaya pareho silang nahinto ni Dave.
"What?" salubong ang mga kilay na tanong-sagot ng binata. "hindi ka pa ba masaya sa ginawa mong panghihiya kay Audace? You know what kung noon pinalampas ko ang ginawa mo sa kanya sa corridor, not this time. I'm sorry" pagkasabi niyon ay saka siya hinila ni Dave papasok sa opisina.
"ANONG gagawin mo kay Janna, Dave?" habang nakatitig sa lapida ng yumaong ina ay muling nabasag ang tinig ni Audace.
"Kung ano ang nararapat sa kanya, kakausapin ko ang Dad mamaya" nang maramdaman niya ang galit sa tinig ni Dave ay noon siya napaluha.
"Ang hirap ng ganito, paano nalang kung wala ka?" noon na nga siya tuluyang napahagulhol.
"Shhh, kaya nga tayo nagkita kasi mangyayari ang lahat ng ito sayo. Di ba sinabi ko naman sayo nung umpisa palang? Willing akong maging knight in a shining armour mo?" habang mahigpit siyang yakap ng binata.
Noon niya inilayo ang sarili sa binata saka sinimulang tuyuin ang mga luha.
"Paano na ako niyan? Hindi pa bumababa ang grant ng scholarship ko tapos ang Tita Lerma naman nagbabayad pa sa mga naiwang utang ni nanay nung pinapagamot namin siya?" hopeless niyang tanong.
Nakita niya ang isang magandang ngiti na pumunit sa mga labi ng binata.
"Ibibigay ko dapat ito sayo kanina, sorpresa ko sayo" mula sa likuran ng pantalon nito ay iniabot sa kanya ni Dave ang isang kulay puting legal sized envelope.
Nagtatanong ang mga mata niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa sobre at sa nakangiting binata. "A-Ano ito?" nanginginig ang boses at kamay niyang tanong.
Nagkibit lang ng balikat si Dave habang tila nakaplaster sa mga labi nito ang napakagandang ngiti. Nang mabuksan ay agad niya iyong binasa para lang muling mapahagulhol sa iyak. Ngunit sa pagkakataong iyon ay dahil sa labis na kaligayahan.
"Pumasa ako? T-Totoo ba ito? Hindi ba ito joke lang?" magkakasunod niyang tanong habang ang mga mata niya ay patuloy na binubukalan ng mga luha.
Magkakasunod na umiling ang binata. "Actually pinamadali ko iyan kay Daddy, sa katapusan pa dapat ibaba ang mga iyan pero tapos ng i-finalized ang list ng mga nakapasa at kasama ka sa listahan kasi matalino ka, matataas ang grades mo. Infact ang sabi ng Daddy eh ikaw raw ang second to the highest sa lahat ng kumuha ng Full-Scholarship Exam," nasa tono ng boses ni Dave ang pagmamalaki.
Noon niya umiiyak na niyakap ng mahigpit ang binata.
"Thank you so much Dave, sa lahat-lahat. Kung alam mo lang kung gaano ako ka-thankful at nakilala kita" aniyang kumalas sa pagkakayakap kay Dave saka masuyong hinaplos-haplos ang mukha nito.
Sa ginawa niyang iyon ay muli siyang kinabig ng binata payakap rito. Napapikit siya nang maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang noo.
"I don't know kung maniniwala ka pero sa totoo lang mas mahalaga sa akin ang sarili mong kaligayahan. I love to see you smile and hear you laugh everytime. Kapag ganoon napapanatag ang kalooban ko" sagot nito habang pandalas ang ginagawang paghagod nito sa kanyang likod habang mahigpit siyang yakap.