"YOU know what, hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin kong ito pero minsan na tayo nagkasabay dito" nang hindi makatiis ay naisipan niyang sabihin sa dalaga. Pagkagaling sa SJU ay sa sementeryo sila nagtuloy.
Gusto raw kasing dalawin ni Audace ang puntod ng ina nito. Kahit gustong-gusto niyang yakapin si Audace ay nagpigil siya. Hindi niya tiyak kung tama pero para sa kanya ay sign iyon na talagang ang nangyayari sa kanilang dalawa ay by chance.
It's magic, it's meant to be, and it's destiny.
"Huh? Kelan? Saka ba't di ko alam?" kunot-noo siya nitong nilingon.
"Nakatalikod ka kasi nun" sagot niya ng nakangiti.
"Ows? Sige nga kumbinsihin mo ako" panghahamon pa nito sa natatawang tinig.
"Halika," pagkuwan ay tumayo siya saka inabot ang kamay ng dalaga.
"Saan tayo pupunta?"
"Meet my sister, Danica" aniyang pinaglipat-lipat ang tingin kay Audace at sa puntod ng yumao niyang kapatid.
"Ah so ibig sabihin?" nang makuha nito marahil ang ibig niyang sabihin.
"Oo, man hater ka nga nun eh. Kaya ngayon malinaw na sakin kung bakit mo ako in-snob nung unang beses kitang nakita sa canteen" aniyang sinundan pa ang sinabi ng isang mahinang tawa.
Noon nangunot ang magandang noo ni Audace."Anong man hater? Saka kelan kita in-snob sa canteen?"
Hindi niya napagilan ang makaramdam ng amusement habang pinagmamasdan ang maganda mukha ng kaharap. Ang maganda nitong buhok lalong tumingkad ang pagiging mamula-mula niyon dahil sa sikat ng araw.
"Kailangan ko pa bang ulitin iyong dialogue mo nun sa nanay mo tungkol sa aming mga lalake? Na lahat kami manloloko at paasa?" buska niya sa dalagang mabilis na namula ang mukha bagaman nakangiti. "at iyong in-snob mo ako? Di ba tiningnan mo pa nga ako nun kasi nahuli mo akong nakatitig sayo?" aniya sa tonong nagpapaalala.
Salubong ang mga kilay paring nagbaba ng tingin si Audace saka siya muling tiningala makalipas ang ilang sandali.
"Ah iyon ba? Sorry kung in-snob kita ah?" anitong napakagat-labi. "bitter lang ako nun kaya ko nasabi at nagawa ko iyon. Pero in fairness natandaan mo pa talaga ang lahat ng detalye ah" dugtong pa ng dalaga sa isang nasisiyahang tinig.
Kahit ilang libong taon siguro ang lumipas hindi ko makakalimutan kung kelan kita unang nakita at kung kelan ako unang kinabahan ng sobra.
"Ows? Di ibig sabihin moved on kana dun sa ex mo?" undeniable ang tuwang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.
Naglandas ang mabining tawa sa lalamunan ni Audace. "Oo naman no!"
Noon niya hinawakan ang kamay nito saka nilinga ang puntod ni Danica.
"Narinig mo iyon 'te? Moved on na siya" masaya niyang turan saka tila wala sa sariling hinalikan ang buhok ng dalaga.
Nakita niya ang pagkabiglang lumarawan sa mukha ni Audace dahil sa ginawa niya. Aaminin niyang natakot siyang baka magalit ito, pero hindi naman nangyari iyon.
"Ano bang nangyayari sayo, bakit parang ang saya-saya mo?" nangingiting tanong nito sa kanya.
"Tsk, alam mo naman ang sagot tinatanong mo pa" aniyang kinabig ang dalaga palapit sa kanya saka inakbayan ng mahigpit. "siya nga pala 'te, si Audace ang babaeng pakakasalan ko!" pakiwari niya ay hindi niya magagawang sasabihin iyon kung hindi niya dadaanin sa biro.
Gaya ng dati ay parang mansanas sa pula ang mukha ni Audace. Pero wala siyang planong bawiin iyon. Dahil kahit hindi pa siya nai-in love alam niyang doon na papunta ang nararamdaman niya para sa dalaga. At masasabi niyang wala siyang pinagsisisihan kahit pa naghintay siya ng matagal. Dahil ang feelings na mayroon siya para kay Audace ay sobra-sobra ng dahilan para maging grateful siya.
IYON ang ikalawang punta niya sa bahay nina Dave para sa kanilang practice. Alam niyang mahirap siyang turuan. Pero siguro dahil likas na mahusay magturo ang binata at bukod pa roon ay crush niya ito kaya talagang inspired siyang matutunan ang lahat ng ituro nito.
"Slow, slow, quick, quick" aniyang kinakabisa ang footwork timing ng naturang ballroom dance. Hapon na at sa mansyon ang tungo nilang dalawa ni Dave noon para magmeryenda.
"Ano, di ba madali lang?" nang lingunin niya ay nakita niya ang pagkaaliw sa mga mata ni Dave.
"Opo, o baka naman magaling ka lang talagang magturo?" aniyang sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa.
"Hindi ka naman mahirap turuan eh" ani Dave.
Napalabi siya kahit ang totoo tinablan siya sa compliment na iyon."T-Talaga ah? Baka naman sinasabi mo lang 'yan kasi gusto mong mas pagbutihan ko pa?"
Natatawang ginulo ni Dave ang buhok niya. "Totoo, sana nga ganoon din kadaling turuan ang puso mo" meaningful nitong sabi.
Nag-iinit ang mukhang umiwas siya ng tingin kay Dave, habang sa puso niya ay naroon ang kakaibang kilig na dulot ng sinabi nito.
Hindi mo na kailangang turuan ang puso ko Dave. Dahil ang totoo, ang lahat ng ginagawa mo sobra-sobra ng dahilan para mahulog ako sayo.
Anang isang bahagi ng isip niya.
"In fairness ang ganda ng kusina ninyo, parang ang sarap magluto" ang sa halip ay tinuran niya nang mabungaran niya ang magandang kusina.
"Dapat siguro Culinary ang kinuha mong course" ang binata na hinila ang isang upuan ng mahabang mesa saka siya pinaupo.
"Actually first choice ko iyon, kaso magastos kaya ECE nalang ang kinuha ko" sagot niya.
"Anong gusto mong kainin?" ang naitanong nito sa kanya saka ibinalik ang tingin sa loob ng refrigerator.
"Kahit ano," aniya.
"Wala namang kahit ano dito eh" natatawang baling ulit sa kanya ng binata.
Napasimangot siya. "Sige ice cream saka cake!"
"Ayun, kapag tinanong ka kasi wag mo ng paiiralin iyang hiya-hiya. Sabihin mo agad kung anong gusto mo" nasa tinig ni Dave ang pagbibiro pero deep inside ay alam naman niyang tama ito.
"Para mas magaan ang buhay ganoon ba?" natatawa niyang sabi.
"Tama!" anitong inayos ang pagkain sa mesa. "at isa pa, mas masarap sa pakiramdam kapag gusto natin ang ginagawa natin. Hindi napipilitan, parang sa love."
Salubong ang mga kilay niyang pinagmasdan si Dave na noon ay nakaupo na sa silyang katabi ng kanya. "At paano naman napasok ang love sa usapan natin?"
Noon siya nito pinakatitigan. Nasa isang dangkal lang siguro ang layo ng mukha nito sa kanya. Sanay na siyang naaamoy ang mabangong hininga ng binata. Pero ang pakiramdam na dala niyon sa kanya, parang hindi niya kayang sanayin ang sarili niya.
"Nagiging poetic kana yatang masyado, napaka-unusual para sa isang playboy na kagaya mo" aniyang saka hinirap ang hiwa ng Black Forest cake sa platitong nasa harapan niya sa kagustuhang iwasan ang mga tumatagos na titig sa kanya ni Dave.
"Bakit porke ba playboy hindi na pwedeng magbago? Wala ng karapatang ma-in love?" nangingiti nitong tanong saka narin sinimulan ang pagkain.
"Oh wala akong sinabing ganyan ah! Ang sinabi ko unusual lang" pagtutuwid niya.
"May tanong ako" ang binata. Umangat ang mga kilay niya."Kung sakaling may manligaw sayong playboy bibigyan mo ba ng chance?" parang gusto niyang himatayin sa tanong na iyon ng binata.
"Ano ito, Bio Data?" aniyang napabungisngis saka sumubo ng ice cream.
"Tsk, sagutin mo nalang kasi ang tanong ko" giit ni Dave .
Amuse niya itong nilingon bago nagsalita. "Eh lahat naman dapat bigyan ng chance di ba?" kinikilig niyang sabi saka nagkibit ng balikat.
Tumango-tango ang binata. "So ibig sabihin papaligaw ka sa kanya?" paglilinaw nito.
"Oo, pero kailangan maramdaman ko munang seryoso siya saka dapat meron siya nung mga qualities na hinahanap ko sa isang lalake" pagkuwan ay naaliw narin siya sa ginagawang pagtatanong sa kanya ng kasama.
Nakita niyang ibinaba ni Dave ang hawak na tinidor, inabot ang baso ng tubig saka uminom. Pagkatapos ay nangalumbaba habang matamang nakatitig sa kanya. "Ba't ano ba'ng gusto mo sa lalake?"