Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 27 - KABANATA 3

Chapter 27 - KABANATA 3

"WALA na tayong dapat pag-usapan Janna" pabulong ngunit mariin niyang sabi matapos i-park ang kaniyang motorbike. Fourth year na si Janna sa SJU sa kursong BS Math. Mahigit isang buwan na silang hiwalay. Hindi iyon ang unang beses na siya ang nakipag-break sa babae pero iba ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon ngayon.

"Nakipag-break na ako kay Randy bakit ba ayaw mong maniwala?" giit nito.

"Nagsasayang ka lang ng laway mo. Sa tingin mo pagkatapos mo kaming pagsabayin ng lalaking iyon maniniwala parin ako sayo? Ang pinaka-ayaw ko sa lahat iyong niloloko ako pero ginawa mo" aniyang umakma ng tatalikuran ang dalaga.

Nasa hotel sila nang madiskubre niya ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kanya ni Janna. Pumasok ito ng banyo at nagkataon namang tumunog ang cellphone nito. Hindi niya ugali ang pakealaman ang telepono ng kahit sino sa mga naging nobya niya pero parang may nag-udyok sa kanyang gawin iyon. Noon nga niya nabasa ang mga messages ni Randy.

At nang magtalo sila, lumabas ang totoo dahil napaamin niya ito. Kung tutuusin alam niyang pride lang niya ang nasaktan sa nangyari dahil wala narin siyang gana sa relasyon nila. Hindi na siya nagtaka roon. Ganoon talaga siya, siguro kasi hindi pa niya naranasan ang ma-in love ng totoo.

"But I love you, totoo."

Noon niya ito muling hinarap. "Mahal mo ako? Sige, bibigyan kita ng ten seconds, kung talagang mahal mo ako umiyak ka ngayon sa harapan ko. Ang sabi nila ang babae daw kapag nasasaktan umiiyak. Ano, kaya mo bang gawin iyon para sakin?" aniya sa naghahamong tinig.

"Huwag mo nga akong pagtripan!" protesta ni Janna.

"See?" aniyang tumawa pa ng mahina. "anyway I have to go, goodbye" pagkatapos noon ay mabilis na niya itong tinalikuran. Hindi na siya lumingon kahit naririnig niyang tinatawag siya nito.

"Dave!" nasa second floor na siya noon ng kanilang college building.

"JC" kasamahan niya si JC sa SJU Dance Troope.

"Mamayang three PM baka makalimutan mo, may pa-audition tayo" nang makalapit ito sa kanya saka tinapik ng mahina ang kanyang balikat.

Bilang Head ng naturang club ay importanteng naroon siya. Kaya kahit busy sa pag-aaral ay sinisigurado niyang nagagampanan niya ang tungkulin ng maayos.

"Oo nga pala. Sige mamaya darating ako" paniniyak niya.

Ilang sandali pa ay naiwan na siyang mag-isa. Mula sa kinatatayuan ay tanaw ang buong quadrangle ng St. Joseph University. Tahimik niyang pinanood ang mga taong abala sa pagtatayo ng tents at booths para sa bubuksang University Fair sa Biyernes. Ginagawa ang event na iyon sa SJU taon-tao.

Elementary days nang simulan niyang i-enhance ang talent niya. Sa tulong ng ate niyang si Danica na mahilig rin sa pagsasayaw. Ito ang nagpasok sa kanya sa kung anu-anong summer dance workshops nang mag-edad labindalawa siya. Kaya naman nang mag high school siya sa SJU rin mismo, siya rin ang naging head ng SJU High School Dance Club.

Isang linggo matapos ang kanyang seventeenth birthday ay lumipad si Danica pa-Europa kasama ang asawa nitong si Clark para sa kanilang second honeymoon. Pero hindi inaasahang nag-crash ang plane na sinasakyan ng mga ito na parehong ikinasawi ng dalawa.Very close sila ng ate niya kahit pa pitong taon ang gap nila.

Physical Education Instructor ito sa SJU at naging guro pa niya nang nasa unang taon siya sa kolehiyo, PE 202 o Recreational Activities. Kaya nang mangyari ang aksidente na ikinamatay nito ay minabuti niyang i-dropped nalang ang naturang subject para makapag-move on. Ganoon rin ang ginawa niya sa rehearsal room na ipinatayo ng parents nila noong maliliit pa sila na apat na taon nang nakakandado.

Si Sandra ang Mommy niya ang mas tutok sa pagpapatakbo ng kanilang figurine business. Ito ang nakaupong presidente sa kanilang pabrika na nag-e-export ng mga produktong gawa nila sa iba't-ibang bansa sa panig ng mundo. Habang si John na katulong rin ng Mommy niya, kagaya ng ama nina JV, Raphael at Lemuel ay isa rin itong Direktor ng SJU.

Why, she is so graceful, curious tuloy ako sa itsura niya.

Nang mamataan ang isang tila pamilyar na bultong naglalakad sa quadrangle. Nakatalikod ito pero natawag parin nito ang kanyang pansin. Mamula-mula ang buhok nitong alon-alon at may habang hanggang baywang. Nagsalubong ang mga kilay niya kasabay ng biglang pagbilis ng tahip ng kanyang dibdib.

Sinundan niya ito ng tingin para lang literal na mapanganga nang maupo ito sa bench na nasa ilalim ng puno ng akasya. Hindi iyon kalayuan sa kinaroroonan niya kaya nabista niya ng mabuti ang mukha nito.

"Pare isara mo baka pasukin ng langaw" si Lemuel ang narinig niyang natatawang hinawakan ang kanyang baba para isara ang kanyang bibig.

"Sira!" aniya rito saka ibinalik ang tingin sa sina-sight na babae.

Tumawa ito. "Ah, kaya naman pala nakanganga ka! Parang ganyan din ang nangyari sayo nung nakita mo siya sa canteen ah!" anito nang mamukhaan ang tinatanaw niya.

"Ang ganda talaga niyaaaaa...." wala sa loob niyang sabi sa tila nangangarap pang tinig.

Pinagtawanan nanaman siya ni Lemuel. "Eh bakit hindi mo babain tapos magpakilala ka?"

Nilingon niya si Lemuel. Hindi niya maintindihan pero kahit totoong gusto niyang gawin iyon parang wala siyang lakas ng loob. At kahit hindi niya aminin alam niyang ganoon rin ang naramdaman niya noong isang araw para sa isang estrangherang nakasabay niya sa sementeryo.

Wala siyang commitment. Pwede siyang bumaba ng building at lapitan ito para makipagkilala. Ang tanong, bakit hindi niya magawa? Dahil ba masyado itong maganda kaya nako-conscious siya sa kabila ng pagiging confident niya sa sarili noon?

Malamang!

THURSDAY ang day-off ni Audace kaya mas marami ang subjects na tine-take niya tuwing araw na iyon. Introduction to English, hawak niya ang schedule habang binabagtas ang third floor corridor ng College of Arts and Sciences.

Kahit kasi isang buwan na siyang kitchen crew sa canteen, hindi siya nagkaroon ng chance para ikutin ang buong unibersidad. Dahil bukod sa napakalaki ng SJU, madalas dumidiretsong uwi siya pagkatapos ng duty.

Teka, lumampas na yata ako.

Naisip niya nang masulyapan ang room number sa pintuan ng isang silid. At nang makumpirma ang hinala ay nagmamadali siyang pumihit para bumaba. Pero hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari nang kumabisala ang paa niya sa step ng hagdan.

Napatili siya saka nabitiwan ang kipkip na libro. Pero hindi siya tuluyang nahulog dahil natagpuan niya ang sariling kulong ng malalaking bisig na mahigpit ang pagkakapulot sa kanya.

"S-Sorry" gulat na gulat niyang sabi saka nag-angat ng tingin para lang matigilan nang magtama ang kanilang mga mata.

Si Pretty Boy!

Sigaw ng isip niya.

Mas gwapo pala siya sa malapitan, lalo na ang mga mata niya! I feel like I can stare in them for a lifetime.

Nang mapagmasdan niya ng husto ang mga mata ng binata.

Parang gustong matunaw ng puso niya nang mag-flashed sa harapan niya ang perpekto nitong ngiti. Ang hininga nito, malayang bumabalandra sa kanyang mukha kaya mabilis niyang naramdaman ang paggapang ng napakasarap na kilabot sa kanyang katawan.

"Okay ka lang ba? O gusto mong dalhin kita sa clinic?" ang tanong nito nang manatili sila sa ganoong ayos.

Magkakasunod ang ginawa niyang paglunok. Pagkatapos ay naramdaman niya ang lamig sa kanyang likuran. Noon niya napunang naka-pin siya sa wall. Ang isang kamay niya mahigpit ang pagkakahapit sa baywang ng binata habang ang isa'y nakatukod sa dibdib nito. Kaya naman minabuti niyang pakawalan na ang sarili mula rito.

"A-Ayos lang ako. Hindi naman ako nasaktan," pagsasabi niya ng totoo habang nag-iinit ang mukhang iniiwas ang tingin sa kaharap.

Amuse siya nitong tinitigan. Pagkatapos ay yumuko at pinulot ang naihulog niyang libro saka iyon iniabot sa kanya."s-salamat ulit, sige" utal niyang turan saka nagmamadali ang mga hakbang na bumaba ng hagdan.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang katindi ang nerbiyos na naramdaman niya. Pero hindi niya maikakaila ang masarap na pakiramdam na idinulot ng napakabango nitong hininga sa kanya. Sa isiping iyon ay mabilis nanamang nag-init ang kanyang mukha.