Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 23 - KABANATA 23

Chapter 23 - KABANATA 23

MAHIGPIT na napakapit si Vinnie sa handrail ng traysikel na kinalululanan niya nang hapong iyon. Galing siya ng eskwela at minabuting huwag ng magpahatid kay JV sa kabila ng pagpupumilit nito. Nag-aalala kasi siyang baka magalit lang si Lloyd kapag nakita nito ang binata. Ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang nila lalo na at wala paring alam ang mga ito sa problema nila ng kuya niya kahit pa malamang ay napapansin na ng mga itong kibuin-dili siya nito.

Kung ilang beses siyang nag-krus ay hindi niya mabilang. Sa bilis ng takbo ng traysikel ay hindi niya mapigilan ang nerbiyusin dahil parang lumilipad na iyon sa tulin ng pagpapatakbo ng driver.

"M-Manong pakibagalan naman po palusong pa naman ang daan!" sigaw niya pero hindi ito nakinig sa kanya. Mukhang nakainom ang driver at nalalanghap niya ang amoy ng serbesa mula rito.

Parang wala sa sarili siyang napatili nang malakas. Basta ang natatandaan niya ay tumaob ang traysikel at nagpagulong-gulong iyon sa palusong na kalsada. Ang sumunod na nangyari ay hindi na niya namalayan dahil tuluyan na ngang nilamon ng kadiliman ang paligid niya.

SA labas ng emergency room kung saan inaasikaso ng mga doktor si Vinnie ay tahimik na naupo si JV. Hindi parin siya nakakabawi sa pagkabigla mula sa tawag na natanggap niya kanina. Siya kasi ang unang tinawagan ng mga nakasaksi sa aksidente dahil ang number niya ang unang nakita sa cellphone ng dalaga. Nag-iinit ang mga mata siyang nagyuko ng ulo. Gusto niyang sisihin ang sarili niya dahil hinayaan niyang umuwi ito ng mag-isa sa halip na ihatid niya.

kaya lang paano kung hindi pala talaga tayo? I mean, paano kung dumadaan ka lang sa buhay ko?"

Nang maalala ang sinabing iyon sa kanya ng nobya ay tuluyan na nga siyang napaluha. Hindi pa niya alam ang findings ng doktor sa dalaga pero dahil sa mahal na mahal niya ito ay hindi parin niya maiwasan ang hindi matakot ng husto. Paano nga kung tama si Vinnie? Paano kung tuluyan na itong mawala sa kanya? Kaya ba niya?

Papalapit na yabag ang umagaw ng atensyon niya. At nang mag-angat siya ng ulo nakita niyang ang mga magulang ni Vinnie ang papalapit sa kinaroroonan niya. Nasa likuran ng mga ito si Lloyd.

Mabilis siyang tumayo para salubungin ang mga ito. Hindi rin nalingid sa kanya ang matatalim na titig ni Lloyd pero minabuti niyang huwag itong patulan. Alam niyang hindi iyon ang tamang oras para sa ganoong mga bagay. At nagpapasalamat siya dahil naging mahinahon rin naman ito, taliwas sa inaasahan niyang baka sugurin siya nito ng suntok.

"A-Anong nangyari hijo? Nasan si Vinnie?" ang magkasunod na tanong ni Melchor sa dating mabait nitong tinig.

"Tumaob po ang traysikel na sinasakyan niya kaninang pauwi siya, tinitingnan pa ho siya ng mga doktor" aniyang pilit na nilakasan ang tinig. Kahit parang hirap siyang magsalita gawa ng matinding pamimigat ng kanyang dibdib dala ng pinaghalo-halong emosyon.

Wala ni isa man ang sumagot, at nang magbukas ang pintuan ng emergency room ay parang isang taong nabaling doon ang kanilang paningin.

"Doc kumusta po ang kapatid ko, ano nang lagay niya?" ang mabilis na naitanong ni Lloyd sa doctor na lumapit sa kanila.

"Hindi na ako magpapaligu-ligoy pa, kailangang masalinan ng dugo ng pasyente sa lalong madaling panahon. Bukod kasi sa maliliit lang na gasgas ay naipit ang paa niya sa aksidente kaya tinamaan ang malaking ugat na nasa itaas na bahagi ng sakong niya o kung tawagin ay tendon of achilles, kailangan nating i-suture iyong sugat o tahiin" diretsahang sagot ng doctor.

Sa narinig ay napahagulhol ng iyak si Selma saka yumakap sa asawa nito. Siya naman ay nanlamig ang buong katawan kasabay ng tila panunuyo ng kanyang lalamunan. Ngunit gayun pa man ay sinikap parin niya ang magsalita. "G-Gawin ninyo ang lahat doc, please save my girlfriend" aniya sa isang nakikiusap at mababang tinig.

Nakita niyang ngumiti ang doktor sa kanya bago nagbuka ng bibig para magsalita. Pero hindi na nito nagawang isatinig ang iba pang gustong sabihin nang biglang galit na nagsalita si Lloyd.

"Tumigil ka! Hindi ka kailangan ng kapatid ko! Malas ka sa buhay niya, sa buhay namin! Wala ka ng ginawa kundi manira ng buhay ng ibang tao kaya ang mas maganda umalis kana dito at huwag mo na siyang lalapitan kahit kailan!" nagbabaga ang mga mata ni Lloyd na umakma pang susugurin siya pero mabilis itong inawat ni Melchor. Habang siya ay dinaluhan naman ni Selma.

"Naiintidihan kita, magpapaliwanag ako sayo pero hindi muna ngayon. Kahit para manlang kay Vinnie, kalimutan mo muna ang galit mo sakin" aniya sa isang nakikiusap na tinig.

Hindi niya alam kung paano niya nagagawa ang unawain at hindi magalit kay Lloyd? Siguro dahil nagawa na nga siyang baguhin ng buo ni Vinnie. Bukod pa doon ay kapatid ito ng babaing pinakamamahal niya.

"At anong gusto mong palabasin na wala akong kwentang kuya ganoon? Kung pera lang ang pag-uusapan kaya namin siyang ipagamot kahit wala ka kaya____" hindi na naituloy ni Lloyd ang lahat ng gusto nitong sabihin nang magsalita si Melchor.

"Tama na iyan! Nasa panganib ang buhay ng kapatid mo anak, hindi ito ang tamang panahon para diyan" anitong tiim ang bagang na tinitigan ang anak.

Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan dahil doon. At makalipas ang ilang sandali ay muling nagsalita ang doktor.

"AB ang blood type ng pasyente. Sa ngayon wala kaming available na type ng kagaya ng kay Miss Lustre sa blood bank ng ospital bukod pa sa iyon ang pinaka-rear na type ng dugo. So if ever___"

Hindi niya maikakaila na nakaramdam siya ng agarang relief sa narinig. "A-Ako doc, t-type AB ako," aniya habang sa puso niya ay ang pag-asang gagaling si Vinnie.

Tumango-tango ang doktor sa sinabi niyang iyon. "Siya nga pala, nakita naming suot ito ng pasyente" anitong iniabot sa kanya ang ankle bracelet na ibinigay niya noon kay Vinnie. Nakalagay iyon sa isang resealable plastic.

Magkakasunod ang ginawa niyang paghinga saka mabilis na muling nag-init ang kanyang mga mata. Ibig sabihin ang bahagi kung saan nakasuot ang bracelet, iyon ang nasugatang parte sa paa ng dalaga.

"Let's go?" anito saka siya makahulugang nginitian.

Tumango siya saka pagkatapos ay isinuksok sa bulsa ng suot niyang pantalon ang bracelet. Nilingon niya ang mga magulang ni Vinnie. Nagtatanong ang mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya. Waring naguguluhan.

"Mahal na mahal ko po ang anak ninyo," iyon lang saka niya sinulyapan si Lloyd na blangko naman ang mga mata. Nginitian niya ito na tumango lang sa kanya.