Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 19 - KABANATA 19

Chapter 19 - KABANATA 19

KINAGABIHAN matapos ang hapunan ay agad siyang inihatid ni JV sa cottage niya.

"Hindi ka pa ba matutulog?" nasa tapat na sila noon ng cottage niya.

"Nagyaya ng chess si Joey eh, promise sandali lang ako," paniniyak nito sa kanya.

Napalabi siya. "Sigurado ka, sandali lang ah."

"Promise, sige na i-lock mo ng mabuti ang pinto okay? I love you," saka siya dinampian ng halik sa labi ng binata.

Madaling araw nang marinig niya ang magkakasunod na katok sa pinto. Sumilip siya sa bintana at nakita niyang si JV ang nakatayo sa labas ng pintuan ng kanyang cottage. Sa pagkakakita sa nobyo ay biglang naglaho ang lahat ng antok na mayroon siya at sa halip ay buong kasabikang pinihit pabukas ang knob.

"Lasing ka?" ang bungad niya sa nobyo.

Mabilis na nagtayuan ang maliliit na balahibo niya sa batok nang malanghap ang alak sa hininga nito.

Namumungay ang mga mata siyang tinitigan ng binata.

"Hindi, nakainom lang," anito saka siya niyakap ng mahigpit.

"Ba't ka nandito? Mamaya may makakita sa'tin," nag-aalala ang tinig niyang turan.

Narinig niyang tumawa ng mahina ang nobyo.

"Alam mo bang baliw na baliw ako sayo?" tanong nito sabay hinawakan ang kanyang mukha saka siya itinulak papasok sa loob ng cottage.

Napangiti siya. "Weh? Sinasabi mo lang yata iyan kasi nakainom ka eh," kinikilig niyang sabi.

Noon inabot ni JV ang knob saka iyon diniinan bago tinulak pasara ang pinto.

"Hindi ako pwedeng uminom ng marami kasi kasama kita. Mamaya may mangyari dito paano kita poprotektahan kung lango ako sa alak?"

"So superman lang ang peg mo ganoon?" buska niya sa binata.

"Kahit sino kaya kong maging, basta para sayo," nakatawa nitong sabi. "kasi mahal na mahal kita," ramdam niya sa mga titig ni JV ang sinabi nito.

Hindi siya sumagot at sa halip ay kusang umangat ang dalawang kamay niya saka dinama ang mukha ng binatang noon ay mahigpit naman ang pagkakahapit sa baywang niya. Ang mga mata ni JV nanatiling nakatitig sa mga mata niya.

Kaya naman kitang-kita niya ang animo'y maliliit na apoy doon. Nginig ang kamay niyang dinama ang makipot at mapupulang labi ng binata.

Siguro ay naramdaman ni JV pag-aalinlangan ngunit kaibigan niyang halikan ito kaya gaya ng dati ay ito na ang yumuko at unang humalik sa kanya. Pero iba ang halik na iyon sa lahat ng ipinaranas na sa kanya ng binata.

Mas malalim, mas maalab, ngunit sa kabila niyon ay dama parin ang pag-iingat. Hindi siya nagprotesta nang maramdaman niyang sinalo ng malambot na higaan ang likod niya. At sa halip, katulad ni JV ay tinugon rin niya ng maiinit na halik ang bawat halik nito sa kanya.

Nang itaas ng binata ang suot niyang cotton shirt ay walang anumang pagtutol na nanulas sa mga labi niya. At nang muli siyang yukuin ni JV para halikan ay mabilis niyong naiwala ang kakayahan niyang umayaw sa anumang naisin nito.

Kaya naman nang maramdaman niya ang kamay nito sa likuran niya na abala sa pagkalas sa pagkaka-hook ng kanyang bra ay nagpaubaya lang siya.

"JV..." anas niya nang maramdaman ang mainit na labi ng binatang humahalik pababa sa kanyang leeg na kalaunan ay nagtagal sa kanyang dibdib.

Sinubukan niyang huwag gumawa ng anumang ingay ngunit nabigo siya. Ang init na nililikha ng mga haplos nito at lalong higit ng bawat daanan ng labi nito ay parang sinisilaban.

Isa sa mga dahilan kung bakit unti-unti ay parang naaabo ang kakarampot na katinuang pinanghahawakan niya nang mga sandaling iyon.

"T-Tama na JV p-please," sinubukan niyang makiusap sa kabila ng katotohanang tila na siya nalulunod sa kaligayahang ipinadarama sa kanya ng nobyo.

"Please, hayaan mo ako," anito sa isang nakikiusap na tinig saka muling sinusian ng halik ang kanyang mga labi.

Naramdaman niya ilang sandali ang kamay nitong ibinababa ang suot niyang pajama. Noon siya tila natauhan, at sa isang iglap ang lahat ng masarap na init na nararamdaman niya kaniya ay parang binuhusan ng malamig na tubig.

Sa takot ay malakas niyang naitulak ang binata. Kasabay niyon ang mabilis na pagbalong ng mga luha niya dala ng matinding insecurity na agad niyang naramdaman.

"H-Huwag, maiintindihan ko kung iiwan mo ako pero hindi ko pa talaga kaya. Natatakot ako" aniyang humahagulhol na hinila ang kumot saka iyon mabilis na itinakip sa half naked niyang katawan.

Agad naman siyang inabot ng binata saka mahigpit na niyakap.

"I'm sorry, I understand. At hindi kita iiwan dahil lang doon, masyado kitang mahal para pagtuunan ng pansin ang mga bagay na hindi mo pa kayang ibigay sa ngayon. Ako ang may kasalanan huwag kang umiyak please," alo nito sa kanya habang pandalas ang ginagawa nitong paghalik sa kanyang buhok.

"KUYA? Kuyaaaaaaaaaaaaa!" tili niya nang makababa sa kotse ni JV kinabukasan ng hapon nang mamataan niyang nakatayo sa may terrace si Lloyd.

"Kumusta ka kulet? Aba malaki ka na talaga ah!" si Lloyd na mahigpit siyang niyakap pagkatapos.

"Na-miss kita!" aniya saka nilingon si JV na kabababa lang ng kotse nito.

"Namiss din ki---," nangunot ang noo niya nang makitang tila nakakita ng multo si Lloyd nang mamataan nito si JV na ngumiti naman dito. "a-ano mo siya?" ang naitanong ni Lloyd habang tiim itong nakatitig kay JV.

"Ah, kaibigan ako ni Vinnie. Ako nga pala si JV, madalas kang ikwento sa akin nitong kapatid mo" si JV na iniabot pa ang kamay kay Lloyd pero nakapagtatakang hindi iyon pinansin ng kapatid niya.

"Kilala na kita, taga-SJU rin ako noon. Alam ko rin na apo ka ng isa sa apat na founder, anyway makakalis kana. Salamat sa paghatid mo dito sa kapatid ko," anitong lantaran ang ginawang pagtataboy sa binata.

Hindi niya maitatanggi ang inis na naramdaman sa kapatid. Lalo na nang sulyapan siya ni JV bago ito tumalikod para tunguhin ang kotse nito.

"JV!" hindi niya napigilan ang sariling tawagin ang nobyo na nakangiti namang lumingon sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang maramdaman ang kamay ni Lloyd sa braso niya. Pero binawi niya iyon saka patakbong nilapitan ang nobyo.

"Pasensya kana, magkita nalang tayo sa school bukas ha? Tapos mamaya tawagan mo ako," aniya sa tinig na alam niyang hindi na aabot sa pandinig ni Lloyd.

Tumango lang ang binata. "I love you," anito bago siya makahulugang nginitian.

Madilim ang mukha ni Lloyd nang harapin niya ito. Alam naman niya kung bakit, may usapan sila at malamang naghihinala na ito. Pero wala sa plano niya ang makipaghiwalay kay JV. Kahit ang kapatid pa niya ang humadlang sa pagmamahalan nila.