Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 16 - KABANATA 16

Chapter 16 - KABANATA 16

"I'M in love with you Miss L, so much," hindi siya nakapagsalita sa narinig. At sa isang iglap ay nahilam ng luha ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.

"Hindi ako nagkamali ng naramdaman when I first laid my eyes on you nung Foundation Ball. That my wait is over," anito.

"T-Totoo, m-mahal mo ako? H-Hindi ka nagbibiro? E-Eh, sino iyong sinasabi mong nililigawan mo?" patuloy sa pagluha niyang tanong.

"Dun sa tanong kung sinong nililigawan ko, ang totoo style ko talaga iyon para mapaibig kita. Napaka-ilap mo kasi at ako naman, hindi ko alam kung paano ka didiskartehan. At totoong mahal na mahal kita, hindi ako nagbibiro. Noon pa mang una kitang nakita may naramdaman na akong kakaiba, at lalong sumidhi iyon nang makasakay kita sa traysikel," paliwanag nito.

"Ginawa ko naman lahat ng gusto mong style nang panliligaw di ba? Kinantahan kita, binigyan ng flower at chocolate, dinala sa isang romantic place ngayon, dito at nung gabing birthday ni Hara sa ilalim ng bilog na bilog na buwan. And I treated you just like how I treat my Mom. Sa tingin mo gagawin ko ang lahat ng iyon kung hindi kita mahal?" si JV.

Nang manatili lang siyang nakatitig sa binata ay nagpatuloy ito sa iba pang nais nitong sabihin.

"Iyong pagkakapili sayo bilang leading lady ko masasabi kong pagkakataon na ang may gusto nun. And for me, nakita ko iyon as sign" noon sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya. "binigyan nun ng justification ang naramdaman ko habang sinasayaw natin ang The Last Waltz nung gabi ng Foundation Ball. At nang makasakay kita sa traysikel noon ko narealized na siguro tama lang na huwag na kitang pakawalan. Kaya nakita mo noon pa man gumawa na ako ng paraan para malapitan ka lagi? At masaya akong magaling makisama sakin ang pagkakataon. Ngayon kung hindi ka parin naniniwala, ano sa tingin mo ang pwede kong gawin para mapapaniwala kita?" pagpapatuloy nito.

Sa haba ng narinig niyang paliwanag kay JV ay nakangiti siyang napalabi nalang bago nagsalita. "K-Kiss me" paanas niyang sagot. Nanlaki ang mga mata niya nang mabilis pa yata sa hangin nang angkinin ni JV ang nakaawang niyang mga labi.

"Akala ko ba good kisser ka?" tukso niya nang makalipas ang ilang sandali ay pakawalan nito ang kanyang mga labi. "may good kisser bang nambibitin?" dugtong pa niya.

Noon nangingislap ang mga matang umangat ang mga kilay ng binata. "Ah, at hinahamon mo ako huh!" ngiting-ngiting turan ni JV saka kinurot ang kanyang baba.

Inirapan niya ito pero nakangiti.

"I love you Miss L, okay lang ba sayo kung ako ang maging husband years from now?" ang layo ng mukha nito sa kanya ilang pulgada nalang yata kaya para siyang mawawala sa sarili dahil sa bango ng hininga nito.

"Choosy pa'ko? Eh kung tutuusin ikaw itong pang-Hollywood ang karisma?" noon umangat ang kamay niya saka buong pagmamahal na humaplos sa napaka-gwapong mukha ng binata.

"So that means yes?"

Magkakasunod siyang tumango. "I love you too, at itong nararamdaman ko para sayo, sapat na itong dahilan para ipaglaban kita," madamdamin niyang saad.

"They will never know, kahit ang mga kaibigan ko hindi nila malalaman ang tungkol sa atin hanggang sa dumating ang time na pwede na," parang gusto niyang humagulhol ng iyak sa sinabing iyon ng binata.

"A-Ano nalang ang sasabihin nila? Kilala ka pa namang playboy, hindi nawawalan ng girlfriend. Tapos bigla ganito?" aniya sa kabila ng pagpipigil na maiyak.

"They can say anything they want to say. Madali ng tawanan ang lahat ng iyon lalo na kung para sayo," anang binata saka nito buong pagmamahal na hinagkan ang kanyang noo.

Humahagulhol siyang yumakap ng mahigpit kay JV na ginantihan rin nito ng mas mahigpit pang yakap.

"You made me feel so blessed alam mo ba Miss L? And this time, ang nararamdaman ko para sayo, alam kong it will last forever," saka itinaas ni JV ang mukha niya. "Pa-kiss?"

"Naiinip na nga ako eh, kanina pa," aniyang suminghot muna bago ikinawit ang dalawang kamay sa leeg nito.

Noon siya niyuko nang binata saka muling maingat na hinalikan. At noon niya lubusang napatunayang first kiss is the sweetest. Parang alak na inimbak ng matagal kaya nang malasahan iyon ng kanyang mga labi ay tuluyan na nga siyang nawala sa sarili niyang katinuan.

Gusto niya ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Ramdam niya ang pagmamahal at paggalang. Maging ang pag-iingat nito.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka nilasap ng husto ang matamis na halik ng binata. Dahil kung siya ang tatanungin, parang ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon. Ang makulong sa mga bisig ng lalaking pinakamamahal niya habang mainit nitong hinahagkan.

NAKIUSAP sa kanya si Vinnie na hayaan nalang si Irene sa ginawa nito. Noong umpisa ay ayaw niyang pumayag, pero sa kalaunan dahil sa pamimilit nito ay napahinuhod narin siya ng kasintahan.

Isa ang ugaling iyon ni Vinnie sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal niya ito. Pero sa kabila ng pagbibigay niya ay nakarating parin ang issue sa College Dean ni Irene. Iyon ang dahilan kung bakit pinatawan ang dalaga ng dalawang linggong suspensyon.

Awtomatiko siyang napangiti nang matanawan si Vinnie kasama ang kapatid niyang si Hara na papasok ng canteen.

"Kuya!" bati sa kanya ni Hara nang mamataan siya nito kasama ang tatlo pa niyang kaibigan.

Tinanguan lang niya si Hara saka matamis na nginitian si Vinnie pagkatapos. Minabuti kasi nilang ilihim nalang muna ang tungkol sa kanilang dalawa. Para rin kasi iyon sa kapakanan ng dalaga.

Alam niyang hindi pa ito pwedeng makipagnobyo kaya siya na mismo ang nagsuhestiyon na ilihim nalang nila ang kanilang relasyon hanggang sa panahong makapagtapos na ito.

"Kayo na ba?" narinig niyang tanong ni Raphael nang manatiling nakasunod ang paningin niya kay Vinnie.

Parang nagulat pang magkakasunod siyang napailing.

"Hindi ah!" pagsisinungaling niya.

"Ikaw naman pare umamin kana, eh kung magsulyapan kayo halata namang may kakaiba eh," si Lemuel iyon na nanunukso pang tinapunan ng tingin sina Dave at Raphael.

"Hindi nga, bakit ba ang kukulit ninyo?" kunwari ay inis niyang sabi. Nagkibit lang ng balikat ang tatlo.

"Kumbinsihin mo nga ako," buska sa kanya ni Dave na sinundan pa ang sinabi ng isang mahinang tawa.

"Tumigil ka, baka mamaya marinig kayo alam niyo ng mahiyain iyon," naisip niyang sabihin sa kagustuhang tigilan na siya ng tatlo at nagtagumpay naman siya doon.

Sa totoo lang gustong-gusto niyang gawin iyon. Ang ipagmalaki at ipagyabang sa lahat na girlfriend na niya si Vinnie, pero alam niyang hindi pwede.

At dahil mahal na mahal niya ang dalaga, gaya nga ng sinabi niya rito noong isang araw sa kampanaryo. Kaya niyang isakripisyo ang lahat makasama lang ito.