Chereads / Animated Love / Chapter 53 - Chapter 52

Chapter 53 - Chapter 52

Huminga ng malalim si Shanelle saka tinignan si Gab ng seryoso. "Gab, I'm sorry. Even though, I can't accept now, I really do understand you. Love is a kind of strange thing. I loved him. I knew it was impossible when we started, pero in the end nakakita ako ng maraming bagay to even love him more. Until now, kahit na maliwanag na tapos na kami, pero yung puso ko umaasa parin, gaya ng dati. Gabrielle, sana di ka maging tulad ko." Napangiti siya. "Alright, wag na nating pag-usapan ang mga bagay na ito. Kumain na lang tayo at i-enjoy ang masasarap na pagkain." Shanelle takes her glass of wine saka inilahad kay Gab.

Tumango naman si Gab saka nakipag toast sa babae.

Prente namang nakaupo si Chihoon sa table malapit sa kinaroroonan nila Gab at Shanelle. Di niya alam kung matutuwa siya na di tinanggap ni Shanelle ang proposal ni Gab o malulungkot dahil maybe in the future, she will, once she forgets about him.

Bigla namang may nag-ring sa phone ni Gab kaya sinagot niya agad ito. Pinapakinggan naman ni Chihoon ang sasabihin ng lalake upang makakuha din ng ideya kung nasaan si Red Hubert.

"Hello?"

"Gab, Red Hubert finally came out from hiding. Aalis siya ng bansa on a 5PM flight bukas."

"Very good. Mag-aantay niyan tayo bukas sakanya sa airport."

________

"Hello? I'm on my way to the airport," sambit ni Red Hubert sa kausap sa phone habang nagda-drive papuntang airport. "Of course. I'm the one driving. I can only live a little longer if I'm a bit careful. I'll call you when I get off the plane." He turned off his phone.

Sinusundan naman ni Chihoon ang sasakyan ni Red.

Nakarating na din sina Gab at ang team niya sa airport para hanapin si Red Hubert.

"Jackson, Charm, go over there," Gab said pointing to the right direction. "you two go there," sambit naman niya sa dalawa pang kasama nila sa left side.

Hinanap nga nila ang lalake sa mga taong nandun pero wala silang nakitang Red Hubert na nandun.

Gab speaks to his communication device. "Attention all of you, madaming mga tao siguraduhin nyong hindi kayo magco-cause ng fuss pag hinuli na ninyo ang target."

"Got it," sagot naman ng mga kasama.

Pumasok si Red sa parking lot habang nakasunod lang sakanya ang sasakyan ni Chihoon. Lumabas na si Red at kinuha ang luggage niya saka naglakad.

Tingin naman ng tingin si Gab sa relo niya saka sa schedule ng flights then sa mga tao na naman. Ilang minuto na kasi ang lumipas pero di parin nila namamataan ang target nila.

Habang naglalakad naman si Red naramdaman niyang parang may tao sa likuran niya kaya lumingon siya pero wala naman siyang Nakita. Then biglang dumating ang isang misteryosong lalake na naka mask na naghandang saksakin siya.

Umiwas siya at lumaban. Itinapon niya sa lalake ang luggage na hawak niya saka sinipa ito sa tiyan. Pero naka recover agad ang misteryosong lalake saka winasiwas ang kutsilyo sakanya at nasaksak nga niya si Red sa tagiliran.

Pilit na hinawakan ni Red ang kamay ng lalake na nakahawak sa kutsilyo saka tinanggal ito sa pagkakasaksak sa tagiliran niya. Tinaas ng misteryosong lalake ang kamay at inambahang sasaksakin si Red sa mukha pero buong lakas na pinipigilan ni Red ang kamay nito.

Bigla namang natumba ang misteryosong lalake dahil sa pagsuntok ni Chihoon dito. Napadausdos si Red pababa habang hawak hawak ang tagiliran niyang nasaksak.

Napalaki ang mga mata ng misteryosong lalake pagkakita kay Chihoon kaya bigla siyang napatakbo palayo.

"Save me," mahinang sambit naman ni Red. "Call an ambulance. Save me."

Bigla naman siyang nilapitan ni Chihoon. He bends down para matignan ng Mabuti ito. He takes off Red's sunglasses. "were finally meeting again," sambit ni Chihoon saka biglang sinakal ito. Malakas niya itong sinasakal habang pinapatayo mula sa pagkakaupo nito.

Malalaki naman ang mga mata ni Red habang hinahawakan ang kamay ng lalakeng sumasakal sakanya.

Mas tinaas pa ni Chihoon ang lalake habang hawak-hawak ito sa leeg.

Di na din mapakali sina Gab at ang iba sa airport. "Jackson samahan mo ako sa parking lot," aniya dito.

"Got it," sambit naman ni Jackson at iniwan ang kasa-kasamang si Charm

"Everyone else stay where you are and wait for further orders," ani Gab sa ibang kasama saka tumakbo papuntang parking lot.

"S-sino ka? D-di kita k-kilala..." nahihirapang sambit ni Red sa pagkakasakal sakanya. Madami na din ang nawawalang dugo sakanya dahil sa pagkakasaksak ng tagiliran niya.

"When your blood is drained drop by drop, you'll naturally recall it!" galit na sigaw ni Chihoon habang matatalim ang matang pinupukol sakanya.

"Uck...uckkk...s-sino k-ka? W-wala naman...uckkk akong alam na g-ginawa ko sayong m-masama. M-may nag...p-padala ba sayong p-patayin ako? M-magkano ang b-binayad niya sayo? D-dodoblehin ko..." hirap na sa pagsasalitang sambit parin ni Red. "I'll p-ay you ten times more. J-just let me go..."

Bigla namang naramdaman ni Chihoon ang pagdating ng mga pulis sa parking lot. Nakita nila Gab at Jackson ang duguang kamay sa likod ng dingding kaya naglabas agad sila ng baril at dali-daling naglakad papunta dun.

Nang maramdaan ni Chihoon na nawawalan na ng malay ang lalake, binitawan niya ito saka mabilis na umalis. Nakita naman nila Gab at Jackson ang nakahandusay na katawan ni Red sa lupa. Daling dinama ni Gab ang pulso ng lalake. "Fast call an ambulance!" sigaw ni Gab na madali namang ginawa ni Jackson.

_______

Inantay nila Gab na matapos ang operasyon ni Red sa ospital. "Doctor, kumusta siya?" tanong ni Gab pagkalabas ng doctor.

"Luckily, hindi natamaan ang mga vital organs niya. Nagising na din ang pasiyente," sagot naman ng doctor.

"Pwede ko na ba siyang makausap ngayon?" tanong ulit ni Gab.

"I'm afraid you can't right now. Antayin mo nalang na mai-transfer siya sa kwarto niya mamayang gabi."

Napatango nalang si Gab dito. "Salamat."

Inantay nga ni Gab na mai-transfer ito saka pinuntahan sa kwarto niya. Nakita naman niya itong gising na. "Mr. Red Hubert, can we talk?" pinakita niya ang ID dito.

Napabuga ng hangin si Red. "I'm very thankful that you saved me," sambit niya kay Gab. "But before my lawyer comes, I don't want to say anything."

Nang gabing yun, may nagbantay na pulis sa labas ng kwarto ni Red.

Sa nurses area naman, nakarinig ang mga nurse ng parang nag-aaway sa isang room. Dahil sa pagkakaalam na may pulis sa kabiang room, tinawag nila ito, kaya napilitan ang pulis na iwan ang kwarto ni Red.

Nang mapansing wala na ang bantay na pulis, pumasok na naman ang misteryosong lalake na nakadamit ng white gown na parang doctor. That was 23:20 in the evening. Natutulog na si Red sa kwarto niya noon.

Maingat na pumasok ang lalake saka nilabas ang tali sa bulsa. Nang isasakal na sana yun ditto, bigla namang nagbukas ng mata si Red kaya napagulong siya pababa ng kama. Sinubukan niyang tumakbo pero dahil masakit pa ang sugat, di siya makalakad ng maayos kaya nahuli siya ng lalake at nasakal ng tali ang leeg niya.

Malakas na pinipilipit ng lalake ang tali sa leeg ni Red. Malalaki na din ang mga mata ni Red dahil sa pagkakasakal ng leeg niya. Bigla namang dumating si Chihoon at hinarap ang lalakeng sumasakal kay Red. Tinanggal niya ang mask nito at nakitang si Detective Lopez ito.

"How come it's you?" takang tanong ni Chihoon.

Mabilis kumuha ng vase si Detective Lopez at ibinato kay Chihoon ngunit nakailag ang huli. Mabilis namang tumakbo na naman palayo ang detective. Sinundan ni Chihoon ito sa labas ng kwarto ni Red ngunit nakalayo na siya.

Tinignan ni Chihoon si Red na gumagapang sa lupa papalabas ng kwarto. Mabilis namang umalis si Chihoon sa lugar.

Sakto naman nung dumating ang pulis na nagbabantay sakanya. Mabilis na pinuntahan niya ang lalake. "Mr. Hubert, anonga nangyari sayo?" anang pulis. "Doctor! Doctor! Dito!" tawag niya sa mga doctor.

_________

Nasa itaas naman ng rooftop ng ospital si Chihoon. Kasalukuyan niyang pinagkukumpara ang old photo kung saaan andun ang mukha ni Red Hubert sa dati niyang tahanan at ang picture ni Shanelle sa museum para Makita kunag anong na miss niya ukol sa lugar na iyon. Pinagkumpara niya ang mukha ng lugar.

Naalala na naman niya ang engkwentro nila ni Red kahapon. Kung pano niya sabihing di siya nito kilala. At ang pagkakakita niya kay Detective Lopez sa ospital habang gusto niyang patayin ang lalake. Napabuga siya ng hangin.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang bigla namang nag-ring ang phone niya kaya sinagot niya ito.

"Hello Kuya Chihoon, sinend ko na ang picture sa shop ng kaibigan ko na isang professional photo shopper," ani Jam mula sa kabilang linya. "Tignan mo ang crack sa brick na nasa left side ng pisngi ng lalake sa picture. Merong isang napakaliit na curvature na sa sobrang liit ay mahirap Makita. Mukhang photoshopped ang larawan na iyan kuya. Malakas ang kutob kong fake yang larawan na iyan."

"Salamat sa impormasyon. Alam ko nang na deceive nila ako."

"t-teka Kuya Chihoon. A-ano... talaga bang nakipag-break ka na kay Shanshan?"

"Bakit? Kailangan ko bang i-report ang mga ganitong bagay sayo?"

Napapangiti si Jam sa kabilang linya. "Kuya Chihoon ang tabas ng dila mo ay nagiging tulad na ni Shanshan. Napaka manly mo talaga!"

"Shut up! I'm hanging up," aniya saka binaba na ang tawag.

______

Kasalukuyan namang pinapanood nila Gab at Jackson ang CCTV footage sa ospital kung saan tumatakbo si Detective Lopez palayo.

"Stop, backwards," sambit ni Gab kay Jackson. "Here. It's this person. Pwede mo ba yang i-zoom para mas Makita ang mukha niya?"

Zinoom nga ni Jackson ito. "Gab, the fox's tail is showing up. Tignan mo kung sino yan."

"Detective Lopez?" sambit ni Gab nang Makita ng mas maliwanag ang mukha niya. "Request an arrest and a search warrant, let's do it this way."

________

Pumunta naman si Chihoon sa office ni Detective Lopez upang tumingin ng bagay na magbibigay impormasyon kung sino talaga ang totoo niyang kaaway. Tinignan niya ang buong lugar at binuksan ang mga cabinets.

Hanggang sa mahagip ng mata niya ang nakasaksak pang charger ng laptop na wala namang laptop na chinacharge.

Binuksan niya ang ibang mga cabinets upang hanapin ng laptop nacompatible sa charger na nakuha niya. May cabinet siyang hindi mabuksan dahil naka lock ito. Pinilit niyang buksan ito at Nakita nga niya sa loob ang isang laptop.

Bigla naman siyang nakarinig ng police mobil kaya mabilis na siyang lumabas sa lugar.

_________

Kasalukuyan namang nasa bahay ni Jam si Shanelle. Busy si Jam sa paglalaro sa game box niya nang may kumatok sa pinto kaya napilitan si Shanelle na buksan ang pinto.

"Someone can die if you deliver the pizza this late," aniya na nakahawak sa wallet at naglalabas ng pera na di tinignan kung sino ang taong dumating.

"Bat ka nandito?" tanong ni Chihoon nang Makita na si Shanelle ang nagbukas ng pinto.

Bigla naman siyang tinignan ni Shanelle saka awkward na tinuro si Jam. "Jam bought a new game."

"I'm here to find Jammier Yu. Nandito ba siya?" tanong ni Chihoon.

"P-pasok ka," sambit ni Shanelle saka niluwagan ang pinto upang makapasok si Chihoon.

"Anjan na ba ang pizza? Tapusin ko lang tong nilalaro ko," sambit ni Jam na nasa TV ang focus ng mata habang hawak hawak ang controller.

Kunutusan naman ni Chihoon ito kaya napalingon si Jam. "Prince Chihoon?" taas kilay niyang sambit.

Marahas na tinanggal ni Chihoon ang headphone niya. "Prince Chihoon? You want to die uh?"

Sinilip naman ni Jam si Shanelle saka pinagmukhang matapang ang mukha sa harapan ni Chihoon. "SI Shanshan lang ang may karapatang pumalo ng ulo ko. Ikaw Prince Chihoon, wala kang utang na loob na halimaw ka!" sinilip na naman niya si Shanelle saka lihim na kinikindatan si Chihoon. Siyempre ipapakita niya sa babae na nasa kanya lang ang ang loyalty niya para taasan ang sahod niya pero lihim na loyal din siya kay Chihoon. "Loyalty ako kay Shanshan lamang!"

Nangingiti naman si Chihoon na tinitignan ang lalake.

"Tama na yan, tama na iyan, sambit ni Shanelle. Di ka magkakaroon ng mas mataas na sahod dahil sa pinapakita mong loyalty. Di man kami pwedeng maging lovers, but were still friends. Stop being so noisy."

Bigla namang ngumiti si Jam kay Chihoon. Pumunta siya upang linisin ang upuang uupuan ni Chihoon sa tabi ni Shanelle habang di natatanggal ang ngiti niya dito. "Kuya Chihoon upo ka dito."

Umupo nga si Chihoon sa upuan katabi ni Shanelle. Umalis naman si Jam para kumuha ng juice. Naging awkward naman ang hangin sa pagitan nila Shanelle at Chihoon. Bahagya nilang nilingon ang isat isa saka uwimas din.

"Jam help me with something," sambit ni Chihoon nang dumating na si Jam hawak hawak ang dalawang juice. Pinatong ni Jam ang dalawang baso sa table saka kinuha ang inaabot na laptop ni Chihoon. "I need the files inside. Take a look for me."

Binuksan ni Jam ang laptop. "Gusto mo bang I encrypt ko ang file o i-restore?" aniya na sa laptop ang tingin.

"I might need both. Tignan mo muna ang mga hidden files diyan," sagot ni Chihoon.

"Okay! Iniisip ko palang na sisilipin ko ang privacy ng iba nakaka exciting na," nangingiting sambit ni Jam pero bigla ding napawi ang ngiti niya. "Di kaya ako makukulong dito?"

"Wag kang mag-alala, ang taong may-ari niyan ay isang murderer at wanted ng mga pulis," sagot ni Chihoon.

"Wala niyang problema. Ako nang bahala dito," aniya saka iniwan na ang dalawa.

"Nahanap mo na ang kaaway mo?" tanong ni Shanelle na di nakatingin sakanya.

Umiling si Chihoon. "Di pa. Ayaw mo bang hanapin ko siya?" tanong ng lalake dito.

"How can that be? Ayaw ko lang ikaw mapahamak," mahinang sambit ni Shanelle.

"Really? I'm really not afraid of troubles," ani Chihoon. "Losing my memories is what's troublesome."

"You're not troublesome at all. You've helped a lot." Di makapaniwala si Shanelle na nakakapag-usap na sila ng ganito ng lalake after nilang maghiwalay. Though its a bit awkward to talk to each other, but for her its better that way.

Napangiti si Chihoon saka nilingon ang babae. "That's fine then. Most couple end up hating each other after a break-up. Especially chaotic people."

Bahagya siyang nilingon ni Shanelle saka tumingin sa ibaba. "Alam ko na may konti kang galit sa akin sa puso mo. After all, I didn't treat you well at first. You told me many things, but I didn't really respect you. So...its normal for you to hate me. I can understand."

"Di ako galit sayo," sambit ni Chihoon na nakatingin sakanya.

Ngumiti ng mapakla si Shanelle. "It looks like you don't even have the feeling to hate me." Napabuga ng hangin ang babae. "That's great then. That's the best. This means we returned to the starting point. It's a good thing."

"Thats not what I mean. What I'm saying is---"

"Cool! Isang kumplikadong encryption!" narinig nilang sambit ni Jam. "Halikayo dito at tignan ito!"

Nauna namang tumayo si Shanelle. Bumuntung-hininga si Chihoon saka tumayo na din.

"How is it? Did you break into it?" tanong ni Chihoon kay Jam na sinilip ang ginagawa.

"Di naman problema. Kaya lang kailangan ko ng mas mahabang panahon," sagot naman ni Jam.

"Aren't you the poop hero? Why are you so useless?" sambit na naman ni Chihoon.

"Kuya Chihoon, ganyan ba ang tamang ugali ng tao na humihingi ng tulong?" nagtatampong sambit ni Jam.

Nanatili namang tahimik si Shanelle. She really feels uneasy parin habang andiyan si Chihoon. Actually, pinapa okay lang niya ang sarili, but deep inside, it's still hard for her. But she wants to move on, gaya na din ng gusto ng lalakeng gawin niya. Ang limutin nalang lahat. Bigla niyang kinutusan si Jam. "Anong ugali ang sinasabi mo? Gusto mo ba na paliguan ka pa namin at damitan saka gawing government official?"

Tinaas ni Jam ang dalawang kamay saka tinuloy na ang ginagawa.

Pagkatapos nilang iwan si Jam, nagprisinta si Chihoon na ihatid si Shanelle sa labas ngunit nakalayo na sila pero nakasunod parin ang lalake sakanyaa. Nanatili naman silang walang imikan habang naglalakad.

Napatigil naman ng lakad si Shanelle at nilingon ang lalake. "Saan ka pupunta?"

Nginuso niya ang left side ng daan. "That way," sagot niya ditto.

"T-then... I'll go this way," sambit naman ni Shanele na tinuro ang right side.

Nanatiling tahimik si Chihoon ng ilang Segundo saka tumango. "Goodbye," aniya saka nagsimula ng maglakad.

Unti-unti na ding tumalikod si Shanelle saka naglakad na opposite of him. Tumigil si Shanelle halfway saka nilingon ang daang tinahak ng lalake. Halos mapatalon naman siya sa gulat ng Makita na nasa harapan na niya ito.

"Do you have time right now?" biglang tanong ni Chihoon sakanya.