*Alliah's POV*
*Flashback*
Ang sarap talagang mag-unwind dito sa park matapos magreview dahil sa napakaraming exam namin ngayong araw. Preskong hangin, luntian at malalaking mga puno, huni ng mga ibon na nagsisilbing background music habang pinagmamasdan ko ang mga batang masayang nag-lalaro malapit sa fountain. Parang nawala lahat ng nasa utak ko at gumaan ito...
"ahahaha taya! Habulin moko!" rinig ko ang malulutong na tawa at halakhak ng mga bata, kasabay rin nito ang pag-ihip ng hangin na pinapasayaw ang mga hibla ng aking buhok.
"Di moko mahuhuli.. Hahahaha.."
Nakaupo ako ngayon sa grass, sa ilalim ng lilim ng isang century tree. Nag-aantay ng paglipas ng oras.
"Kadate ka rin ba niya?"
"Yun ang sabi niya saken pumunta daw ako dito sa park. Date daw kami."
"TWO TIMER PALA TALAGA ANG BWISIT NA YUN!!"
"Gusto ko siyang sagasaan ng pison!"
"Sinumbong ko na kay kuya kaya lagot siya."
"Sarap ihulog sa malaking naglalagablab na pugon! Gusto ko siyang i-cremate ng buhay!"
Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang babae na dahan-dahang naglalakad. Napatingin kasi ako sa likod at nakitang nakunot pareho ang noo ng dalawa at parang galit na galit doon sa lalaking pinaguusapan nila, schoolmate ko yata sila kasi nakauniform din sila kagaya saken.
Hinayaan ko na lang yung dalawa bagkus itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga batang masiglang naglalaro ng habulan. Buti pa sila walang ibang iniisip kundi ang maglaro lamang buong araw at magpakasaya.
Noong bata ako gusto ko agad tumanda para maranasan yung mga bagay na mga nagagawa ng mga taong nasa tamang edad. Ngayon gusto ko na ulit maging bata para makapagsaya ulit, simpleng mga bagay lang naman kasi ang gusto ng isang bata, candy at laro ngunit pag tumanda ka na mas marami ka nang gugustuhing bagay na makamit sa iyong buhay. Ang masaklap pa kung ano ang bagay na wala sa'yo yun naman ang bagay na gusto mo.
"Hi! Pwede bang tumabi sa'yo?" Tanong ng isang matangkad, mestizo at estrangherong lalaki na nakasuot ng dirty white na T-shirt at pawis na pawis.
"Ahmm si-sisige.." Nagdadalawang isip ako sa sagot ko sakanya pero mukha naman kasi siyang estudyante na mabait.
Naupo siya sa tabi ko at pinunasan niya ang makinang na mukha dahil sa pawis sa pamamagitan ng kanyang asul na panyo.
"Pwedeng makahingi ng tubig?" Tanong niya saken no'ng matapos siyang magpunas ng mukha. Pero medyo basa pa rin ang kanyang buhok dala ng pawis niya kanina.
Mula sa aking bag kinuha at iniabot ko sakanya yung dala kong bote na may lamang mineral water.
Tumingala siya at agad niyang ininom at linigok ang lamang tubig, halatang-halata ang kanyang pagkauhaw sa bilis ng pagkakaubos niya sa laman ng boteng iniabot ko sakanya.
"Hoy! Demonyo ka! Lagot ka sakin pag-naabutan kita!" Galit na sigaw no'ng isang maskuladong lalaki na nakaitim na t-shirt at tumatakbo siya papunta sa direksyon namin.
May atraso yata sakanya itong lalaking katabi ko ngayon.
"Tayo! Takbo!" Malakas na sabi no'ng lalaki , hinawakan niya ako sa aking kanang kamay at hinila ako papaalis sa lugar na aming kinauupuan. Mabilis akong nakasabay sa kanyang pagtakbo dumaan kami sa isang makitid na kalsada-iyon ay naging makitid dahil sa mga nagtitinda ng barbecue, prutas, fish ball, mani, at mga ibat-ibang uri ng ulam.
"Teka! Bat ba hinihila mo ako?" Tanong ko sakanya habang patuloy pa rin sa pagtakbo marami na kaming nakakabanggang mga tao dahil siksikan na.
Hinihingal na ako, tumutulo na ang pawis ko mula sa aking mukha, ang layo na ng tinakbo namin.
"Andito na tayo!" Saad no'ng lalaki saken no'ng marating na namin yung lugar kung saan siksikan ang mga bahay, may mga nakahubad na tambay na nag-iinoman sa gilid ng kalsada at mga marurungis na batang naglalaro sa gitna ng daan.
"Pasensya na ha' nadamay ka pa sa gulong pinasok ko. Sorry talaga, sorry.." Ramdam ko sa boses niya ang sinseridad sa paghingi ng tawad. Ang posisyon ng kanyang kamay ay parang nagdarasal habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Ok lang saken yun. Bakit ka ba kasi hinahabol no'ng lalaki?" Tanong ko sakanya habang pinagmamasdan ko pa ang paligid, ngayon ko lang nakita ang gano'ng kalagayan akala ko kasi sa pelikula lang yun makikita.
"Kasi niloko ko yung kapatid niya, hindi ko naman talaga mahal yun pinagbigyan ko lang." Tugon niya saken habang sinusundan ko siya sa paglalakad.
Ang gwapo naman lakas ng appeal niya, talagang pinagbigyan?
"Ako pala si Alliah, ikaw?" Tinanong ko ulit siya habang pinupunasan ko ang pawis ko sa likod.
"Ivan ang pangalan ko. Pahinga ka muna sa bahay namin kung gusto mo." Alok niya saken habang tumatawid kami sa kahoy na tulay, malayang nalalanghap namin ang masangsang na amoy mula sa maduming ilog, mga lumulutang na plastik na puno ng basura, diapers, putol na tsinelas, mga basang karton, at nabubulok na pinagbalatan ng mga prutas ang makikita sa sapa.
"Ayoko baka may gawin kang masama saken. Baka gahasain mo'ko" Natatakot kong sagot, palayo na kasi kami ng palayo sa kalsada at mas nagiging makitid at pasikot-sikot pa ang daan.
"Kung may gagawin akong masama sa'yo dapat kanina ko pa ginawa. Maliban na lang kung gusto mo,magsabi ka lang pagbibigyan kita." Mahanging sagot ni Ivan, at mas lalo pa akong kinabahan sa mga sinabi niyang iyon.
"Kuya Ivan, girl friend mo? Ang ganda naman niya." Wika ng isang nakasalubong naming batang lalaki na nakasuot ng punit-punit na brown na sando.
Ngiti lang ang naisagot sakanya ni Ivan at nagpatuloy kami sa paglalakad mas madilim pa ang aming dinaanan, wala ng streetlight na nagbibigay tanglaw sa daang aming tinatahak.
"Ivan!! Sino yang kasama mo? lintik ka! Mag-aasawa ka na!!!?" Bungad sakanya ng isang matabang babae na nakadaster no'ng pagpasok namin sa gate na gawa sa kinakalawang na yero.
"Wag mo na lang pansinin ang tita ko Alliah, ganyan talaga yan pinaglihi sa sama nang loob." Pabulong na sinabi saken ni Ivan na napakamot ulo na lang sa sinabi ng kanyang tita.
"Ano Ivan!!!? Wala na nga tayong makain nagdagdag ka pa ng palamunin!!!" Sigaw ulit no'ng tita niya na nakapamewang pa.
"Tita, hindi po... kaibigan ko lang siya." Paliwanag ni Ivan sakanyang galit na galit na tita.
Pinagmasdan ko ang loob ng bahay nina Ivan ang kusinang karugtong lang ng sala ay may hapag kainang tila apat na tao lamang ang kasya. May hagdanang gawa sa marupok na kahoy, inaanay na ito at kupas na rin ang pintura. Madumi at luma ang sopa kung saan ako nakaupo. May ilaw na bombilyang napapaligiran na ata ng sapot ng gagamba. Ang tiles ng sahig ay di malaman kung ano bang kulay dahil sa mga duming nakakapit na dito. Mainit, masikip , magulo at marumi ang bahay.
Meron palang ganitong bahay sa totoong buhay, nakikita ko lang ang ganito sa mga palabas na pinapanood ko.
"Kaibigan? Bat mo siya pinapunta dito?!!! Kung makapag imbita ka akala mo'y kay ganda ng bahay mo ha!" Pagalit pa ring sabi ng kanyang tita.
"Magpapahinga lang siya. Madali lang naman 'to tita." Tugon ni Ivan na kumukuha ng isang basong tubig at ibinigay iyon sa akin.
Ang basong gawa sa plastik ay medyo marumi din pero kinuha ko pa rin iyon alangan namang tanggihan at ibalik ko pa nakakahiya naman baka mas magalit pa yung tita niya.
"Alam ko uhaw ka dahil sa mahabang pagtakbo natin kanina." Maamong sambit niya saken at naupo sa tabi ko.
"Wala tayong ulam ngayon baka magtagal pa siya!!" Dagdag pa ng kanyang tita, inirapan ako bago pumanhik ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Hindi na sumagot si Ivan sa sinabi ng kanyang tita bagkus tumingin ulit siya saken at nagpaliwanag.
"Matagal ng ganyan ang tita ko, tumanda kasing dalaga. Pasensiya ka na ulit ha."
"I want to go home na Ivan, baka mas magalit pa yung tita mo. Lagot tayo sakanya." Tugon ko kay Ivan. Naawa ako sa kalagayan nila dito. Hindi ko yata kayang mabuhay sa ganitong uri ng kapaligiran at pamumuhay.
"Oyyy!! Si kuya may girlfriend na!! yieeeeee!!!" Tukso sa kanya ng batang nakasalubong namin kanina.
Pumasok na siya sa loob ng bahay, inilagay ang kanyang plastik na dala na may lamang ulam sa maliit na kahoy na mesa at naupo siya sa tabi ng kanyang kuya.
"Nagkakamali ka Adrian hindi ko siya girl friend nadamay lang siya sa gulo na pinasok ko. Ikaw talagang bata ka kung anu-ano pinag-iisip mo." Katwiran niya tapos ginulo ang buhok no'ng bata na parang nakikipaglaro.
"Gusto mo kumain Alliah meron na kaming ulam. Tara na dito sa mesa. Mamaya ka na muna umuwi alam ko gutom ka na." Paanyaya saken ni Ivan, tumayo na siya at nagsimulang ilagay sa mangkok ang ulam nilang gulay na binili no'ng bata.
Habang si Ivan ay naghahanda ng mga pagkain yung batang tinawag niyang Adrian ay nagsimulang kausapin ako.
"Alam mo ate, maraming nagkakagusto diyan sa kuya ko, tingnan mo siya matangkad, matangos ang ilong, mestizo, at may abs yan. Mamaya pag naghubad siya ate tingnan mo." Pabulong na sambit ni Adrian na parang ayaw niyang iparinig kay Ivan ang mga sinasabi niya sa akin. Tama naman lahat ng sinabi niya maliban na lang doon sa abs kasi hindi ko pa rin naman nakikita.
"Wala pa siyang sineseryosong babae, pero gusto kita para sakanya. Kaya pwede kitang tulungan ate." Dagdag niya pa. Ang kulit ng batang ito pero natutuwa ako sa kakulitan niya, wala kasi akong kapatid na mapaglalaanan ko ng oras sa tuwing nag-iisa lang ako.
"Adrian mag-aral ka munang maigi bago yan. H'wag mo munang isipin ang mga bagay na ganyan." Tugon ko sa mga sinabi niya.
"Parehong-pareho talaga kayo ni kuya nang mga sinasabi." Saad ni Adrian na napakamot nalamang ng ulo.
Kumain ako ng kaunti kasama sila , iniirapan pa nga ako ng tita nila habang sumusubo ng pagkain na nakalagay sa medyo may kalawang ng kutsara.
***
Fast update.