Chereads / My Ex Boyfriend Is My Boss / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Kyla P.O.V.

Maagap akong pumasok ng trabaho dahil sabi ng demonyo kong boss ay may papagawa daw siya sa akin. Pero putang ina hanggang ngayon wala pa din ang hinayupak kong boss. 3 hours na akong naghihintay sa kaniya pero hanggang ngayon wala parin it's already 8:00 am na pero puta mukang hindi na papasok ang demonyo.

Argh that guy is getting into my nerve!

"Argh" sigaw ko sabay hagis ng vase na nasa table ko.

"Zian Glen Hunter, mamatay ka ng bwisit ka" sigaw ko kasabay ng pagbukas ng pinto ng office ko at niluwa non ang demonyo kong boss na masama na ang tingin sa akin.

"Titingin tingin mo diyan, huh?" singhal ko sa kaniya.

"Anong sabi mo kanina?" galit na tanong niya. Tsss sinong tinakot niya? Kapal ng mukha ako dapat ang may karapatan na magalit pero siya pa ang nauna.

"Pakialam mo sa sinabi ko, huh?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Ano yong sinabi mo? Mamatay na ako? Bakit hindi ikaw ang mauna?" nakangising wika niya. Argh nakakainis ka na.

"Argh get out!" sigaw ko kaya naman lumabas na siya ng office ko ng patawa tawa.

Bakit ko nga naging ex yon? Paano ako nagkaroon ng ex na isang demonyo? Argh that guy wala talagang gagawing tama. Puro nalang kabwisitan ang dala sa akin. Hindi na ako natutuwa sa hinayupak na yon. Argh gusto ko ng magresign pero magagalit sa akin parents ko pati narin parents ng hinayupak na yon magagalit din.

Nakakainis na talaga siya. Hindi ko na kaya ang pagbibwisit niya sa akin. But remember Kyla don't give up to him! Kaya ko to hindi ako magpapatalo sa hinayupak kong ex na yon.

"Kyla" sigaw ni Dyle sa pangalan ko. Argh ang ingay naman nitong babaeng ito.

"Ano ba, Dyle? Ang ingay mo" inis na wika ko na kaniya namang ikinanguso kaya natawa nalang kaming dalawa ni Thamarie. Kase naman ang cute niya kapag ngumunguso siya.

"Siya nga pala, sissy. Galing ba dito si Sir Zian?" nakakunot noong tanong ni Thamarie sa akin.

"Oo, bakit?" tanong ko.

"Sinabi na ba niya sa iyo?" nakangiting tanong ni Dyle na akin namang ikinakunot ng noo.

"What are you talking about?" kunot noong tanong ko kay Dyle.

"Duhhh hindi mo ba alam, huh?" maarteng tanong sa akin ni Thamarie.

"Tatanungin ko ba kung alam ko na, huh?" inis na tanong ko sa kaniya. Baliw talaga malamang hindi ko alam. Mga kaibigan ko ba talaga itong mga lintek na ito?

"Okay ganito kase yon this coming friday ay may gaganaping beach party itong company na ito kaya lahat ng nagtatrabaho dito ay kasama" paliwanag ni Dyle sa akin. Yown oh mabuti pa ito.

"Oh ano namang connect ni Zian don?" inis na tanong ko.

"Naghahanap kase siya ng date para sa beach party natin pero pwede namang kahit walang kadate" paliwanag naman ni Thamarie.

"Oh pwede naman palang kahit walang kadate eh. Bakit pa siya naghahanap?" inis na tanong ko.

"Hello famous kaya yong ex mo saka hindi lang tayo ang andon sa resort madami ding ibang tao kaya siguradong dudumugin yong ex mo" inis na wika ni Dyle.

"Yahh saka hindi ka ba naaawa sa kaniya?" tanong sa akin ni Thamarie.

"Ako maawa sa hinayupak na yon? Like ew hindi nalang bahala siya sa buhay niya" inis na usal ko saka tinuon ko na ang tingin sa laptop ko upang simulan na ang trabaho.

"Hay naku bahala ka nga diyan" inis na usal nong dalawa saka lumabas ng office ko. Between baka magulat kayo kase may sarili akong office kung gayong secretary lang ako ganito kase yon bawat secretary ng magpipinsang Hunter ay may sarili ding office kaso nga lang katapat namin ang mga office ng boss namin kaya paglabas ko dito sa office ko bubungad kaagad sa akin ang office ng bwisit kong boss na si Zian.

Nakakainis sila ako pa talaga ang gagawing kadate nong bwisit na Zian na yon. Tsk tsk tsk. Mukhang mali sila ng pinili saka nasimula simula palang akong magtrabaho dito. Saka hindi naman ako magtatrabaho dito dahil nagpapractice lang ako. Just like I said I'm not his employee I work here because my Daddy said it is a practice work hindi pa ito final saka nyek nyek niya na dito ako magtatrabaho like ew naiinis pa rin ako sa kagaguhang ginawa niya sa akin dati.

Tok... tok... tok...

"Come in" usal ko sa taong kumatok.

"Ahm Ma'am Kyla may meeting daw po kayong pupuntahan ni Sir Zian" usal ng isang employee dito. But wait? Ma'am? I'm not her boss saka magkalevel lang kami dito sa company.

"Wait! Don't call me Ma'am because I'm not your boss" nakangiting wika ko na kaniya namang kinangiti.

"Pero sabi po kase ni Sir Zian sa aming lahat na Ma'am ang itawag naming lahat sa inyo nila Ma'am Dyle at Ma'am Thamarie" nahihiyang paliwanag niya kaya ngumiti nalang ako. Argh that guy but okay narin naman baka ang gusto lang nila ay sanayin na kaming ay tumawag sa aming Ma'am dahil sa susunod ay sa sariling company na ng pamilya namin kami magtatrabaho.

"But don't call me Ma'am just call me Kyla, okay?" saad ko sa kaniya na kaniya namang ikinatango.

"K-kyla" nauutal na bigkas niya sa pangalan ko.

"Susunod nalang ako" nakangiting usal ko saka inayos na ang gamit ko.

Paglabas ko palang office ko ay sakto ding kalalabas lang ni Zian sa office niya with her dark aura. Oh di ba pak na pak may pa dark aura pa si kuya hahaha. Kaso hindi sa kaniya bagay ang laging nakasimangot mas miss ko na yong laging nakangiting na Zian Glen Hunter. Ay shit ano bang pinagsasabi mo Kyla Isabel, huh? Galit ka sa kaniya kaya umayos ka naku.

"Hey kanina pa kita tinatawag" usal ni Zian habang ikinumpas pa ang kamay niya sa harap ko. Ay shit hindi ko narinig.

"Huh?" kunot noong tanong ko.

"Sabi ko kanina pa kita tinatawag kaso hindi mo yata ako naririnig" natatawang usal niya. Ah yon lang pala. Ano kanina pa? Shit ang tagal naman ata ng pagkakatitig ko sa kaniya shit nakakahiya.

"San pala punta natin?" tanong ko nalang para hindi na mang asar pa.

"Sa puso mo" mahinang sagot niya. Huh? Hanu daw? Sa puso ko? Tanga ba siya? Hindi siya kakasya dito.

"Huh? Anong sabi mo, sir?" tanong ko. Kunyari hindi ko narinig para hindi na mapahaba pa.

"Wala. Sabi ko sa meeting place namin nong business partner ni Papa" sagot nalang niya saka nauna ng pumasok sa elevator kaya sumunod nalang ako.

Habang andito kami sa elevator ay wala man lang nagbalak na may magsalita sa amin hanggang sa sumakay na kami ng sasakyan at makarating sa meeting place nila wala man lang nagsalita sa amin. Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng restaurant.

"Please seated" aya sa amin ng isang may edad na.

"Thanks" sabay na usal namin ni Zian.

Habang nag uusap silang dalawa ay nakikinig nalang ako pero paminsan minsan nagtetake note kase sabi nitong boss ko magtake note daw ako nong mga importante kaya ito ang ginawa ko.

"By the way Mr. Hunter kamusta naman ang love life?" tanong nong matanda. Wow hanep porket tapos na sila sa negosyo ngayon love life naman.

"Ah okay naman Mr. Monteryo" sagot naman ni Zian.

"Hmm who's the lucky girl? Sya ba?" tanong ni Mr. Monteryo kaya nagulat ako sa tanong niya. Huh? Ako? Like ew no way hindi ko na siya jowa.

"Ah hahaha yes" nahihiyang sagot ni Zian. What the heck? Nagbibiro ba siya? Anak ng kabute naman oh dinamay pa ako.

"Ow really? Ganda niya ah. Parang namumukhaan kita, iha. Anak kaba ni Mr. Klein Besa?" tanong sa akin ni Mr. Monteryo.

"Ah yes, sir" nahihiyang sagot ko.

"Ah so ikaw pala yong anak niya na nagtatraining sa company ng iyong boyfriend" nakangiting usal niya.

"Ah yes, sir" sagot ko nalang.

"Nah don't call me sir just tito nalang total magkaibigan kami ng daddy mo" nakangiting saad niya kaya tumango nalang ako.

"Mr. Hunter, good choice ka sa babaeng mamahalin mo ng panghabang buhay" nakangiting usal ni tito. Wow mamahalin panghabang buhay o lolokohin panghabang buhay?

"Ah thank you, Mr. Monteryo" nakangiting usal ni Zian. Takte sakit nila sa brain.

Matapos ang meeting na aming dinaluhan ay idinaan na ako ni Zian dito sa bahay total gabi naman na at kasalukuyang matutulog na ako para sa panibagong bukas na makakaharap ko ang bwisit na yon.