Chereads / When Moon Collides With Sun / Chapter 28 - About the Dimentia

Chapter 28 - About the Dimentia

Ang Dementia ay grupo ng mga sintomas na may kasamang hirap sa pag-iisip at pagsasalita at pagkawala ng memorya. Sa simula ay hindi agad ito mapapansin subalit habang palala ito nang palala ay doon mo na mapapansin ang mga pagbabago lalo na sa behavior at gayundin sa pang araw-araw na mood. Ito ay nararanasan kapag nagkaroon ng damage ang nerve cells sa utak ng isang tao. Naaapektuhan nito ang pag-iisip depende sa kung saang parte ng utak ang na-damage

SANHI

1.Alzheimer's disease- Ang malaking porsiyento ng Dementia ay mula sa pagkakaroon ng sakit na alzheimer.

2.Parkinson's disease- Isa itong sakit sa nervous system na nagkakaroon ng malaking epekto sa pagkilos at pag-iisip kaya nagiging sanhi rin ito ng dementia.

3.Traumatic brain injury- Ang malakas na impact ng pagkakabagok ng ulo ay pinagmumulan din ng dementia.

4.Creutzfeldt- Jacob disease- Bagamat hindi ito mapanganib, mayroong pag-aaral na nakukuha ito dahil sa problema sa tissue ng nervous system. At nagiging sanhi ito ng dementia.

5.Infection- Nagiging sanhi rin ng dementia ang matinding lagnat o multiple sclerosis na dulot ng impeksyon.

6.Kakulangan sa nutrisyon- Ang kakulangan sa tubig at mga bitamina ay sanhi rin ng dementia.

SINTOMAS

1.Pagiging malilimutin sa maraming bagay.

2.Pagkakaroon ng pagbabago sa paraan ng pagsasalita at pakikipag-usap.

3.Hirap sa pagdedesisyon at hindi makapag-isip ng tama.

4.Pagkatuliro.

5.Pagkalimot sa pangalan ng tao.

6.Pagkawala ng konsentrasyon sa ginagawa.

7.Pagbabago ng pag-uugali.

8.Madalas na pagkawala sa mood.

9.Kawalan ng gana sa pagkilos.

10.Madalas na pagkalimot sa lugar.

11.Hindi natatandaan kung saan inilagay ang gamit.

12.Pagkakaroon ng halusinasyon.

MGA DAPAT GAWIN UPANG MAIWASAN ITO.

1. Paganahin ang utak ng madalas sa pamamagitan ng pagbabasa, paglalaro ng mga palaisipan o ng kahit anong laro na mas ginagamitan ng utak.

2. Siguraduhin na may sapat na tubig sa katawan.

3. Siguraduhin na may sapat na vitamin D sa katawan.

4.Kumain ng masusustansyang pagkain at palakasin ang resistensya.

5.Mag-ehersisyo at sikapin na mayroong ginagawang aktibidad araw-araw.

6. Huwag manigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng panganib sa healthy brain cells

Ayon sa pag-aaral, ang walang patumanggang pag-inom ay isang major risk factor para sa lahat ng uri ng dementia. Sa inilathalang pag-aa-ral ng The Lancet Public Health, nadiskubre ng mga mananaliksik na sumuri sa mahigit 57,000 bagong kaso ng dementia sa France, mahigit kalahati sa mga ito ay iniuugnay sa matinding pag-inom ng alak o alcohol abuse.

P.S: ito ang naging sakit ni Takara