Chapter 7 - Chapter 7

Nakatulog na ako pagkatapos kong kumain. Sana naman ay hindi ako lagnatin nito dahil umiinit ang pakiramdam ko. Pinatay ko ang Aircon nang magising ako. Humikab muna ako bago mag unat at lumabas nang kwarto.

Ngunit nang may maapakan akong parang tangkay ay niyuko ko ang ulo ko para makita ito. Isang bulaklak na kulay pula at may isang mensahe na kulay gray kaya naman tumingin muna ako sa gilid bago nag desisyong kuhanin ito at inilagay na muna sa gilid ng kama ko bago lumabas.

Pagkababa ko ay nagulat akong nandito ngayon si Zaiu na nagluluto nang dinner dahil anong oras na rin akong nagising.

"What are you doing here?" Salubong ko sa kanya at parang nagulat pa dahil naka pantulog ako.

"Nagluluto, ano paba?" Pinatay nito ang apoy at dali dali akong nilapitan. Nagulat ako nang hipuin nya ang noo ko at kumunot naman ang noo nito.

"Nilalagnat ka." Pagalit niyang sinabi iyon. Pakiramdam ko ay bumalik ulit sa tamlay ang mukha ko at nakakaramdam ako ng hilo.

Bigla ko naman itong niyakap at may binulong. "I miss you.." Halos mapa pikit kong sinabi iyon ngunit hindi nya pinansin ang sinabi ko kundi hinila nya ako papuntang kitchen at pina upo.

"Kumain kana, pinagluto kita." Tyaka nya ako pinag sandok nang soup. Napa simangot ako doon. Dahil akala ko'y merong kanin tsk.

"Paano ka naka pasok dito?" Tanong ko nang ihain nya sakin ang pagkain na nasa harap ko na.

"I'll text him. At sinabi kong pupuntahan kita dito. Tutal ay hindi ka naman nya aalagaan kaya ako na lang ang nag punta dito." Nangunot ang noo ko sa mahabang sinabi nya. At ano? Nag text sila?

"Alam kong nagtataka ka, pero huwag mo nang isipin at kumain kana lang dyan." Sermon nito kaya naman napa tango na lang ako. After kumain ay pinainom nya ako nang gamot bago ako punasan.

Napangiti ako nang maalala kung gaano ka sweet ang best friend ko. Naka kunot ang noo nito habang pinupunasan ako. Nilalamig man minsan dahil sa pag dampi ng tubig ay para bang gumagaan ang pakiramdam ko.

Nama alam na rin siya pagkatapos noon ay sakto nakang dating ni Daven. Hindi ko lamang sya pinansin nang tumigil siya at nakita akong nanonood ng Netflix.

"Act like a Princess huh?" Asik nito pag dating at para bang pagod na pagod.

"Huwag muna ngayon." Walang emosyong sambit ko habang naka tingin sa TV.

Naramdaman ko namang lumubog ang sofa sa tabi ko at alam kong umupo siya at ramdam ko ang titig nito sa akin kaya naman nilingon ko ito nang pagtataka.

Inalok ko sa kanya ang pop corn na hawak ko. "Gusto mo ba?" Baka naman kasi sa pagkain ko talaga sya naka tingin. Pero nagkamali ako dahil sa akin pala.

Umiling sya at napa pikit na ipinagtaka ko. "Ok ka lang?" Sambit ko na ikinalingon nya nang mabilis.

"Seriously? You're asking me if I'm okay? How about you?" Deretsong tanong nito. Nakaka panibago man pero hindi na nakaka gulat. Sana nga ay magka sakit na lang ako para hindi siya palaging galit.

"Better now." Itinutok ko na ulit ang paningin ko sa TV at kumain na muli nang popcorn.

Matapos ang movie ay dumeretso na rin ako sa kwarto at tiningnan ang phone ko. May na receive akong message kay Nicole at Zaiu nireplyan ko na lang na 'ayos na ako. salamat sa pag-aalala'. Nang makahiga ay naka tulog na rin agad ako.