May isang palasyo ang nakatayo sa kaloob-loob ng kagubatan. Kahit sino ay walang nagtangkang pumasok sa loob nito, kasi sa mga balita na haunted daw ito dahil may mga Bampira daw na naninirahan dito. Hindi naman sila nagkakamali, dahil ang palasyo na ito ay may mga nakatirang maharlikang bampira.Isang prinsesa na mahigit isang daang gulang, na gustong-gusto makuha ang lahat at ang kapatid nito na mahigit dalawang daang gulang na magiging susunod na mamumuno sa kaharian ng mga bampira.
Ngayon ay naka-upo ang prinsesa sa kaniyang trono habang umiinom ng dugo at nakatingin sa prinsipe ng mga bampira kagaya ng kapatid niya.Nasa harapan niya ito ngayon para mag-alok ng kasal ngunit paulit-ulit lamang siyang hini-hindian ng prinsesa.
Tumayo na ito. "Umalis ka na...ayaw ko ng makarinig ng kahit anong salita mula sayo!"
Naglakad na siya papunta sa labas ng pinto ng bigla niyang nakasalubong ang kapatid niyang si Kenji na may dala-dalang Ice-cream na nabili niya noong nagpunta siya sa siyudad.
"Kiara, mainit na naman ang ulo mo..oh ito" ibinigay niya ang isang ice cream sa kapatid.
Agad itong kinuha at dinilaan. "A-ang sarap..."
Ngumiti ang kapatid niya. "Alam ko namang gustong-gusto mo yang kainin kapag may mga prinsipe na nagpupunta rito para mag-alok sayo ng kasal"
"Nakakainit talaga ang mga lalaking kagaya nila..." pikon na sabi nito.
"May pasok ka na bukas ng umaga...kung matulog ka na kaya...eleven pm na.." kalmadong sabi ng kapatid.
Tumango na lamang si Kiara tapos nagsimula ng magpunta sa kwarto niya at habang naglalakad iniisip niya kung anong mangyayari sa unang araw niya sa bagong school na papasukan niya. Mga normal na tao kasi ang mga makakasama niya. Pagpasok niya ng pinto ay agad niyang nakita ang kaibigan ng kapatid niya na si Aizen na naka-upo sa sofa na nasa kwarto niya. Siya ay isa ring prinsipe ng mga bampira na may lihim na pagtingin sa prinsesa at nakatira sa kaharian kasama nila pati ang kapatid nitong si Aiko na isa ring prinsesa.
Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. Hindi na lamang siya pinansin ng prinsesa sa halip ay nahiga na siya sa kama para magpahinga, ngunit hindi niya inaasahan na lalapit sa kaniya si Aizen at tatabihan siya tapos aamoyin ang buhok niya.
"Sobrang bango talaga ng kapatid ni Kenji..." napaka-romantikong sabi nito tapos huminga sa leeg nito na parang malamig na yelo. "Bukas...sasama kami sayo ni Aiko...mag-aaral tayo sa iisang school.
Umupo si Kiara at pinagtaasan ng kilay si Aizen. "Lumabas ka na nga ng kwarto ko...gusto ko ng matulog..."
Tumayo na si Aizen at muling ngumiti. "Sige, Lady Ichikawa...matulog ka na.."
Lumabas na ng silid si Aizen kaya nakasigurado na si Kiara na mag-isa na siya. Huminga siya ng malalim at humiga na para matulog ngunit naalala niyang dapat naka-sara ang bintana at kurtina para hindi siya masunog sa pag-sikat ng araw.Tumayo siya para ayusin yung bintana pero noong makalapit siya ay may nakita siyang mga normal vampires na nakikipag-usap sa kapatid nito.Parang may iniuutos ito sa mga bampira na yun. Sinara niya na ang bintana at kurtina para makatulog na ito.
Kina-umagahan narinig niyang may kumakatok sa pinto kaya agad siyang umupo sa kama. Pinapasok niya ito at nakita niya si Aizen at Aiko na naka-suot na ng uniform. Agad siyang binati ng dalawa pero umiwas ito ng tingin.
"Anong problema?" lumapit sa kaniya si Aizen.
"Ayaw kong pumasok na kasabay kayo..." seryosong sagot ni Kiara.
"Bakit ayaw mo?Kiara? Napag-utos ko na sa ilang mga bampira na ihatid kayong tatlo gamit ng sasakyan..." biglang pasok ni Kenji.
"Fine! Sasabay na ako! Tsaka anong pagkain?!" pagtataray nito.
Matapos niyang kumain at mag-ayos ng sarili ay agad siyang nagpunta sa sasakyan. Binuksan niya ang payong at nakita niya na sina Aizen at Aiko sa loob ng limousine. Kahit ayaw niyang kasabay ang dalawa dahil naiirita siya sa mga prinsipe lalo na yung mga romantiko. Pumasok siya sa loob at agad na tumingin sa bintana na hindi nasisikatan ng araw.
"Ayos ka lang ba?Kiara?" tanong ni Aiko.
"Oo.." maiksing sagot nito at nagbukas na lang ng libro.
"Aiko, pabayaan na lang natin muna siya...mukha kasing badmood pa rin siya..." sabi ni Aizen habang naka-cross leg at nakatingin kay Kiara.
"Hmm okay?" sagot ni aiko tapos kinuha yung suklay sa bag niya.
Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na sila sa school na papasukan nila. Ang school na papasukan nila ay isang public school. Si kenji mismo ang pumili ng school na papasukan ng kapatid niya para hindi ito mapalapit sa mga taong mayayaman.
Ang mga estudyante ay napatigil sa paglalakad noong makita nila ang pagparada ng limousine na kulay itim. Ang iniisip nila ngayon ay bakit may mayamang tao ang mag-aaral sa isang public school.Agad lumapit ang mga inutusan ni Kenji habang naka-suot sila ng hood at may dalang payong. Binuksan nila ang pinto at unang lumabas si Aizen.
"So, ito pala yung school na sinasabi ni Kenji" sabi nito at hinawakan ang payong.
Lumabas na rin si Aiko. "Kuya, mabuti na lang hindi mainit" tumabi siya sa kapatid niya.
"Gusto ko ng makapasok sa loob ng school..." sabi ni Kiara at agad na kinuha ang payong.
Agad na naglakad papalayo si Kiara kina Aizen at Aiko.Noong makapasok siya sa loob ay tingin siya ng tingin sa paligid na hindi nasisikatan ng araw ang hallway kaya ayos lang sa kaniya na maglakad doon na walang pananggamba...ngunit hindi niya inaasahan na may makakabangga siya.Parehas silang natumba sa hallway.
Tumingin siya sa naka-banggaan niya.Sinisimulan na niyang pulutin ang mga librong hawak niya . Tumayo ang lalaki at tinulungan siyang tumayo pero hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya. Matapos siyang tulungan ay agad itong tumakbo papalayo. Sinundan niya ito ng tingin tapos nakita niya sina Aiko at Aizen.Lumapit na sila sa kaniya.
"A-ayos ka lang ba? Lady Ichikawa?" tanong agad ni Aizen.
"Ayos lang ako...Sir.Komatsu" sabi nito at nagsimula ng maglakad.
Agad siyang sinabayan ng dalawa tapos sinabi ni Aiko kung nakita niya daw ang itsura ng lalaking nakabanggaan niya. Hindi niya ito sinagot pero nagsalita pa rin ito tungkol sa itsura ng lalaki. Sinabi niyang kahit nakasalamin ito ay gwapo pa rin daw ito .
Noong nakarating sila sa classroom ay agad tinawag ni Aizen yung teacher na nasa unahan na.Lumabas yung teacher at sinabi agad ni Aizen na sila ang mga transfer student.
Pumasok siya sa loob "Class, dumating na pala ang mga bago ninyong kaklase..." tumingin ito kina Kiara.
Unang pumasok si aizen na nakapamulsa at nakangiti. Sa kaniya napunta ang atensyon ng mga babaeng kaklase nila.Namumula silang lahat habang nakatingin rito.
"Ako si Aizen Komatsu, seventeen years of age at nakatira kina Kiara.." sabi niya at hinila niya ito.
Kahit ayaw niya pang pumasok sa loob kasi nasa unahan pa si Aizen ay napapasok siya sa loob dahil sa ginawa nito. Tumayo siya sa tabi nito tapos pinagtaasan ng kilay ito.Nginitian na lamang ni Aizen si Kiara.
"Magpakilala ka na sa kanila...Lady Ichikawa" bulong ni Aizen.
"Pasalamat ka at kaibigan ka ni Kuya.." sagot nito at tumingin na sa mga magiging kaklase niya. "Ako naman si Kiara Ichikawa...sixteen...at gaya nga ng nalaman ninyo..nakatira sila ng kapatid niya sa tinitirahan ko"
Pumasok na rin si Aiko. "Hello! Ako si Aiko Komatsu~! Kapatid ko si Kuya Aizen..and sixteen din ako" nakangiting sabi nito.
Pagkatapos nilang magpakilala napatingin sila sa bintana...Hindi rin ito nasisikatan ng liwanag.Napatingin si Kiara sa may likod na pintuan nakita niya ang lalaking nakabanggan niya at umupo sa pinaka-likod tapos tumingin sa may bintana.