*Click* *Click* *Click* *Click* *Click*
*YOU WIN!*
"Haysss! Ang tagal ko na naka upo dito sa top 1 ng game na ito, ni isa wala manlang makatalo sakin. Nawawalan na ako ng gana, ganun ba talaga kahihina mga tao dito?" Pakunot noong pag sabi ni Daven habang naglalaro siya nga kinaaadikan niyang online game.
Halos 3yrs na siyang nag lalaro nito. At kahit isang beses hindi pa siya natalo. Sikat siya sa larong ito halos lahat ng player hinahangaan siya, lalo na solo player lang siya at hindi siya sumali ng guild para maging malakas at matulungan ng mga guildmates niya. Mula sa pag grind ng monster para makahanap ng mga item sa laro at pag craft ng mga legendary item ay sarili niyang sikap.
Minsanan nalang din siya kung maglaro ng game na ito. Tinatamad nadin kasi siya dahil max level na siya at lahat ng item niya eh perfect na para sa kanyang character. Halos mamigay na nga siya ng mga gamit sa ibang player dahil hindi niya naman kelangan ng mga iyon. At yung reward na natatangap niya mula sa pagiging top 1 ay dinodonate niya nalang sa mga new player para makahabol sa level.
Saglit na napaisip si Daven kung ano pa kaya ang pwede niyang magawa sa game na iyon. Ngunit kahit anong lalim ng pag iisip niya, hindi padin nila alam ang gagawin. Tumayo na lamang siya at pinatay ang kanyang computer para lumabas na lamang at mag lakad lakad.
"Isa nanamang nakakatamad na araw. Sa dinami dami ng game na nalaro ko never pa ako natalo. Akala ko pa naman na masaya maging malakas at maraming humahanga sayo. Sa una lang pala masaya."
"Maka punta na nga lang ng 7 Eleven at nagugutom na ako."
Habang naglalakad siya papunta sa 7 Eleven may naaninag niya ang isang batang mabilis na papatawid ng kalsada. Ngunit napansin din niya na naka go signal pa ang traffic lights kaya naman dali dali siyang tumakbo papalapit sa bata para masabihan ito ngunit, sobrang bilis ng papalapit na truck kaya naman wala na siyang choice kundi iligtas ang bata.
*Boom!!*
*Ahhh!!!!*
Nag sigawan ang mga tao sa kanilang nakita, napansin nila na may naaksidenteng lalaki sa kalasada. Na bungo ng truck si Daven pero nailigtas niya naman ang bata, naitulak niya ito bago pa sila ma bungo ng truck. Nasawi si Daven, hindi na kasi ito umabot sa hospital dahil sa dami ng dugong nawala dito. Sobra sobra naman ang pasasalamat ng magulang ng bata sa magulang ni Daven, dahil kung hindi dahil kay Daven, patay na sana ang kanilang anak.
---
"Ah, sobrang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyare sakin? Nako baka ma-late na ako sa school. Ha!? Anong lugar ito!? Asan ako!? Bakit parang di makatutuhanan itong lugar na ito? Bakit parang nasa loob ako ng isang game?"
Pag mulat palang ng mata ni Daven ay bumungad na agad sa kanya ang lugar na ka-mangha mangha. Katulad ito ng mga nakikita niya sa mga nilalaro niya noon, na para nga siyang nasa loob ng isang game.
Dali dali naman siyang tumayo at kahit pa masakit padin ang ulo niya nag lakad lakad siya, nag babakasakali na may makita siyang tao para makapag tanong siya kung nasaan siya.
Habang siya'y naglalakad natanaw niya ang isang bayan, maraming tao dito at mukang masagana ang lugar. Gulong gulo padin siya dahil hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Para siyang nasa sinaunang panahon, ni-isang building wala siyang makita at tanging mga lumang bahay lamang.
"Ah manong anong lugar po ito?" Tanong niya sa matanda na nag bebenta ng mga gulay sa gilid ng daan.
"Iho bago kalang ba dito? Itong ang tawag sa lugar na ito ay eden, isa ito sa mga bayan ng black dragon empire." Masayang sabi ng matanda.
Saglit na napaisip si Daven sa kanyang narinig. "Black dragon empire? Seryoso ba itong matandang ito? Eh sa mga laro ko lang nababasa yun o kaya sa mga fantasy novel na nababasa ko." Kunot noong sabi ni Daven sa sarili.
"Ah manong alam niyo po ba kung paano po pabalik ng manila? May jeep o kaya bus po kayang masasakyan dito?" Tanong ni Daven sa matanda.
"Jeep at bus? Ano ang mga iyon iho? Kung anuman yang hinahanap mo eh sa tanda kong ito wala pa akong naririnig na mga ganyang salita, at isa pa kabayo ang karaniwang sinasakyan ng mga tao dito." Pag tataka ng matanda.
"Hindi bali nalang po manong, salamat po sa pag sagot sa mga tanong ko." Pagkatapos nya palang sabihin yun ay agad namang nag lakad papalayo si Daven.
"Totoo nga sigurong nasa loob ako ng isang game. Pero anong game naman kaya ito? Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Hindi kaya napunta ako sa ibang mundo? Gaya ng mga nababasa ko sa manga at novel?"
"Hindi bale nalang. Kelangan alamin ko ito, at kung totoo ngang nasa ibang mundo ako mabuti na sigurong mag prepare ako dahil hindi ko alam ang mga pwedeng mangyare sakin. Baka mamaya pag namatay ako sa mundong ito ay mamatay na talaga ako ng tuluyan, unlike sa game na nabubuhay ka. Dito may iisa ka lamang buhay kaya kelangan ayusin ko mga desisyon ko sa buhay ko. Masaya nadin ako dahil nakaligtas ako ng buhay ng tao kapalit ng buhay ko sa earth. Wala akong pinag sisisihan."
"Kelangan ko na mag prepare. Meron kayang system itong mundong ito?" Pagka sabi at pagka sabi palang ni Daven ng salitang system, ay may bumungad sa kanyang muka na parang system window na gaya ng mga nasa laro.
"Woah! Ano ito!"