Crush
"Go ELUC!"
"Go Kuya Storm!!!"
"Waaaaaa!!! Branden galingan moooooo! We love youuuu!"
Halos mabingi na ako sa mga tili ng mga babaeng nasa likod ko ngayon dito sa basketball court. Nanonood kami ng basketball ngayon ni Opal, my best friend-like cousin ko but she prefers to call her my best friend.
Ang naglalaban na course ngayon ay VetMed at Engineering.
Napilitan lang naman akong manood dahil kay Opal para daw masuportahan yung crush niyang nakasuot ng 03 na jersey.
Kahit anong pagobserve ko sa mga naglalaro ay wala akong matipuhan. Hindi naman dahil sobrang taas ng standard ko, because somehow I find some of them really good looking and has a muscular body that girl wished for.
"Bebe girl kita mo yon?" Siko sa akin ni Opal kaya napatigil ako sa pagsipsip sa milk tea ko. Bigla niyang itinuro si Brendan sa baba kaya nagulat ako at nagtakip ng mukha.
"Nababaliw ka na ba?!" Mahinang sigaw ko.
"Hoy may patakip takip ka diyan eh hindi naman ikaw ang may crush diyan. Ako, okay. Tss..."
"Ineexpose mo kasi mukha ko. Paano kung biglang tumingin dito?" Napaayos ulit ako ng upo at break nila sa court.
"Si Brendan? Duh hindi tayo makikita niyan sa dami ng fans na nagpapapansin sa kanya. Anyway, yun yung tinuturo ko. Pinsan niya kanina yung kausap niya. Gwapo din yun! Yieee!" Tili niya. Bigla ko naman itong hinanap sa baba.
Nang nahagilap ko naman ang sinasabi ni Opal na pinsan ni Brendan, ay nakadiretso ang tingin nito sa akin kaya umiwas agad ako at kunwaring luminga-linga sa paligid pero nang ibinalik ko ang tingin sa kanya ay mas lalo akong nagulat!
He is still staring at me!
Pasulyap-sulyap pa din ako sa pwesto niya at talagang nahuhuli ko siyang tumitingin din.
But with my last glimpse, he is not looking because a member of the cheerleading squad talked to him. Nakita ko ang pagngiti ng babae habang kausap niya ito. She even handed her phone. I bet she wants to have his phone number. Dammit!
"O-Opal..." tawag ko.
"Oh?"
"What's his name?" Tanong ko.
"Who?" She asked back. Sinamaan ko siya ng tingin. Napatingin siya sa nginuso kong direksiyon. Nag-iba ang tingin sa akin ng bestfriend ko.
"Oy ikaw a. Nabighani ka naman agad. Well, hindi na ako magtataka dahil over na talaga ang kagwapuhan niyan." Asar niya sabay hagikgik. "Rhys Lincoln but just call him Cole because that's what other calls him." Tumango na lamang ako.
Natapos ang laro at nauwi nga ng ELUC ang trophy. Tili, sigaw, at nagsitalon ang mga babae sa court na nakalibot sa mga players.
Isa doon sa mga tinitilian ay ang classmate namin ni Opal na si Storm. Varsity player yan since noong grade school pa lang kami. He is my ex actually. My first boyfriend.
Nakita niya akong nakatayo lamang sa gilid kaya kinawayan niya ako. I just smiled at him and mouthed congratulations. Habang si Opal dito sa gilid ko ay talon ng talon para lang mahagilap ang crush niya. Lol. Wala siyang pag-asa na makita si Brendan dahil five flat lang siya.
"Fudge we need to get there para makapagpapicture ako sa kanya!" Iyak ni Opal.
"How can we go there if we are surrounded by this wild crowd?" I asked sarcastically.
"Kapag gusto, may paraan. Kapag hindi, maraming dahilan."
Bigla niyang hinatak ang pulsuhan ko kaya naman hindi na ako nakaprotesta. Nang malapit na kami ay saka mas naramdaman ko ang init at tensiyong ganap dito. Halos mapaismid ako nang nabitawan ni Opal ang kamay ko at hindi ko na siya mahagilap.
Halos mahilo na ako kakahanap sa kanya saka pa ako pinagtutulak. I am beginning to breathe heavily because of the crowd. Akala ko kaya kong makipagtulakan pero wala. Sobrang lakas ng nga babaeng narito at wala silang pakialam sa kapwa nila. Nadapa na lamang ako sa gitna dahil sa sobrang lakas nang pagkatulak ng kung sino na hindi ko namalayan at napainda ako sa sakit ng tuhod kong napako sa sahig.
"Aray!" Sigaw ko sa kung sino mang nagtulak. Well, lahat sila nangtutulak actually.
Hindi pa rin ako makatayo. Nakaluhod pa rin ako doon at napapalibutan ng mga desperadang babae na gusto makita ang crush nila.
I'm dizzy. I hate crowded places. I hate so much noise. I shouldn't have been here if it were not only for my Opal.
Hindi ko alam kung saan na ako hahawak para makatayo. Suddenly, I feel weak. Mas uminit na ang gilid ng mga mata ko.
But the most shocking is, I felt a warm but rough hand that grabbed me on my elbow from where I am at. Kaya napatingala ako kung sino man ang taong iyon.
"Let's go." He said huskily. I froze.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Walang anuma'y binuhat niya ako na parang bagong kasal at biglang nagsitilian ang mga babaeng nakapalibot sa amin. Pati ako ay napatili sa pagbuhat niya sa akin.
Nagpagilid silang lahat para bigyan kami ng madaraanan.
"Hoy ibaba mo ako!" I shouted because of embarassment and exposure.
"Pasalamat ka nga at tinutulungan kita. Kung hindi ay malalampaso ka diyan sa sahig." Bulong naman nitong kinainis ko.
"Put your hands around my neck, or else you will fall."
I hurriedly followed what he said. I snaked my arms around his neck and I felt something that is peculiar from my body.
"Omg Cole is carrying that girl!"
"Who's that?! Ang swerte naman!"
Naglalakad na siya palayo sa court pero ang mga sigaw ng mga babae ay parang nakamaximum level pa din ang lakas ng boses nila. I started to wriggle my body para maibaba ako.
"Huwag ka ngang galaw ng galaw! Pupunta tayo sa clinic so stay still!"
I am still staring at him because it is unexpected and unbelievable. Hindi ko na marinig ang mga tilian sa paligid dahil sa lakas ng pintig ng uto-uto kong puso. Nagustuhan ko ang kagwapuhan niya pero ngayon? His kindness and gestures turned me on so much.
Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko sa harap niya ngayon, basta ang nasa isip ko: ang swerte ko.
Nakarating na kami rito sa clinic at ibinaba dito sa isang bed. Dumiretso naman siya sa table ng nurse at rinig na rinig ko ang pinag-usapan nila ng nurse. Na dapat ay maasikaso agad ito dahil baka mas iitim ito kapag hindi pa agarang tignan.
Lumapit agad sa akin ang nurse saka sinubukang hawakan.
"O-ouch!" Mahinang sigaw ko. I glanced at Cole and he's seriously watching what the nurse will do. Crush niya kaya si Ms. Zania?
"Fortunately, there is no open wound pero nangingitim. Malakas siguro ang impact ng pagkakatumba mo so it became a bruise. It ruined your knees though." Napangiti siya sa huling katagang binanggit niya.
"Hindi naman po." I humbly answered pero nainsulto ako ng kaunti.
"Okay. So I'll just check your record." Paalam niya.
Napatingin ako sa pasa sa tuhod ko pero ramdam kong nakatingin sa akin si Cole.
"What's your name?" Tanong niya na siyang dahilan para mapatingala ako sa mukha niya.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya.
"Celeste. Uhm thank you for helping me out."
"No problem. I'm Lincoln." Lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay nito para makipagshake hands sa akin.
"Alam mo namang ang daming babae doon kanina, nakipagsiksikan ka pa."
"Ayoko naman talagang pumunta." I defended.
"Then why are you there?" Nakataas ang isang kilay niya kaya medyo naintimidate ako.
"Because my uh... my friend wants me to be there." Natatawa na ako sa conversation namin ngayon. Ngayon lang kami nagkakilala pero feeling ko ay ang tagal na naming magkaibigan.
"Really? Baka naman kasi may gusto ka sa isa sa mga players. Who? Storm, Felix, Brooks?"
"WHAT? NO!" Halos matawa na ako sa mga nabanggit niyang mga pangalan. You are not a basketball player but you are the one who's interesting enough to caught my attention.
Binigay na sa akin ng nurse ang record saka nagsulat doon. And I am uncomfortable because he is still at the corner. Ano bang hinihintay niya?
"You can go now, Ms. Velasco. You just need a cold compress."
Hindi ko pinakitang nagulat ako nang inalalayan ako ni Cole. Nagpaalam na kami sa nurse saka nadatnan si Opal doon. Her face is plastered with nervosity.
"Bebe girl!" Bungad niya saka niyakap ako. "Sorry hindi na kita mahagilap kanina. Narinig ko na lang kina Sierra na nakita ka nilang dinala rito sa clinic." Naiiyak niyang saad.
"Okay lang. Uh, Lincoln helped me."
She looked at Cole quietly behind me and she shifted her gaze back at me with malicious eyes and unusual grin.
I knew it!
"Hi pogi! Ako si Opal! Salamat sa pagtulong sa bestfriend ko." Ngiti niya.
"Hi. By the way, take care of your friend next time. Kailangan daw ng cold compress sabi ng nurse."
"Really, hmm... okay." alam ko na kung ano ang iniisip ni Opal. I remained quiet.
"Salamat ulit ha? Sige uuwi na kami." Hinablot niya agad ang kamay ko kaya nabitawan ako ni Cole at sa ginawa niyang iyon ay muntik na akong naisubsob sa sahig!
Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa pagkadapa ko kanina sa court at ngayon ay kasama ang rasong pagnginig dahil meron si Lincoln.
He hurriedly snaked his hands around my waist and helped me stand up. I felt like a blushed with what he did. Bigla namang dumapo ang kamay ni Opal sa mukha na parang nahiya sa ginawa.
"Omg, I thought you are only acting to catch his attention." Rinig kong bulong ni Opal malapit sa tenga ko na takip pa rin ang bibig.
"Her knee was fractured so she can't go by herself. May sundo ba kayo?" He asked with the coldest tone.
"Wala, nagcocommute lang kami. Walang susundo sa kanya kasi overtime ngayon si kuya Rene and my mom's still at work so..."
"So, ihahatid ko na lang kayo."
"What?!" Sigaw ko dahil sa narinig at napatingin naman gad sila sa akin. "I mean, nakakahiya. Thank you kasi tinulungan mo ako kanina. I really appreciated it. Pwede naman kaming mag-commute." Paliwanag ko.
"No, it's fine." Singit niya.
"Bahala ka. Malayo bahay namin." I answered back.
"Sure, it's fine. I'll send you both home."
Hindi na kami nakapalag ni Opal. Kapal din kasi mukha nito eh.
Hanggang sa nakarating kami sa parking lot ay nakahawak siya sa beywang ko kaya mas naging awkward ang atmosphere. Lalo na at naiimagine ko si Opal sa likod na kinikilig o ewan.
Nandito na kami sa loob ng kotse niya and we are waiting for like fifteen minutes already. Nandito kami ni Opal sa likod.
"Sinong hinihintay natin?" Bulong ko kay Opal. Nakaupo kami dito sa backseat which means, may nakareserve sa passenger's seat.
"I don't have any idea."
"Just in time." Cole suddenly blurted out. Hinawakan niya na ang manibela. Napalinga kami sa paligid at nahagilap namin ang isang lalaking matangkad at matipunong nakajersey patungo dito sa kotse, nakahawak ng bola. Si Branden.
Yes, it's Branden.
"Oh fuck." Opal cursed in a low voice.
"Crush mo?" Tanong naman agad ni Cole at natawa kaming dalawa.
"OMG OMG!!!"
Pumasok sa loob si Branden habang nagpupunas ng pawis.
"Let's go?" He asked Lincoln. Napatingin siya dito sa likod at napangiti nang abot tenga ang best friend ko.
"Hi." He greeted. I flashed a smile.
"Cel, pakisampal ako please."
Doon na nga't hinatid na talaga kami ni Cole sa bahay namin pero itong katabi ko ay hindi mapakali dahil nariyan si Brendan.
"Maraming salamat." I thanked after getting out from his car.
"Thank you pogis!" Ani Opal.
"Haha well, uhm you're always welcome. So see you on school?" Paalam ni Cole.
"Sure. Bye! Drive safe!" Opal answered back while I kept silent. Hinintay pa namin itong lumayo na ng tuluyan at pumasok na nga kami ng tuluyan sa bahay.
Napahawak ako sa sentido ko dahil sa hindi makapaniwalang pangyayari ngayong araw na ito.
Patuloy pa din siya sa pagmura dahil nakasabay namin ang crush niya.
"Mabuti na lang talaga iniwan kita sa ere. Tinulungan ka ni Lincoln, nakasabay ko pa sa kotse si Brendan. I am thanking you the most!"
Dumaan muna kami sa kusina para kumuha ng makakain naming snacks sa kwarto. Si yaya naman ay nasa sala, nagpapahinga kaya ayoko na siyang abalain pa. Hinugot ko ang isang litrong vitasoy at potato salad saka dumiretso na kami sa kwarto.
Humiga agad si Opal doon sa kama ko habang ako ay umupo sa mini sofa.
"I can't explain how happy I am." Opal suddenly uttered. Napangiti naman ako ng 'di oras.
"Good for you."
"Anong good for you? Good for us!" Sigaw niya.
"Bakit ako nasama?" Inosenteng tanong ko.
"Because you like him! Don't deny you bitch. Kitang kita sa mata mo eh. Ang weird nga din kasi pinansin ka niya, he's known to be a snob and weird." Napakamot siya sa batok niya. "Sabagay, iba kasi kamandag mo. Nakamamatay yang ngiti mo so hindi na talaga ako magugulat."
"Hoy ang pangit ko kaya!" Depensa ko. Marami nang nagsasabi na may itsura nga ako. Bukod daw sa matalino ako, maganda ako at pwedeng ilaban sa mga beauty pageant pero wala talaga sa akin ang confidence level na pang beauty queen.
"Hindi ka pangit, sadyang snobber at masungit ka lang talaga sa mga lalaki kaya walang nagbabalak pang lumapit sayo kasi they know you won't take even a one glance to them. Kaya bagay kayo nung si Lincoln. Isnobera din iyon."
"So your point, you want me to lessen my snob and sungit thing so they will make a move?" I asked sarcastically.
"Exactly!" She screamed very proud.
"By the way, happy ka kasi nakasabay natin si Brendan. Pero ako na napunta sa clinic, hindi ka pa nag-alala ha?" I rolled my eyes but she didn't even mind. Nakafocus siya sa laptop ko.
"Hoy huwag ka! Nag-alala ako kanina pero mas nag-aalala pa ata yung Lincoln na iyon."
"He's just being kind." I explained.
"Kind my ass."
Napaisip naman agad ako dahil sa huling sinabi ni Lincoln na 'see you in school.'
Ano ba ang kurso niya? Maybe engineering din siya gaya ni Brendan? But fudge I want to ask Opal pero ayoko nang mapahaba pa ang usapan namin tungkol sa kanya.
"Alam mo, matutulog ka dito sa kwarto ko para tulungan mo ako sa report. Hindi yung chichikahin natin si Brendan at Lincoln." I explained.
"Eh ang weird nga kasi! Maybe Lincoln is hitting on you kaya ganun. Nahalata ko nga din yung titig niya sayo kanina. Kakaiba girl!"
"Ano ba? Tigilan mo na kakaasar sa akin. Masyado ka kasing assumera e. Crush ko lang siya okay? No more, no less."
With what I said, she suddenly fell to silence pero kitang-kita ko ang naglalarong ngiti sa labi niya.
"So now the truth is revealed huh? Crush mo pala ha? Na crush at first sight ka ba, Cel?"
"Stop it."