Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Children of the Gods (Tagalog)

🇵🇭RemiRatatouille
--
chs / week
--
NOT RATINGS
44.6k
Views
Synopsis
Maganda at ma-utak na bai ng kanilang munting baryo sa bukid. SI Goma Mella Purton at ang kanyang mapapangasawa, ang susunod na pinuno ng kanilang tribu. Pero sa isang kagimbal-gimbal na karahasan ay napawi ang lahat ng ito. At nauwi sa kanyang pansamantalang kamatayan. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay nasa ibang lugar na siya kung saan lahat ng mamamatay na ay may pag asa pang mabuhay, bilang sugo ng mga dating diyos. Pano na lamang kung susubukin siya ng tadhana at makatagpo niya ulit ang mga taong nag tangka sa kanilang buhay. Mapro-protektahan ba ni Mella ang kaniyang pamilya o mabibigo siya bilang anitu bata ni Dian Masalanta. Samahan si Goma Mella Purton sa kanyang pakikipagsapalaran bilang Anitu Bata o God Child. Sa kanyang maka out of this world adventures.
VIEW MORE

Chapter 1 - Kamusta

~¥~¥~¥~

"Lahat ng tao ay may iisang papel na ginagampanan sa mundo. Nasa sakanila nalang kung susundan nila ito o hahayaan nilang ikutan sila ng daigdig hangang sila'y maglaho"

-Rem Contreras

DISCLAIMER

• All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without written permission from the author.

•This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely accidental.

Copyrights © 2020 Rem Contreras

PROLOGO

Hindi ko pipilitin kong hindi ka maniwala sa akin ang akin lang naman ay nandiyan na at wala na akong magagawa. Isa lang naman akong hamak na babae na handang gawin ang lahat para lang sa kanyang pamilya. At kahit na pagbebenta pa ng kaluluwa ay papatusin ko na para lamang makabalik sa kanila.

"Binibini!?" Pangising na bulyaw sa akin ng misteryosong lalaki na ito na hindi parin nag papakilala sa akin.

Nakasuot siya ng itim na Trench coat na binagayan pa ng Fedora at black shoes. Kung titingnan mo siya sa malayuan ay aakalain mo talagang isa siyang detective in a 90's era pero pag nalapitan mo na kasi eh mukha lang siyang binatilyong mahilig magcosplay dahil sa suot-suot niyang silver wig, na natatakpan ng kanyang sombrero.

"H-Ha?" Tanong ko.

"Tila nawala ka na atah sa iyong sarili binibini. Maayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Eh sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili eh patay na ako tapos kung ano ano pa ang pinagsasabi mo diyan!"

"Kaya nga. Wala ka na sa mundo ng tao at ang tanging paraan lang upang makabalik ka duon ay tangapin mo ang yaring himala na kanina ko pang inaalok ko sa iyo"

"Yung ano nga ulit?"

"Ang pagiging sugo o kahalili ng isang diyos"

Ano daw?

"At ano naman catch niyan. Ibebenta ko kaluluwa ko sa iyo ganun?"

"Ano ka demonyo?" Dagdag ko pa.

"Hahahaha wag kang mag alala pagka't isa lang din akong sugo ng isang diyos"

"Isang diyos?"

"Hindi na mahalaga kung sino siya. Ang mahalaga ay kung papayag ka ba sa aking yaring himala"

"S-Sige na nga, payag na ako"

"Mukhang napilitan ka pa atah"

"Hindi payag na ako. 'Di pa ako handang mamatay noh" Naisip ko ulit sila amang.

"Kung ganun ay uumpisahan ko na ang pag aanitu" Tugon niya at tumalikod na siya sa akin siyaka siya bumulyaw sa maitim na langit.

"Abba kataas taasang diwata. Nagsusumamo kaming mga dukha sa inyo, nawa'y mapansin kami ng isa sa inyong mga alagad at piliin ang handog ko" Bulyaw niya habang nakataas ang kanyang dalawang kamay sa langit.

"Anitu Bata"

Napabalikwas ako sa kinatatayuan ko dahil bukod sa aming dalawa (hindi counted yung bangkay ko na nakahandusay sa lupa) eh wala ng ibang tao dito o multo. Kaya kanino ang maamong boses na iyon?

"Karangalrangal na diwata. Salamat sa iyong tugon" Pagpapasalamat niya siyaka siya muling humarap sa akin na may hawak hawak ng gasera.

Sa'n galing 'yan

"Eto" Inabot niya sa akin ang gasera.

"Ano 'to?"

"'Yan ang iyong sandata na tutulong saiyo bilang Anitu Bata"

"Sure kang sandata 'to? Eh pantubos lang namin 'to sa brown out eh" Pero hindi niya na ako pinansin at nagpaalam na siya.

"Paalam Anitu Bata, Nawa'y makaligtas ka sa mga darating na pagsubok" At bigla na siyang naglaho na parang multo.

"Wait lang hoyy!" Pahabol ko pero tuluyan na siyang naglaho.

"GISING NA GOMA MELLA" At nagising na din ako sa isang hindi magandang panaginip. Tutal parang panaginip lang naman 'yon 'di ba?

Eh bakit may katabi akong gasera?