Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Arduous Journey

🇵🇭Alex_Gail
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.6k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 01

"Aba, Magaling! Kumakain nanaman kayo!" Gulat kaming napatigil sa pagkain ng cup noodles at binalingan si Doc. Jayvee na pumalakpak pa.

"Here comes the devil." Bulong naman ni Ally sa'kin kaya siniko ko siya, baka marinig niya paktay nanaman kami neto.

"S-sorry po doc." Sabi ko at tumayo, hinila ko si Ally palabas ng staff room bago pa kami masinghalan ulit ng demonyo.

"Nakaka-inis! Ngayon na nga lang ulit kakain eh." Nakasimangot na reklamo ni Ally, napangiwi nalang ako at napa-irap sa kawalan.

Sa gitna ng pagra-rant ni Ally ay tinawag ako ng isa sa 2nd year trainee nurse.

"Nurse Xasxy, Tawag po kayo ni Doc. Jayvee sa emergency room." Napangiwi nalang ulit ako at nagtinginan pa kami ni Ally na iminumuwestra ang kamay na umalis na ako.

Tumakbo ako at isang nakaka-binging sermon nanaman ang aking narinig mula sakanya, walang araw na hindi ako nairita sa Doctor na 'to, anak ata ng demonyo.

"Ano ka ulit dito?" Mahinahon ngunit may diin na tanong niya kasabay ang matatalas na tingin, pero hindi ako nagpatinag.

"Head nurse po doc."

"Hmm, head nurse." Sabi niya at tumango-tango pero galit parin, "Lahat nagpapaka-busy, hindi mo na nga nagagabayan ang mga trainee nurse natin dito. Nagawa mo pa talagang kumain? Tawagin mo si Ally! Emergency room nurse siya pero wala siya dito?!" Mula sa pagiging kalmado ay sumigaw na ito, napapahiya naman akong tumango at agad na tinawag si Ally na nasa tapat parin ng staff room.

"Badtrip, lipat na tayo ng hospital Kiella." Inambaan ko naman siya ng batok kaya umilag ito.

"Hindi ko na kaya ang isang 'yan parati nalang tayo ang nakikita niya! Crush niya ba ako?" Mula sa seryosong mukha ay napabunghalit ako ng tawa at tumigil rin nang makasalubong namin ang kampon ng kadiliman.

"Hindi talaga kayo magtitino? Sige, sumama ka'yo sa'kin." Nagpalitan kami ng tingin ni Ally at alam namin sa isa't-isa na hindi 'to maganda.

Dinala kami ni Doc. Jayvee sa opisina ng presidente ng Sublime Hospital na kasalukuyang pinagtatrabahuan namin.

"D-doc, bakit dito po?" Nagtatakang tanong ni Ally.

"You'll know kapag nakapasok na tayo." Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko rito, isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ipihit ni Dr. Jayvee ang pintuan.

"Oh, napabisita ka'yo rito? May problema ba?" Tanong ni President Sebby, Fun Fact anak niya 'tong demonyo na nasa tabi ko!

"I would like to transfer them sa isa nating branch ng Hospital Pres. Sebby." Magalang na sabi niya sa tatay niya, pakitang tao talaga!

ANO DAAAW?! TRANSFER SA IBANG HOSPITAL? NO WAAAY!

"B-bakit po Doc? Hindi ako papayag sa sinasabi mo." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin ngunit nginisian lang ako nito.

"Where? Sa Hospital na pinatayo mo sa probinsya? Yung Grandron Hospital?" Tanong naman ni Pres. nagpalitan kami ng tingin ni Ally at halata sa mga mukha namin ang pagka-dismaya.

Mula sa kilalang hospital na SUBLIME pre, mapupunta kami sa hospital ng probinsya? Kulang-kulang sa gamit!

"Yes Doc, since kulang din kami sa staff."

"Okay, I'll process their papers and itatransfer ko na doon. You may leave Ron, and the two of you stay." Baling ni pres. sa'min, yun na iyon? Oo agad?

Hindi ako papayag sa ninanais ng demonyo na 'yon! And by the way Ron is the second name of Dr. Jayvee.

"Pres. please po ayoko pong matransfer sa probinsya." Pagmamaka-awa ko at tumango-tango naman si Ally.

"Me too pres."

"I'm so sorry, pero we really need staff's in Grandron Hospital, don't worry magagaling ang mga staff do'n at kahit probinsya ay kompleto sa kagamitan." Bagsak ang balikat ko at walang magawa kun'di sumunod nalang sa gusto nila.

Mas gugustuhin ko nalang na mailipat sa ibang Hospital kaysa maalis sa trabaho, kaso hindi ko parin tanggap argh!

*****

"Oh kiella bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong naman sa'kin ni Gly Jeniell Lopez ang Lawyer na Bff rin namin, may pagka-tamad sa trabaho at Ate ate sa bahay na 'to.

And for you guys to know magkakasama kami sa iisang bahay na binili rin naman naming magka-kaibigan, pinag-ipunan namin noong nag-aaral pa kami.

"Kabadtrip, si Ally ang tanungin mo." Sabi ko at pabagsak na umupo sa sofa.

"WAAAAANE!" Sigaw naman ni Gly, second name ni Ally ang Wane at ayaw na ayaw niya 'yon.

Dahil sa Irita ay umalis na ako at nagpunta saglit sa Korean Product Merchandising para mamili ng ingredients at tteokbokki rice cake, syempre hindi ko rin kakalimutan ang samyang na paborito naming kainin.

Sa tagal kong nagti-tingin sa ref. ay nagalit na ang taong nasa likod ko. "Are you going to buy or you're just going to stare at it until you die?" Familiar ang boses ayoko lumingon pero wala akong choice.

Paglingon ko ay sa baga niya ako nasubsob, paano ba naman eh nakayuko ito malapit sa'kin. Naiilang naman akong lumayo atsaka sinagot ang kampon ng kadiliman, OO SI DR. JAYVEE NGA!

Hanggang dito ba naman ay lapitin ako ng demonyo?

"Pasensya na po ha? Eh tinatantya ko lang naman kung ilang balot ang kaya naming kainin." Sarkasmong sagot ko at binuksan ang ref. kumuha lang ako ng kumuha atsaka siya inirapan paalis.

Akala siguro niya ay natatakot ako sakanya, porque anak siya ng may-ari.

Paglabas ko ng KPmerchandising ay napagtanto kong nasa trenta piraso ang nakuha kong samyang at limang balot ng 1kg na tteokbokki rice cake, nasapo ko ang noo ko sa dami ng nabili ko. Hindi na ako magtataka may demonyong sumulpot eh.

Pagbalik ko ay may bisita na kami, jowa ni Gly.

Lumapit naman sa'kin si Ally at bumulong ng favorite line niyang, "Here we go again." Alam naming sasakit nanaman ang mata namin sa dalawang 'yan.

"Hayaan mo na yang mga 'yan, samahan mo nalang 'ko magluto neto." Sabi ko at tumawa kami pareho.

*****

"Ang dami mong binili, ano yan? Celebration dahil itatransfer kayo ni Ally sa trabaho?" Biglaang sulpot naman ni Cyrene Kate Buenaventura, CEO na kuripot pero magaling 'yan pagdating sa fashion.

"Gusto ko na ngang umalis eh pesteng 'yan, di ko naman talaga ginustong magnurse!" Pagrarant ko.

FLASHBACK

"Dad? Okay na ba si mommy?" Tanong ko habang nag-aalalang nakatingin kay mommy na nakahiga sa emergency room, dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nadisgrasya siya papunta sa Graduation ko sa aking pagtatapos ng SHS.

"She's okay na anak, ililipat na siya sa room." Tumango naman ako at inalalayang maka-upo si Daddy, Doctor si Daddy dito sa Sublime Hospital at isa sa tinitingala, and si Mommy ay may Restaurant so stable ang financial namin.

*****

Umuwi si Daddy para kumuha ng gamit ni Mommy, naiwan ako para magbantay.

Sa gitna ng pagbabantay ko ay nakatulog ako ngunit bigla akong tinawag ng kalikasan. Patapos na ako ng bigla nalang tumunog ang makina na parang nawalan na ng buhay ang pasyente.

Agad akong lumabas at nadatnan ko ang isang Nurse na nagmamadaling umalis, hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na 'to.

Natataranta man ay naisip kong tumawag ng doctor, agad namang kumilos ang mga doctor at iyak naman ako ng iyak, kitang-kita ko rin kasi ang bakas ng kamay sa leeg ni Mommy. Halatang sinakal ito ng Nurse na 'yon, at hindi ako shunga para hindi mafigure-out ang ganitong bagay.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi kinaya ni Mommy.

END OF FLASHBACK

"Ako na diyan." Sabi ni Cyrene at kinuha ang sandok, natawa naman ako ng sarcastic.

"Ikaw? Cyrene? 'wag na baka masunog HAHAHAHA." Nagtawanan kami ni Ally at padabog na iniwan ni Cyrene ang sandok.

"Pikon talaga 'yon, kawawa magiging jowa nun." Sabi naman ni Ally, nag-apir naman kami pareho kasi kaming agree sa lahat ng bagay HAHA.

"Sinabi mo pa baka nga iwan 'yon eh HAHAHA."

Natapos na ako sa pagluluto, pina-hain ko na kay Ally kasi tatawagin ko pa ang iba pa naming kaibigan na nasa taas.

"Cyrene pikon baba na luto na yung pagkain." Pagkatok ko sa pintuan ng kwarto niya, sumagot naman ito na mag-aayos lang saglit at susunod na pababa.

Sa kabilang kwarto naman ay si Bella Lopez kapatid ni Gly at Assistant ni Cyrene, mukha lang din tahimik 'tong si Bella pero may tinatagong kabaliwan din.

Sa dulong kwarto ay magkasama si Gly at Mandy Flores na owner ng Flower Shop at kina-iinggitan ni Cyrene dahil nga baby face.

And Last si Vhienna Laurice Bustamante, ang pabigat sa aming magka-kaibigan HAHA joke. Pinaka-bata 'yan ngunit pinaka-mature mag-isip, vlogger siya at content niya ay ang pagkain ng kung ano-ano, nakakapag-taka lang na hindi siya tumataba unfair diba?

Sarap na sarap kami sa pagkain nang biglang may magdoor bell, at dahil ako ang pinaka-malapit sa pintuan, syempre ako ang magbubukas.

"WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE?!"

... To be continued.