Chereads / My Husband is a Superstar / Chapter 1 - Chapter One

My Husband is a Superstar

🇵🇭Cupcake_Empress
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

(Janella's POV)

Kakalabas lang namin ng classroom. Mabuti na nga lang at tapos na ang klase. Halos matuyo na ang utak ko sa klase kanina. Hindi ko maintindihan ang explanation ng prof namin. Masyadong malabo. O baka naman ako ang malabo?

Hay naman! Ano ba namang buhay ito? Bakit ba wala akong maintindihan? May singaw yata utak ko eh. Kahit kasi anong explain hindi ko maintindihan. Wala man lang akong maintindihan kahit isang formula.

Hay! Bakit ba ang tanga-tanga ko? Ganoon ba talaga kahirap ang math?! Natigil ako sa pamomroblema nang may biglang mang-akbay sa akin.

"Janella Christine Lorenzo, anong problema? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" nakangiting tanong sa akin ng bestfriend kong si Mariana.

"Mariana Jimenez! Galit ka ba sa akin hah? Bakit kung makatanong ka, buong pangalan ko talaga ang kailangang banggitin?" pabirong wika ko.

"Eh kasi naman, daig mo pang naluging intsik eh. Ano ba problema mo? Inaapi ka na naman ba ng pinsan mong hilaw. Aba't sabihin mo lang sa akin at babalatan ko siya ng buhay--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang takpan ko ang bibig niya. Famous kasi sa university ang pinsan ko. She's our campus princess. Mayaman siya at sobrang ganda kaya naman hook sa kanya lahat ng lalaki sa university. And take note, kung kaartehan sa katawan ang pag-uusapan, hindi din siya pahuhuli. Fashionista siya. At hindi niya pinapansin ang mga tulad namin ni Mariana. Para sa kanya, masyadong siyang maganda para makipaghalubilo sa mga kagaya namin.

Well, gusto niyong malaman kung ano ang itsura namin. Plain lang kami manamit ni Mariana. Hindi kami naglalagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi kami nagpapasalon linggo-linggo. Para kasi sa amin hindi na kailangan ang mga iyon para masabi mong maganda ka.

"Ano ba kasi problema mo?" nakasimangot nitong tanong.

Kaya naman nasasabi ni Mariana na inaapi ako. Nalaman kasi nito na hindi ako pinakain Mona noong isang araw dahil lang nahuli niyang tinitingnan daw ako ng campus heartthrob na si Gerald. Si Gerald Sanchez siya naman ang isa sa mga pantasya ng university na ito. Hindi ko pa siya nakita sa malapitan. At hindi pa kami kailanman nagkakausap. Kaya naman imposible ang sinasabi ng pinsan ko. Nagha-hallucinate lang siguro siya. Dahil sa sobrang pagkagusto niya kay Gerald. Sabi niya pa nga sa akin baka daw pinapantasya ko na si Gerald. No way!

Hindi ko ugaling mang-agaw ng iba. At isa pa, may boyfriend na ako. Si Carlo, ang gwapo kong sinta. Teka nga! Bakit hindi na nagpapakita sa akin ang sinisinta ko? Saang lupalop kaya ng mundong ibabaw sumuot ang lalaking iyon? Hindi kasi kami pareho ng university na pinapasukan. Sa ibang university kasi siya nag-aaral.

Ako naman, ay sinwerteng makapag-aral sa prestigious university na ito dahil sa namayapa kong lola. Kaibigan niya ang may-ari ng paaralan na ito. Natalia Santos University ang buong pangalan ng school na ito. In short, NSU. Ipinangalan daw ito ng asawa ng may-ari ng university.

"Wala naman, nahirapan lang kasi ako intindihin iyong lesson natin kanina. Natutuyo utak ko eh. Ikaw ba may naintindihan?" tanong ko naman sa kanya.

"Magkaibigan nga talaga tayo, ako din walang naintindihan eh. Tapos magku-quiz pa bukas. Pakopya na lang ako ah." nakangiti pa niyang sabi.

Binatukan ko nga. Sabi ko nga wala akong naintindihan eh! Anong isasagot ko bukas?

"Aray ko naman, naalog yata utak ko doon." reklamo nito saka napahawak sa nasaktan niyang ulo.

"Sabi ko nga di ba? Wala akong naintindihan. Baka bukas niyan, pareho tayo bokya. Aish! nakakahiya. Mag-aaral ako mamaya. Ikaw din utang na loob mag-aral ka rin." mahaba kong litanya sa kanya.

"Oo na po." wika niya na lang.

"Punta na nga lang tayo sa canteen! At nang makakain na. Baka kaya wala akong naintindihan kanina kasi gutom lang ako." yaya ko sa kanya.

"Psh! palagi ka namang gutom! Hindi ka naman tumataba." wika pa niya.

"Gusto mo batukan uli kita?" nananakot kong tanong.

"Ito na nga eh, pupunta na ng canteen." pagsuko niya.

********************************

Michael's POV

As I entered the dressing room, all I wanted is to sit and relax my mind. Nang makaupo na ako saka lang ako nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at hindi ako kinakausap ng mga kaibigan ko. Katatapos lang naming magconcert. Nagsimula ang bandang ito noong mga highschool pa lamang kami. Which was ten years ago. I am the lead vocalist and the composer of the band.

Lahat ng nai-compose kong kanta ay tinangkilik ng mga tao. Kaya heto ang resulta. Sumikat kami ng husto sa buong Asya. We are called " Angel's Rythm". Binubuo ito ng limang miyembro, Andrei de Castro on electric guitar, Kenneth Osorio on Keyboard, Brandon Ramirez on drums, Ashton Alonzo on bass guitar and lastly me, Michael Gregory Santos the lead vocalist. Kami ay pinagsama-samang talent and looks.

Kaya naman hindi na ako magtataka kung hindi na kami makapag-bonding sa matataong lugar. Katulad ng malls, parks and etc. In short, wala na kaming kalayaan. Hindi na katulad ng dati.

"Bro, sino na naman ba iyang tumatakbo sa isip mo?" tanong ni Andrei sa akin.

Nagising ang diwa ko sa pagbabalik tanaw nang magtanong siya. Nasa harap ko na pala siya. Hindi ko nga namalayan na naroon na pala ito sa harap ko. Tiningnan ko lamang siya without any emotions on my face. Wala akong balak kausapin siya. I just wanted to remain silent.

Nasa Araneta Colosseum kami ngayon. Katatapos lang naming tumugtog. Pwede na kami umuwi kung kailan namin gusto. Nang marealize ni Andrei na wala akong balak makipag-usap sa kanya, umalis na lang siya sa harapan ko. Which was a good thing. Ibinaling ko ang paningin ko sa gitara na nasa harap ko. Kailangan ko ng mag-compose ng bagong kanta. This time, duet song naman. Simula kasi ng mawala si Crystal... Never mind. Tss. bakit sumagi na naman sa isip ko ang babaeng yun? Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may kumalabit sa akin. Palagi na lang akong naiistorbo!

" Bro, alam kong nag-iisip ka na naman ng bagong ico-compose na kanta. Itigil mo muna iyan. Celebrate muna tayo, anniversary ng banda natin ngayon. Magtutungga tayo hanggang umaga." mahabang yaya ni Ashton.

"Where?" matipid kong tanong nang hindi man lang siya nililingon.

"Saan ba tayo madalas tumambay? Di ba sa bar lang naman ni Brandon? Doon na tayo para safe. Walang gagalaw sa atin doon. Balita ko may bagong singer sa bar ni Brandon, baka siya na yung fit para sa hinahanap nating ka-duet ni, Michael." wika naman ni Kenneth.

"Bro, matino pa kaya ang babaeng nasa lugar na yun? Marurumi ang mga babae dun." malamig kong sabi.

I can't believe it! Sa lahat ba naman ng lugar na pwedeng maghanap ng pwedeng kumanta ng isinulat ko. Babae pa na galing sa bar! Nakakasuka!

"Bro, wag mo namang lahatin. Alam ko, yung iba sa kanila, part time job lang bilang waitress. Yung sinasabi ni Kenneth, estudyante sa NSU. Schoolmate natin yun." Sabat naman ni Brandon.

"Maganda ba?" Singit na tanong ni Andrei.

Napailing na lang ako. Basta babae, wala talagang sasantuhin itong si Andrei. Siya kasi ang playboy sa amin. Hindi ko alam kung ilang babae na ang naikama nito at sinaktan. Ang alam ko lang hindi na siya magbabago!

"See for yourself." pilyong napangiti si Brandon.

Binalingan nila ako na hindi pa rin interesado sa suggestion nila. Hindi ako nagsalita. Inakbayan ako ako ni Ashton.

"Tama na yang kaartehan mo sa katawan. Huwag kang mag-alala hindi tayo dudumugin doon kasi mag di-disguise tayo." pang-aasure niya sa akin.

"Tara na! Tagal!" wika naman ni Kenneth na halatang naiinip na.

Huminga ako ng malalim saka tumango bilang pagpayag. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. Tilian ang sumalubong sa amin. Akala ko nagsiuwi na ang mga babaeng ito. Isang oras na ang nakakalipas mula nang matapos ang concert. Kaya akala ko, paglabas namin, wala ng tao. Pero nagkamali ako. Andami pa rin. Nagkatinginan kaming lima.

"Suicide." matipid na wika ni Andrei.

Akmang susugurin na kami ng mga fans nang pigilan sila ng security. Mabuti naman, akala ko uuuwi na naman kaming punit-punit ang mga damit. That was close! Nang dumaan kami sa gitna, lalong lumakas ang hiyawan. Nakakabingi!

"Waaah! I love you Michael!" Sigaw nung babaeng mukhang shokoy.

Nginitian ko na lang siya. Bigla itong hinimatay. Seriously?! Napailing na lang ako saka patuloy kaming naglakad papunta sa private van. Medyo nahirapan pa kami dahil sa dami ng dumudumog sa amin.

"Guys, katapusan na natin magdasal na kayo. Lalapain na tayo ng mga zombies na ito." pabirong wika ni Ashton.

Kinakalampag kasi ng mga ito ang bintana. Naroon pa rin ang mga security pero may nakakalusot pa rin. Nakakapagtaka na siguro kung may babae pa ngayon na hindi nababaliw sa amin. They were drooling at us. Just like a predator hunting it's prey.

"I-lock niyo ang pinto, baka pasukin tayo ng mga zombies." babala naman ni Kenneth.

Tahimik lang ako sa isang banda. Wala naman sigurong magtatangkang pumasok sa kotse namin. Pwera na lang kung desperada talaga. Mukhang mapapasubo kami. That's the behavior I really don't like for a woman.

"Tinatakot mo ba kami?" tanong naman ni Brandon.

"Hindi naman sa ganoon, pinapaalalahanan ko lang kayo sa pwedeng mangyari kapag--"

Hindi pa natapos ni Kenneth ang sasabihin nang biglang may nagbukas ng pinto at dali-daling sumakay sa van ang babae. Tumabi kaagad ito sa akin. Kita ang cleavage nito pinarisan iyon ng palda na sobrang ikli. Makapal ang kolorete niya sa mukha na halos magmukha na siyang clown sa carnaval. Lumingkis kaagad siya sa braso ko na parang Anaconda saka inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, wala ni isa sa amin ang agad na nakapagsalita. Natauhan lang ako nang magsalita siya.

"Michael, wanna have fun! Paliligayahin kita." sabi ng babae habang nakalingkis pa rin sa akin.

"Get off me." malamig kong utos sa kanya.

Dahil sa sinabi ko, bahagyang lumayo ang babae sa akin. Pero nakalingkis pa rin ang braso niya sa braso ko. Napamaang siya. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Nang hindi pa rin siya nakapagsalita, nagsalita ulit ako.

"Get out." malamig kong wika.

Doon lamang siya tila natauhan. Halata na na nainsulto siya sa ginawa ko sa kanya. Akala niya siguro papatulan ko siya. She's desperate to have me. Ano pa ba? Ilang beses na nangyari sa akin ang ganito. Babae mismo ang nagyayaya sa akin.

"Excuse me?" tila hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon.

I look at her emotionless. Maybe I was too harsh to her. But I don't fuckin' care! I just want this desperate woman out of my sight! She looks like a clown! How am I supposed to make out with a clown?

"Bingi ka ba? I said, Get out. Or else I will file a case against you for harassing me. Besides, I have a solid evidence." malamig na wika ko sa kanya sabay flash ng camera ni Kenneth.

Napahiya ang babae pero hindi ito nagpahalata. Nanatili pa ring nakataas ang noo nito. I just look at her emotionless. A devilish grin form on my lips. I can make her life miserable in an instant.

"Kung ako sa iyo, miss. Lalabas na ako dahil kung hindi ka bababa baka wala ka ng mukhang ihaharap sa buong Asya." wika ni Kenneth saka napailing.

Napabaling ito kay Kenneth. Her face was priceless. Parang ano mang oras mula ngayon, mamamatay na siya sa kaba.

"Kapag hindi ka bumaba, ipapakulong ka namin. Dahil sa ginawa mong panghaharass sa kaibigan namin." sabat naman ni Andrei.

" At hindi lang iyon, ipapahiya namin ang buong angkan niyo. Makikilala ka sa buong Asya bilang "Ang babaeng nang-harass kay Michael". wika naman ni Brandon.

"Want to get those consequences?" malamig kong tanong sa kanya.

Namumutla ang babae. Pinagpapawisan ito kahit malamig naman ang aircon ng van. Hindi kaagad ito nakapagsalita. Maya-maya bigla na lang ito kumilos at bumaba sa van pero bago pa man niyon isara ang pinto may sinabi ito.

"A bunch of sick!" tili nito sa amin.

Tiningnan ko lang siya. Wala akong pakialam sa nararamdaman niya. She deserves it! Mga babaeng liberated! Wala ng itinira na kahihiyan sa katawan.

"Well, matagal na naming alam yun." nakangising wika ni Ashton.

Nang wala ng mahagilap na sasabihin ang babae. Padabog nitong isinara ang pintuan ng van. Ini-lock ko na kaagad iyon. Baka mamaya mukhang shokoy na ang pumasok.

Suddenly, my phone beeps. I unlock it, to check who it was. I just got text from my little sister Michelle. She wanted to see me. May sasabihin daw sa amin ang sina Daddy at Mommy.

"What is it?" I replied.

"I don't know, big bro. Maybe some kind of family matter." She replied.

"Okay, I'm on my way." Inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko.

"Phew! Mabuti na lang naitaboy natin ang babaeng yun." Napailing na wika ni Kenneth.

"Bros, I need to go. I've got a message from my little sis. May sasabihin daw ang mga magulang ko sa amin." Paalam ko sa kanila.

"Bawi ka na lang sa susunod Bro. Puntahan mo na baka importante." Naiiling na wika ni Kenneth.

"Ihahatid ka na lang namin sa inyo. On the way naman iyong bahay ng mga magulang mo." Suhestiyon ni Brandon.

I just nod. Ano kayang sasabihin nina Mommy at Daddy? Sa text ni Michelle, mukhang seryoso. Kung gayon, kailangan ko talagang makarating kaagad.

Napabaling ako sa bintana. I heaved a sigh. I am tired of being popular. But what can I do? Music is my life. Isa pa, siguradong magtatampo ang mga kaibigan ko kung titigil ako.

Natigil lamang ako sa pagmumuni-muni, nang may makita ako sa isang banda. Magkahawak-kamay ang mga ito. Bigla ang pagsikdo ng kaba sa dibdib ko. How can I ever forget the woman I love? They look so happy. Na para bang sila lang dalawa ang nasa mundo.

Iniiwas ko ang tingin ko. How could she do this to me? Tuluyan na nga ba niya akong tinalikuran. I thought I already moved on. Pero bakit ganito pa rin kasakit?

"You know what guys? I am in a mood of drinking right now. Can I join you instead of going home?" Napanganga silang lahat sa tanong ko.

Sumandal na ako sa kinauupuan ko saka ko isinalampak ang headphone sa mga tainga ko. I rested my eyes and hope that the pain will go away.

Goodbye Crystal!