Chereads / MALANDING UGNAYAN (M.U.) / Chapter 2 - MALANDING UGNAYAN

Chapter 2 - MALANDING UGNAYAN

"I love you Mae" taena girl kinikilig ako! Pa'no ba naman kasi na-crushback lang naman ako ni Jeremy my labs mainggit kayo! HAHAHAHAHA

So ayon, ang saya ng bangon ko. Kaya nireplyan ko na lang siya ng heart emoji at dumiretso na sa banyo. Awieeee parang may mga paru-paro sa paligid ang saya!!!

Binilisan ko na lang ang pagligo ko at pagkain ng almusal para maikwento ko na ko na sa barkada ko. Syempre kikiligin din sila tapos magsa-SANAOL! Saka para makita ko na rin si Jeremy hihihihi.

Nang makarating ako sa school, natanaw ko na kaagad sila Rina at Zia.

Uhaw sa chismis nako!

"OY GAGA! SANA ALL MAY LABLAYP!"salubong sa'kin ni Rina na may kasama pang batok piste.

"Share mo naman Mae!!! Dali excited na kami" inutusan pa nga ako ni Zia na hatdog.

Inirapan ko na sila at nagsimulang magkwento.

"Ayyy tangenaaaaaa sanaol talaga!!!! Kiligtots ka naman! Landi mo!" Tinakpan ko ang bunganga ni Rina napakaingay! Akala mo siya lang tao sa campus e tsk.

"Sanaol klasmeyt 'yong krass tapos na-crushback. Sanaol talaga Mae HAHAHAHHAAHAH" wala namang nakakatawa pero tawa ng tawa si Zia sabay hampas sa'kin. Ganyan nga siguro siya kiligin nananakit.

Pagkatapos ng asaran at konting sakitan, nagsipunta na kami sa mga room namin. Hindi naman kami magkakaklase this year kasi random ang sectioning every year sa school.

Pagpasok ko sa classroom, wala pa namang teacher kaya umupo na 'ko at nag fb muna habang inaantay si krass hehehehe.

"Lupet mo pre naka-score ka nanaman!"

"Ikaw na talaga Je! Iba kamandag mo"

Narinig ko ang ingay ng kantyawan nila ng barkada niya. Tumatawa lang siya.

Kahit tawa sarap sa ears nubayan krass!

"Hi Jeremy!" Bati ko sa kanya habang nakangiti.

"Hello Mae" tapos ngumiti siya!

Dapaaaakkkkkk pa'no po magpigil ng ngiti.

"Hi raw Jeremy HAHAHAHAHA"

"Astig ka talaga pre"

Tinutukso siya ng mga kaibigan niya pero tiningnan niya ulit ako tapos ngumiti ulit siya.

Gagoooo hindi mo alam epekto sa'kin ng killer smiles mo! Halikan kita diyan ei char!

Pagpapantasyahan ko pa sana siya kaso dumating na teacher namin. Panira naman 'to si ma'am hayyss.

Isinantabi ko muna ang kalandian sa utak ko at tumutok sa lesson ni ma'am mahirap na at baka mapahiya kay krass, math pa naman 'to.

Ayon nagquiz! Buti na lang nakinig ako kaya perfect hehehehe iaannounce kasi 'yong scores from lowest to highest. Unang natawag pangalan ko hehehe.

"Mae, Diyowa, 10/10. Great job!"

Kaso...

"Jeremy,Diumano, 2/10 haynako puro papogi ka pa rin mag-aral ka naman"

Two points lang nakuha niya ano ba 'yan. Mukhang mas hirap siya sa'kin ah.

"Sige po Ma'am Sue Ngit" inirapan siya ni ma'am. Ayaw kasi ni ma'am na tinatawag buong name niya e kaso wala na siyang ganang magsaway siguro.

Tumingin ako sa kanya at tumatawa lang siya pati ang mga kaibigan niya na mababa rin ang scores. Ano ba naman 'yan krass dapat kung krass mo 'ko nag-aaral ka rin mabuti like mehh.

Tapos ayon lumipas na 'yong unang set ng subs namin. Nakakaloka may mga walang assignment si krass tapos mababa siya sa mga pa quiz.

Pero okay lang 'yan babawi naman siguro sa susunod. Pwede pa naman mabawi 'yon.

Dumating na ang breaktime at nagulat ako dahil lumapit si Jeremy sa'kin.

"Ahm... would you like to have lunch with me?"

Tang ina seryoso?!?!?! Niyaya ako ng crush ko?? Si Jeremy?! Waaaaahhhhh!!!

"A-ako?" Parang tanga ko pang tinuro ang sarili ko.

"Bakit may kasama ka pa bang multo diyan? Baka siya 'yong niyayaya ko?" Napaka pilosopo pasalamat siya crush ko siya kundi nasapak ko na 'to.

"Oo nga sabi ko nga ako nga. Sige po ito na po sabay na po tayo"

Hindi ko na pinuntahan sa mga room nila ang mga impakta kong kaibigan mamaya ko na sila chichismisin kami muna ngayon ni crush minsan lang 'to baka hindi na maulit!

Pagdating namin sa canteen ang dami nanamang tao bakit naman kasi sabay-sabay breaktime e pwede namang dalawanb strands muna hayyss.

"Ano gusto mong kainin?"

Ikaw

Pero hindi 'yan ang sinagot ko baka hambalusin niya na lang ako bigla. Galante naman po pala ang koya mo manlilibre.

"Chicken na lang tapos turon pati juice hehehehe" syempre aarte pa ba 'ko? Libre oh!

"Sige. Bili ka."

Tangina

"Salamat sa pagtatanong mo. Ito na pipila na" inirapan ko na lang siya at pipila na sana ako pero sabi niya joke lang daw 'yon. Panget niya char.

"Hanap ka na lang ng upuan para naman may ambag ka"

Pinanlakihan ko siya ng mata saka inirapan. Pero tinawanan niya lang ako. Abnormal yata 'tong crush ko.

Pagkatapos ng ilang minuto lang naman dumating na siya with puds!!!

Paglapag niya ng mga pagkain, kumain na 'ko agad. Gutom na 'ko eh.

"Hindi ka naman gutom niyan" inirapan ko na lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain ko hanggang sa matapos ako, hindi ko siya pinapansin kahit na nakatingin siya sa'kin.

Mahirap lumandi ng gutom mga bhe!

"Salamat sa libre cru- este Jeremy! Nabusog ako HAHAHAHA" parang hirap siyang tingnan ako. May dumi ba 'ko sa mukha?

"Ayos ka lang ba? Pansin ko lang kasi kanina ka pa nakatingin sa 'kin pero wala kang sinasabi"

He cleared his throat. (Spokening dollars ako ba't ba)

"Ano kasi... nagustuhan kita dahil matalino ka tapos ang jolly mo pa. Attractive ka rin kaya hindi talaga imposibleng magkagusto sa'yo..."

Tanginuh namannnnn kinikilig ako!!!! Crushhh nemen eh!

"... kaya I think na ikaw lang din ang makakatulong sa'kin. Because you are my inspiration Mae Diyowa. Will you help me with my acads? We can study together" hinawakan niya kamay ko wuth matching killer smile mga bakla!!!!

Wala na 'kong ibang nakikita kundi siya at naririnig kung hindi ang puso ko. Ano pa nga ba? Edi go na!

Nang ikwento ko 'to sa mga impakta syempre kinilig sila at pinaghahampas ako! Bwisit talaga.

Ayon nga no'ng mga sumunod na araw tinutulungan ko si Jeremy kaso binibigay niya lang sa'kin iyong mga kailangang gawin at ipasa. Doble na tuloy assignments ko!

Pero okay lang kasi sabi naman niya busy siya at bumabawi siya sa ibang subjects ng mga quiz. Kaso ang ipinagtataka ko lang, 'pag hinahanap ko siya sa mga kaibigan niya sasabihin nila nakauwi na.

Nakakausap ko rin naman siya kapag gabi na bago matulog hehehehe. Buti pa sa'ken may naggu-Goodnight sa nagbabasa wala bleeehhh!

I'll make him proud na lang, masaya rin naman akong nakikitang nakangiti siya kapag maganda ang feedbacks ng mga teachers tapos sinasabayan niya ko sa lunch.

"Hooo! Tapos na rin. Maaga pa naman punta na lang muna ako sa mga impakta ilang weeks ko na silang hindi nakikita lalo na si Zia dahil busy kami" saad ko sa sarili.

Paakyat na sana ako ng building nang madaan ko ang Com Lab na nakasiwang ang pinto tapos patay naman ang ilaw isasara ko na sana nang bigla akong may marinig na kalampag.

Syempre kahit na takot ako dahil baka kung anong nilalang nasa loob, pumasok pa rin ako tapos binuksan ko 'yong ilaw.

Mas matindi pa pala sa halimaw ang makikita ko, nagulat din siguro sila kasi hindi nila inaasahang makikita ko ang PINAGKAKAABALAHAN nila.

"Ito pala 'yong busy at bumabawi sa acads noh? Zia at Jeremy? " tumutulo ang luha ko habang nagsasalita.

"Let me explain Mae" lumayo si Jeremy na para bang napaso kay Zia. Habang nakahiga naman si Zia sa bakanteng computer table at naka bukas ang blouse.

"No need Jeremy. Okay na 'yong nakita ko. Sapat na paliwanag na 'yon."

******

"Mae galit ka pa rin ba kay Zia? Ilang buwan na rin kayong hindi nagpapansinan. Magsesembreak na" tama si Rina, ilang buwan ko nang hindi kinakausap sila Jeremy. Pero chinat ako ni Zia para magpaliwanag hindi lang alam ni Rina. Nakwento ko na rin kay Rina ang nangyari, I'm just not ready na kausapin sila sa personal.

"Mae let's talk" sinalubong ako ni Jeremy habang naglalakad kami ni Rina.

"Ayoko." Iiwasan ko na sana siya nang bigla niya akong hatakin ng walang pasintabi at dinala kung saan. Wala na rin naman akong magagawa kaya napatianod na lang ako. Naririnig ko rin na tinawag ako ni Rina.

Walang emosyon ko siyang tinitigan at inantay ang sasabihin niya.

"I'm sorry Mae. Ikaw naman talaga 'yong gusto ko e. Kaso nilandi ako ni Zia. Pinilit niya 'ko. Alam mo namang gusto kita I made it clear to-

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at ginawaran ko siya ng malakas na sampal.

"Tang ina mo sa tingin mo ba maniniwala pa 'ko sa mga pinagsasabi mo? Binalewala ko 'yong mga poor performances mo, iyong pag indian mo sa'kin pati 'yong pagpupuyat ko para sa assignment mo na dapat hindi ko ginagawa, GINAWA KO! Kase tanga ako sa'yo, hindi ko nakita kung gaano ka kawalang kwentang gago ka!" Nilabas ko lahat ng sama ng loob na kinimkim ko sa kanya.

Mukhang lumalabas na rin ang totoong kulay niya dahil bigla na lang niya akong hinawakan ng mahigpit sa kamay ko.

"Bakit sino ka ba? Hindi ka maganda puro acads ka lang. Kaya wala kang karapatan magreklamo huh? Kung tutuusin ang swerte mo pa nga kasi pinapansin kita 'di tulad nung iba na nagpapapansin sa'kin na magaganda at sexy talaga. 'Yong kaibigan mo? Matagal nang may gusto sa'kin 'yon at siya na ang lumapit"

"Sino ba naman ako para tumanggi, maganda siya. Mukhang masarap din kaso hindi ko natikman kasi umepal ka hindi naman kita girlfriend. Kalandian ka lang" namumula na ang mukha niya sa pagpipigil.

Gago naman pala talagang sagad 'to. Bakit ba 'ko nagpauto rito?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA grabe nakikita ko na kung gaano ako katanga. Nakakatawa ako pramis. Isipin mo 'yon ang talino ko tapos nagkagusto ako sa patapong tulad mo?" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa'kin at sinampal siya ulit.

Aambahan niya sana ako ng suntok nang pigilan siya ng mga kaibigan niya.

"Sa susunod na mang gagago ka, galingan mo at 'wag kang papahuli and one more thing, alam kong pinilit mo si Zia kasi ikaw ang naghahabol sa kaniya" inismiran ko siya at naglakad palayo.

Hayyss buti na lang talaga wala kaming label noh? Mahirap na magkaroon ng jowang manloloko at hindi naman deserve ang pagmamahal ko. I guess I'll just wait for the right person.

Masakit gumising sa katangahan pero mas masakit 'yong habang buhay ka nagtatanga-tangahan. Kaya choose and love wisely mga cyst! -Mae Diyowa

~End~