Oh anak nakauwi kana pala, kumain kana at baka lumamig ang pagkain" sabi ni mama
Hindi alam ng mga magulang ko ang pagsali ko sa XIPMA ang alam lang nila ay nagtatrabaho ako sa isang restaurant pero hindi naman totoo yun hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sakanila na pumapatay at nambubugbog ako.
4 lang kami sa pamilya Ako, si mama si papa at si Jerrico yung bunso kong kapatid.
"maya maya na ma pakilagay nalang ho sa lamesa" nakangiti kong sabi
Pumasok na ako sa kwarto at kinuha ang laptop sa cabinet ko. Kailangan kong magresearch kung sino ba talaga si π π°π©π’π― ππΊππ¦ ππͺπππ’π³.
Sinearch kona ang pangalan niya at unang unang lumabas ang picture niya.
hm π¨πΈπ’π±π° sayang naman toh kung papatayin ko lang.
At tama nga si Jackson anak siya ng may ari ng Emerald Company at mahahalata mong mayaman talaga sila.
ππ’π¬πͺπ΅ π¬π’πΊπ’ π¨πΆπ΄π΅π° πͺπ±π’π±π’π΅π’πΊ π΄π’π¬πͺπ― π―πͺ ππ°π³π₯ π΅π°π©? Siguro may kasalanan tong ginawa hindi naman kasi ipapapatay sakin ni Lord toh kung wala tong kasalanan eh.
Nagsesearch pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa caller si Jackson pala.
"oh jackson napatawag ka?"
"Pwede ka bang pumunta dito sa bahay?"
"gabing-gabi na Jack bukas nalang"
"sige na Jean wala kasi sila mama dito e"
"Hay sige na nga hintayin mo ako maliligo lang ako"
binaba ko na ang tawag at dali-daling naligo. Close talaga kami ni Jackson minsan pumupunta din yun sa bahay namin kahit hindi ko naman siya iniinbitahan. ππΈπ¦π΄πͺπ΅π’.
Pagdating ko sa bahay ni Jackson nakita ko agad na nakahilata siya sa sofa at natutulog.
"Hoy jack gising" inuga uga ko siya para magising "hoy gising tumutulo pa laway mo kadiri ka"
"utot mo wala naman" sabi niya habang pinupunasan ang labi niya.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito ha? gabing-gabi na letse ka" sabi ko habang nakaupo na din sa sofa
"Wala kasi akong pagkain tapos umalis pa sila mama. Kaya Jean na pinaka maganda sa buong mundo please ipagluto mo ako" sabi niya habang nakakapit pa sa braso ko.
Ang kapal din ng mukha nitong lalakeng to eh. Pero sige maganda daw ako eh π©π’π©π’
"Nang-uto kapa pero sige ipagluluto kita hindi din naman ako kumain kanina"
"ay shet jean wala pala akong pagkain dito sa bahay kain nalang tayo sa labas"
"sige tara" tumayo na ako tsaka lumabas sa bahay nila.
sumakay kami sa kotse niya. Oo may kotse siya yaman din tong lalakeng toh eh.
"saan ba tayo kakain?" Tanong ko habang nakatingin sakaniya habang nagdadrive siya.
"Sa Mcdo nalang favorite ko dun eh hehe"
"Mcdo? Ang cheap mo naman"
"Hoy wag kang magreklamo libre na nga kita eh"
"Ang yaman yaman tapos manlilibre sa Mcdo lang? yuck" pangaasar ko pa sakaniya
ang sarap talagang pikunin nito eh
"Basta sa Mcdo tayo."
Wala nakong nagawa at nag take-out nalang kami sa Mcdo at bumalik na sa bahay nila
"oh kamusta na nga pala yung mission mo? naimbistigahan mo na ba ang lalaking yun?"
"Oo sinearch ko ang pangalan niya at infairness ang gwapo niya" sabi ko habang kinikilig-kilig pa
"Hoy mag focus ka sa mission mo at sinasabi ko na sayo mayaman ang taong yun kaya mahirap siyang patayin" seryosong sabi niya
"Jack marami na akong napatay na taong mayayaman kaya easy nalang sakin yung Yohan na yun"
"Siguraduhin mo lang Jean dahil kapag hindi mo nagawa yun tigok ka at ipagdadasal ko nalang yang kaluluwa mo" mapangasar na sabi niya
"AHAHAHAHAHA nakakatawa yun?" sarkastikong tanong ko
"sabi ko nga tatahimik na ako"
_____________________________________________
ππ―π₯ π°π§ ππ©π’π±π΅π¦π³ 01
β»οΈβ₯οΈ