HIS POV.
Ang ganda mo pala kapag nasa malapitan
Kaso torpe nga pala ako at kaibigan nalang
Naging kaibigan nga tayo
At masaya na ako dun
Gusto ko mang sabihin ang totoo
Pero natakot ako baka saktan lang din kita
Iniba ko ang aking atensyon
Sinubukan kalimutan ang nararamdaman ko para sayo
Masakit man isipin na ibang lalaki ang kasama mo
Pero dun ako mapanatag na mamahalin ka nya ng buo
Niligawan ko ang mutya ng section natin
Naisipang paselosin ka
Pero bakit walang tabla?
Ako lang din naman ang nasasaktan
Kaibigan mo lang ba talaga ako?
Pero mas maayos nga yun para d kana masaktan
Tumulong ka pa nga sapag liligaw ko
At dun ko na pagtanto
Wala nga talaga akong pag asa
Kaya parang bumitiw na din ako
Matapos ng ilang araw
Ikay lumapit sakin
Nawala ang sakit nanararamdaman ko
Napalitan ito ng saya
Akala ko may pag asa na talaga
Akala ko sasaya na tayong dalawa
Nung araw na yun nawala ang lahat
Inataki ako ng sakit ko
D ako nag paramdam dahil nag papagaling ako
Natatakot man ako pero para ito sayo
D man lang ako nag paalam
D ko man nasabing mahal kita
Naging matigas ang ulo ko
Umalis ako ng hospital
Para ikay makausap at makita man lang
Ang saya saya ko na nun makikita na muli kita
Malayo ka man sa paningin ko
Pero lubusan akong naging masaya
Sa sobrang saya ko gusto ko ng umiyak
Pero...bakit?
Huli na ba ako?
Ang saya nyong mag kasama
Magkahawak ang kamay
Dun ko naramdaman wala na pala akong babalikan
Una't sapul wala pala talaga
Tinalikuran ko kaya baka dun pa ako manghina sa harap nyo
Sinubukan ko ulit
Nag babakasakali
At sa huling pagkakataon na sabi ko na din
Ang mga katagang nag papalakas saking mabuhay
Mahal kita at d iyon mabubura
Mahal kita pero takot akong maiwan kang mag isa
Malubha na ang sakit ko
Pero sinubukan ko pa ding mag paramdam sayo
Sa huling pag kakataon nasilayan ko ang mga ngiti mo
Baka paalam na nga tu
Mahal kita ikaw lang
Ikaw lang ang sasambitin ko sa huling hininga ko