Naglalakad ako sa tabing dagat,ninanamnam ang simoy ng hangin at nakatanaw sa kalangitan sinisilip ang papalubog na na araw.
May sinag pa ng araw ang tumatama sa mukha ko kaya naman napapapikit ako habang dahan dahan kong nilalakad ang wala kong saplot na paa sa malinis at pinong buhanginan.
Nang dumako ang mga tingin ko sa harap ng nilalakaran ko para sana takasan ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko ay napahinto ako ng mamataan ko ang isang lalaking nakapabulsa at nakatanaw ng deretso sa papalubog ng araw.
Napatingin akong mula sa papalubog ng araw ngunit nanakit talaga ang mata ko pag sinasalubog ko ang nakasungaw pa nitong sinag.
Napatingin muli ako sa lalaking nakatanaw dito.
Di ba sya nasasaktan? O baka sanay na.
Pinagpatuloy ko ang nahinto kong paglalakad ng unti unti ay nawawala na ang masakit na sinag ng araw unti unti na tong tinatakpan ng mga ulap.
Ngunit ganon na lang at paghinto ko ulit ng unti unti ay naglakad sya papunta sa dagat.
Ano ang gusto nyang gawin?
Tulala at parang wala sa sarili tong lalaking ito.Ano ang gagawin nya sa ganyang kalagayan? Gusto nya bang magpakamatay.
Ganon na lang ang pagtakbo ko papalapit sa kinaroroonan nya ng dere-deretso lang ito hanggang sa mag hanggang bewang na nya ang tubig.
"Hey! Hey!" Pag sigaw ko,kinakabahan ako baka anong mangyare sa kanya.Nagsisimula na din dumilim at umaalon na din ng malakas ang dagat,maging ang hangin na lumalamig nya.
Bakit naman biglaan naging ganito ang panahon?
Kanina lang ay ang tirik ng sinag ng araw ngunit ngayon ay biglaan nagiba,lumalamig at mabilis dumilim ang kalangitan.
Napatakbo ako sa dagat ng di nya ako pansinin at tuluyan lang tong naglakad at talagang lumusong na ako hanggang sa hanggang bewang ko ang tubig ng matagpuan papalubog na sya,nasa bandang leeg nya nya ang tubig.
"Hoy! wag kang magpakamatay! Mahal ka ng dyos! Pls Pigilan mo ang sarili mo ayaw kong makasaksi ng magpapakamatay na tao!"
Nakapikit lakas loob kong sigaw.Nang magdilat ako ay nakahinto na sya.Unti unti akong lumapit ngunit nasa tatlong dipa pa ang layo namin ay ramdam ko na ang paglubog ko.
"Oh my god!" Sigaw ko ng mawalan ako ng balance dahil wala na akong matapakan.
Nagulantang ako ng bigla ay may sumapo sakin.
Gulat kong tinitigan ang lalaking may hawak sa bewang ko.Paanong nandito kaagad sya samantalang halos tatlong dipa ang layo namin.
"Ikaw yata ang magpapakamatay miss"
"Uh-m... Na out of balance lang ako,Ano bang ginagawa mo at mag...magpapakamatay ka?" Bigla kong tinanggal ang pagkakapit ko at lumayo sa kanya.Ayoko ng ganitong feeling.Nanginginig ako di ko alam kung dahil pa sa nilalamig ako o dahil sa nagdikit ang mga balat namin.
Lumakad to papuntang dalampasigan.
"Sino ba ang may sabing magpapakamatay ako,hinihintay kong mawalan ng tao para makapagsolo ako,Ngunit nandito ka".
Huminto ako sa pag-ahon tsaka ko nilibot ang paligid ko.Hala wala na ngang tao.
"Paalis na ako kanina,akala ko kase ay magpapakamatay ka kaya ayun"
Nakaahon na sya tsaka pinuloot ang tsinelas,walang tingin tingin ay nilayasan ako ng walanghiyang yun.
"Sya na tinulungan! sya pa maatitude!"
Piniga ko ang laylayan ng damit ko para mawala ang tubig tsaka ako naglakad papuntang resthouse.
"Mikay! Ano ba namang gabi na naligo ka pa!"
"Inay may tinulugan po akong tao kaya basa ako aba'y napakasungit naman".
"Naku! bata ka kukuhanan kita ng pamunas at magayos ka at nandito ang anak ni Don Romano!"
Naligo ako sa bakuran sa host na nandoon para pandilig ng halaman,dahil ayaw ko ng magbanlaw pa sa cr.
Nang iabot sakin ni nanay ang tuwalya ay bilis bilis ko tong pinunas sakin dahil lamig na lamig na ako.
"Bakit po di ko alam na nandito na ang anak ni Don?"
"Aba ay malay ko sayo!Maghapon kang natulog at paggising mo ay sa dalampasigan ka kaagad dumeretso,kanina pa mapananghali nandito ang anak ni Don".
"Ganon po ba inay? Di ko alam kung bat doon agad ako pumunta e,siguro dahil ako talaga ang tagapagligtas ng lalaking magpapakamatay kanina"
"Magpapakamatay?"
"Opo inay! Hays kung siguro wala ako doon ay wala na sya" Malungkot na kwento ko.
"Ay naku at magbihis ka na mamaya ay lalabas na ang anak ni Don"
"Inay gumwapo po ba lalo si Austin?"
"Aba'y oo naman walang kupas at mukhang kumisig at gumwapo talaga sya"
Kinilig naman akong naglakad papunta sa kwarto namin ni Inay.
Matagal na kame dito sa Guesthouse ang totoo ay dito na ako lumaki,katulong ang nanay ko dito at ako naman ay tumutulong kay inay para sa pasasalamat kay Don sa pagpapatira at pagpapaaral sakin.
Si Austin ang first love ko nung bata pa ako,sa katunayan ay nagkagustuhan kame kaso ay nagaral sya sa maynila at madalang lang kung pumunta dito.Alam kong puppy love ang tawag dun dahil sa tagal na sinasabi sakin ni inay na walang malisya ang puppy love lalo na kung matatanda na kame.
Pero sakin ay malaki ang malisya nun,feel ko ay hanggang ngayon ay nahuhulog pa din ako sa tuwing titingnan ko ang batang picture sakin ni Austin.
Alam kong iba na ngayon pero ganon pa din ako.
Lumabas ako ng nakasuot ng floral dress,luma na yun at medyo gusot na dahil sa tagal ko ng ginagamit.
Dumeretso ako sa kusina para tumulong maghain ng hapunan.
"Inay ilalagay ko na ang mga to sa lamesa?"
"Oo anak at magdahan dahan ka dahil baka matapon yan"
"Opo"
Tutok na tutok ako sa sarsa na kaunting galaw na lang ay talaga matatapon kaya naman di ko tinanggal ang pagkafocus ko dun.Dahan dahan ko itong inilapag sa salaming lamesa ng walang hingahan.Nang mapagtagumpayan yun ay sya namang ngiti ko at pagbunga ng hangin.
Ganon na lang ang gulat ko ng may kumaaluskos sa gawin ng ref,pagtingin ko ay ayun na sya at nakatalikod habang papalayo.
"Si Austin na ba yun? Nakita nya ba ako? Bakit di nya ako tinawag?"
Pumunta ako sa gawi ng ref kung saan ko sya huling nakita tsaka sumilip sa sala.
Kausap na nya ang Don ngunit nakatalikod pa din sya sa gawi ko.
"Hays bakit naman di nya ako tinawag? Siguro nya ako kilala,di nya pa alam ang itsura ko,pero wala namang nabago sa itsura ko ah!"
Nagmadali akong pumunta sa kusina tsaka dali daling pinaglalabas ang iba pang putahe,hinihintay kong bumalik si Austin sa kusina ngunit di na sya bumalik pa.
"Doon ka muna sa labas at magsisikainan na sila Don"
"Pwede po ba ako sa kusina inay?"
"At bakit?"
"Gusto kong masilayan si Austin nay,Kanina ay nssa kusina sya ngunit di ko nakita ang itsura nya"
"Malaki ang pinagbago nya anak,di maari sa kusina at baka mapagalitan ako ni Don,alam mo naman yun ayaw na ayaw kang pagtrabahuhin dito ikaw lang amg makulit"
Napasimangot ako dahil panigurado ay di ko na sya makikita pagkatapos ng kainan.
"Hays bakit kase natapat na yung Caldereta pa ang hawak mo at tsaka bakit ba kase punong puno yun?"
Gusto ko sanang sisihin ni inay dahil di ko nakita ang mukha ni Austin ngunit magmumukha lang akong tanga.
"Bukas! Bukas sisiguraduhin kong magkakakilala na tayo ulit!" Panchecheer ko sa sarili ko tsaka ako pumunta ng kubo para magpahangin.