Chereads / The Secret Between Us by typolovesyouu / Chapter 3 - TSBU 02: WHAT?!

Chapter 3 - TSBU 02: WHAT?!

TBSU 02: WHAT?!

"Like, O-M-G! Kaya naman pala nakipagbreak kay Rodulf, dahil mas trip niya ang player sa kabilang school."

"Oo nga sis. Well, mas bagay naman sila non, parehas na manloloko."

"Truth sis!"

Bulungan there, bulungan here. Hindi na nga masasabing bulong dahil halos isigaw na nila ang pinag-uusapan nila.

At walang iba kundi ako nanaman. Sanay na ako, ganyan talaga ang mga taong inggit sa kapwa. Pinag-uusapan ang iba.

Diretso lang akong naglalakad, habang ang lahat ay nakatingin sa'kin at maya-maya't nag bubulungan.

As if I care?

Papunta na ako sa room ko ng isang lalaki ang humarang sa harap ko. 

Tiningala ko siya, habang siya naman ay nakayuko na masama ang tingin sa'kin.

"What?" Walang gana kong tanong.

"Kaya ba nakipaghiwalay ka sa'kin, dahil sa lalaki na 'yon?!" Mataas na boses niyang tanong.

Tumaas ang kilay ko, habang siya ay nanginginig ang panga. 

"Anong pake mo kung pinagpalit kita? Besides, alam mo naman ang tunay na rason kung bakit tayo naghiwalay," walang gana kong sabi bago tinulak siya, "Stop being pavictim sa sarili mong kasalanan".

Muli akong naglakad papalayo sa kanya. Ang mga ibang studyante ay nag-uumpisa na rin magtinginan. 

Like what he wants. Attentions.

"Nang dahil lang sa Mobile Legends? Mygad, Trisha! Ang babaw ng reason mo para makipaghiwalay sakin," frustrated niyang sabi bago hinigpitan ang paghawak sa braso ko.

"Masakit, Rodulf" maigsi kong sabi na tinitiis ang sakit.

"Mas masakit ang ginawa mo sa'kin!" Muli niyang pagtataas ng boses.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi halata.

"Masakit ba? Hindi naman halata," nakataas ang kilay kong sabi, "kahit anong gawin mong padra-drama dito, walang magbabago. Break na tayo, at kahit kailan hindi na ulit magiging tayo." 

Matalas ang tingin ko sa kanya, bago pwersahan na kinuha ang braso ko mula sa pagkahahawak niya.

"Ngayon pa nga lang, nakukuha mo na akong sigawan in public. What if pa kaya kung mag-asawa na tayo 'di ba?" Sabay irap sa kanya.

Hindi ko na siya nilingon ulit. Mabilis akong nag lakad papunta sa room habang ang balita ay mas na una pa sa'kin makarating.

Chismosa. Ang bibilis.

Hindi naman sana 'to mangyayari kung hindi dahil sa lalaking 'yon. After niya akong hilahin sa mall wala nang nangyari sa buhay ko kundi ang sakit sa ulo't mga chismis.

Malay ko ba na siya ang Captain Ball sa paaralan nila. Wala nga akong pake-alam sa basketball player dito sa school namin, sa kanila pa kaya?

Ilang sandali lang ay dumating na si Alessana. Siguradong humanap muna siya nang chismiss kaya nahuli nanaman.

"Grabe ka sis!" Bungad niya sa'kin bago marahan na hinila ang buhok ko, "how to be you po?"

Natatawa niyang tanong. Inirapan ko lang siya bago hinila pabalik ang buhok niya.

"Kung hindi ka ba naman gaga, na magbabakasyon sa gitna ng klase edi sana hindi nangyari 'to," nakasimangot kong sagot sa kanya.

Mabilis siyang na upo sa gilid ko, at nilapit ang mukha niya sa'kin. Pwestuhan ng mga chismosa.

"Kwento mo na. You know, ayaw kong may mamiss sa storya ng buhay mo." At umarte pang kinikilig.

"Sabay ichichismis mo?" Sumimangot ang mukha niya sa tanong ko.

"Ofcourse not! Kailan ba nakalabas ang chismis sa'kin, duh!" Sabay irap niya.

Marahan nalang akong napatawa.

Hindi naman ako magkwekwento sa kanya kung kumakalat ang mga sikteto ko. 

Malaki ang tiwala namin sa isa't-isa, since kinder pa lang kami, ay kami na ang magkasama. 

Kilalang-killa ko na siya, mula sa ingrone pati sa pubic hair niyang madalas na shini-shave.

"Oo na," sabay irap sa kanya pabalik, "ganito kasi 'yon,"

FLASHBACK

Aba't what, what, pa siyang nalalaman. Ninakaw niya ang first kiss ko!

"Wag kang mag-alala, first kiss din naman kita" hambog na sabi niya bago ako tinignan, "tsaka kasalanan mo rin naman, kung hindi ka sana dumaan kung saan may nag-aaway edi sana--"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. "Edi sana ano?" 

"Tsaka, bakit ba kasi kayo dito sa mall nag-aaway. Masyado naman kayong iskandalosa't iskandaloso! Pwede naman kayo sa park, mygad!" Nastress kong sabi bago binitawan ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Maswerte ka na nga do'n, imagine nakahalik ka sa'kin." Mahangin niyang sabi na animo'y siya ang pinaka-pogi sa lahat ng lalaki.

"Alam mo, sana 'yong hinalikan mo nalang ay yung iisipin na swerte sila sa'yo. Masyado kang hambog!" Inis kong sabi bago siya tinalikuran.

May mas malala pa pala sa kahanginan ni Rodulf.

"Oo nga pala, hindi tayo magkakilala." Sabi ko bago siya inirapan at tinalikuran.

"Na sarapan ka naman," rinig ko pang bulong niya.

Sana tinanong niya muna ako kung nasarapan talaga ako, masyado siyang hambog. Bwisit!

Pumunta na ako sa shelves ng mga fiction books, na pansin ko siya na nando'n pa rin sa iniwanan kong pwesto.

Mula sa malayo ay palihim ko siyang tinitigan.

Sa tindig niya halatang player na player ang datingan niya. Hindi rin naman siya gano'n kapogi para mag-iskandalo ang babae na 'yon kanina.

Napahawak ako sa lips ko. Yung first kiss ko, napunta lang sa hambog na lalaking 'yon.

Napa-irap nalang ako sa hangin, bago tinignan ang binabasa ko. 

"Render 2019?" Patanong kong basa sa librong hawak ko.

It's a science fiction book galing sa wattpad. Book cover palang maganda na, mukhang magaling ang writer na 'to.

Kinuha ko ang isang copy, at nagtingin-tingin pa sa iba. Maraming mga sumisikat na batang wattpader ngayon, at habang tumatagal ay gumugulo ang wattpad.

Kaya ayaw ko ng mga bias or whatsoever, masyadong magulo.

Kumuha lang ako ng iilan na libro. Gustong-gusto ko ang mga libro mula sa mga undiscovered at aspiring writers, bukod sa ang gagaling nila. Nag-sstart palang rin sila, kaya mas magandang makita kung paano sila mag-bloom. Unlike to others, na masyado ng cliché ang stories.

"648.25 maam," sabi ng cashier ng maibigay ko na ang mga librong pinamili ko.

"Here," sabay abot ng 1,000.

Ipon ko 'yon mula sa mga tira-tira kong baon. Ewan ko ba't adik na adik ako sa mga libro mas lalo na sa amoy ng mga pahina.

"Salamat," nakangiti kong sabi.

Bago tuluyan na umalis, tinignan ko ang pwesto ng hambog na 'yon.

Wala na siya. Mukhang umalis na.

Nag-umpisa na ako maglakad palabas, nang makita ko siya. 

Kasama ang isang lalaking mapungay ang mata, habang ang buhok niya na mas bumagay sa korte ng ulo niya.

Bakit hindi nalang siya ang humalik sa'kin. Atleast pag sya ang humalik, masasabi ko pang swerte.

END OF FLASHBACK

"You did that? Omygash! Hindi mo ba kilala kung sino 'yong lalaki na 'yon, Trisha?" OA na reaction niya after kong sabihin ang lahat ng nangyari.

"Hindi. Malay ko ba do'n," wala kong pakealam na sagot.

As if I care 'di ba?

"Siya lang naman si Andrius Corde! And. Rius. Cor. De." Tumaas ang kilay ko.

"So?" 

"Siya lang naman ang famous captain ball ng kabilang school, Trisha!" Tili niya.

Ilan sa mga kasama namin sa room ay nagtinginan, ang iba naman ay nag-umpisa magbulungan.

"Wala akong pake kung Captain Ball siya, Alessana. Kahit anong sabihin mo, isa pa rin siyang HAMBOG na kumuha ng first kiss ko. Period."