Chereads / What Alpha Wants / Chapter 1 - Prologue

What Alpha Wants

🇵🇭rocoquille
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

I turned off my camera after shooting some clips. The place gives you the aura of fun without taking away the relax feeling of the scenery. Ang sarap siguro tumira dito, malayo sa polusyon tahimik ang paligid.

"Ms. Milan tumawag po yung driver nung van na maghahatid sa inyo sa airport. Pinapasabi po na mga alas-tres ng hapon po and dating nila" Tinanggal ko ang suot kong shades at hinarap si Angie.

"Ohh okay thank you for informing me and also salamat sa pag-assist sa akin in my stay here. I really enjoy my time dito sa resort. Sayang nga lang last day ko na. " Angie is the staff na naassign na mag-assist sa akin for my whole stay here in Hombre Resort. If ever na babalik ako dito for sure irerequest ko na siya ulit ang mag-assist sa akin. Madaldal siya at maraming kwento, sobrang nakakatuwang kasama hindi ka mabobored and she's very responsible. Residente siya ng isla at hinire ng resort para mag-trabaho.

I'm a vlogger and the resort invited me to have my vacation here. Just like other owners maraming nag-ooffer na bisitahin ko ang mga resort, hotel, café, restaurant or other business nila in exchange for promotion. I don't really accept this kind of offer kasi nahihiya ako. I feel like there offers are too much.

Hombre Resort ask if I can feature there resort in my channel para makapanghikayat pa ng ibang tourista na bisitahin ang kanilang resort dahil bago-bago pa lang ang resort na ito. Hinagupit ng bagyo ang isla ng Camsol at naapektuhan ang mga pinangkakabuhayan ng mga residente. Tinayo ang resort para magkaroon ng trabaho ang mga residente-mula sa mga staff at maging sa mga tour guide ay mga taga-Camsol.

"Ay Ms.Milan walang anuman po. Trabaho ko po yon at masaya po ako na na-enjoy niyo ang pagstay niyo dito sa uulitin po." Angie said while smiling.

Nakuwento nga ni Angie na dati ay sapat lamang pangkain ang kinikita ng kanyang tatay sa pangingisda. The Hombre Resort hired her and from then she was able to help her family. She also mentioned that the resort and other resto would buy directly to the fishermen of Camsol. Malaking tulong daw iyon dahil hindi na kinakailangan pang pumunta ng ibang isla para lang maibenta yung mga nahuli na kung minsan nga daw dati ay lugi pa.

"Naayos niyo na rin po ba yung mga gamit niyo? Kukunin ko na po para madala ko na po sa lobby at makapag check-out na kayo."

"Speaking of gamit hindi pa ako tapos mag-ayos kasi I'm planning to buy souvenirs," may nakita kasi akong souvenir shop and gusto ko bumili ng pasalubong para sa mga kaibigan ko at para may mahaul ako.

"Pwede mo ba akong samahan bumili? I need your advice kung ano magandang bilhin."

"Oo naman po mga anong oras po kayo bibili?" I checked my phone and it's almost eleven o' clock. I only have 4 hours left before dumating yung van.

"I'll just go back to my room and change. See you sa reception area I'll be quick promise," then pick all my things in the table and wear my robe.

"Okay Miss Milan promise din po sasamahan ko kayo"

After I returned to my room I took a quick shower then I started to pack my clothes and my toiletries in my luggage. Baka kasi matagalan kami ni Angie sa pamimili ng souvenirs ayoko naman magmadali at baka may maiwan ako, balak ko rin kasi sa labas ng resort kumain.

"Ohh shit!" Nakalimutan kong icharge yung battery ng DSLR. Nakakainis naman lagi ko na lang nakakalimutan mag-charge, may extra batteries naman kaso pati yon ubos na rin. Sobrang napagod kasi ako kagabi sa event na inorganisa ng resort para sa mga guest. Pag-uwi ko natulog agad ako then nitong umaga naman lumabas agad ako para makapag-swimming pa ako.

I still want to vlog para mas marami akong magawang video. Not to earn money from it but to share my experience here in Hombre Resort. I would love to share my stay here to so that many people will get to see the beauty of the island and its people.

Hinalungkat ko na lang ulit yung luggage ko at nilabas yung isang camera. Kahit na mabigat yung DSLR mas gusto ko yon gamitin pang vlog. Mas nabibigyan ng justice yung view kapag kinukuhaan ko from that camera. Ginagamit ko lang itong isang camera for on-the-go kasi mas maliit but the quality is good as well.

Hinila ko na ulit yung luggage ko pabalik sa may pinto at chinarge yung mga batteries sa may table para pagbalik ko full na ulit, sakto lang sa time.

I just walked from my room to the reception area and saw Angie waving her hand to me.

"Ms. Milan dito po." I waved back and walk towards her but before I came close 3 girls same with Angie's uniform approached her.

"Angie wala ka na bang ginagawa?"

"Oo nga kailangang kasi namin ng tulong doon sa isang room."

"Yung dalawang room kasi aayusin parang dinaanan ng bagyo."

"Hala sasamahan ko si Ms. Milan mamili ng pasalubong. Bakit ano bang nangyari?"napakamot si Angie sa ulo niya.

"Hindi din namin alam inutusan lang kami na ayusin yung kwarto"

"Sinilip ko kanina sobrang gulo kaya naghahanap pa kami ng ibang makakasama ang sabi may nag-away daw at yung isa namang room nakainom naman daw yung guest kaya nagwala."

Napatingin naman sa akin yung isang babae at biglang lumaki ang mata.

"Ay mam nandyan po pala kayo. Magandang umaga po." Bati sa akin ng nung isang babae na halatang nagulat. Nahiya tuloy ako bigla para kasi akong nakikichismis sa kwentuhan nila.

"Good morning too" I smiled to them.

"Sorry po Mam, sige po mauna na po kami. Mamaya na lang Angie pagbalik mo."

"May kailangang ka ba gawin Angie? Sorry nagpasama pa ako sa pamimili kahit hindi mo na ako samahan. It's okay you can go." Baka mapagod pa kasi siya sa pagsama sa akin at pagkatapos ay maglilinis pa siya ng kuwarto balak ko kasi maglakad na lang papunta sa tinutukoy kong store.

Mukhang madami-dami nga ding aayusin dahil tig-iisang cart pa ang dala nila at may mga basket pa na karga yung dalawa. Ano bang nangyari doon? Kapag naman may nagroroom clean sa isa lang ang naglilinis at kung minsan basket lang ang dala.

"Ay nako Ms.Milan wag na po." Binubuhat na ulit nila yung mga basket. "No it's okay kaya ko naman pumunta doon alam ko naman ang daan."

"Hindi po pwede Ms.Milan nakapagpromise na po ako sa inyong sasamahan ko kayo sa pamimili ng souvenirs. Tutulungan ko na lang po sila bitbitin itong mga basket papunta sa room kung okay lang po sa inyo?"

"Yah no problem. Hintayin na lang kita dito mauupo na lang ako doon sa may labas"

"Sige po. Babalik din po ako agad tutulungan ko lang po talaga sila magbitbit"

Umikot-ikot muna ako sa loob ng lobby at tinignan ang mga display bago ko nagpagpasyahang lumabas na. May mga wooden chairs namang nakalagay sa entrance ng lobby para sa mga guest nito na gusto magmunimuni.

Kinuha ko yung camera sa bag at nilagay sa lamesa sa harap ko. I was about turn-on my camera when a group of girls come near me. Shock were all over there faces.

"Miss Milan? Milan the vlogger" excited na sabi nung isang babae na may red na shades

"Seryoso is that you Miss Milan? OMYGOSH! Hi!" another girl with scarf headband said

"Uhm..Hello" I greeted them back. Nagbabaan pa ang iba nilang kasama sa van mga magbabakasyon din siguro sila dito.

"Omygolly si Miss Milan nga. Hi Miss Milan I'm a fan ever since you started your channel. Sobrang ganda niyo po sa personal. I can't believe you're in front of us right now."

"Can I take a picture with you po?" said the little girl with a pink ribbon.

"Ako rin po Miss Milan." Isa-isa na nilang nilabas yung mga phone nila at nagpicture kasama ako. Nagpavideo greet pa nga sila para daw sa isang kaibigan nilang hindi nakasama. Nahihiya pa rin talaga ako and at the same time hindi makapaniwala na may nakakakilala sa akin. Almost 1 year pa lang nung sinimulan ko ang pag-upload ng videos sa channel ko.

"Nagbabakasyon rin po kayo dito ngayon Miss Milan?" umupo na rin sila sa upuan na nakapalibot sa lamesa. Yung mga kasama naman nila na bumaba din ng van ay pumasok na sa loob ng lobby.

"Yah..Actually last day ko na ngayon. Later uuwi na ako."

"Hala sayang naman dapat pala mas inagahan natin para nakasabay ka namin."

"Oo nga sayang pero atleast naabutan ka namin Miss Milan." Tumango-tango naman sila.

"Sayang nga but I'm happy to meet you all and sana maenjoy niyo ang pagstay dito just much how I enjoy my stay here." Nakita ko naman si Angie na palabas ng pinto at hinahanap ko. Tinaas ko yung kamay ko para makuha ang atensyon niya.

"Miss Milan halika na po. Sorry po at medyo natagalan."

"No it's okay kung umalis nga agad tayo for sure hindi ko sila maabutan."

"Sige Miss Milan pasok na kami. Take care po." Nagsipasukan na sila sa loob ng lobby at tumayo na ako.

"Saan niyo po ba balak bumili Mam?Marami po ditong bilihan dipende po sa kung ano ang gusto niyo."

"Doon sa may labasan nakita ko kasi yung store nung minsang itinour mo ako. The one with the rattan bag display."

"Ahh sa Kamril Store po ata tinutukoy niyo. Maganda nga po doon Ms.Milan magaganda yung mga bag na gawa sa rattan pati na rin yung mga t-shirt. Nag-offer rin po sila ng mga meryenda, masarap nga po yung banana que doon."

Habang naglalakad kami ay walang tigil sa pagkwento si Angie tungkol sa Isla ng Camsol. Nakakatuwa siya dahil sobrang dami niyang alam at kakilala bawat taong madadaanan namin ay may bumabati sa amin.

"Halos lahat po dito ay bago lang. Mabuti nga po at dumadami na ang nagbabalak na magtayo ng mga tindahan at kainan dito para naman po mas maraming pagpipilian ang mga guest ng resort."

"Hindi ba kayo nababahala na dumadami na ang nagnenegosyo dito sa isla ng Camsol?" Karamihan kasi ay mas gugustuhing manatili ang mga lugar nila sa kung papaano ito. Many people are afraid to changes for they think it will only cause chaos. Katulad nitong isla ng Camsol nagsisimula ng magkaroon ng iba't bang impustruktura at sigurado sa mga susunod na taon ay madadagdagan ng madadagdagan ito.

"Noong una ay natukan din ka ngunit wala kaming ibang pagpipilian kundi sumugal sa pagtatayo ng Hombre Resort kahit na alam namin na kaabkibat nito ang mga gantong pangyayari pero para sa akin Miss Milan hindi ko na lang iniisip yung ganong mga bagay dahil kung tutuusin ay malaki ang naitulong ng Hombre Resort sa amin.

"Isa pa po ay maayos naman po ang naging usapan tungkol sa mga negosyo sa pagitan ng mga taga Camsol sa may-ari ng resort, may lugar lang po kung hanggang saan pwede magtayo ng negosyo. Doon po sa may tahanan namin ay bawal po magtayo ng mga ganito bilang pagrespeto sa aming taga Camsol. Hayaan niyo po Miss Milan sa susunod na pumunta kayo dito dadalhin ko po kayo sa may amin maganda rin po ang tabing-dagat doon yon nga lang po malayo-layo dahil sa kabilang parte a ng isla."

"Aasahan ko yan Angie and I'm sure that I'll be back and I'll bring my friends for sure they will enjoy." Sa pagdadaldalan namin ni Angie ay hindi na namin napansin na nandito na kami sa Kamril Store.

Kita mula sa labas ang loob ng store. Aakalain mong magkaibang tindahan ang mismong souvenir shop sa kainan.

Pumasok na kami ni Angie sa loob. "Magandang tanghali po binibini at sayo din Angie" bati sa amin ng isang babae.

"Magandang tanghali rin." Bati ko pabalik, sinimulan ko ng mag-ikot sa parte ng mga souvenir.

Pumili na ako ng mga pasalubong ko. I started to get different shirts na tingin ko ay magugustuhan nila kuya at mga kaibigan ko and also suhol na rin dahil hindi ko sila isinama dito. Usual routine kumuha din ako ng ref magnet para sa collection ko then I saw a table with different color of beads. May nakadisplay rin na mga bracevlet na iba-iba ang style.

"Miss Milan gusto niyo po ba niyan. Pwede po kayo magpacustomize ang alam ko po bawat beads po ay may meaning."Lumapit naman yung babaeng bumati sa amin kanina.

"Pwede po kayo bumili ng buo ng bracelet katulad po nito," kinuha niya yung isang bracelet na puro red pero combination ng matte at glossy ang beads. "Pero pwede rin naman pong kayo ang mamili mula sa strap na gagamitin hanggang sa mga beads na ilalagay."

Sinimulan kong pumuli ng beads pagkatapos ay inilagay ko sa wooden na mangkok. Doon mo kasi ilalagay ang mga beads na magkakasama sa bracelet. Balak ko lang sana magpagawa ng dalawang bracelet pero may nakita akong beads na kulay itim sobrang kakaiba nito mula sa ibang beads ngunit kakaunti na lamang ito.

"Ay nako Mam wala na po kaming stock niyang black isinama lang po namin yan. Madalang daw po kasi makakuha niyan sa dagat pero binili na rin po namin sa nagbebenta. Natatanong nga po kami palagi kung mayroong nang nakuhang ganyang beads kaso talagang bibihira lang po makakuha."

"Wala rin po kumukuha niyan kasi po kakaunti na lang po at karaniwa po ang gusto nila ay yung iba't-ibang kulay." Nagdalawang isip ako kung kukunin ko ba yung beads na yon o hindi. Nagandahan lang kasi talaga ako pero I admit hindi ko din siya masusuot dahil mas gusto ko ang mga light colors na accessories.

Ang ending kinuha ko rin yung mga itim na beads at kumuha na lang din ako nung mga puti para kahit papaano ay hindi kapusin.

"Ito na lang tatlo ang kukunin ko," Inabot ko na yung mga wooden na mangkok. Nakita kung nagulat siya nung makita yung huling mangkok. "Why is there a problem?"

"Ay wala po Mam nagulat lang po ako kasi po yung pinili niyo pong puti na beads ay kabaliktaran nung itim na beads."

"Hah? Anong ibig mong sabihin?" Pati si Angie ay naguluhan din "Talagang magkabaliktad naman ang itim at puti Deya. Anong pinagsasabi mo?" Tumatawa tawa pa si Angie

"Ang ibig sabihin kasi nung puting beads ay calmness yung parang tahimik lang. Ganon yung maayos lang peaceful lang yung itim naman kabaliktaran wild, eager ganon naman. Kasi nakuha daw yung mga beads na yon nung sobrang lakas at tindi ng alon nung tubig." Yes it's opposite but I like to call it perfect combo.

"Kung ganon magandang ibigay yan Miss Milan sa taong mainit yung ulo." Natawa naman ako sa sinabi ni Angie. "I'll take your advice Angie." Iniisip ko na tuloy kung sino pagbibigyan ko wala naman kasi akong kakilalang mabilis uminit yung ulo.

"Gagawin ko lang po ito Mam kung gusto niyo po ay maupo muna kayo. Meron din po kaming mga meryenda order na lang po kayo kung nagugutom kayo." Lumakad na kami ni papunta sa kabilang side nung shop doon sa part ng kainan.

"Diba sabi mo masarap banana que dito. Let's order that," iniscan ko yung maliit na menu card nila.

"Ano pong order niyo Miss Milan? Ako na lang po oorder baka makakuha ako ng discount kakilala ko po yung cashier."

"2 Banana que, 2 Kamote que and 2 Mango shake" Tanghalian na rin pala at for sure hindi pa rin kumakain si Angie. Nauna pa yung meryenda kaysa tanghalian. Pinuntahan ko si Angie sa may counter.

"Angie may bibilhin lang ako sa labas babalik rin ako."

Nakakita kasi ako ng kainan malapit sa Kamril bibili lang ako pangtanghalian namin doon na lang kami kakain sa Kamril. Umorder na ako at naglalakad na pabalik sa Kamril. Ingat na ingat pa naman ako sa paghawak at baka mahulog hindi ko na kasi pinaplastik para makabawas sa basura kaya paper bag lang hawak ko.

"Sorry"

"Stupid"

Ang laki- laki nung daanan nabangga pa ako and sinabihan pa ako ng stupid.

"Excuse me who are you pertaining to?" Sinabi ko sa lalaking nakatalikod sa akin

"I'm not pertaining to anyone Miss but if you assume that I'm pertaining to you then It's your fault." Pagkasabi niya ay naglakad na siya paalis, the fudge akala mo kung sino. Lasing ata yon. I smell liquoir in him.

Pagdating ko ay nasa table na namin ni Angie yung mga inorder niya.

"Ano po yan Miss Milan?" Tinaas ko yung dala kong paper bag.

"Tanghalian natin. I just ordered Buttered Shrimp then nag-add lang ako ng rice. Tara kain na tayo." Kukunin ko na yung

"Bye Miss Milan. Mamimiss po kita balik po kayo ulit hah."